Ang dami nang tumatakbo sa isip ko. We headed to the locker room and into the production floor. We were almost late. I tried to focus sa work pero it seems di ako makapag concentrate. Alam kong pansin yun ni Arrianne pero hindi pa din sya nagtanong. Feeling ko anytime ay susulpot si Chezka sa tabi ko. Or maybe makakatanggap nalang ako ng message sa kanya. Telling me what a big asshole I am. Telling me I’m a user. Telling me things that I don’t wanna hear. Di ko alam kung anong isasagot ko just in case mangyari yun. But then again, hanggang kailan ko ko kayang umiwas o magtago? This is not gonna be easy pero pinasok ko ‘to kaya kailangan kong labasan. During my breaks, I tried to be alone. Tiniis ko ang maglakad ng malayo para makapag yosi. Alam kong maari kaming magkita ni Chezka sa Smoking Area kaya hindi ako pumunta dun the whole shift. Hindi din ako sumabay kay Arrianne and I think she knows that I need some time alone. Di na nya ako niyaya na sumabay sa kanya. Malapit nang matapos ang shift ko and so far, wala namang Chezka na nagparamdam.
Gusto kong hilahin ang oras. I barely slept earlier. I need some rest. And so is my mind. End of shift, umalis agad ako nang opisina at nagmamadaling umuwi. I wanna drown myself with beer then go to sleep. Hindi muna ako dumeretso sa bahay, bagkus ay dumaan sa tindahan para bumili ng beer. Saka ko naalala na may natira pa kahapon. Nagiisip ako kung anong kailangan kong bilhin para di na ako lalabas mamaya. Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Si Marian, mukang galing sa school kasi naka uniform pa. Binati nya ako at nginitian ko lang sya. Sinabihan nya ako na magantay lang sa kinatatayuan ko at may ibibigay sya. Nagtaka naman ako. Di ko naman birthday. Saka ang alam ko di naman kami close para bigyan nya nang kung ano. Tumango nalang ako kasi baka naman sabihin nya suplado ako. Binuksan nya ang gate ng bahay nila saka nagmamadaling pumasok. Paglabas ay may dala syang baunan at mukang may lamang ulam. Inabot nya sakin ang baunan at nagpasalamat naman ako. May dala din pala syang kutsara at sunod nya itong iniabot sakin. Nagtaka naman ako.
May kutsara naman ako sa bahay. May free ulam na, may free kutsara pa.
Marian: Tikman mo. Ako ang nagluto nan.
Me: Wow, marunong ka palang magluto. Pwede bang sa bahay nalang? Para may kanin. Hehehe!
Marian: Tikman mo na, sabihin mo sakin kung anong lasa. Ikukuha kita ng rice kung gusto mo.
Me: Samahan mo na nang softdrinks, baka mabulunan ako. Hehehe!
Marian: May bayad na yun softdrinks, di na libre.
Me: Joke lang yun, eto na. Titikman ko na.
Binuksan ko ang baunan at sumimoy ang mabangong amoy ng Beef Kaldereta. Natakam ako sa amoy palang, parang gusto ko na talagang bumili ng kanin sa kanto para kumain. Umupo ako sa bangketa sa tabi ng tindahan. Sumubo ako ng maliit na piraso ng karne na sinamahan ko nang konting sarsa. Hindi ko pa man nalulunok ay napangiti na ako nang malasahan ko ang ulam na bigay ni Marian.
Me: Ang sarap Chef! Ikaw talaga ang nagluto nito?
Marian: Chef ka dyan, oo naman! Masarap ba talaga?
Me: Yes Chef! Ang sarap. Ang creamy nang sarsa. Ang lambot ng beef. Hindi malansa. Tamang tama ang alat. Nilagyan mo ba ito ng cheese?
Marian: Paano mo nalaman?
Me: Ang creamy kasi. Yung pagka creamy nya parang may melted cheese. Di naman pwedeng Nestle Cream kasi di naman putla yun kulay ng sauce.
Natuwa ata sya sa comment ko kaya abot tenga ang ngiti nya.
Marian: Wow, detailed talaga. Hahaha! Tinatanong ko lang naman kung masarap.
Me: Pasensya na ha. Maselan talaga ako sa food pero eto, ang sarap talaga.
Marian: Thank you. Pero wala pa ding libreng softdrinks na kasama yan kahit bolahin mo ako.
Me: Di kita binobola, promise ang sarap nya.
Marian: Sige na, naniniwala na ako.
Me: Akin nalang ba lahat ito? Mukang mapapadami ang kain ko.
Marian: Oo, sayo na yan. Madami yung niluto ko.
Me: Magtatayo ka ba ng karinderya at nagpapa free taste ka?
Marian: Actually, oo. Tutulungan ko si tita sa balak nyang business na karinderya.
Me: Nice, pag nagbukas na yun, sa inyo na ako bibili lagi ng pagkain.
Marian: Talaga lang ha. Sige, pag suki na kita bibigyan kita lagi ng libreng sabaw. Hahaha!
Me: Ayos, tamang tama yun pag lasing ako. Hehehe. Salamat sa ulam ha. Sa uulitin.
Marian: May bayad na yung kasunod.
Nagpaalam na ako at umuwi sa bahay. Nagsaing ako para makakain na bago maginom. Actually, I don’t feel like drinking anymore. Pagkakain ko ay nagyosi ako saka ko naalala na paubos na nga pala. Sobrang excited kong kainin yung ulam ni Marian, nakalimutan ko na bibili nga pala ako ng yosi. Palabas na ako ng bahay, naalala kong naka boxers nga lang pala ako. Makikita na naman ni Marian ang paborito kong outfit at baka tawanan na naman ako. Nagpalit ako at bumalik sa tindahan. Dinala ko na din ang baunan na pinaglagyan ng ulam. Sinigurado kong malinis ito dahil nakakahiya kay Marian. Swerte naman na si Marian pa din ang nakatao sa tindahan. Nakapagbihis na ito. Naka pekpek shorts sya at naka plain White na t-shirt. Fitted ito at bagay sa kanya. Maganda ang hugis ng katawan nya.
Hindi sya sexy, slim lang. Hindi din malaki ang boobs nya. Mas malaki pa ang suso ni Arrianne. Makinis din ang kutis nya at maputi. Halatang alaga sa lotion. Paglapit ko ay nakatingin na sya sakin at nakangiti. Iniabot ko ang baunan at nagpasalamat uli. Sinabi ko kung anong bibilhin ko at saka nagbayad. Parang ayoko pang umalis so I tried to converse.
Me: May free delivery ba yung karinderya nyo?
Marian: Pwede naman, kung sayo lang naman ang pagdadalhan. 10 steps away ka lang naman.
Me: So dapat makuha ko ang cellphone number mo.
Marian: Bakit naman?
Me: Para magtetext nalang ako sayo pag magpapadeliver ako.
Marian: Wow, sineryoso mo naman yung free delivery. Style mo bulok!
Me: Bakit naman?
Marian: Makikipag textmate ka lang kaya kinukuha mo ang number ko.
Me: Hahaha! Obvious ba masyado? For business purposes naman yun.
Marian: Ay di cellphone number ni Tita Mercy ang kunin mo. Hahaha!
Me: Okay na pala. Pupunta na lang ako dito pag bibili. Baka mapagod pa sya paglalakad papunta sa bahay. Hahaha!
Marian: Hahaha! Loko ka.
Me: Pamangkin ka pala ni Aling Mercy?
Marian: Yes, magkapatid sya at ang nanay ko.
Me: Bakit parang nito lang kita nakita dito?
Marian: Ikaw ang nito ko lang nakita. Pagbalik ko galing bakasyon andyan ka na. Wala ka naman dyan nung umalis ako.
Me: Sabagay, ilang bwan palang naman akong nakatira dito.
Marian: Oo nga, matagal na bakante yang bahay na inuupahan mo ngayon. Pina renovate kasi yan nung may ari.
Me: Ganun ba? Kaya pala parang bago.
Marian: Ganun na nga.
Me: Syanga pala, paano mo nalaman ang name ko, di ko naman tandang sinabi ko yun sayo.
Marian: Manghuhula ako. Hahaha. Joke! Ang liit lang nang lugar natin, halos lahat magkakakilala. Feeling mo naman sikat ka.
Me: Hindi, feeling ko stalker ka.
Marian: Ang kapal mo ha. Hoy! Hindi ka artistahin para i-stalk ko. Kilabutan ka nga.
Me: Joke lang yun. Hahaha!
Marian: Hindi sya nakakatawa. Joke!
Me: Ganun? Alam ko naman na pangit ako.
Marian: Nagdrama ka pa, di bagay sayo. Tigilan mo yan.
Me: Hahaha! Sige, matutulog na ako at may pasok pa mamaya.
Marian: Excuses, ang sabihin mo hinahanap ka na ng GF mo.
Me: Sinong GF? Single kaya ako.
Marian: Wala na kayo nun kasama mo kahapon? Wow! Ang bilis mo naman magpalit, may expiry date?
Huli na para bawiin ko ang sinabi ko. Technically tama. Wala akong GF. Pero dahil may follow up question sya, parang mali. Nagpaalam na ako para makapagpahinga. Kailangan kong bumawi ng tulog. Pahakbang na ako palayo nang tawagin nya ako. Nilingon ko sya at may iniabot syang maliit na papel.
Me: Ano ‘to? Discount card?
Marian: Hindi, cellphone number yan ni tita. Hahaha!
Me: Aanhin ko naman ito?
Marian: Joke lang. Cellphone number ko yan. Nakakahiya naman sa future suki namin.
Napangiti ako at nagpasalamat. Lumakad na ako pabalik sa bahay. Bago pumasok sa pinto ay nilingon ko pa sya at nakita kong nakangiti pa sya sakin. Pagpasok ko sa bahay ay para akong teenager na kinikilig. Nakuha ko ang cellphone number ng crush ko.
Kaso wala pa din akong nabiling yosi.
Itutuloy . . .