Mukhang nagkamali ako ng impression sa kanya. Yes, he may be a gentleman, pero may libog rin pala siya sa katawan. Pero at least, kahit hindi man lang hindi niya natapos ‘yong gusto niyang gawin sa akin sa sinehan, masuwerte pa rin ako kasi nagkaroon ako ng chance na ma-experience ‘yon. Napatunayan ko rin sa sarili ko na hindi porke jologs ako ay wala nang magkakainteres na lalaki sa ‘kin.
Nang lumabas kami sa sinehan ay tila napipi siya sa ‘kin. Marahil ay nahiya siya sa kanyang ginawa. Kaya naman ako na ang nag-umpisang magsalita sa aming dalawa.
“So, ano? Uwian na ba?” nakangiti kong tanong.
Ngumiti rin siya sa ‘kin bago sumagot. “Ikaw? Gusto mo na bang umuwi?” Sa pagkakasabi niyang iyon ay para bang ayaw pa niyang magkahiwalay kami.
“Alas otso pa lang naman, e. Gusto mo bang kumain muna tayo ng dinner?”
“Sure, saang restaurant mo ba gusto?”
“Ah, Danny,” huminto muna akong sandali bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Puwede bang ako naman ang manlibre sa ‘yo? Para naman makabawi ako kahit na papaano. Kanina mo pa kasi ako ginagastusan, e.”
“Okay lang sa ‘kin.”
“Pero hindi rito sa mall, ah? Gusto ko sa labas. Kulang na kasi ang pera ko kung sa restaurant kita ililibre. Kumakain ka naman siguro ng streetfood, ano?”
“Streetfood? Oo naman kumakain ako no’n,” sagot niya, then he smiled again.
Dinala ko siya sa isang karindirya na nasa kabilang highway ng mall. Nakita ko ang excitement sa mukha niya nang inisa-isa niyang tignan ang mga nakahaing pang-ulam doon. Kahit um-order siya ng hanggang five hundred pesos ay hindi ko siya pipigilan. Mas mura naman kasi roon, kaysa sa restaurant na kulang pa ang five hundred mo para sa dalawang ulam.
“O, may napili ka na ba?” tanong ko.
“Gusto ko nitong adobong atay at sinigang na baboy.”
“Iyan lang? Wala ka man lang balak na dagdagan pa?”
“Akala ko ba kulang na ang pera mo?”
“Ano ka ba? Mura lang dito ang pagkain. Thirty pesos lang per serving tapos unlimited rice pa.”
“Talaga?” At naghanap muli siya ng ulam. Pagkuwa’y itinuro niya ang napili. “Ito ang gusto ko, ginisang sitaw at fried tilapia.”
“Wala na ba? Hindi mo na ba dadagdagan?”
“Oo, okay na ‘yon. Ikaw ba? Ano’ng napili mo?”
“Same na rin sa’yo,” sagot ko.
Pagkatapos ay tinawag ko na ang tindera at um-order. “Manang, tig-dalawang order nga po ng adobong atay, sinigang na baboy, ginisang sitaw at fried tilapia, at saka isang litrong coke na rin.
“Okay!” sagot nito.
Nang makaupo kami at hinainan na ng pagkain ay masayang pinagmasdan ko si Dannyhabang kumakain.
Napaisip tuloy ako kung talaga bang nakakain na s’ya roon, since nasabi naman niyang kumakain siya ng streetfood. Iba kasi ang excitement sa mukha niya na para bang bago lang sa kanya ang lahat sa lugar na iyon.
“Danny, matanong lang kita. Sigurado ka bang nakakain ka na sa ganitong lugar? Para kasing… para kasing ngayon ka lang nakapunta rito.”
Huminto siya sa pagkain at tumingin sa ‘kin. “Bakit? Nahalata mo ba?”
“Y-you mean… hindi pa nga?” nautal na hindi makapaniwalang tanong ko.
Bahagyang natawa muna siya bago sumagot, “Oo, nagsinungaling ako sa ‘yo. Ang totoo ay hindi pa talaga ako nakakakain ng streetfoods at lalong-lalo na sa karindirya.”
“Naku! Nakakahiya naman sa ‘yo!”
“Hayan! Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko sinabi sa ‘yo ang katotohanan. Ayoko na mahiya ka sa ‘kin.”
“E, kasi naman—“
“Matagal ko nang gustong kumain dito. Ang totoo nyan ay gusto kong magpasalamat sa ‘yo dahil sa wakas ay na-experience ko na rin na makatikim ng streetfoods. Kung hindi dahil sa ‘yo ay hindi ko malalaman na masarap pala ang mga pagkain dito.”
“Hindi mo ba ako ine-echos?”
“Hindi. Masarap talaga!”
“Sure ka, ah.”
“Oo nga. Ikaw nga ‘tong mukhang ayaw dito kumain, e. Tignan mo nga’t hindi mo pa nagagalaw ‘yang pagkain mo,” sabi niya sabay turo sa pinggan ko.
“Sige na nga. Kumain na nga muna tayo,” sabi ko at itinuon ko na ang atensyon sa pagkain.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa pagkain. Kitang-kita ko sa mukha niya kung gaano siya ka-satisfied sa aming kinain na nakapagbigay-ngiti naman sa mga labi ko.
“Siguro mayaman kayo, ano?” tanong ko.
“Bakit mo naman naitanong ‘yan?”
“E, ngayon ka lang kasi nakakain sa ganitong lugar. Napapaghalataan na mayaman ka.”
“Hindi naman, may kaya lang. Hayaan mo’t ikukuwento ko sa ‘yo ang buhay ko sa susunod. Pag sinabi ko na kasi sa ‘yo ngayon ay baka maubusan na ako ng ikukuwento.”
Bahagyang natawa ako. “Totoo ba ‘to? So, ibig sabihin ba nito ay gusto mo ulit akong makausap next time? Ang babaeng may mukhang ganito?” sabay turo ko sa mukha ko.
“Oo naman. Bakit hindi?” sagot niya.
“Weh? Hindi nga?”
“Hayan ka naman, dina-down mo na naman ang sarili mo na pangit ka at hindi karapat-dapat.”
“Hindi lang talaga ako makapaniwala na kaibigan na kita. Kanina ko pa nga kinukurot ang sarili ko na baka nananaginip lang ako na may kasama akong guwapo.”
Napabuntong-hininga siya.
“You know what, I want to be honest with you.”
“Ano ‘yon?”
“I like you. Kanina nasabi ko sa ‘yo na gusto kitang maging kaibigan, pero higit pa roon ang ibig kong sabihin,” seryoso niyang pagkakasabi at bumilis na naman ang kabog ng dibdib ko.
Doon ko na na-confirm na talagang may gusto nga siya sa ‘kin.
Nautal ako. “J-joke ba ‘yan?”
“Bakit naman magiging joke? Hindi ba puwede na magustuhan kita? You’re a woman. Normal lang na magustuhan ka ng isang lalaki na katulad ko.”
“Okay, pero…hindi ba’t napakabilis naman yata?”
“Oo, pero hindi ba’t gusto mo rin naman ako?” bigla niyang tanong. Hindi ko alam na masyado na palang obvious ang nararamdaman ko para sa kanya.
“N-nahalata mo?”
“Hindi ka naman siguro sasama sa ‘kin sa mall kung hindi mo ‘ko gusto. Ako, niyaya kitang mag-mall kasi gusto kita.”
“S-sandali nga lang…bigla akong nainitan,” namamaypay kong sabi.
Nilagyan ko ng coke ang baso ko at uminom muna. Pagkuwa’y ibinaba ko ‘yon at saka muling nagsalita, “Ganito na ba talaga kabilis magkagustuhan sa panahong ‘to?”
“Bakit? Taga-saang panahon ka ba? Huwag mong sabihin na nag-time travel ka galing sa panahon ni Maria Clara?” biro niya at natawa siya.
“Seryoso ako, Danny.”
“Kung hindi ka pa rin naniniwala, then ibibigay ko na sa ‘yo ang number ko.”
Bigla niyang dinampot ang phone ko na nakapatong sa lamesa at ginamit ‘yong pantawag sa number niya. Nag-ring naman ang phone niya.
“O, hayan. Paki-save na lang ng number ko.”
“Okay,” sambit ko. Ikinalma ko muna ang sarili bago muling nagsalita. “Sige na nga, naniniwala na ako. Gusto mo ‘ko, at gusto rin kita. Gusto natin ang isa’t-isa. So, ano’ng ibig sabihin nito?”
“Boyfriend mo na ako..”
“Ano!?” napatayong bulalas ko. Napatingin tuloy sa ‘kin ang mga tao. “P-pasensya na po!”
Natawa naman sa ‘kin si Danny. “Okay ka lang?”
“Boyfriend kaagad?”
“Bakit pa ba natin patatagalin kung puwede namang maging girlfriend na kita? Huwag mong sabihin na gusto mo na umakyat pa ko ng ligaw sa ‘yo? Wala na tayo sa panahon ni Maria Clara.”
“E, hindi pa naman kasi kita sinasagot.”
“Hindi rin naman kita tinanong, ‘di ba?” pamimilosopo niya. Well, may point nga naman siya. “Pero sige, kung ayaw mo ay madali naman akong—“
“Oo, na! Sige, na! Boyfriend na kita!” bigla kong sagot.
Nagulat ako nang biglang magpalakpakan ang mga tao sa paligid. Sa liit ba naman ng karindiryang ‘yon at sa lakas ng boses namin ay hindi na katakataka na marinig nila ang pinag-uusapan namin.
Tawang-tawa naman si Danny sa ‘kin.
*****