The Puppet Master

She is there to clear her head.

It was a painful break-up. A messy one to say the least.

Catching your boyfriend of 10 years play house with another woman is not how anyone would want a surprise birthday bash to be.

The very same guy you thought will be the first and your last.

The person whom you already made plans with for the future.

The man who proposed to you just a month ago and you see already as your husband-to-be even before that.

But such is life.

At ngayon, single na naman si Tina, at 29.

Alone, hurting but definitely not broken.

At least, not yet.

In fact, she sees herself even stronger as soon as she recovers.

“What doesn’t kill you, makes you stronger.” Sabi nya sa sarili as she sipped her beer sa patio ng kanyang nirentahang unit sa isang high-end beach club.

Di lang nya alam kelan pero alam nya darating din yun.

Accomplished person si Tina.

Coming from a prominent family sa south, she had everything anyone could ever wanted.

Pero ayaw nya.

She wanted to make it on her own.

Kaya pagka graduate ng high school, pumunta sya sa Manila para mag-aral.

Gusto nyang lumayo sa kanyang pinanggalingan.

Away from the prying eyes of her parents and away from the gold trappings of her youth.

Of course without the consent of her family who had big plans for her.

She was supposed to be the heir to their family empire, being the only child.

She was supposed to be a politician like her grandparents, dad, uncles, aunts and cousins.

She was supposed to be this and that.

Pero ayaw nga nya lahat yun.

She just wants to be normal like everyone else who were outside her family’s social circle.

So she stayed in a dorm, paid for her tuition by working odd jobs at night and started her own business when she was 3rd year college.

That business grew as the years went by and is now a big company that employs 100 plus people.

She built it with the help of the one guy she trusted the most, and gave up most of her life for.

Kaya masakit sa kanya itong break up nila ni Luis.

He has been Tina’s constant companion, through thick or thin noon.

He is one of the first investors in this company she built from scratch.

He was always the rock Tina leaned upon during stormy days and nights.

He was her partner, in business and in love.

Tapos ngayon, wala na.

All because of a woman who has always been a thorn sa kanya.

Since college days pa lang, Thea had always put herself on the warpath with Tina.

Parang nananadya.

Rival sa class, katunggali sa kahit anong contest na sasalihan nya, pati sa business ngayon.

Thea’s business is in direct competition with Tina’s.

Pero ang pinaka sa lahat, ay ang atensyon para kay Luis.

Thea always had an eye for the guy.

Noong-noon pa.

High school pa lang sila.

Unfortunately for her, umentra si Tina at napusuan ng lalaki.

That hurt her pride.

Matalo na sya sa lahat pero yung kay Luis, di sya papayag.

At gagawin nya ang lahat to make sure she ends up on top of this one.

Both figuratively and literally.

She became a constant itch sa pagsasama nila Tina at nung lalaki.

After much effort, she succeeded.

Pero di pa sya satisfied.

After all of these years na lagi syang second fiddle sa karibal, gusto pa nya itong tapakan kahit nakadapa na ito.

Kaya yung pagsulot sa boyfriend ay simula pa lang ng plano ni Thea.

Tina had her share of wins and losses kay Thea.

She never thought of it as a competiton, though.

Si Thea lang naman ang ganun mag-isip.

Pero yung kay Luis, personalan na talaga.

By her painful self-assessment, buti na rin ito habang maaga pa.

Kesa naman pagkasal na sila at saka pa mangyari ang ganito.

Mas mahirap yun.

So here she was sulking on her own.

Matapos nya maubos ang beer ay naisipan nitong maglakad-lakad naman and have some fresh air.

She changed to her beach outfit, a two-piece bikini na pinatungan nya ng shorts and shirt.

Pumunta sya sa beach area where she found a vacant chair along the shore.

Ninamnam nya ang lamig at simoy ng hangin na galing sa dagat.

Matapos ang isang oras ng pagrerelax at mababa na ang araw ay naisipan nyang lumusong naman sa tubig.

Inalis nya ang kanyang shorts at tshirt.

May K naman si Tina.

With her chinese mestisa looks, slim body, long legs na makinis at maputi, shapely butt at size 34 boobs, sino ba naman ang di ipagyayabang yun.

Off she went to the water to take a dip.

Halos lahat yata ng lalaki sa resort napatingin sa kanya.

Sino ba naman ang hindi sa taglay nyang alindog.

Makalipas ang ilang minuto ng paglalangoy sa dagat ay umahon na sya.

“Enough for the day.” Naisip nya at sinuot na uli ang tshirt at shorts para takpan ang kanyang magandang katawan.

Bumalik na sya sa kanyang rented unit.

She plans to stay there for a week, and this is her 1st day.

Well-deserved break na rin.

Maliban sa break up, matagal na din syang di nakakabakasyon dahil laging busy sa pagpapatakbo ng kanyang business.

So this is a welcome respite.

That evening, may natanggap syang tawag mula sa kanyang finance head.

Patungkol sa notice na pinasabi nya sa dating fiancee na iba-buyout na ng dalaga ang shares nito sa kumpanya.

Para clean break na talaga at wala ng kahit anong matitira pang connection sa kanila.

Sumama ang loob ni Luis.

“We may have broken up pero sana naman maging professional ka rin.” Sabi nito ng minsang nagkausap sila ni Tina.

“I was your first investor and I was the one who helped you build this to what it is now. Kahit yun man lang sana, bigyan mo ng importansya, regardless of what happened to our personal lives.” Dagdag pa nito.

Pero ayaw pumayag ni Tina.

She wants him out of her life completely.

It became a tug of war.

Kahit sabihin mong majority owner ang dalaga, may ibang investors pa syang may say din sa kumpanya.

Luis had the most shares among them, though.

Cash cow ng binata ang kanyang pagiging part-owner sa business.

Kaya di nya ito basta-basta pwedeng bitawan.

Not with the upward trend of the business where their stock value is expected to have a major bump.

“I will not take this sitting down, Tina. I’ll do anything and everything to make sure there will be no buyout.” Banta ng dating boyfriend.

Sabi ng kausap ni Tina, na kanyang financial manager, the other investors were willing to help her cover the buyout sa shares ni Luis.

That is a big development.

She has the support of the board.

“Except for one. Si Rupert. Kay Luis sya alyado.” Sabi ng nasa kabilang linya.

Si Rupert ay kaibigan ni Luis at isa rin sa mga naunang investors.

Marami silang alitan nitong lalaking ito.

Bukod sa mayaman ay mayabang din.

He once offered to buyout all the shares of Tina and the other stockholders pero di sila pumayag.

He did not take that lightly.

Spoiled brat ito at sanay na nakukuha ang lahat ng gusto.

Hanggang ngayon, galit pa din ito kay Tina and he has been doing whatever it takes to get back at her for her rebuke.

Hanggang ngayon, kinukulit nya ang dalaga to sell to him her shares.

To no avail.

Nagiging desperado na si Rupert kaya umalyado kay Luis.

Pero alam mong may pinaplano pang iba ito.

“By hook or by crook, I’ll have that company.” Minsang nasabi ni Rupert.

For now, alam ng dalaga na lamang pa sya, with the news of support ng karamihan sa board.

Dahil dito, masaya na rin sya.

Or at least she tries to be.

“This calls for a celebration.” Wika nya.

Naisip nyang pumunta sa restaurant para kumain na ng dinner.

Umorder sya ng steak at ng wine.

Tapos ay balik na uli sa kanyang unit.

Di naman kasi sya yung party girl type ng tao.

Ever since, di sya kumportable sa mga bars at gimik ng mga barkada nya.

Mas home body syang tao.

Sports pa at exercise.

Pero ang palabas-labas, di nya trip yun.

Binge-watching si Tina ng gabing yun.

Inupakan din ang mga dalang chichirya.

Hanggang sa makatulog na.

Kinabukasan ay maganda ang mood ng dalaga.

Yung kagabi ay pinakamagandang tulog nya nitong huling ilang linggo mula ng mag-split na sila ni Luis.

Wala ng iyak-iyak gaya dati.

Wala ng pasenti-senti.

Nakatulog sya ng mahimbing at nakapahinga ng maayos.

After preparing her usual breakfast of granola and coffee, naisipan ni Tina na mamaysal naman sa resort.

First time nya dito at gusto naman nya malaman kung ano ang mga facilities na meron.

Nagbihis sya ng kanyang exercise attire matapos maligo.

Workout na, namamasyal pa.

“Great!” wika nito.

2 bird with 1 stone.

Nilibot ng dalaga ang buong resort.

Nakita nya na maganda naman pala ang spa, gym at ibang facilities.

Ang lugar din ay ideal for jogs and walks dahil mapuno.

“I’ll be here for a week. Might as well take advantage.” Naisip nya.

Lunch time at sa resto na naman sya kumain.

Mag-isa man, masaya na rin.

Habang kumakain, may naaninag sya sa gilid ng kanyang mata.

Sinilip nya.

There was a man, a bit on the older side kesa sa kanya, all by himself, eating but also staring at her.

Na-obligang mag smile ang dalaga to acknowledge at wag magmukhang bastos.

The guy smiled back.

He raised a glass of water for a long-distance toast.

Pinaunlakan naman ni Tina.

Tapos ay bumalik na sya sa pagkain.

Every once in a while, nagpapasimple syang silipin ang lalaki.

Lagi itong tumitingin sa gawi nya.

Laking gulat na lang nya ng lapitan sya nito after ilang minutes.

“Enjoy your meal.” Sabi nito sa kanya bago umalis.

Natigilan ang dalaga.

He knows a flirt when he sees one and etong lalaking ito, definitely.

Napangiti na lang si Tina sa huli.

Matapos makapag-siesta ay ninais na naman ng dalaga na pumunta sa beach area para dun muna tumambay.

Habang tahimik na nakaupo lang sa beach chair ay may biglang kumausap sa kanya.

“Either may pinagtataguan ka kaya ka andito mag-isa or nag-away kayo ng asawa mo. Alin dun?”

Nagulat si Tina at napatingin.

It’s the guy again.

May drink pang ino-offer sa kanya.

Napangiti ang dalaga.

“Sorry. Wrong on both. Hahaha.” Nakangiting sagot nito.

“Here.” Offer uli ng lalaki ng inumin.

“Jack Cola. Hope you don’t mind.” Dagdag pa nito.

Tinaggap naman ni Tina ang inumin.

“Baka may nilagay ka dito, ha?” pabirong sumbat nito.

“Hahaha! We can order a new one kung may duda ka.” Balik naman ng kumausap sa kanya.

Sumenyas ito sa isang waiter na nasa malapit.

“No it’s ok. Hahaha. I was just kidding.” Sagot ng dalaga.

Pero nakalapit na yung waiter.

“Kuya, witness ka na lang, ha. Pag may nangyari sa aking masama, kasi binigyan ako ni sir ng drink na ito, ha. Hahaha.” Baling ni Tina sa lumapit na nagsisilbi.

“Damay sya! Sya nagdala ng order, e. Hahaha.” Sabat naman ng lalaki.

Napakamot sa ulo nya ang waiter.

Inabutan naman ng tip ng lalaki.

“Thank you, ha.” Sabi nito ng may pakindat para senyasan ang waiter na iwan na sila.

Nagsip na si Tina sa drink.

“Like it?” tanong ng lalaki.

“Not really a drinker pero, oo. Ok sya.” Sagot naman ng dalaga.

“I’m glad you like it.” Wika ng lalaki.

“So, why are you here alone?” tanong nito.

“Wala kang pinagtataguan. Di kayo nag-away ng asawa mo. So, bakit nga?” usisa pa nya.

“Di ba pwedeng magrelax lang mag-isa?” balik ni Tina.

“Hahaha. Sinabi mo, e.” natatawang reaksyon ng lalaki.

“Ikaw? Bakit ka rin andito?” si Tina naman ang nagtanong.

“Namamasyal lang.” sagot ng kausap.

“Tanggal ng stress sa trabaho.” Dagdag nito.

“Marion, by the way.” Pakilala nya.

“Tina.” Pakilala din ng dalaga.

May alinlangan man sa bagong nakilala ay napaamo din sya kahit papaano.

Mukhang mabait naman.

At may something na di nya maipaliwanag.

“So, Marion, bakit di mo kasama ang asawa mo at mga anak? Bakit mag-isa ka lang din?” usisa naman ni Tina.

“Hahaha. Sorry to disappoint you pero wala akong asawa at wala pang anak… well, as far as I know. Hahaha.” Natatawang sagot ni Marion.

Natawa din si Tina.

“Well, it’s nice to meet you Tina. Enjoy the place.” Sabi ng lalaki bago umalis.

“Thanks!” balik ng dalaga.

Natawa rin sa sarili.

Di na sya bago sa nangyari sa kanya ngayon-ngayon lang.

Ilang beses na rin syang basta na lang kinausap or may nakikipagflirt sa kanya.

Kahit alam nilang may boyfriend sya noon, marami pa ring naglalakas-loob.

On hindsight, naisip nya, wala man lang pag-aalma o reaction si Luis pag nalalaman nya ito.

Dedma lang.

Either secured ang dating boyfriend na di gagawa si Tina ng kalokohan o talagang dense lang ito.

“Well, I’ll never get to find out, really. Hahaha.” Natatawang sabi nya sa sarili.

Nang mababa na naman ang araw ay naisipan muli ng dalaga na lumusong sa dagat.

Inalis nito ang tshirt at shorts, tapos ay lumusong na sa tubig.

Sa malayo ay napansin nya si Marion.

Mag-isa lang sa ilalim ng beach umbrella na sa bandang likod ng kanyang nakuhang lugar.

May iniinom at tila nagmumuni-muni.

Pero nahuhuli din nyang napapatingin sa kanya.

At madalas.

Nang umahon si Tina ay sinalubong sya ng waiter.

May dalang juice.

“Mam, pinabibigay po ni sir.” Sabi ng nagbigay sa kanya ng inumin.

Kinuha ng dalaga ang drink.

Tumingin sa gawi ni Marion at tinaas ang basong hawak.

Nagthank you.

Ngumiti lang ang lalaki at tinaas din ang baso nya.

“That’s nice. Hahaha.” Naisip ng babae.

Kinagabihan ay sa unit na nagdinner si Tina.

Wala sya sa mood pumunta sa resto.

Nakapagpahinga muli sya ng maayos buong gabi.

Kinabukasan, naisip nitong magjogging muna bago magbreakfast.

Nagbihis ito sa kanyang leggings at exercise shirt.

Tapos ay nagsimula ng magjogging.

Nakailang ikot na din sya.

May nakakasabay ding ibang guests.

Pagliko nya sa isang set of units may biglang sumigaw sa kanya.

“Keep going! Hahaha.”

Nilingon nya ito.

Si Marion.

Sipping coffee sa veranda ng kanyang unit.

“Good morning!” sigaw pa nito.

Kumaway lang si Tina at ngumiti.

Tapos nagpatuloy na sa kanyang pagtakbo.

Matapos magbreakfast ay naisipan ng dalaga na pumunta sa resto.

Nagke-crave sya ng matamis.

Cake is an option.

Nagkasalubong sila ni Marion.

“O, how was your run?” tanong ng lalaki.

“Ok naman. Naka-4K din ako.” sagot ni Tina.

“That’s good!” balik ni Marion.

“Ok, see you.” Paalam nito.

Napaisip ang dalaga.

“Hmmm… what’s with that guy?”

Kasi kahapon lang nakikipagflirt ito 1 minute then wala na after.

After buying her choice of cake naglakad na pabalik sa kanyang unit si Tina.

Along the way nakita nya si Marion.

Nakatambay sa isang upuan sa ginawang park sa loob ng resort.

Naisip nya na lapitan ito.

“Hi! Alone and in deep thought?” bati ng dalaga.

“Hello.” Bati din ng lalaki.

“Just enjoying the peace and quiet.” Dagdag nito.

Ngayon lang talaga natitigan ng maigi ni Tina si Marion.

Salt and pepper hair, deep set eyes.

May wrinkles na rin na visible.

Di sya fit tingnan.

In fact, medyo on the heavy side, pero di naman mataba talaga.

Dad-bod, ika nga.

Siguro it comes with age na sa tancha ng dalaga ay nasa mga late 40’s na ito.

Pero may amor ito na parang nakaka-hook.

“So, what do you do ba na kinailangan mong magde-stress ng biglaan.” Tanong ni Tina.

“Hahaha! Isa akong computer engineer. Pero di ako taga-Manila.” Sagot ng lalaki.

“Taga-saan ka, then?” usisa ni Tina.

“I live in Singapore. 12 years going na.” tugon ni Marion.

“Oh, so andito ka for vacation.” Sabi ng dalaga.

Sinimulan na nitong kainin ang cake.

“You want?” alok nito.

“No thanks.” Magalang na tanggi naman ng lalaki.

“Yes. Toxic na kasi dun. Kaya change of scenery naman.” dagdag pa nito.

“And how is it so far? Nakakarelax ka nga ba?” usisa muli ni Tina.

“Oo naman. Change of pace and I picked the right place. The view is spectacular.” Ani ng lalaki pero may pagsipat sa kausap na babae ng pasimple.

Napuna naman yun ng dalaga.

Napangiti syang may halong pagsaway.

“How long do you plan to stay?” tanong ni Tina para ibahin ang usapan.

“Been here since last Wednesday. Alis na ako day after tomorrow. Sa Sunday. Direcho na sa airport.” Lahad ng lalaki.

“Oh.” Nagreact ang dalaga.

Nahalata din sya ni Marion pero di na ito pinuna.

“Are you going for a swim again this afternoon?” nagtanong na lang ito.

“Maybe. Bakit? May drink ba uli ako, if ever?” pabirong tanong ng dalaga.

“Pwede naman. Sumubok lang naman ako kahapon. Never imagined you would indulge a 54 year old man. Hahaha.” Sagot ni Marion.

Nagulat si Tina.

“I thought you were just in your 40’s.” wika nito.

“Looks can be deceiving. Pero oo, I’m 54.” Ani ng lalaki.

“Good enough to be your dad. Hahaha.” Napalakas pa ang tawa nito.

Natawa din si Tina.

“So, 54 yet, still single. Pihikan o takot sa commitment? Hahaha.” Hirit ng dalaga.

“Life is too short not to enjoy. Ok na ako ng ganito. Free to do what I want with no one to answer to.” Sagot ng lalaki.

“Ikaw ba? What brought you here?” usisa ni Marion.

“Hay naku! Let’s not ruin a beautiful day by discussing that. Hahaha.” Tugon ng babae.

“Ok. Maybe we can talk about it next time. Pag gusto mo na i-share. I’ll leave you to your cake muna. See you when I see you.” Nagpaalam na ang kausap.

“Ah, ok. See you then. Hahaha.” Nagulat ang dalaga.

May konting panghihinayang din.

Nagsisimula na rin kasing mag-enjoy kausap ni Tina si Marion.

Parang may certain mystique ito na nakakapang-akit.

Kahit pa may edad na.

Kinahapunan, nagpunta nga uli sa beach area ang dalaga.

Nandoon si Marion.

Patingin-tingin lang habang umiinom ng pakonti-konti.

Dahil Biyernes, dumami na ang mga bisita sa resort.

Mga weekend vacationers.

Maraming babae, of all ages and sizes, na naglalaro o nagdidisplay ng mga sarili nila sa tabing dagat.

Naglakas loob si Tina at nilapitan ang lalaki.

“Enjoying the view again? Hahaha.” Bati nito.

Marion calmly looked towards Tina.

Nagsmile.

Tapos nagkibit-balikat.

“Mind if I join you? Wala ng bakante, e.” pakiusap ng dalaga.

“Sure.” Sagot ng lalaki.

“Dumami na pala ang tao. Nakakahiya na magswim.” Wika ni Tina.

“Nah! I think you should still swim. Sayang naman.” sabi ni Marion.

“Later siguro pag kumonti na sila.” Balik ng dalaga.

“Ikaw bahala. Pero the current view will welcome a major upgrade.” Nakangiting hirit ng lalaki habang nakatingin sa kausap.

Napa-kwidaw si Tina.

Pero napangiti din.

“Oh, this guy is good, ha. If he wants to flirt, he can really flirt.” Naisip nito.

“Hahaha. Baka masira nga, e. Hahaha.” Sagot ng dalaga.

“I don’t think so. Baka nga that will be for the better. Medyo masakit na sa mata yung iba. Hahaha.” Banat ni Marion.

Natawa din ang babae.

“Go on. I will look after your stuff.” Hikayat ng lalaki.

Nag-isip muna ang dalaga.

“Ok. Sige.” Wika nito.

Inalis na ni Tina ang kanyang tshirt at hinubad na din ang shorts.

“Ahm favor sana, put them girls in their proper places, please.” Hirit ni Marion na pinatutukuyan ang mga babaeng kanina pa display ng display ng mga sarili nila sa tabing dagat.

Napatingin ng matalim si Tina sa lalaki.

Pero ngumiti din.

“Swabe rin ha. Hahaha.” Naisip ng dalaga.

Naglakad na ito papunta sa dagat.

Ang hitang makinis at maputi, nangingislap sa sinag ng araw.

Ang makembot na pwet nito, agaw-tingin sa kahit sinong andun.

Ang balingkinitang bewang, nakakapang-akit.

At ang mga susong nagyuyugyugan habang naglalakad, nakapanglalaway.

Napalingon ang dalaga sa lalaki ng isa pang beses.

Ngumiti lang ito sa kanya at nagtaas ng basong hawak.

Napailing na lang si Tina at napangiti.

Alam nyang sinusundan sya ng tingin nito.

Nagtampisaw muna sya sa gilid.

Akala mo may photoshoot.

Tapos ay lumusong na ito sa tubig.

Lumublub at naglangoy ng sandali bago umahon na rin agad.

Parang commercial model ng alak na naglalakad ang dalaga pabalik.

Lalong nakakapang-akit na basa ang kanyang katawan.

Sinipat naman sya ng lalaki.

Sumilip sa ibabaw ng shades na suot.

Pero sandali lang.

“Alam mo, kung gusto mo lang pala mabasa ng tubig-dagat, sana kumuha ka na lang ng timba at binuhos sa sarili mo. Hahaha.” Banat ni Marion ng makalapit na si Tina.

“You’re in a beach, why not enjoy it.” Dagdag pa nito.

“Baka kasi maasar ka na ginawa kitang tagabantay na lang ng mga gamit ko, e. Hahaha.” Witty answer naman ng babae.

“I don’t mind. Besides, at least di na eyesore nung andun ka.” Balik ni Marion.

“Uhum…” kwidaw ni Tina.

Tumawa lang ang lalaki.

“Well, since you’re already back, maybe I can go and explore the resort some more. May mga lugar pa na di ko nakikita. Sayang naman at aalis na ako sa Sunday. You can stay here if you want. ” Biglang nagpaalam na ito.

“Besides, you may not want to be seen with an old man. Baka maturn-off mga iba dyan na naghihintay ng tamang timing to approach you. Hahaha.” Bulong pa nito bago naglakad na palayo.

Di maipaliwanag ni Tina ang naramdaman.

There’s really something with this guy na may epekto sa kanya.

Nanatili muna sa tabing dagat si Tina hanggang sa bumaba na ang araw.

Bumalik na ito sa kanyang unit at nagshower.

Tapos ay nagbihis at pupunta sa resto para magdinner.

Nagulat sya or should we say natuwa sya at andun si Marion.

Parang may nag-uudyok sa kanya.

Pinagbigyan nya ang kanyang instincts.

“Care if I join you?” tanong ng dalaga.

“I don’t mind, if you won’t. Hahaha.” Sagot ng lalaki.

Dumating na ang waiter at kinuha an mga order nila.

May kasamang wine.

“I just broke up with my boyfriend of 11 years.” Biglang lahad ni Tina.

“Kaya ako andito.” Dugtong nito.

“Thanks for sharing. Hahaha.” Sagot ng lalaki.

Nagulat sa biglang pag-amin ng babae na walang pag-uudyok.

“Now that’s out of the way, maybe we can talk about more pleasant things, ok lang ba?” wika ni Marion.

Napangiti ang dalaga.

“Oo naman.” sagot nito.

Naging masaya ang kanilang kuwentuhan.

Marion was a real gentleman all throughout.

Na-appreciate naman ni Tina.

Pero alam din nya na kanina pa sya minamata ng kasama.

“Do you really go to other places to flirt with women?” prangkang tanong ng dalaga.

“Hahaha. Flirt is such a strong and negative word, my dear.” Sagot ni Marion.

“Pero hindi. I pick my spots. Choose my battles, so to speak.” Dagdag pa nito.

“Battles you can win?” usisa ng babae.

“Ah… why does it have to be about winners and losers. Di ba pwedeng winners pareho?” balik ng lalaki.

Di man nya aminin ay nahuhumaling na unti-unti si Tina.

Yung pagkamisteryoso nito.

Ang pakikipagflirt nito pero iiwanan syang bitin.

Ang pagiging gentleman nito pero alam mo rin na may tinatagong kalokohan.

At ang nakakagulat, di ito sumusunggab kahit nakaamba na ang pain.

Palay na nga ang lumapit sa manok, ayaw pang tukuain.

And to further prove that point…

“I guess that was a good dinner. Thank you for joining me. Made the meal more enjoyable.” Sabi ni Marion.

“If you don’t mind, balik na muna sana ako sa unit ko. Start packing na rin.” Dagdag nito bago tumayo.

“Oh, by the way, have some more wine if you want. Charge it to my account. No worries.” Pahabol nito.

“Ako na rin pala ang bahala sa bill. My way of saying thank you for being nice to an old man. Hahaha.” Dugtong pa nya bago umalis na ng tuluyan.

Napangiti si Tina.

Nanghinayang muli at umalis na ang kausap pero nag-aalangan din.

Pero may nararamdaman na sya.

Pagbalik sa unit nya, agad itong nagbihis.

“Oh shit!” napahiyaw ito.

Tama nga ang hinala nya.

For some reason, namasa sya.

Napaupo ang dalaga sa kama.

Napaisip.

Pilit inaalam ang sikreto ni Marion at pati sya ay napapaamo.

“Ah, I’m just in a vulnerable state kaya ganun.” Pagsasa-isang tabi nito sa biglang naramdaman.

Kinabukasan, nagjogging muli ang dalaga.

Napadaan muli sa unit ni Marion.

Di nya alam kung bakit pero may humahatak sa kanya papunta doon.

As expected, andun ang matanda at umiinom ng kape nya.

“Coffee?” sigaw nito ng makita ang babae.

Napaisip si Tina.

“Why not. Patapos na din naman ako.” sagot nito.

Nagulat din ng ma-realize ang sinabi.

Pero lumapit na din sya.

Ikinuha naman sya ng kape ni Marion.

“So, all set to leave tomorrow?” tanong ng dalaga.

“Almost. Konti na lang ang isasaksak sa maleta. Hahaha.” Sagot ng lalaki.

“Anong plans mo for today?” usisa ni Tina.

Naging curious sa mga gagawin ng kausap.

“Wala naman. Sauna after this, then siguro one last look at the beach in the afternoon.” Ani ni Marion.

Ngumiti lang ang dalaga.

“Sana andun ka uli later para naman yung last day ko sa beach maging maganda ang makita ko.” hirit pa ng lalaki.

“Hahaha. Are you flirting with me again? You’ve been flirting with me since we’ve met.” Banat ni Tina.

Di na napigilan ang sarili.

Kinikilig din ng palihim.

“You call it flirting, I call it conversation. Hahaha.” Sagot ni Marion.

“Ok. Sinabi mo, e. Hahaha.” Natawa ang dalaga.

Nagkatinginan ang dalawa.

Pero naunang bumitaw si Tina.

Nailang ito.

“I guess I better go. Thank you for the coffee.” Paalam bigla ng dalaga.

“No problem.” Balik naman ng lalaki.

Nagmamadaling umalis si Tina.

“What was I thinking?” nainis ito sa sarili.

Pero pagbalik nya sa kanyang unit ay para din itong nagsisi.

Di nya alam kung bakit.

Para maliwanagan at makalimot ay pumunta muna sa beach area ang dalaga.

Ngunit mapaglaro ang tadhana.

Andun si Marion.