Kaya nung college, Architecture yung tinapos ko. Naipasa at naituwid ko naman yung board exam. Pero sa totoo lang, fine arts talaga sana yung kukunin ko. Ayaw lang ng parents ko eh. Kaya since bata pa ako nun, wala akong choice kung hindi sumunod sa gusto nila. Ayun nga lang ilang taon ding miserable ang buhay ko. Subukan mong gawin ng limang taon yung isang bagay na wala sa puso mo ewan ko nalang kung hindi ka maging miserable.
Nakapagtrabaho naman ako ng saglit sa company namin pero deep in my heart iba talaga yung calling sa akin ng pagiging isang pintor. Sa sobrang depressed ko noon, bigla nalang ako nagpunta sa mall para maglakad at mag isip. At napadaan ako sa isang art supplies store.
Binili ko lahat ng supplies na sa tingin ko kakailanganin ko para makapag umpisang makapag pinta ulit. From canvas to acryllic pati na rin watercolors binili ko. Dalawang malalaking bag ng art supplies yung bitbit ko pagkalabas ko ng tindahan. Hindi ako mukhang beginner. Sa dami ng dala ko, para akong magbubukas ng isang art exhibit. Literal. Yung iba ngang naiwan kong materials sinabihan ko nalang yung staff na ipadeliver sa condo ko. Ako na kako yung magbabayad ng delivery fee.
Noong nasa kotse nako, iniisip ko naman kung ano yung una kong ipipinta. Anong medium ang gagamitin ko. Watercolor ba o acryllic o charcoal? Bahala na. Basta lahat naman binili ko. Kumpleto. Bahala na si Batman.
I just needed a break. Ipapahinga ko muna yung utak at sarili ko sa buhay na iniwan ko sa Maynila. Baka sa pagpipinta ako makakapag pahinga.
Baguio o Cavite? Cebu ba or Switzerland? Those are the places na unang pumasok sa litong isipan ko na sa tingin ko, makakatulong sa akin para makapag relax.
Then bigla naman tumunog messenger ko. Yung tropa ko pala sa college, na kagaya ko, alagad din ng sining. Arki grad din kagaya ko, may lisensya pero di kagaya ko, supportive ang pamilya. Nagtext inaaya ako na may art exhibit daw bukas baka gusto kong pumunta. Sabi ko naman oo.
Pagkareply ko, diretso uwi nako sa condo. Baka may makita akong magandang inspiration sa exhibit bukas. Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita ng tropa kong yun. Madalas kamustahan lang sa chat. Nakakamiss na yung inuman session namin sa likod ng school after class o kaya para tumambay lang after ng exam. Ahh… good ol’ days.
Then tomorrow came. Nagpunta ako sa location ng exhibit. Kaibigan pala ni college tropa yung organizer. Pinakilala ako. Iginala ko yung mata ko sa artworks na nandoon. And then one artwork caught my attention. I thought bagay siya sa mga bahay na pinapagawa namin, lalo na sa living room. I have to tell one of our interior designer about it.
Tinawag ko yung kaibigan ko para ipatanong kung sino yung nagpinta. Kausap naman niya yung organizer and he told me that the artist’s name was Madaine. Nice name. Babae pala. Tunog maganda…
Sabi ko interesado ako sa artwork at kung pwede kaming magpa commission ng ganung klase ng abstract painting para sa condo units na ipapagawa.
Sabi ng organizer, padating na raw yung Madaine at kausapin ko nalang raw kung anong klase ng painting ang ipapagawa ko kung sakali. I saw some of her works other than the painting that I am interested in.
Ilang minuto pa kaming nag uusap ng biglang may babaeng palakad palapit sa amin. Classy.
Kinamayan at niyakap niya yung organizer and then she shook my hand and smiled with her eyes. Naamoy ko agad ang amoy bagong ligong pabango nito…
Me: D&G light blue…
Madaine: Excuse me?…
Me: I mean your perfume, I presume you’re wearing D&G light blue.
Madaine: Ahhh why, yes. This is the only perfume that I wear with this kind of weather. Either that or Clinique Happy Heart. Ang init kasi.
Then I thought to myself, she’s pretty yet not intimidating. In fact she smile with her eyes while she talks to me. I like her already. I like the way she explained to me the story behind her paintings. Madaldal… but not in a annoying kind of way. I’m enjoying her company already. Classy.
I invited the three of them over lunch that day. Then coffee. Madaine and I exchanged numbers so we can meet with our interior designer about her paintings. This is going to be good…
I went home smiling by myself that day. Hindi ko rin maexplain pero I find her attractive. Madaine is witty, funny and very pretty. I love that she knew exactly what she does and can talk to you about art all day at hindi ka mabobored at all…and she’s pretty hot too. Nice body, slender waist, nice round and firm boobs and perky butt…
To be continued…