Lolo ko ang founder, at alam ko na one day, yung daddy ko at mga kapatid din niya yung magmamana kaya maaga pa na-trained na sila. And now is the time for us third generation in the family to help manage it.
Lahat halos may role sa real estate business namin, even my cousins.
Kaya nung college, Architecture yung tinapos ko. Naipasa at naituwid ko naman yung board exam, pero sa totoo lang, Fine Arts talaga sana yung kukunin ko. Ayaw lang ng parents ko eh.
Kaya since bata pa ako nun, wala akong choice kung hindi sumunod sa gusto nila. Ayun nga lang ilang taon ding miserable ang buhay ko. Subukan mong gawin ng limang taon yung isang bagay na wala sa puso mo, ewan ko nalang kung hindi ka maging miserable.
Nakapagtrabaho naman ako ng saglit sa company namin pero deep in my heart iba talaga yung calling sa akin ng pagiging isang pintor.
Sa sobrang depressed ko noon, bigla nalang ako nagpunta sa mall para maglakad at mag isip. At napadaan ako sa isang art supplies store.
Binili ko lahat ng supplies na sa tingin ko kakailanganin ko para makapag umpisang makapag pinta ulit. From canvas to acryllic pati na rin watercolors binili ko. Dalawang malalaking bag ng art supplies yung bitbit ko pagkalabas ko ng tindahan.
Hindi ako mukhang beginner. Sa dami ng dala ko, para akong magbubukas ng isang art exhibit. Literal.
Yung iba ngang naiwan kong materials sinabihan ko nalang yung staff na ipadeliver sa condo ko. Ako na kako yung magbabayad ng delivery fee.
Noong nasa kotse nako, iniisip ko naman kung ano yung una kong ipipinta. Anong medium ang gagamitin ko. Watercolor ba o acryllic o charcoal? Bahala na. Basta lahat naman binili ko. Kumpleto. Bahala na si Batman!
I just needed a break. Ipapahinga ko muna yung utak at sarili ko sa buhay na iniwan ko sa Maynila. Baka sa pagpipinta ako makakapag pahinga.
Baguio o Cavite? Cebu ba or Switzerland? Those are the places na unang pumasok sa litong isipan ko na sa tingin ko, makakatulong sa akin para makapag relax.
Then bigla naman tumunog yung messenger ko. Yung tropa ko pala sa college, na kagaya ko, alagad din ng sining. Arki grad din kagaya ko, may lisensya pero di kagaya ko, supportive ang pamilya. Nagtext at inaaya ako na may art exhibit daw bukas baka gusto kong pumunta. Sabi ko naman oo.
Pagkareply ko, direts…