The Revengeful Heiress (Erotica) 0-5

Author’s note: Hello. Many of you are asking if I write. And yes, novel writing po ang isa sa mga works ko these days. And I am exploring myself to erotica genre kaya ipo-post ko po rito ang first five chapters ng ginagawa ko. Kung babasahin niyo, thank you. Kung hindi, okay lang din.

PROLOGUE

“Itatakas na kita rito, Celine habang wala pa si Marco. Halika, aalalayan kita.”

Seryoso akong tumingin kay Leon habang nakaupo ako sa kama at yakap-yakap ko ang aking mga binti. Kanina pa ako umiiyak pagkatapos akong pagmalupitan ng ina ni Marco. Sa mga nakalipas na araw, palagi nalang ako ang napagbubuntunan nito tuwing galit siya kaya kitang-kita ang mga sugat at pasa na natatamo ko tuwing sasaktan ako nito.

Halos isang taon na rin akong nanatili sa kanilang poder at magmula noon, walang araw na hindi ako nakakaranas na pagsalitaan ng masasakit na salita at tratuhin na para bang isang alila na kailangang sumunod sa mga utos nila.

Hindi naman ako nakaranas ng ganito sa mga magulang ko. Kahit gaano kayaman ang pamilya namin, hindi naman ganito ang pakikitungo nila sa ibang tao. Nanggaling din ako sa isang mayamang pamilya. Kung tutuusin ay mas mayaman pa sa pamilya Madrigal. Mas malaki rin ang mansiyon na mayroon kami. Mas maraming katulong. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nakakaranas na mapagbuhatan ng kamay ng aking mga magulang.

Muli kong iniangat ang aking tingin sa nag-iisang tao na may lakas ng loob na tumulong sa akin. Si Leon Dela Luna.

Matagal ko nang pinag-iisipan ang tungkol sa sinabi niya sa kaniyang plano na iligtas ako. Noong nakaraang linggo ay binanggit niya sa akin ang tungkol sa event na pupuntahan ng mga Madrigal sa kabilang bayan. Aalis ang buong pamilya sa mansiyon at ang tanging matitira lamang ay ang guwardiya at ang ilang katulong sa bahay na kagaya ko, nakakaranas din ng pagmamalupit sa pamilya Madrigal. Ang pamilyang ito ang pinaka-kinikilala ng mga tao sa bayang ito. Sila ang batas. Sila ang maaaring maghusga. Sa kanila lang naniniwala ang mga mamamayan sa kabila ng kasamaan ng pag-uugali ng bawat miyembro ng pamilya nito.

Walang puwedeng sumagot, umapila, at higit sa lahat, walang puwedeng bumastos sa kanila. Matagal ko ring natanggap sa aking sarili na matatagalan ako bago makaalis sa impyernong ito. Alam kong hindi magiging madali. Kaya noong lumapit si Leon sa akin para tulungan ako, hindi ko naiwasang magdalawang isip.

Sunod-sunod na pumasok sina Mara at Amy sa aking silid kasama ang guwardiya na si Mang Nestor. Bakas sa mga hitsura nito ang awa sa akin.

“Sige na, Ma’am Celine. Mabuti pa kung sumama nalang kayo kay Sir Leon para makalaya na kayo sa bahay na ito,” ani Amy.

Mabilis kong pinunasan ang aking mga luha at tumayo sa kama. Mabilis akong nagtungo sa dalawang kasambahay na naging kakampi ko na rin at karamay sa loob ng isang taon dito sa mansiyon.

“Kapag umalis ako, paano kayo? Siguradong sa inyo ibubunton ni Don Franco at Doa Helena ang galit nila.”

Lumapit ang guwardiya at humarap sa akin.

“Huwag po kayong mag-alala, Ma’am Celine. Ako na po ang bahala sa kanila. Gagawa nalang kami ng kuwento kung paano ka nakatakas nang hindi namin napapansin. Okay lang kami. Ang mahalaga ay makaalis na kayo rito.”

Bumaling ako kay Leon.

“Masisiguro mo bang magiging ligtas sila kapag umalis ako?” tanong ko na ang tinutukoy ay ang mga kasambahay at guwardiya.

Tumango si Leon.

“Huwag kang mag-alala, Celine. Kapag nakaranas pa sila ng hindi magandang trato sa mga Madrigal, ako na mismo ang kukuha sa kanila. Sa akin sila magta-trabaho.”

Malaki ang naging papel ni Leon sa buhay ko. Malaki ang naitulong niya para mapanatili kong maayos ang sarili ko habang nandito ako sa bahay na ito. Sa loob ng ilang buwan, siya ang nagsilbing liwanag sa madilim kong mundo.

Malaki ang nagawa kong pagkakamali dahil sa pagmamahal ko sa isang lalaki. Naniwala ako sa kaniyang mga pangako. At ang pinakamasakit sa lahat, dahil sa pagmamahal ko sa lalaking iyon ay nasira ang mga pangarap ko na binuo ko para sa aking sarili. At ngayong may pagkakataon na ako para umalis sa lugar na ito. Gagawin ko ang lahat para maibalik sa maayos na takbo ang buhay ko.

Mabilis akong kumilos. Nagpalit ako ng damit at kumuha ng malaking jacket na magsisilbing pangkubli ko para hindi ako makita ng mga tao habang sakay ng kotse palabas sa bayan ng Paso De Blas.

Bago ako umalis ay yumakap muna ako kina Amy at Mara. Hiningi ko rin ang numero ng telepono nito nang sa gayon ay matawagan ko sila kapag nakaalis na ako sa bayan na iyon.

“Mag-iingat kayo. Mang Nestor, kayo na po ang bahala sa kanila. Siguraduhin niyo pong magiging ligtas sila.”

Muli akong humarap sa dalawang babae.

“Kukunin ko kayo. Babalikan ko kayo. Hmm?”

Muli silang yumakap sa akin.

“Mag-iingat po kayo ni Sir Leon, Ma’am Celine. Tandaan po ninyo na lahat ng mga taga-Paso De Blas ay bayani ang tingin sa mga Madrigal. Kilala ka nila bilang dating asawa ni Sir Marco. Kapag may nakakita sa’yo sigurado akong ire-report ka agad ng mga iyon sa mga tauhan ni Don Franco.”

“Maraming salamat sa paalala mo, Mara.”

Nang matapos kaming magpaalam sa isa’t-isa ay mabilis ang naging kilos namin ni Leon. Sumakay agad kami sa kaniyang kotse at mabilis niyang pinaandar ito.

Normal ang pagkakaroon ng mga checkpoint sa bayan. Iyon ang pinakadahilan kung bakit ako kinakabahan. Pero nang malagpasan namin iyon, nakahinga ako agad nang maluwag.

“Hanggang sa port lang kita maihahatid, Celine. Buksan mo ang box. Nariyan ang ticket ng barko na binili ko para sa’yo at ang perang magagamit mo para makabalik ka sa pamilya mo.”

Napatitig ako sa isang bundle ng pera nasa kahon.

“Masyadong marami ang pera na ito, Leon. Hindi ko kailangan ang iba rito.”

Kumuha lang ako ng limang libo sa naka-bundle na pera. Pagkatapos ay ibinalik ko ang perang natitira sa kahon. Kinuha ko na rin ang cellphone na roon.

“Nariyan ang number ko. Kapag nasiguro mong ligtas ka na, tawagan mo ako.”

Marahan akong tumango sa kaniya. Habang nagmamaneho siya ay saka ko inabot ang isa niyang kamay dahilan para mapalingon siya sa akin. Isang matamis na ngiti ang binigay ko sa kaniya. Gumanti rin siya nang ngiti at marahang pinisil ang kamay ko.

Nang makarating kami sa checkpoint ay kinailangan kong magsuot ng facemask.

“Umarte ka na maysakit. Bubuksan ko na ang bintana.”

Labis ang kabog ng aking dibdib. Pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko sa labis na kaba.

“Sir Dela Luna. Saan ho kayo? At sino ho itong kasama niyo?”

“Ah, Sir, isa ho sa mga katulong namin sa bahay. May sakit ho at nais nitong umuwi ng karatig probinsiya para makasama ang kaniyang pamilya,” dinig kong paliwanag ni Leon sa police na naka-assign sa check-point.

“Puwede ho bang alisin ang facemask? Para lang sana makumpirma namin ang identity ng kasama niyo.”

“Naku, Sir. May nakakahawang sakit ho kasi itong kasambahay namin. Mahirap na at baka kayo ho ay mahawa. Ako nga rin ho, kagagaling ko lang sa trangkaso.”

Narinig ko ang mabilisang pag-atras ng pulis sa bintana ng sasakyan ni Leon.

“Sige, Sir. Ingat ho. Ilayo niyo na ho iyang babaeng iyan dito, baka siya pa ang dahilan para magkahawaan ng mga sakit ang mga tao rito sa bayan ng Paso De Blas.”

Hindi ko maiwasang mapasimangot nang marinig ang tinuran nito. Masama talaga ang ugali ng mga tao rito. Kung paano talaga umaakto ang pinuno, ganoon din ang mga taga-sunod nito.

Nang makalagpas kami sa check-point ay nakahinga ako nang maluwag. Malayo pa ang biniyahe namin ni Leon para makarating sa portna bumabiyahe mula sa lalawigang ito patungo sa karatig probinsiya kung saan ako lumaki.

Nang makababa ako ng sasakyan, agad na lumapit sa akin si Leon. Hinawakan niya ang mga kamay ko.

“Mag-iingat ka, Celine.”

Tumango ako sa sinabi niya.

“Sana magkita ulit tayong dalawa.”

Ngumiti ako.

“Sisiguraduhin kong mangyayari iyon.”

Naglakad na ako patungo sa pila ng mga taong naglalakad papasok ng barko. Ngunit nakakailang hakbang palang ako nang may bigla akong maalala. Muli akong humarap sa kaniya.

“Hindi Celine Altamonte ang tunay kong pangalan.”

Kumunot ang kaniyang noo, halatang naguguluhan siya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Ako si Atasha Revamonte. Ang anak ng pinakamayamang negosyanteng nakatira sa Cebu. Ako ang kanilang nawawalang anak. Babalik ako, Leon. Babalikan ko silang lahat na nang-api, nanakit, at sumira sa buhay ko. Sisiguraduhin kong babagsak sila sa kung saan sila nararapat. Gaganti ako at sisiguruhin kong magmamakaawa sila sa akin. Kukunin ko ang lahat sa kanila.”

Nang maramdaman ko ang pagbagsak ng luha sa aking pisngi at marahas ko itong pinunasan gamit ang palad ko bago tumalikod muli at dire-diretsong naglakad palayo kay Leon Dela Luna.

CHAPTER 1

“Atasha, saan ka pupunta? Bakit mayroon kang mga nakaimpakeng gamit ka rito?” naguguluhang tanong ng kaibigan kong si Isabelle nang makita niya ang mga gamit ko na inilagay sa isang malaking duffel bag pagkapasok palang niya sa silid ko.

Wala naman akong balak na ipakita sa kaniya iyon. Wala rin akong balak na sabihin sa kaniya ang plano kong pag-alis dito sa amin.

“May plano kang umalis? Akala ko ba biro mo lang iyong sinabi mo sa akin?”

I once told her about my plan. I want to leave our mansion for one stupid reason. At iyon ay walang iba kundi gusto kong maging isang strong independent woman na hindi umaasa sa pera ng kaniyang mga magulang. I’m nineteen. Malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Sa totoo lang, alam ko namang dapat ang pag-aaral ko ang inaasikaso ko. Pero heto ako, nagnanais umalis sa isang magandang bahay at magandang lugar kung saan narito na ang lahat.

“I still want to leave. Kahit ilang buwan lang. Susubukan ko kung kaya ko. Kung hindi naman, edi babalik ako.”

Inirapan niya ako saka umupo sa dulong bahagi ng aking kama.

“Gaga, paano ang pag-aaral mo? Alam na ba ito ng mga magulang mo? Naku, sigurado ako kapag sinabi mo ito kay Tita Klare, hindi ka noon papayagan.”

“Bakit? Sino ba nagsabing magsasabi ako kapag aalis na ako?”

“What?! You’re saying na lalayas ka nang hindi nagsasabi?”

“Duh, of course! May lalayas bang nagpapaalam?”

Tumayo ito sa harapan ko at ipinag-krus ang kaniyang braso sa harapan ng kaniyang dibdib.

“Nababaliw ka na talaga. Alam mo, bahala ka sa buhay mo. Maraming naiinggit sa’yo sa school natin. Ang yaman-yaman mo. Kung tutuusin, puwede mo namang hilingin nalang sa pamilya mo na bilihan ka nila ng sarili mong condo unit hindi ba? Pero ayan ka, nagnanais na umalis para matikman ang kalayaan.”

“Isabelle, I need this. Alam mo naman kung paano ako i-baby ng mga magulang ko. For Pete’s sake, I’m nineteen, pero ang trato pa rin ng mga ito sa akin parang bata na kailangan nilang ingatan.”

“Well, that’s because they love you and care for you.”

“Mahal ko rin naman sila. Pero may mga plano rin ako para sa sarili ko, Isabelle. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga normal na teenager. Ang uminom, ang maranasang malasing, ang mag-party. I want to be alive. Yung totoong buhay. Hindi iyong parang nakakulong lang ako rito. Ayokong dito nalang ako habang-buhay. At higit sa lahat, usto ko ring makahanap ng lalaking mamahalin ko at magmamahal din sa akin.”

Humugot ng malalim na hininga si Isabelle at umupo sa aking tabi.

“Hindi ko alam kung ano pang kailangan kong sabihin para lang mapigilan kita. Pero mukhang wala naman akong magagawa. Kahit ano naman yatang sabihin ko ay hindi na mababago ang isip mo. Kaya nga nag-impake ka na eh. Dahil desidido ka na.”

Ngumiti ako sa kaniya.

“Sandali lang ako. Hindi naman matagal ang ilang buwan, hindi ba?”

“Sigurado ka bang ilang buwan ka lang sa pupuntahan mo?”

Nakangiti akong tumango.

May plano na ako sa isipan ko. Matagal ko nang pinag-isipan kung saan ako pupunta. Kung sa tutuusin ay hindi naman malayo. Doon lang sa karatig probinsiya kung saan hindi ganoon karami ang tao at kung saan ako makakaranas ng katahimikan sa buhay.

I grew up being known by so many people. Bata pa lamang ako ay sinasanay na ako ng mga magulang ko na humarap sa mga ito. May it normal people or politicians or business people. Palaging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na balang araw ay ako ang magmamana ng lahat ng mayroon sila dahil ako lang naman ang nag-iisa nilang anak. I’ve asked for a baby sister or brother when I was still a kid, pero hindi naman nila binigyan. Pareho kasi silang abala sa trabaho.

“What if huwag ka nalang tumuloy?” nag-aalalang wika ni Isabelle habang nakahawak siya sa braso ko.

Nasa pier na kami ngayon. Siya ang naghatid sa akin. Katulad niya, kinakabahan din ako. Pero hindi iyon ang pipigil sa akin para umalis. I’ve come this far, might as well continue what I’ve started. Mahirap takasan ang mga guwardiya sa mansion pero nagawa ko sa tulong ni Isabelle.

“Ako ang magiging accountable kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo.”

Ngumiti ako sa kaniya.

“Don’t worry, nag-iwan ako ng sulat para sa mga magulang ko. They would never know na ikaw ang tumulong sa akin.”

Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa akin na bahagya kong ikinatawa.

“Come on, Isabelle. Babalik din naman ako. I’m adult now and so are you. Mas mabuti na itong sinusubukan nating maging independent. Dahil kapag bumalik na ako, sigurado akong hindi na ako pakakawalan nina Mom at Dad.”

Bago ako tuluyang magtungo sa pila ng mga pasahero sa ferry na sasakyan ko ay yumakap muna ako sa kaniya.

“Iingatan mo ang sarili mo ah. At tatawagan mo ako. Kung kinakailangang oras-oras ay tumawag ka, gawin mo.”

Tumawa ako nang mahina saka tinapik ang kaniyang likuran.

Nang makapasok na ako sa barko ay agad akong nagtungo sa itaas na bahagi nito kung saan tanaw ko ang dagat at ang maliliit na alon na nagpapagalaw sa barko.

Habang nakahawak ako sa railings nito ay napansin ko ang isang lalaking naglalakad palapit sa akin at huminto sa tabi ko. Hindi siya direktang nakatingin sa akin. May suot siyang earphones at may hawak na paper cup na sigurado akong kape ang laman.

Nang magtama ang aming paningin ay tipid siyang ngumiti sa akin. Ilang minuto siyang tumitig sa mga bangkang dumaan sa gilid ng barko bago niya inalis ang kaniyang suot na earphone sa kaliwang tainga. Lumingon siya sa akin at pinag-aralang mabuti ang aking mukha.

“Pupunta ka ng Santa Victoria?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang lalawigan na pupuntahan ko.

“Oo, doon ako papunta.”

Uminom siya ng kape saka marahang tumango.

“Doon ka mag-aaral?”

Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam kung anong sasalubong sa akin doon. Kaya hindi ko pa masabi kung mag-aaral nga ako doon. Lalo na ang plano ko ay tatlong buwan lang akong mananatili.

“Bakit, ikaw ba? Doon ka nag-aaral?”

Kung pagmamasdan ko nang maigi ang mukha nito, masasabi kong ka-level nito nang hitsura ang mga lalaking pinakilala sa akin ng magulang ko noon. Guwapo. Malinis sa sarili, at higit sa lahat ay mabango. Mukha rin itong mayaman dahil sa uri ng damit na suot nito. Mukha kasing mamahalin.

“Oo. Kaya nga ako uuwi doon dahil tapos na ang bakasyon ko sa siyudad. Isang buwan pa akong mananatili sa lugar na ito para sa bakasyon. Hindi naman dapat ako uuwi kung hindi lang ako pinilit ng Mommy ko. I should’ve spent the remaining one month in the city instead of going home.”

Tipid akong tumango. Naramdaman ko ang inis sa boses niya. Wala naman akong masabi kaya tumahimik nalang ako, habang ang binata ay panay ang tingin sa akin.

“You look familiar,” aniya kaya naman bigla akong kinabahan.

Pasimple akong yumuko at nagpanggap na hindi ko narinig ang sinabi niya.

Of course, I would be familiar. Ilang beses ba naman akong lumabas sa iba’t-ibang uri ng magazines as per my mother’s request at sumasama rin ako sa mga gatherings kaya paminsan-minsang lumalabas ang larawan ko sa mga local tabloids sa siyudad.

“I bet you’re just on a vacation. Anyway, nice to meet you. I’m Helion Dela Luna. And you?”

Napakurap ako nang marinig ang sinabi niya. Kumabog din nang ubod nang lakas ang aking dibdib. Dapat ko bang ipakilala ang sarili ko gamit ang totoo kong pangalan?

Matagal din akong napatitig sa kaniyang kamay saka ko iyon inabot.

“Celine… Celine Altamonte ang pangalan ko.”

Pagkatapos kong banggitin ang pekeng pangalan na inimbento ko lamang ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang kamay. Nakatitig pa rin sa akin ang lalaking nagpakilalang Helion. His name is quite odd. Bihira lang akong makarinig ng ganoong pangalan.

“Nice name,” aniya saka ngumiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kaniya.

“Ah, sige. Balik na ako sa puwesto ko,” pagpapa-alam ko at tinuro kung saan ko iniwan ang mga gamit ko.

Tipid lang siyang tumango kaya nagdesisyon na akong maglakad palayo sa kaniya.

Konti lang ang sakay ng ferry. Marahil ay dahil gabi na kaya konti nalang ang mga pasahero. Umupo ako sandali para tingnang mabuti ang mga gamit ko. Konti lang naman ang dala ko. Plano ko sanang damihan pero hindi naman pumayag si Isabelle dahil mahihirapan lang daw ako na magbitbit. Kaya heto, isang malaking duffel bag at isang backpack lang ang dala ko. Kailangan kong siguraduhin kung walang mawawala sa gamit ko kaya naman noong makaramdam akong sumasakit na ang puson ko dahil naiihi ako, tumayo ako at mabilis na binitbit ang mga gamit ko patungo sa comfort room sa dulong bahagi ng barko.

Wala ring gaanong tao sa area na iyon dahil madilim sa bandang iyon. Habang naglalakad ako ay tinatangay ng hangin ang aking buhok. Paminsan-minsan din akong gumegewang sa paglalakad kapag bahagyang tumatagilid ang barko dahil sa alon.

Nang makarating ako sa tapat ng banyo ay agad akong nakarinig ng mahihinang pag-ungol sa loob nito. Halos nanindig pa ang aking balahibo sa katawan dahil noong una, akala ko ay multo ito. Ngunit nang pinakinggan kong mabuti, doon na ako nagsimulang mag-panic. Dinig ko kasi ang boses ng babae na umuungol na wari ba’y nasasaktan ito.

Agad kong pinihit ang pinto ng CR at dali-dali itong binuksan. Napansin kong may tatlong maliliit na cubicle roon. Sa pinakadulo ko narinig ang ungol ng babae kaya naman doon ako dumiretso. Nagmumura pa nang mahina ang babae habang pabilis nang pabilis ang ungol nito. Malakas ang tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Gusto ko sanang hayaan nalang ito pero naisip ko naman, paano kung may krimen na nagaganap sa loob? Mas mabuti nang alam ko hindi ba? Baka sakaling makatulong ako kung sakali.

Pagdating ko sa tapat nito ay mabilis kong itinulak ang pinto. Agad kong naitakip ang aking kamay sa aking dalawang mata nang makita ang ginagawa ng mga ito.

“What the f*ck?” sigaw ng lalaki.

“Oh my gosh, she saw us!” nagpa-panic namang sambit ng babae rito.

Parehong walang suot na damit ang dalawa. Hubad ang mga ito habang ginagawa ang bagay na dapat mag-asawa lang ang gumagawa. Nang i-angat ko ang paningin sa bandang gilid, ay doon ko nakita ang mga damit nila na nakasampay.

“Oh my gosh, Bryan. Bilisan mo na magbihis.”

“Epal, amputek! Hindi pa nga ako nilalabasan eh.” saad ng lalaki habang masama ang tingin nito sa akin.

It was my first time to see two people doing it. Kahit naman mga liberated ang mga kaibigan ko, hindi sila yung tipong dadal’hin ako sa ganoong gawain. Lalo na si Isabelle. She wants what’s the best for me kaya kahit alam kong may nangyayari sa kanila ng boyfriend niyang si Nikko, hindi siya nagkukuwento sa akin. Dahil ayon sa kaniya, ayaw niyang marumihan ang inosente kong isipan.

Dahil sa pinaghalong kaba at panginginig ng katawan, mabilis akong nag-sorry at dali-daling lumabas ng CR. Kaso, agad din akong napahinto nang makita kong masasalubong ko ang lalaking kausap ko kanina. Si Helion!

Nakakunot ang kaniyang noon ang makita ako.

“May problema ka ba? Bakit balisa ka?”

Alanganin akong ngumiti sa kaniya.

“Mag-c CR ka ba? Huwag ka munang pumasok. May…”

Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang huminto ako sa pagsasalita. Paano ko ba naman kasi ipaliliwanag ang nakita ko? Paano ko sasabihing may nagtatalik na dalawang tao sa loob ng CR?

“Leon!”

Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang boses ng lalaki.

“Oh, Bry! Kanina pa kita hinahanap, nandiyan ka lang pala.”

Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Kilala niyo ang isa’t-isa?”

Naguguluhan siyang tumango.

Kumabog ang dibdib ko nang makitang naglalakad palapit sa akin ang lalaking tinawag nitong Bryan.

“Kilala mo ba itong si Miss? Gosh, bro! I thought safe na kami ni Maureen sa area na iyon. For the first time, may nakasaksi sa—”

“Ginagawa niyong kalokohan?” Si Helion na ang tumapos ng sasabihin niya.

“Gano’n ka ba ka-atat sa pakikipag-sex? Sana man lang hinintay mo nalang na makarating tayo ng Paso De Blas.”

“Paso De Blas?” tanong ko sa kanilang dalawa dahilan para maibaling nila ang kanilang atensiyon sa akin.

“Yes, Paso De Blas, our town in Santa Victoria,” nakataas ang kilay na sagot ni Bryan.

Lumapit ang babae kina Helion at Bryan.

“Come on, guys. Let’s go back to our seats. Baka magka-pulmonya ako sa lamig sa area na ito,” maarteng sambit ng babae.

Inakbayan ito agad ni Bryan, bago sila umalis sa kinaroroonan namin. Yumuko naman ako agad dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Helion na nakatitig ngayon sa akin.

“You must be shocked.”

I lightly nodded.

“It’s my first time to see something like that.”

Helion sighed.

“Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ng mga kaibigan ko.”

“No, it’s okay. Ako nga dapat ang mag-sorry dahil ako yung nakaabala sa kanila.”

Helion chuckled.

“What you did is right. Isa pa, hindi naman lugar ang CR para sa sex eh. You did what you think is right, Celine. That’s a good job.”

Matagal akong napatitig sa binatang nakatingin sa akin. Alam kong guwapo siya sa paningin ko, pero mas lalo siyang gumuguwapo kapag nakangiti. He looks like the teenage version of Leonardo De Caprio.

“Thank you for commending me,” sabi ko saka nagpaalam na ulit sa kaniya na babalik na ako sa upuan ko.

Hindi ko na naituloy ang pag-ihi ko dahil pakiramdam ko ay umurong na ito.

CHAPTER 2

Panay ang tingin sa akin ni Helion. Iyon ang napapansin ko sa kaniya kapag napapatingin ako sa lugar kung saan siya nakapuwesto. Malakas ang pakiramdam ko na gusto niya akong kausapin pero nagpipigil lang siya.

Ilang oras ang lumipas, dumaong na rin ang barkong sinasakyan namin. Nakasunod lang ako sa mga taong naunang bumaba. Ilang beses akong lumingon sa aking likuran para tingnan kung nasaan si Helion pero hindi ko na ito muling nakita pa.

Santa Victoria is one of the best provinces that I know. Ang probinsiyang iyon ay nahahati ng anim na bayan at isa na sa mga ito ang Paso De Blas.

Nang tuluyan akong makababa ng barko, agad kong natanaw ang mga nakapila na bus sa hindi kalayuan. May mga barker sa paligid na nagtatawag ng mga pasahero. Kasabay ng aking paglalakad ay nag-iisip din ako kung saan ba ako pupunta. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa ako nakakapag-desisyon tungkol sa bagay na ‘yon, gawa nang na-occupy ng nangyari sa barko ang isipan ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka- get over sa nakita ko sa CR. At pakiramdam ko ay nanatili sa isipan ko ang ungol ng babaeng kasintahan ng kaibigan ni Helion na si Bryan.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip ang mga kaibigan ko kung ganoon din ba sila kapag nakikipagtalik sila sa kanilang mga nobyo.

“Paso De Blas! Sinong papuntang bayan ng Paso De Blas diyan?”

Napalingon ako sa barker ng bus nang marinig ang sinisigaw nito. Paulit-ulit siya sa kaniyang sinasabi. Sa lakas ng boses nito, karamihan sa napapadaan sa gawi ng lalaki ay napapatakip ng kanilang tainga.

Dahan-dahan akong lumapit sa barker at alanganing ngumiti.

“Ikaw ineng? Paso De Blas ka ba?”

Isang marahang tango ang isinagot ko sa tanong nito.

“Sige, sakay ka na roon,” sambit nito saka tinuro ang nakabukas na pinto ng bus.

Hindi airconditioned ang bus. Bukas ang bintana nito, kaya pumapasok ang hangin mula sa labas. At kahit medyo malayo na kami sa dagat ay amoy ko pa rin ang amoy ng alat ng tubig.

Pag-akyat ko, saka ko lang napansin na sa bandang dulo lang may tao.

“Kailangan munang mapuno ang bus o kahit kalahati bago tayo umalis.”

Napalingon ako sa driver na nakaupo kaharap ng manibela.

“Taga-rito ka ba sa Santa Victoria?”

Sasagot na sana ako nang bigla kong maalala ang sinabi ni Isabelle sa akin.

“Huwag na huwag mong ipapaalam sa iba na dayo ka sa probinsiyang iyan. Mahirap na at baka kung ano ang mangyari sa’yo.”

Tumango ako sa driver.

“Saan ka sa Paso De Blas?” tanong pa nito.

“Sa Lola ko po. Doon po kasi siya nakatira.”

Matagal na tumitig sa akin ang driver bago ito tumango. Alam kong hindi ito naniniwala sa sinabi ko kaya naman nagmadali na ako sa paglalakad. Sa bandang dulo sana ako pupuwesto, pero nasa kalagitnaan palang ako ay agad akong napahinto nang marinig ang mahinang ungol ng lalaki at babae.

Halos kasing-pareho lang iyon ng ungol na narinig ko sa CR sa barko.

Muli akong lumingon sa driver. Marahil kaya hindi nito naririnig ang ungol ay dahil nakasuot na ito ng earphones.

“Babe, may pasahero.”

Nag-angat nang tingin ang lalaki at babae sa akin. Nang magtama ang aming mga mata ay agad akong napaiwas nang tingin. Pero hindi nakatakas sa aking mga mata ang kanilang posisyon. Nakaupo sa upuan ang lalaki habang naka-kandong naman sa kaniya ang babae. Sapo ng dalawang kamay ng lalaki ang dibdib nito habang patuloy pa rin sa paggalaw ang babae na nakaupo sa harapan niya. Walang suot na pang-itaas ang babae, kaya kita ko kung paano lamasin ng binata ang dibdib nang babae.

“Hayaan mo siya, babe. Ayaw mo ba noon? Mas may thrill kapag may nanunuod sa atin?” dinig kong sabi ng lalaki, habang hinahalik-halikan ang leeg ng babae. Nang magtama ang tingin namin ng binata ay kumindat pa ito.

Dahil kinabahan ako, agad akong tumalikod sa mga ito. Umupo na lamang ako sa pinakamalapit na upuan at inilapag ang gamit ko sa gilid bakanteng espasyo.

Patuloy pa rin ang ginagawa ng mga ito. Sarap na sarap pa nga sa pag-ungol ang babae habang dinig ko ang hingal ng lalaki.

“Yes, babe. Ibaon mo pa, babe. Ang sarap.”

Ipinikit ko ang mga mata ko at isinandal na lamang ang ulo ko sa headrest. Mabilis kong binuksan ang bag ko at hinanap doon ang aking earphones. Pero malas! Dahil hindi ko ito nakita. Mukhang nakalimutan ko ang earphones ko na ilagay sa backpack ko.

Wala rin yata akong choice kundi makinig nalang sa ginagawa ng dalawang iyon. It was weird for them to do it in a public transpo. Sa bus pa talaga. Balewala rin sa mga ito kung may makakita sa kanila. Ganoon na ba sila kahayok sa sex?

“Lakasan mo pa ang ungol mo babe? Gusto ko naririnig niya tayo,” sambit ng lalaki sa babae.

Gusto ko sanang lingunin ito. Pero hindi ko na ginawa. Ako ba ang tinutukoy niya?

“Sigurado akong naiinggit siya sa’yo ngayon, babe.”

Gusto kong matawa. Ako? Maiinggit sa kanila? Excuse me? Hinding-hindi ‘no! I’m a city girl, marami rin akong guwapong friends at manliligaw pero hindi naman ako na-attract sa mga ito. Kung tutuusin ay puwedeng-puwede ko naman talagang gayahin sina Isabelle sa mga kalokohan nila, ako lang yung may ayaw.

Isa pa, bakit naman ako maiinggit?

Mas lalong lumakas ang ungol ng babae. Naririnig ko na rin ang tunog ng nagsasalpukan nilang mga ari kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na itakip ang mga palad ko sa aking tainga.

Tatayo na sana ako para magreklamo, pero paglingon ko, nakita kong nagbibihis na ang mga ito.

“Ano, miss? Nasarapan ka rin ba?” nakangising tanong sa akin ng lalaki.

Kalma, Atasha! Hindi ka pumunta ng Santa Victoria para makipag-away.

Imbes na sumagot ay hindi na ako umimik. Inirapan ko nalang ang lalaki nang sa gayon ay alam niyang hindi ako natuwa sa ginawa nila.

“Mukhang virgin pa yata, babe. Hindi marunong um-appreciate sa art of sex.”

Napangiwi ako nang marinig ang tinuran ng babae. Mabuti nalang talaga ay sunod-sunod ang naging pagdating ng mga pasahero. Ilang sandali lang ay nangalahati na ito kaya nagbigay na ng signal ang driver na aalis na ang bus. Kinuha ko ang phone ko para i-search kung gaano katagal ang biyahe mula port hanggang Paso De Blas, ngunit mahina ang internet sa area kaya ang ending ay natulog nalang ako.

Hindi ako pagod, kaya maya’t-maya akong nagigising sa biyahe. Hawak ko ang phone ko at ka-text ko si Isabelle. Tawang-tawa ang lukaret nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa akin.

Halatang excited na excited din ito na malaman ang reaksiyon ko. Bahagyang gumaan ang loob ko dahil tinupad niya ang pangako niyang magiging in-touch siya sa akin.

“Malapit na tayo sa babaan ng mga pasahero.”

Kinuha ko agad ang bag ko at isinabit ang strap niyon sa balikat ko. Maliwanag ang bayan ng Paso De Blas. Napakaraming ilaw sa paligid at maraming mga establishments gaya ng hospital, convenience store, at mga supermarket na hanggang ngayon ay bukas pa rin.

Pagbaba namin sa bus ay agad akong luminga-linga sa paligid. Kailangan ko munang maghanap ng hotel na matutuluyan habang madilim pa. Bukas nalang siguro ako maghahanap ng bahay na matutuluyan kapag maliwanag na. Panigurado namang marami akong oras para bukas.

Ilang minuto akong palinga-linga sa paligid nang makita ko ang isang sasakyan na palapit sa kinaroroonan ko. Napaatras ako nang makitang bumaba mula roon ang isang lalaki na sa tantiya ko ay nasa 5’9 ang tangkad. Guwapo ito, malinis tingnan, at higit sa lahat, nakakaakit ang mga ngiti nito.

Napakurap-kurap ako nang huminto sa tapat ko ang lalaki.

“B-bakit? May kailangan ka sa akin?”

Hindi ko rin maipaliwanag kung bakit ako kinakabahan. Baka kasi modus lang pala ang ganito at plano ako nitong holdapin lalo na at mag-isa lang ako sa kinaroroonan ko ngayon.

“Ah, sorry. Napansin ko kasi kanina noong lumabas ako ng convenience store na parang may hinahanap ka. Baka puwede kitang tulungan.”

Nakagat ko ang aking ibabang labi at tipid na umiling.

“Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko,” pagsisinungaling ko rito.

Hindi siya kumibo. Nanatili lang siya sa pagkakatitig sa akin.

“Sigurado ka? Mukhang kailangan mo ng tulong. Hindi naman ako masamang tao.”

Inilabas pa niya ang kaniyang wallet at ipinakita ang kaniyang ID.

Kunot-noo ko itong binasa.

“Marco D. Madrigal?” naging patanong pa ang naging paraan ng pagkakabasa ko.

“Yep, that’s me. I’m the son of the Mayor of this town. Kaya makakaasa kang safe ka kapag ako ang kasama mo. First time mo ba rito sa Paso De Blas.”

Umiling ako.

“Hindi. Nakapunta na rin ako rito dati.”

“You’re lying,” agad niyang sambit.

“Ha? Hindi ah! Bakit naman ako magsisinungaling?”

“I can feel it. Saka kilala ko halos lahat ng mga tao rito sa Paso. And I am sure na kailanman ay hindi pa kita nakikita.”

Kumunot ang noo ko.

“What I mean is, maganda ka. Your beauty stands out. Wala pa akong nakikitang kasing ganda mo rito sa buong Paso De Blas.”

Hindi ko alam kung binobola lang ako ng lalaking ito, pero dahil sa sinabi niya ay napangiti ako.

“Oh, ngumiti ka. I saw it.”

Sinadya kong pakunutin ang noo ko para kunwari ay naiinis ako pero hindi naman maalis ang ngiti sa labi ko dahil patuloy pa rin siya sa pang-aasar.

“Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya pagkalipas ng ilang minuto.

“Ay, sorry. Naiwan ko kasi yung pangalan ko sa bahay namin.”

Mas lalong lumawak ang ngisi sa kaniyang mga labi.

“Bakit? Saan ba yung bahay niyo? Handa akong puntahan kahit gaano kalayo para lang malaman ko ang pangalan mo.”

Hindi ko na naiwasang matawa sa pagkakataong iyon. Halatang sanay na sanay na siya sa ganoong uri ng usapan ah? But then, I don’t want to let him know my real identity that is why I will stick to the name that I used earlier in the ferry.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniyang harapan.

“Celine Altamonte. That’s my name.”

Malugod niyang tinanggap ang kamay ko. He smiled cockily while he lightly bowed to give the back of my hand a kiss.

“Halatang sanay na sanay ka nang gawin iyan ah. I’m sure, ganyan ka rin magpakilala sa ibang babae.”

“Of course not!” agap nito.

“Hindi naman ako basta-basta nakikipag-usap sa mga babae.”

Ngumisi ako.

“Eh ano pala itong ginagawa mo?”

Napakamot ito ng batok saka tumingin muli sa akin.

“I told you, you’re different. Isa pa, I just want to help you. Ano bang maitutulong ko sa’yo?”

“Okay, para matigil ka na, tulungan mo akong maghanap ng matutuluyan.”

“Matutuluyan? You mean, hotel?”

Tumango ako.

“That would be a problem. Walang hotel dito sa Paso De Blas. Pero mayroong mga boarding house at apartment na puwedeng tuluyan.”

Agad akong umiling.

“Hindi naman ako magtatagal. Bukas aalis din ako sa area na ito para maghanap ng ibang matutuluyan.”

Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya.

“Aalis ka? Do you want me to give you a ride for tomorrow?”

Mabilis akong umiling.

“Naku, hindi na.”

Hindi naman siya nagpumilit. Hindi na ako tumanggi nang tulungan niya ako sa paghahanap ng apartment na tatanggap sa akin kahit isang gabi lang ako na tutuloy.

Madali kaming nakahanap ng matutuluyan ko sa tulong niya. Mukhang kilalang-kilala rin siya ng mga tao rito. Natutuwa ako sa kaniya sa paraan ng kaniyang pakikitungo sa iba. Lagi siyang nakangiti kaya hindi ko maiwasan ang mahawa.

“Oh, paano ba ‘yan. Dito ka na. Aling Ester, ingatan niyo po itong si Celine.”

Ngumiti ang matanda kay Marco.

“Siyempre naman hijo. Halika na hija, dadalhin na kita sa silid mo.”

Ngumiti ako kay Marco at ilang beses nagpasalamat sa kaniya. Nauna nang umalis ang matanda. Marahil ay para mabigyan kami ni Marco ng privacy kahit sandali.

“See you when I see you, Celine. It’s actually nice to meet a beautiful woman like you.”

Humakbang ako palapit sa kaniya. Huminto ako sa tapat niya at tinitigan siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

“Thank you, Marco.”

Pagkasabi ko niyon ay tumingkayad ako para mahalikan siya sa pisngi. Mukhang ikinagulat niya ang ginawa ko dahil ilang segundo siyang hindi gumalaw.

“You’re welcome,” aniya nang matauhan.

Muli akong ngumiti sa binata bago ako tuluyang tumalikod para sumunod sa landlady ng apartment.

CHAPTER 3

Pinagmasdan ko sa bintana ang sasakyan ni Marco habang papalayo ito. Kahit ilang minuto na ang lumipas magmula nang umalis siya, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang paraan n…