Ilang beses kong tinanong sa sarili ko kung ganito na ba talaga akong kadesperada na magka-boyfriend. Oo, type ko s’ya, but I didn’t expect na gano’n kabilis ang katuparan sa aking mga pangarap.
Mukhang hindi naman ako nabubudol. Chineck ko pa ang mga gamit ko at wala namang nawala. Hindi rin naman s’ya mukhang rapist. Naramdaman ko na he’s a good man, so bakit ko nga ba s’ya tatanggihan?
“So ano? Dito na ba nagtatapos ang first date natin?” tanong niya habang naglalakad kami sa tabing kalsada.
“Date?” ulit ko. “First date na ba natin ‘to?”
“Oo. Ano ba pa bang dapat na itawag natin dito? Ke-pasyal o gala ito, date pa rin ang nangyari ngayon.”
“Sige, sabi mo e,” nag-agree na lang ako.
Maya-maya’y hinawakan niya ng kanang kamay ang kaliwang kamay ko. Magka-holding hands kami habang naglalakad sa tabi ng kalsada. Ewan ko ba, pero kilig na kilig ako sa sandaling iyon. Feeling ko ay nagba-blush na ang pisngi ko at panay pa ang smile ko. Nahihiya rin ako na tumingin sa kanya.
“Hayaan mo, from now on palagi na kitang hahawakan ng ganito,” sabi niya.
“I-ikaw ang bahala,” nautal kong sagot.
Then suddenly, bumuhos ang malakas na ulan. Nagtakbuhan ang mga taong kasalubong namin sa tabing kalsada. Hinigpitan naman ni Danny ang pagkakahawak sa aking kamay at patakbo niya akong dinala patungo sa waiting shed. Basang-basa kaming dalawa ng ulan.
“Paano ako makakauwi nito? Wala akong payong. Doon pa naman sa kabilang kanto ang bus stop,” pag-aalala ko habang nagpupunas ng panyo sa aking katawan.
“Gustuhin man kitang ihatid pauwi, pero nasa parking lot ng mall ang sasakyan ko,” sabi ni Danny.
Then, sumilip siya sa kalangitan. “Sa lakas ng ulan na ‘to, mukhang hindi kaagad ‘to titila.”
“Ano’ng gagawin natin?”
Nang tumingin si Danny sa likuran ay saktong nasa tapat pala kami ng isang motel. Napatingin din ako roon. Pagkatapos ay ibinaling niya ang tingin sa ‘kin at nagkatinginan kami. Tila nabasa ko kaagad kung ano ang nasa iniisip niya sa sandaling iyon.
“Huwag mong sabihing…”
Bigla akong kinabahan. Naisip ko tuloy na baka may balak siyang ituloy iyong nangyari sa sinehan doon sa motel.
“Wala na tayong magagawa kundi mag-check in sa hotel. Magpalipas muna tayo roon ng oras. Magkakasakit tayo kung hihintayin pa natin na tumila ang ulan.”
Napabuntong-hininga na lang ako. Kunsabagay, hindi naman masama na mag-check in kami sa motel. Hindi naman kami siguro magsasama sa iisang kuwarto.
Pumayag na lang ako sa kagustuhan niya.
Nang makapasok kami sa loob ay dumiretso kaagad kami sa reception. Isang lalaki na may katandaan na ang nakausap ni Jeffrey roon.
“Manong, mag-overnight stay po kami until morning,” sabi ni Danny.
“Sir, tamang-tama. May promo po kami ngayon para sa love birds na katulad nyo. Four hundred ninety nine pesos for twelve hours. Ano po sa tingin nyo?”
Love birds? Pigil-tawa na may halong kilig akong kumubli nang marinig ‘yon. Hindi ako makapaniwala na mukha pala kaming love birds sa mata ng receptionist na iyon.
“Gano’n ba? Mura lang naman pala. Sige, ‘yan na lang,” at tumangu-tango siya. “Tig-isa kami ng room, ah?” he added.
“Ay naku, sir!” bulalas ng lalaki. “Sorry, pero isang room na lang ang available ngayon. Marami kasing nag-check in two hours ago. Kung maaga-aga lang kayo, makakakuha pa sana kayo ng dalawang room.”
“Ano!?” biglang sambit ko. Ibinaling ko ang tingin kay Danny. “Teka, Danny. Ano’ng gagawin natin?”
“Sigurado ka bang wala na?”
Biglang tinapik ng lalaki si Danny sa balikat at binigyan siya ng mapaglarong ngiti. “Kayo naman, sir. Isa na lang ho ang kunin n’yong kuwarto. Nagkakahiyaan pa kayo, e obvious naman kung anong ipinunta nyo ritong magkasintahan.”
Umapela naman kaagad ako. “Hoy, Manong! Ang dumi ng utak mo, ah! For your information, nagpunta kami rito para—” hindi ko na naituloy ang sasabihin nang…