Dahil wala akong kakilala sa lugar na tinitirahan ko, bandang hapon ay nagdesisyon akong magtungo sa bahay nina Ate Aira para bumisita sa kaniya. Hindi naman malayo ang bahay nila. Puwede itong lakarin mula sa apartment na tinutuluyan ko o kung tinatamad ka ay puwede ring mag-tricycle. Mayroon namang paradahan sa kanto malapit sa apartment. Pero dahil gusto ko ring maglakad-lakad, iyon ang ginawa ko para kahit paano ay ma-exercise ko naman ang aking mga paa at binti.
Wala rin kasi akong ginagawa sa apartment kapag wala si Marco. Inaabala ko nalang ang sarili ko palagi sa pagbabasa ng mga pocketbooks o hindi kaya sa panunuod ng TV. Kapag naman tumatawag si Isabelle para magkuwento, ang pinakamatagal na naming pag-uusap ay umaabot lang ng tatlumpung minuto. Hindi katulad ng dati na ilang oras kaming magka-telebabad.
Ito rin ang unang beses na pupunta ako sa bahay ng taga-rito sa Paso. Masarap sa pakiramdam na isiping may isang taga-local na gusto akong maging kaibigan.
Nang makarating ako sa labas ng kanilang gate, tumawag ako mula sa labas. Dali-dali namang may dumungaw na batang babae sa pinto. Bumalik ito sandali sa loob, pagkalabas nito, kasama na nito si Aira.
Nakangiti akong kumaway sa kaniya. Ganoon din naman ang ginawa niya. Mukhang tuwang-tuwa siya na bumisita ako. Pagbukas niya ng gate ay hinila niya agad ako papasok.
Maganda ang kanilang bakuran. Ang harapan nito ay napapalibutan ng mga halaman. Ang dinaraanan namin ay batuhan at ang lupa sa magkabilang gilid ay natatabunan ng bermuda grass. Sa bandang likurang ng kanilang bahay ay puro puno ng niyog ang tanim at sa hindi kalayuan ay matatanaw na ang dagat.
“Mabuti naman at napabisita ka. Akala ko hindi mo na ico-consider ang imbitasyon ko sa kaniya.”
Inanyayahan niya akong pumasok sa loob.
“Wala rin naman akong ginagawa sa apartment. Kaya naisip ko na maglakad-lakad hanggang sa nakarating ako rito.”
Pinaupo niya ako sa sofa. Sinabi niyang maghintay lang ako sandali dahil magtitimpla siya ng juice.
Ang batang dumungaw sa pinto kanina ay ipinakilala niya sa akin bilang kaniyang anak. Nalaman ko na ang asawa pala niya ay isang seaman kaya wala rito. At ang talipapa kung saan siya nagbebenta ng mga gulay ay hindi pala talaga sa kaniya kundi sa kaniyang mga magulang.
Nagkataon lang daw na nasa bayan ang mga ito kaya siya ang nag-asikaso ng kanilang mga paninda.
Habang nasa kusina ang mag-ina, tumayo ako sa sofa upang tingnan ang mga larawan na nakalagay sa ibabaw ng cabinet.
Ang mga larawan na naroon ay iba’t-ibang larawan ng kanilang pamilya. May mga solo pictures doon. Napansin ko sa mga lumang pictures na palaging may kasamang babae sa Aira. Gaya niya ay maganda rin ito. Mas singkit at mas maputi. Sa mga recent pictures naman, ang kasama na ni Aira ay ang kaniyang anak na si Janelle.
Nang bumalik si Aira sa living room, napahinto siya nang makita na nakatayo ako at abala sa pagtingin sa mga litrato.
I focused my attention to one of the pictures. Hinawakan ko pa ito at ipinakita sa kaniya.
“Puwede ko bang malaman kung sino ito?”
Nanatiling nakatitig sa akin si Aira. Napansin ko rin na mas humigpit ang hawak niya sa baso na may lamang juice. Unti-unting bumaba ang tingin ni Aira sa larawan at tipid na ngumiti.
“Kapatid ko iyan. Si Iris.”
“Sorry ah, nakialam ako. Ang ganda kasi niya. Nasaan pala siya?”
Humugot siya ng malalim na hininga at naglakad patungo sa lamesa para ilapag doon ang baso ng juice.
“Namatay siya noong nakaraang taon.”
Bigla naman akong nahiya. Inilapag ko agad ang larawan sa cabinet. Hindi ko alam kung saan ako titingin.
“Sorry, hindi ko sinasadya. Dapat hindi nalang ako nagtanong. Sorry talaga.”
Umiling si Aira at ngumiti sa akin.
“Gusto mo bang maglakad-lakad sa dalampasigan?” tanong niya.
Ang totoo niyan ay nagulat ako sa tanong niya dahil akala ko ay galit siya sa akin.
“Sige. Mahilig naman ako sa dagat.”
Sinabi niya sa kaniyang anak na maiwan ito sa bahay dahil ipapasyal niya ako sa dalampasigan. Pumayag naman ang bata kaya agad na kaming nagtungo sa likod-bahay. Dinala niya ako sa mapunong bahagi ng dalampasigan at pinaupo ako sa upuang gawa sa kahoy.
“Namatay ang kapatid ko dahil sa pagkalunod. Isa iyong kagimbal-gimbal na pangyayari sa aming pamilya. Naniniwala kasi akong hindi talaga nalunod ang kapatid ko. Kundi patay na siyang itinapon sa dagat.”
Ibinaling ni Aira ang kaniyang atensiyon sa karagatan.
“Pero alam mo ba kung anong mas masakit? Iyong natagpuan naming nakalutang ang kaniyang bangkay dito mismo sa likuran ng aming bahay.
Naitakip ko ang aking palad sa aking bibig. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit para sa kanila iyon.
“Marunong lumangoy ang kapatid ko. Lahat kami ay laking dagat kaya naman hindi talaga ako naniniwala.”
Yumuko ako.
“Pasensiya na. Hindi ko akalain na ganoon ang nangyari sa kapatid mo. Kung alam ko lang, sana hindi na ako nagtanong. Naalala mo pa tuloy.”
“Okay lang, Celine. Minsan, mabuti na ring naalala natin yung mga masasakit na nangyayari sa atin. Nang sa gayon ay hindi natin makalimutan ang mga taong nagpahirap sa atin. Kapag nasasaktan ka, ibig sabihin, may dahilan ka para maghiganti.”
Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang aking phone. Bahagyang nanlaki ang aking mga mata at agad akong napatayo nang makitang tumatawag si Marco sa akin.
“Hello?” mahinang tanong ko.
“Hello babe, nasaan ka?”
Narinig ko sa kaniyang boses ang pagkainis. Kaya naman dali-dali akong naglakad pabalik sa bahay nina Aira nang hindi nagpapaalam sa kaniya.
“Sorry, sorry. May binili lang ako. Babalik na rin ako ngayon diyan.”
“Nasaan ka ba? Sunduin nalang kaya kita?”
Narinig ko ang paghabol sa akin ni Aira. Hinawakan ako nito sa balikat kaya napahinto ako. Agad ko namang nilagay sa mute ang phone ko sandali at hinarap si Aira.
“Naku, Aira. Pasensiya na ha. Kailangan ko nang umuwi. Nasa apartment na kasi si Marco.”
Mas nakita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
“Mag-iingat ka pauwi, Celine.”
Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango. Nang makarating ako sa labas ng kanilang gate ay saka ako sumagot sa tanong ni Marco.
“Pasensiya na babe. Walang gaanong signal sa area na ito kaya naman nagpuputol-putol.”
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.
“Babe, bilisan mong umuwi. Sabik na sabik na akong makasama ka.”
“Sige babe. Sandali nalang ito.”
Pinatay ko ang tawag at agad akong luminga-linga sa paligid. Mabuti nalang at may nakita akong nagbebenta ng kamatis sa tabing kalsada kaya bumili ako ng isang kilo nito. At least, mayroon akong palusot kay Marco.
Nang malapit na ako sa apartment ay bumagal ang lakad ko kasabay ng ilang beses kong paghinga ng malalim.
Nang makapasok na ako sa living room, nakita ko si Marco na nakaupo sa sofa. Hawak niya ang kaniyang phone at abala sa pagtitipa. Pero agad niya naman iyong binaba nang makita niya ako.
“Ano iyang binili mo?”
Alanganin ko namang itinaas ang isang plastic ng kamatis. Kumunot ang kaniyang noo pero hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako patungo sa maliit na kusina at nilagay sa pinaka-ilalim ng ref ang binili ko.
Bumalik ako sa living room para lumapit sa kaniya at humalik.
Tumagal ang aming halikan hanggang sa paupuin niya na ako sa kaniyang kandungan. Ibinaba niya na rin ang kaniyang phone sa lamesa para mahawakan ang aking puwetan.
“Hmm, ang bango mo talaga, babe. Miss kita. Pero mas miss ko ito,” aniya at hinawakan mula sa labas ng aking suot na bistida ang aking dibdib. Nabuhay na naman ang elektrisidad sa buong katawan ko dahil sa hawak niya. Nagkataong manipis lang din ang suot kong bra kaya naman nahanap niya agad ang sensitibong tuktok nito. Tinutusok at nilalaro niya iyon gamit ang kaniyang hintuturo.
Isa ito sa mga bagay na gustong-gusto kong ginagawa niya sa akin. Itong niro-romansa niya ako sa ganitong paraan.
Huminto siya sandali para ayusin ang posisyon ko sa itaas niya. Dahil naka-panty nga rin lang ako, ramdam na ramdam ko ang umbok ng kaniyang pagkalalaki sa kaniyang pantalon.
Inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tainga at bumulong.
“I won’t be able to come here until next week. Isn’t it the time for you to give me my last favor.”
Umayos ako nang upo at tumitig sa kaniya.
“And what is that?”
Gamit ang kaniyang kamay, humawak siya sa aking pisngi at pinagapang iyon sa aking leeg hanggang sa aking dibdib. Nilamas niya iyon at saka pinaalog nang sabay.
“Remove your clothes while you dance in front of me,” utos niya sa akin.
“Can you do it, right? Hmm?”
Muli niya akong hinalikan sa labi at nilaro ng kaniyang palad ang aking dibdib.
“Make me horny, Celine.”
Dahan-dahan akong tumayo at nagtungo malapit sa pinto.
“Should I close the window?” tanong ko.
Bahagya akong kinabahan dahil sa kabilang daan ay mayroong mga lalaking nakatambay sa labas. Jalousie ang uri ng bintana kaya kapag tumingin sila sa bahagi ng kinatatayuan ko, makikita talaga ng mga ito ang katawan ko.
“Come on, babe. Hindi naman sila pupunta rito para makita ang katawan mo. Consider them as your audience too. Hindi ba mas masaya kung hindi lang ako ang nababaliw ng katawan mong iyan?”
I swallowed hard, several times. Parang kinikiliti ang puson ko kapag iniisip na may ibang nagnanasa sa katawan ko.
Hindi naman ako ganito dati. Anong ginawa sa akin ni Marco para maging ganito ako.
“Open the lights, babe. Mas masarap kung makikita ko nang malinaw ang katawan mo.”
Kinagat pa niya ang ibabang labi dahil para manginig ang tuhod ko.
I switched the lights on. I’m quite hesitating but the way he stare at me, makes me feel like I have no choice but to do it.
Una kong inalis ang aking suot na bistida habang marahang ginagalaw ang aking katawan.
“Babe, you can do better than that.”
Nagsimula na rin akong gumiling nang alisin ko ang hook ng aking bra. Nakatitig lang ako kay Marco habang ginagawa ko iyon. Mas inigihan ko pa ang aking pag-indayog nang sa wakas ay maalis ko ang aking suot na panty.
“That’s right baby,” aniya saka kinuha ang kaniyang phone.
“Are you recording me?” tanong ko habang sumasayaw pa rin.
“Yes, babe. Malaking tulong ito sa akin sa isang buong linggo na wala ka sa tabi ko. Shit ka, ang sarap mo,” aniya.
Hindi na ako tumanggi. Kung para sa kaniya naman iyon, mas minabuti kong pag-igihan ang aking galaw.
“Touch your breast baby.”
Sinunod ko ang kaniyang gusto at nilaro ko na rin ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit sarap na sarap akong ginagawa ang bagay na ito. Para akong nababaliw.
“They’re looking at you, look from the outside,” saad ni Marco kaya naman lumingon ako.
Halos tumulo ang mga laway ng mga lalaking nasa labas habang pinanunuod nila ako.
“Now, sit in front of me and play with your p*ssy.”
Marahan ang bawat hakbang ko. Pag-upo ko sa lamesa sa harapan niya ay agad kong binuka ang aking hita at gamit ang aking middle finger, nilaro ko ang sensitibong parte ng aking pagkababae.
“Damn, basang-basa na ang p*ssy mo, babe.”
Huminto ako sa paglalaro nang siya na mismo ang humawak nito. Nang hindi na siya makatiis, tumayo na siya at hinila ako patayo at dinala ako sa may bintana at pinatalikod sa kaniya.
Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng kaniyang pantalon at ang mabilis na pagpasok ng kaniyang kahabaan sa loob ko.
Kung kanina ay napapanuod ako ng mga lalaki mula sa malayo, ngayon kitang-kita na nila kung paano ako romansahin at angkinin ni Marco. Mas lalo silang nabigyan ng access na makita ang aking dibdib habang nilalamutak iyon ni Marco.
Mabilis at sunod-sunod ang kaniyang pagbayo mula sa aking likuran.
Bahagya niya pa akong hinila palayo sa bintana at pinatuwad. Ang aking kamay ay nakaalalay nang hawak sa dingding habang sunod-sunod ang kaniyang paglabas-masok.
Malakas at mabilis hanggang sa lumakas ang ungol lalo na nang iputok niya sa loob ko ang kaniyang katas.
“Ah, that was fun!” he exclaimed.
Pero nang akala kong tapos na iyon, nagulat ako nang iharap niya akong muli sa mga lalaki at saka nilaro ang aking dibdib habang hinahalikan ako sa aking leeg.
CHAPTER 12: HIGH HEAT
Kinabukasan, nagising ako na wala na si Marco sa tabi ko. Nang ibaling ko ang aking paningin ay naroon pa rin pala ako sa living room ng apartment. Nang tingnan ko ang aking sarili ay agad kong kinuha ang unan sa tabi ko para gamitin pantakip sa aking katawan.
Nakahubad pa rin ako. Hindi man lang nag-alala si Marco na baka may makakita sa akin sa ganitong kalagayan. Ni hindi man lang niya ako sinuotan ng panty at bra bago niya ako iniwan.
May galit akong naramdaman. Pero wala naman na akong magagawa. Nakaalis na siya. Kahit magtampo at magwala pa ako rito, wala na rin namang mangyayari. Mabuti nalang at nakasara ang pinto at bintana ng bahay kaya naman sa tingin ko ay safe pa rin naman ako.
Nang tumayo ako, naramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko.
Habang naliligo ay biglang pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi. Naalala kong may mga nakakita sa ginagawa namin habang binabayo niya ako sa aking likuran. May kung anong hiya ang pumuno sa katawan ko. Paano na ako lalabas ng bahay nito? Eh yung mga tambay pa naman na iyon ay halos oras-oras nasa labas? Paano nalang kapag naisipan nilang ikalat yung nangyari sa amin ni Marco? Nakakahiya!
Ang sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung ilang beses nagparaos sa loob ko si Marco. Mabuti nalang talaga at safe ako. Tinuruan kasi ako ni Isabelle noon na uminom ng pills para kahit anong mangyari, hindi ako mabubuntis.
Pagkatapos kong maligo, naglinis ako ng bahay partikular na ang living room kung saan nangyari ang lahat kagabi. Naghugas na rin ako ng pinggan na nasa sink at naglampaso ng sahig.
Dahil kinabukasan na ang pasukan ni Marco, limang araw siyang nasa school. Ibig sabihin ay limang araw hindi kami magkikita.
Dahil wala naman akong ibang magawa, naisip ko nalang na bumisita kay Aira sa talipapa para tulungan siya.
Nang lumabas ako sa bahay, tanging maikling dress ang suot ko.
“Psst, miss! Napanuod ko iyong live show niyo kagabi ni Boss Marco. In fairness, hindi ka lang pala talaga maganda, maganda ka rin kapag nakahubad,” saad ng isa sa mga tambay na naroon.
Mayroon siyang tatlong kasama na grabe kung makatingin sa akin. Pakiramdam ko ay hinuhubaran na nila ako sa kanilang isipan.
“Sayang nga pare, hindi natin nakita kung paano maglabas-masok ang sandata ni Boss Marco rito kay Miss sexy.”
Napalunok ako nang marinig iyon. Gusto ko silang iwasan dahil alam kong hindi magiging maganda ang kalalabasan nito, pero paano ko iyon gagawin kung tumayo na sila sa kanilang puwesto at nagsimulang lumapit sa akin.
“Miss, gusto ulit naming makita na nakahubad ka. At kung puwede, baka maaari mo kaming payagan na hawakan iyang dibdib mo.”
Umatras ako at handa nang bumalik sa bahay nang makarinig ako nang sigaw sa hindi kalayuan.
“Hoy, Mang Badong. Kanina pa ho kayo hinahanap ng mga asawa niyo. Ang aga-aga ginugulo niyo na naman itong dayo.”
Nakahinga ako nang maluwag nang makitang si Aira iyon. Dapat yata, ate na ang itawag ko sa kaniya dahil mas matanda naman siya sa akin ng ilang taon.
Napakamot ng mga batok ang mga lalaki at walang ganang naglakad palayo sa akin. Umakmang tatampalin pa sana ni Ate Aira sa batok iyong dalawang binata sa hulihan ni Mang Badong, mabuti at umiwas ang mga lalaki.
“Ano iyon? Ang aga, pinagkakaguluhan ka nila? May nangyari ba?”
Tipid ako na ngumiti kay Ate Aira at umiling.
“Wala po iyon, ate. May sinabi lang sila?”
Inusisa ni Ate Aira nang mabuti ang hitsura ko. Dahan-dahan niya ring pinasadahan nang tingin ang katawan ko.
“Mukha kang pagod. Parang lantang-gulay. May nangyari ba sa’yo? Yung totoo? Huwag kang magsisinungaling sa akin, Celine.”
Napakamot ako sa aking batok saka yumuko.
“Ano kasi, ate… may nangyari kagabi. May nangyari sa amin ni Marco. Actually, hindi naman first time. Pero kagabi kasi…”
Huminto ako. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kaniya ang nangyari nang hindi nahihiya.
Hinawakan niya ako sa braso at marahang pinisil iyon.
“Celine. Parang ate mo na ako. Alam kong kahapon lang tayo nagkakilala, pero hindi ibig sabihin niyon ay nag-aalala ako sa’yo.”
Sa bandang huli, wala na akong nagawa kundi ikuwento sa kaniya ang aktuwal na nangyari.
Tahimik lang si Ate Aira. Tila binabalanse niya sa kaniyang isipan ang mga kuwento ko. Pero makikita rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalala bilang isang ate.
“Sa susunod, Celine. Hindi porket mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo na sa kaniya ang lahat ng gusto niya. Kita mo, dahil sa “fun” na gusto niya at sa favor na binigay mo, ikaw tuloy ngayon ang nailagay sa alanganing sitwasyon. Nakita ng mga lalaking iyon ang katawan mo, sa tingin mo ba ay tatantanan ka pa ng mga iyon?”
Humugot ako ng malalim na hininga at umiling.
“Ang magagawa mo nalang ngayon, kailangan mong mag-ingat. Dahil kung hindi, sigurado akong baka kung ano pa ang gawin sa’yo ng mga lalaking iyon.”
“Ate, hindi naman po ako malandi,” nalulungkot na sambit ko.
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko.
“Alam ko. Ginawa mo lang iyon dahil mahal mo si Marco. Pero pinapahamak ka na niya, Celine. Hindi naman tamang lagi mo nalang siyang pagbigyan.”
Yumuko ako.
“Ginagawa ko lang naman po ang gusto niya para maging masaya siya. Gusto ko siyang nakikitang palaging masaya at nakukuha niya ang gusto niya.”
“Eh ikaw, masaya ka ba? Hindi ba parang nagpapagamit ka nalang sa kaniya? Kung anong gusto niya, binibigay mo. Sa totoo lang, nagmumukha ka nalang na parausan niya. Wala pa rin talagang pinagbago ang batang iyon. Kahit kailan napakasama ng ugali.”
Natigilan ako sa aking kinatatayuan nang marinig ang sinabi ni Ate Aira.
“Kilala niyo po ba si Marco?”
Bahagya siyang umirap.
“Wala namang hindi nakakakilala sa kaniya. Sa loob ng ilang taong pamumuno ng kaniyang ama bilang Mayor ng bayan na it. Lumaki siyang spoiled. Minahal ng mga tao, lalo na iyong mga mahihirap. Kilala nila si Marco bilang mabait at masunuring anak sa mga magulang nito. Pero lingid sa kanilang kaalaman, may tinatagong kagaspangan ng ugali si Marco. Palagi ngang sinasabi ng mga tao, mukhang lang siyang anghel pero may pagka sa demoyo.”
Nanatili akong tahimik. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko tatanggapin lahat ng sinabi ni Ate Aira. Bigla ko tuloy naalala sa kaniya si Leon.
“Pero mabait naman po ang pagkakakilala ko kay Marco. Pero hayaan po niyo ate, susubukan ko pong sundin ang sinabi niyo. Hindi po ako lagng papayag sa mga kagustuhan niya.”
Hindi satisfied si Ate Aira sa sinabi ko, pero mukhang ayos na rin iyon sa kaniya.
Magmula noong umaga, hindi na ako umalis sa tabi niya. Dahil wala pa rin ang kaniyang mga magulang para magtinda ng mga gulay sa talipapa, doon muna siya pumuwesto. Sumama naman ako para kahit paano ay mayroon akong mapagkaabalahan.
“Konti nalang pala ang gulay. Andaming namili dahil sahuran ng mga empleyado at ng mga construction worker diyan sa bungad. Puwede ka bang maiwan muna rito sa puwesto, Celine? Lalakad lang ako sa pamilihang bayan para bumili ng gulay ang mga isda sa palengke.”
Agad kong inikot ang aking paningin sa paligid. Iyong mga tambay ay naroon pa rin. Hindi ko rin naman ka-close ang ibang tindera sa katabing puwesto. Kaya naisip ko, bakit hindi nalang kaya ako ang magtungo sa palengke para mamili.
“Ate, ako nalang kaya? Ayoko kasing panay ang tingin sa akin ng mga tambay. Karamihan pa naman sa mga iyon ay may asawa. Mahirap na at baka biglang may sumugod sa akin na isa sa mga asawa nito. Ayoko po ng gulo.”
Humugot ng malalim na hininga si Ate Aira at tumango.
“Alam mo naman siguro kung paano magtungo roon?”
Tumango ako.
“Kung marunong ka ring tumawad sa mga bibilhin mo, gawin mo. Para kahit paano ay magkaroon tayo ng tubo. Okay ba iyon?”
Nakangiti akong tumango at agad kong tinanggap ang perang inabot niya sa akin. Sa tricycle ako sumakay patungo sa palengke. Pagbaba ko, karamihan sa mga taong nakatambay sa bungad nito ay bumaling sa akin.
Hindi na kasi ako nagpalit ng suot na damit. Bestida pa rin ang suot ko at hanggang itaas lamang ng tuhod ko ang haba niyon.
May mga sumisipol at ngumingiti sa akin kapag nadadaanan ko sila. At dahil masikip ang daan patungo sa looban ng palengke, nakaka-encounter pa ako na mayroong humahawak sa aking binti.
Kung sanay lang talaga akong magpantalon, ginawa ko na. Kaso, magmula pagkabata ay mas kampante ako kapag dress ang suot ko. Hindi naman iyon naging kaso sa akin dahil wala naman sa mga kaibigan ko ang bastos. Dito lang yata ako nakatagpo ng mga taong walang pagpipigil sa sarili.
“Ang sexy mo naman miss, anong hanap mo?” tanong ng isang lalaki nang huminto ako sa bilihan ng isda.
“Ah, kuya, pabili nga po ng isang kilo nito. Pati po nito.”
Itinuro ko ang mga bibilihin ko. Pero imbes na doon ito tumingin, napansin ko na sa nakalawlaw na harapan ng dress ko siya nakatingin. Nakita niya tuloy ang cleavage ko. Dali-dali akong umayos nang tayo at umiwas ng tingin sa lalaki.
Binilisan ko na ang pagbili ng mga kailangan sa talipapa. Nang nasa bandang gulayan na ako, mas maraming tao ang naroon, siksikan talaga.
Nagulat ako nang maramdamang may humawak sa aking puwetan. Hindi lang hawak kundi may halo pang pagpisil. Hinayaan ko nalang iyon noong una, pero nagulat ako nang ipasok nito ang isang kamay sa ilalim ng bestida ko at doon hinaplos-haplos ang aking puwetan. May humahalik na rin sa pisngi ko.
“Huwag kang gumalaw, kung ayaw mong masaktan.”
Halos mangilid ang luha ko nang maramdaman ang matalim na bahagi ng kutsilyo na nakatutok sa aking tagiliran.
Mas parami pa nang parami ang tao, habang ang lalaki sa likuran ko ay nagpapakasasa ang isang kamay sa aking puwetan, ang kaniyang kamay naman ay nakahawak sa dibdib ko at nilalamas iyon sa labas ng aking damit.
Kagat-labi nalang ang ginawa ko habang tumutulo ang luha sa aking pisngi.
Nang humupa na ang tao ay kasabay niyon ang pagkawala ng lalaki. Mabilis kong binili lahat ng kailangan at naglakad-takbo palabas ng palengke. Akmang magtatawag na ako ng tricycle nang biglang may bumangga sa balikat ko dahilan para matumba ako sa papalapit na lalaki.
Napahawak ako sa kaniyang dibdib. Nang maamoy ko ang kaniyang pabango ay kumunot ang aking noo. Pamilyar ang kaniyang amoy. Kaya agad akong tumingala para tingnan kung sino ito.
Napalunok ako ng sariling laway. Kung minamalas ka nga naman. Sa dami ng puwedeng makita, siya pa talaga.
“Leon…”
Umangat ang kilay niya at agad na lumayo sa akin.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa tonong hindi ko alam kung may halong pagkagulat o pagkainis.
CHAPTER 13: CARE
Kumunot ang aking noo sa kaniyang tanong. Hindi ba obvious na kaya ako nandito ay dahil namili ako?
Marahan kong itinaas ang basket na dala ko na naglalaman ng mga gulay at isda na pinamili ko.
“Namili ako. Para sa talipapa ni Ate Aira.”
Siya naman ngayon ang may nakakunot na noo.
“Aira? Aira Ramirez? Kilala mo siya?”
Nagulat din ako nang malamang kilala niya si Ate Aira. “Bakit mo siya kilala?”
Tila natauhan naman si Leon nang marinig niya ang tanong ko.
“W-wala. Huwag mo nang alamin.”
Napalabi ako at umayos nang tayo. Inayos ko na rin ang pagbitbit sa hawak kong basket.
“Sige, mauuna na ako. Baka hinahanap niya na kasi ako eh.”
Tumango naman si Leon. Akmang hahakbang na ako palayo sa kaniya nang biglang may nagmamadaling costumer na biglang tumulak sa akin. Nabitawan ko ang basket na hawak ko kaya alam kong safe ito. Pero ako naman ang sumubsob sa basket na may lamang nilagang mais.
“Celine!”
Dinig ko ang pag-aalala sa boses ni Leon. Naramdaman kong may pumulupot na braso sa aking beywang at agad akong tinayo sa gilid. Nagkagulo naman ang mga tao.
“Ikaw ang anak ng dating governor ng Santa Victoria hindi ba? Anak ka ni Governor Dela Luna.”
Nahihilong bumaling ako kay Leon.
“Ikaw ba yung tinutukoy nila?” tanong ko habang nakahawak pa rin sa aking ulo. Si Leon na ang pumulot ng basket. Mabuti at hindi natapon ang laman niyon. Inabutan naman niya ng pera ang may-ari ng isang basket ng mais na tumilapon sa semento.
“Pasensiya na po, Ale. Itong kaibigan ko po kasi, hindi nag-iingat.”
Mabilis niyang hinila ang kamay ko palayo pero dahil masakit ang paa ko, hindi ako makapaglakad nang maayos. Nang huminto ako ay huminto rin siya. Sabay kaming napatingin sa aking paa may bahid ng dugo. Saka ko lang napansin na nagkasugat ako nang matalisod ako dahil sa pagtulak ng babaeng dumaan.
Napapikit ako nang mariin.
Bakit ba ang malas ko? Si Leon naman ay nakataas ang kilay habang nakatitig sa sugat ko.
“Takaw-disgrasya ka talaga.”
May lumapit sa kaniya na isang naka-unipormeng lalaki.
“Mang Carlos, pakikuha naman po ito,” aniya rito at inabot ang basket na may laman ng mga pinamili ko.
“Teka, saan mo iyon dadal’hin?”
Hindi niya ako sinagot. Nagulat nalang ako nang makitang inilililis niya ang sleeves hanggang siko. Lumapit siya sa akin at balewalang hinawakan ako sa balikat at binuhat na para bang nagbubuhat siya ng isang sako ng bigas.
“Leon, ano ba? Ibaba mo ako.”
Mahina lang ang boses ko pero mariin iyon. Nakikita kong pinagtitingnan kami ng mga tao kaya hindi ako mapakali sa posisyon ko. Parang gusto ko nalang maglaho.
“Huwag kang malikot, matutumba tayo. Sige ka, kapag nangyari iyon, mababangasan ang mukha nating dalawa o hindi kaya ay magkakasugat ka.”
Pero hindi ako nakinig sa mga sinasabi ni Leon. Marahil sa sobrang inis niya kaya niya ako pinalo sa aking puwetan.
“I told you to stay quiet and don’t move that much.”
Napahinto naman ako. Kahit ang driver niya ay hindi mapakali sa kinatatayuan nito.
“Manong, pakibukas po ang backseat.”
Dali-daling binuksan ng matandang lalaki ang pinto ng sasakyan. Doon niya ako binaba at inalalayan na sumakay sa loob.
“Huwag ka nang magsalita riyan. Ihahatid na kita pauwi.”
Wala na rin naman sa plano ko ang magsalita dahil hanggang ngayon ay gulat pa rin ako sa ginawa niya.
“Yung gulay na pinamili ko?” tanong ko na lamang nang bigla ko itong maalala.
“Nasa likuran,” tipid naman na sagot ni Leon na sa harapan umupo katabi ng kaniyang driver.
“Saan po tayo, Sir?” anang driver sa kaniya.
“Sa Barangay Isla tayo.”
Agad naman itong tumango saka nagsimula nang magmaneho.
Panay ang aking buntong-hininga habang nasa biyahe kami. Hindi ko masabi kung ano, pero may kaba akong nararamdaman. Sabi ni Leon ay kilala raw niya si Ate Aira. Kapag nagkita kaming tatlo at nagkasama sa isang lugar, ano kayang sasabihin sa akin ni Ate?
“Nandito na tayo,” ani Leon nang huminto ang sasakyan sa harap ng talipapa.
Nagtitinginan ang mga tao. Nang makita nila akong bumaba ay agad na kumunot ang noo ng mga ito. Nang mapatingin naman si Ate kay Leon, agad na nagliwanag ang paningin nito. Si Leon naman ay nakangiting lumapit sa kaniya. Pagkaabot ko ng basket na naglalaman ng pinamili ko, narinig ko ang mga tao sa tabi namin na nagsasalita ng masama tungkol sa akin.
“Ano ba iyan, dayo na nga, kung kani-kanino pa sumasama,” sambit ng isang tindera.
“Kaya nga, noong nakaraang araw, anak ni Mayor. Ngayon naman, anak ng dating Governor. Baka pokpok.”
Pakiramdam ko ay may bumundol sa dibdib ko nang marinig ang sinabi ng mga ito. Narinig din iyon nina Leon at Ate Aira. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Ate Aira sa mga ito. Magsasalita na sana si Ate nang biglang sumingit si Leon.
“Mawalang galang na ho, huwag po sana tayong maging mapanghusga. Hindi niyo naman po alam ang nangyayari sa mga buhay namin para magsalita kayo ng ganiyan.”
Mas lalong tumaas ang kilay ng isa roon.
“Bakit? Totoo naman ang sinasabi namin. Iyang babae na iyan, napakalandi. Pati ang asawa ko, humaling na humaling sa kaniya.”
Bumaling sa akin si Leon. Marahan naman akong umiling.
Kung ano man ang nangyari kagabi, hindi ko naman sinadya iyon. Marahil nagustuhan ko ang ginawa ni Marco, pero hindi ibig sabihin ay natuwa ako sa resulta nito. Nagkaroon ako ng takot sa mga lalaki. Kung alam ko lang na ganoon ang epekto niyon, sana tumanggi nalang ako. Kahit na magalit siya sa akin, basta lang hindi makita ng ibang tao na ginaganoon niya ako.
Mangiyak-ngiyak na ako sa isang tabi kaya imbes na magtagal ako sa talipapa ay tumakbo nalang ako pabalik ng apartment at saka doon ako nagkulong.
It was a bad decision and I regretted it already. Parang kahapon lang, okay pa ako. Pero dahil sa nangyari sa amin ni Marco at dahil nakita iyon ng mga kalalakihan, pumangit na agad ang imahe ko sa mga taga-rito sa Barangay Isla.
Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Pero mas hiyang-hiya ako kay Leon. Kung sana ay nakinig lang ako sa sinabi niya, sana ay hindi na ako umabot sa ganito.
Nang kumalma ako nang gabing iyon ay tumawag ako agad kay Isabelle.
“Oh, kumusta ka na? Kailan ka uuwi?”
Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ako sumagot.
“Give me one week, Isa. I’ll go back home.”
“Oh, bakit ganiyan ang boses mo? May nangyari ba? Sabihin mo sa akin.”
Umiling ako kahit hindi niya naman nakikita.
“Atasha? Say it.”
“Hindi na, kapag nagkita nalang tayo. It was too painful for me to handle now. Pero alam kong malalampasan ko ito.”
“Okay, I’ll wait for your return. I hope you find peace bago ka umuwi rito. Take care.”
“You too.”
Nang ibaba ko ang phone ko, saka ako nagdesisyong lumabas muna ng apartment. Madilim na rin at wala nang gaanong tao sa labas. Kaya puwede na akong magtungo sa tabing -dagat.
Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako na akmang kakatok palang sana si Leon.
Kumunot ang aking noo.
“Alas diyes na ng gabi, bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya.
Itinaas niya naman ang dala niyang paperbag.
“Wala, naisipan ko lang na dal’han ka ng ulam. Baka kasi hindi ka pa kumakain.”
Leon seemed to be in good mood. Hindi ko naman matanggihan ang alok niya kaya tinanggap ko iyon.
“Actually, pupunta ako sa tabing-dagat, gusto mo bang sumama?”
Napansin kong nag-isip muna siya.
“Kung hindi ka kumportable, ayos lang sa akin. Mas mabuti kung umuwi ka na. Baka rin kasi may makakita sa’yo na pumunta ka rito, baka kung ano pang isipin. Isa pa, girlfriend ako ni Marco. Baka sabihin nila pinagsasabay ko kayong dalawa. Plus the fact na kanila palang apartment itong tinitirahan ko.”
Leon remained standing there. Hindi siya nagsalita. Nang isara ko ang pinto at nagsimula akong maglakad patungong dalampasigan, napansin ko naman na sumunod siya.
Umupo ako sa tabing dagat. Iyong parte na hindi naaabot ng tubig. Kahit wala akong gaanong nakikita sa karagatan ay roon pa rin ako humarap.
Niyakap ko ang aking mga binti. Mas mukha na akong disente ngayon dahil naka-t-shirt ako at tokong.
“What are you thinking?” tanong ni Leon pagkaupo niya sa tabi ko.
Bumaling ako sa kaniya at tumitig sandali.
“Nag-iisip ako kung tama bang desisyon ang pagpunta ko rito.”
Hindi siya nagsalita kaya naisip kong okay lang na magkuwento ako sa kaniya.
“I went here because I want to feel free. Gusto ko, maging masaya ako. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga kaibigan ko sa siyudad. I want to find love. Gaya ng mga pag-ibig na nababasa ko sa pocketbooks. I thought I found that with Marco. Pero na-realize ko na hindi pala. For some reason, I felt disgusted with myself dahil bumigay ako sa mga nais niya. I thought that’s love. But it’s clear now that it wasn’t.”
Hindi pa rin siya nagsalita kaya nagpatuloy lang ako sa pagkukuwento. Nang matapos na ako at hindi na nagsalita pa, siya naman ang bumaling sa akin.
“What do you want to do, then?”
“Gusto kong umalis na rito. I want to go home.”
Isang marahang tango ang binigay niya sa akin.
“That’s a good choice, Celine. I’m glad that you realized that.”
Ngumiti ako sa kaniya.
“Maraming salamat, Leon ha. Salamat sa pagiging totoo mo sa akin. Kahit masakit ang sinasabi mo, at least naliwanagan ako.”
“Sabi nga nila, mabuti nang pagsalitaan ka ng masakit basta totoo, kaysa magagandang salita pero puro naman kasinungalingan. Hanga ako sa’yo dahil maaga palang naintindihan mo na ako. At least, hindi ko na kailangan pang mag-alala sa’yo.”
Mahina akong tumawa.
“Nag-aalala ka sa akin?”
My question stunned him. Nang makita kong hindi siya kumportable ay agad akong yumuko.
“Sorry hindi ko—”
“Ganoon ba ka-obvious na nag-aalala ako sa’yo?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko. Napaangat ako nang tingin sa kaniya. Nagtama ang aming paningin, pero ilang sandali lang ay pinutol niya na rin ito.
Agad siyang tumayo at nagpaalam na uuwi na siya. Hindi ako agad nakasagot kaya wala akong ibang nagawa kundi tanawin nalang siya habang naglalakad palayo sa akin.
CHAPTER 14: DON’T LEAVE
Mahirap para sa akin ang desisyon kong umuwi. Nakakaramdam ako ng takot at lungkot dahil naging tahanan ko na rin ang Paso De Blas sa loob ng dalawang buwan. Pero nangako na ako kay Isabelle na uuwi na ako.
Ilang beses na rin akong hinanap ng aking mga magulang sa kaniya. Para hindi raw kasi mag-alala ang mga ito, sinabi niyang sa condo niya muna ako tumutuloy dahil nahihirapan daw akong maging kumportable sa mansiyon.
Kaya hindi puwedeng hindi ako umuwi.
Isa pa, iyon din ang kagustuhan nina Leon at Ate Aira para sa akin. Para tuluyan na akong makalayo kay Marco, mainam nang ituloy ko ang aking pag-alis. Ang sabi pa nila, mas makabubuti kung hindi ko ito sasabihin kay Marco ang tungkol sa plano ko.
Pero iyon ang hindi ko kayang gawin. Hindi man ako nirerespeto ni Marco sa ibang bagay, mabait naman ang pakikitungo niya sa akin kahit paano.
Pagsapit ng Sabado ng gabi, alas siete palang ay narinig ko na agad ang busina ng kaniyang sasakyan. Dali-dali akong bumaba ng first floor para pagbuksan siya ng pinto.
Pagpasok niya, may dala siyang mga paper bags. Mabilis siyang naglakad patungo sa sofa kaya nagkaroon naman ako ng pagkakataon mai-lock ang pinto.
Habang naglalakad ako patungo sa sofa, nakita kong malawak ang kaniyang ngiti. Nakabuka pa ang kaniyang braso at inginuso na sa kandungan niya ako umupo.
Kaya iyon ang ginawa ko. Patagilid ang aking upo para makita ko ang kaniyang mukha. Namiss ko ang kaniyang hitsura, pero mas namiss ko ang kaniyang amoy.
Agad akong yumakap sa kaniya. Habang ang kaniyang kamay ay nasa ibabaw ng aking tiyan at humahaplos doon. Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang leeg. I feel heaven whenever I do that. That is one of the reasons I love him. Because of his smell.
Ang bango niya na nga, ang guwapo niya pa.
Hinawakan niya ang binti ko at inayos ang pagkakaupo ko sa kaniyang kandungan. Ngayon talagang nakaharap na ako sa kaniya.
“Nawala lang ako ng limang araw, lalo ka nang gumanda at parang sumexy ka pa lalo. Your boobies are way better than before. I like it big. Masarap i-massage.”
Ngumiti ako nang ubod nang tamis.
Pinagmasdan niya naman ang aking suot na damit. I was wearing a duster. Walang bra, pero mayroon panty sa ilalim.
Marahan akong umayos nang upo sa harapan niya para sana magawa kong abutin ang paper bag na mga dala niya, pero nagulat ako nang hawakan niya ang tali ng duster sa balikat ko at hinila ito nang walang pasabi. Sabay na nalaglag ang tela ng duster sa ibabaw ng aking dibdib. Konting hawi lang, dumausdos ang silk na duster pababa sa aking tiyan.
“Your nipples are erect, babe,” he said before brushing it using his index finger.
Tinakpan ko naman ang aking dibdib gamit ang aking braso at saka sinamaan siya nang tingin.
“Come on, Marco. Puwede bang mamaya na? Titingnan ko pa lang sana itong mga dala mo.”
He held my arms and removed it from covering my breasts.
“Remove it. I want to see it. Ilanga raw ko ring hindi nakita ito. Miss na miss ko na.”
Napaliyad ako nang bahagya nang lamasin niya nang sabay ang aking mga dibdib.
Hinawakan niya ang beywang ko para mas mapalapit ako sa kaniya. Nakapikit ako nang maramdaman ang paghagod ng kaniyang dila sa palibot ng korona ng aking kaliwang dibdib.
“Ang bilis tumigas. Halatang turned on ka na.”
Imbes na sawayin ko siya, hinayaan ko nalang ang ginagawa niya sa aking dibdib.
“I bought you dress and swimwear. Actually, pumunta ako ng kabilang bayan noong Miyerkules. Naisip kong bilihan ka ng damit nang mapadaan kami ng pinsan ko sa mall.”
Pagkatapos niyang pagsawaang sipsipin, dilaan, at lamasin ang aking dibdib, kinalas niya naman ang butones ng kaniyang pantalon at binaba ang zipper. Bumaba ako sandali sa kaniya para mahubad niya ang suot na pants.
Pati kaniyang brief ay hinubad niya na rin.
“Hubarin mo na ang panty mo at pumatong ka na agad dito.”
Sinunod ko ang sinabi niya. Hinubad ko ang aking panty, pero pinanatili ko ang suot na duster sa katawan ko.
Mabilis niyang naipasok sa loob ko ang kaniyang kahabaan. Napasinghap ako noong una dahil bahagya akong nakiliti sa pagbayo niya sa loob ko.
Namiss ko ito.
Habang tumataas-baba ako sa kaniyang ibabaw, pinagtuunan naman niya ng pansin ang paghalik sa aking leeg.
“Binanggit na kita sa mga magulang ko, babe. Handa na akong ipakilala ka sa kanila sa sunod na linggo. Would you come with me?” tanong niya habang sinisipsip ang leeg ko.
Hindi naman ako makasagot nang maayos dahil sa bilis ng paggalaw niya sa loob ko.
“So, sasama ka ba sa akin?”
Sasagot na sana ako, ang kaso ay hindi ko siya madiretso. Paano ko ba naman sasabihin na hindi ako sasama dahil wala na ako rito sa Paso De Blas ng mga panahong iyon.
Kaya idinaan ko nalang sa pag-ungol ang sagot ko.
Nang makaraos kami pareho, siya na rin ang nagbihis sa akin. Sabay naming tiningnan dalawa ang mga pinamili niya.
“Did you like it?” tanong niya.
Ngumiti naman ako at tumango. I was sitting beside him and I really want to tell him about my plan, pero hindi ko masabi dahil sa labis na kabang nararamdaman ko.
“Hey, mukhang hindi ka okay. Do you have a problem? Do you want to share it with me?”
Kinagat ko ang aking ibabang labi bago ako bumaling sa kaniya. I was about to open my mouth when my tummy made a rumbling sound. Pareho naming narinig iyon kaya sabay rin kaming natawa.
“You’re hungry. Dapat pala nag-message ka sa akin para nabilihan kita ng pagkain bago ako pumunta rito.”
Umiling ako sa kaniya.
“No, it’s fine. May niluto naman ako na kanin at ulam.”
Noon, hindi talaga ako sanay na magluto dahil nasanay akong mayroong katulong sa bahay na nag-aasikaso ng mga bagay na iyon. Pero siyempre, kailangan kong matutong magluto para mabuhay ako kahit mag-isa. And I could say that I am good at it now. Lalo pa at nakikita ko si Ate Aira kung paano magluto. Dahil sa panunuod, natututo na rin ako.
“Do you want me to order food?”
Tumayo ako at umiling.
“Nako, Marco, hindi na. Actually, medyo marami nga itong niluto ko. And I cooked your favorite kare-kare nga pala. Do you want to try?”
Nakita ko ang pag-aalangan sa kaniyang hitsura. Pero tumayo rin naman siya.
“I’m sorry if I looked so awkward. Luto lang kasi ng Mommy ko ang kinakain ko. Lalo na sa kare-kare. Pero sige, para sa’yo, susubukan ko ito.”
Ngumiti ako sa kaniya bago naunang naglakad patungong kusina. I prepared the food before I called him to eat.
Inamoy pa niya ito bago sinubo. At first, it’s like he’s judging the food. Pero nang tumagal, ngumiti siya sa akin at nag-thumbs up.
“Hindi siya katulad ng kay Mommy pero masarap siya. I mean, you have your own style of cooking it.”
Inabot niya ang kamay ko at sincere na ngumiti.
“Thank you for preparing this for me, babe. Sa totoo lang, ikaw lang ang babaeng pinaglutuan ako ng paborito kong ulam. I’m so happy that you’re here for me. Wala na yata akong mahihiling pa.”
Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya magsalita.
“Promise me one thing, babe. Please don’t leave me.”
Parang nalunok ko ang aking dila nang sabihin niya ang mga huling salita.
“Please?” His eyes are pleading and begging. Ang kamay niya ay nakahawak pa rin sa kamay ko.
“Hindi ko yata kakayanin kapag umalis ka sa buhay ko.”
CHAPTER 15: HIS ILL-MANNERED FRIENDS
Nakasakay ako ng sasakyan ni Marco. Linggo ngayon at niyaya niya akong pumunta sa birthday party ng isa sa mga kaibigan niyang ayon sa kaniya ay hindi pa niya naipapakilala sa akin.
Ilang oras na ang lumipas pero hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya ang plano ko. Naisip ko naman, mamaya kapag nasa resort na kami, saka ko nalang sasabihin sa kaniya. Panigurado namang nasa mood siya mamaya.
Bumaling ako sa kaniya at nakitang pasipol-sipol pa siya.
“Masaya ka yata?” tanong ko.
Mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti nang marinig ang sinabi ko.
“Of course. Sa wakas kasi ay maipakikilala na kita sa ibang mga kaibigan ko.”
“Masyado ba silang marami para ipakilala sa akin?”
Umiling siya.
“No, actually, apat lang sila. Si Aiko, Tanya, Hera, at Lia.”
Kumunot ang aking noo nang marinig ang pangalan ng mga ito.
“Si Tanya ang may birthday. Galing din siya sa isang mayamang pamilya. Businessman ang kaniyang ama. Yung pinapatayong warehouse sa Barangay Antonio, sila ang may-ari niyon. Sina Aiko, Hera, at Lia naman ay mga Haciendera mula sa kabilang bayan. Makikilala mo sila mamaya.”
“Puro babae pala ang mga kaibigan mo.”
Hindi ko sinadyang banggitin ang mga salitang iyon nang may halong selos pero iyon ang nangyari.
Nakita kong ngumisi si Marco.
“Baby, you don’t have to worry. Sa’yo lang ako. Isa pa, they’re just my friends. You don’t have to get jealous, okay?”
Namula naman ang pisngi ko sa sinabi niya. Kung sabagay, bakit pa nga ba ako magseselos, eh aalis na rin naman ako. Napahugot na naman ako ng isang malalim na buntong-hininga. Heto na naman ako. Hindi na naman mapakali sa kinauupuan ko.
“Ipakikilala kita sa kanila mamaya. Para naman makita nila kung gaano kaganda ang girlfriend ko.”
Ngumiti ako sa kaniya. Inabot ko ang kaniyang kamay. Hinawakan niya naman ito nang mahigpit at dinala ito sa kaniyang labi at hinalikan ang likod ng palad ko.
Nang makarating kami sa resort, hindi ko maiwasang mamangha. Nakalagay sa harapan nito ang pangalang Villa Isabela.
Maraming halaman sa paligid. Nakilala ko ang pangalan ng ibang halaman dahil mahilig din sa mga halaman ang Mommy ko.
“You seemed amaze by the surroundings.”
Nakangiti akong tumango kay Marco.
“I am. Naalala ko rin si Mom—”
Agad akong huminto nang matanto ang babanggitin ko sana. I don’t plan on dropping the names of my parents. Hanggang ngayon kasi, wala akong plano na sabihin sa kahit na sino na taga-Paso De Blas ang tungkol sa tunay kong pagkatao. Magmukha man akong sinungaling, at least nakasisiguro akong walang makakarating na kahit anong balita sa aking mga magulang tungkol sa kanilang unica hija.
Kahihiyan ang mayroon ako sa lugar na ito, lalo na sa Barangay kung saan ako kasalukuyang tumutuloy. Iyon ay dahil sa nangyari sa amin ni Marco. Karamihan sa mga lalaki ay pinagkalat na isa raw akong kaladkaring babae. Iba na rin ang tingin sa akin ng mga taga-roon. Tanging si Ate Aira nalang ang nakakausap ko at naniniwala sa mga kuwento ko.
“What were you saying?” kunot-noong tanong ni Marco.
Alanganin akong ngumiti at umiling sa kaniya.
“Ah, ang sinasabi ko, doon sa tinitirahan ko dati, mayroon ding mga ganitong uri ng halaman. Bigla ko lang naalala.”
Hindi naman na nagtanong pa si Marco. Honestly, it was weird for him not asking me where do I originate. Minsan nga kinakabahan na ako dahil baka kilala niya na ang totoo kong pagkatao at hindi niya lang sinasabi sa akin para hindi ako mabigla.
Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami patungo sa isang malaking pool. Malayo palang ay natatanaw ko na ang maraming mga tao. Halo-halo ang kasarian ng mga ito. May mga babae, lalaki, at mayroon ding member ng LGBTQ community.
Malayo palang ay may kumakaway na sa gawi namin. May mga pamilyar na mukha akong nakita.
Naroon lahat ng mga kaibigan ni Marco na nakilala ko na noong nakaraan. Naroon din si Leon na madilim ang titig sa akin. Si Bryan at Maureen naman ay nasa kaniyang tabi. Hindi ko alam kung nag-aalala sila sa akin dahil medyo kabado ang kanilang mga tingin.
Tipid akong ngumiti sa mga ito. Ngumiti sa akin si Maureen, pero si Bryan ay huminga lang ng malalim.
Sunod-sunod na nagsilapitan ang mga kaibigan ni Marco. Kabilang na ang mga babaeng hindi ko pa nakikilala.
“Hello girls, siya nga pala, this is my girlfriend. Her name is Celine,” ani Marco sa kaniyang mga kaibigan.
“And Celine, these are my friends. Kilala mo na ang iba sa kanila. Pero itong apat, hind pa.”
Isa-isa niyang pinakilala sa akin ang mga kaibigan niya. Lahat ng ito ay ubod ng gaganda at ang kikinis pa. Kahit paano ay nakaramdam ako ng selos sa katotohanang buti pa sila ay matagal nang kilala si Marco.
“You’re so pretty! Saang pamilya ka kabilang, Celine?” tanong ni Tanya sa akin.
Pakiramdam ko ay naumid ang dila ko nang marinig ang kaniyang tanong. For the past two months, walang nagtanong sa akin ng bagay na iyon. Lalo na si Marco.
Alanganin akong bumaling sa boyfriend ko. Nanatili naman siyang nakatayo roon at nakatingin sa akin. Tila ba naghihintay rin siya sa sagot ko.
“Galing ako sa pamilya Altamonte mula sa kabilang probinsiya. Nandito lang ako para magbakasyon. Sakto namang nakilala ko si Marco noong unang araw ko rito.”
Hinawakan ni Marco ang beywang ko.
“I considered that as destiny. Imagine, sa dinami-rami ng babaeng natulungan ko sa mga nagbabakasyon dito, sa’yo pa talaga ako nahulog nang ganito.”
Narinig ko ang hiyawan ng mga naroon. Pero may iilan namang hindi nakaramdam sa narinig.
Isa na roon si Lia Frasco, ang isa sa mga kaibigan ni Marco. Napansin ko kasing umirap ito at bahagyang natawa. Hinampas pa nito ang braso ng isang kaibigan nito.
“Are you rich too? I mean, most of us here came from a high-class family.”
Hindi ako nakasagot agad sa tanong ni Aiko. Nakataas pa ang kilay nito na tila ba jina-judge ako. Kung palakaibigan ang unang batch ng mga kaibigang naipakilala sa akin ni Marco, ang mga natira naman ang pakiramdam ko ay hindi ko makakasundo.
Inikot pa niya ang kaniyang paningin sa paligid.
“I mean, sorry agad. No offense meant. Pero parang ang weird naman kung lahat ng mga kaibigan ni Marco ay mayayaman, tapos ang kaniyang girlfriend niya ay galing sa middle-class family or worse, mahirap.”
Gusto kong irapan si Aiko. Nakikita kasi sa paraan ng tanong nito at sa paraan ng kung paano ito makipag-usap na masyado itong matapobre.
Gusto ko mang sabihin na galing din ako sa isang mayamang pamilya sa siyudad, pero hindi ko iyon gagawin. Si Celine Altamonte na pagkataong ako ang may gawa ay galing lamang sa isang middle-class na pamilya.
Umayos ako nang tayo at akmang magsasalita na nang mayroong mauna sa akin.
“Ano naman kung galing sa isang middle-class o mahirap na pamilya, Aiko? Pare-pareho lang naman tayong tao.”
Sabay-sabay kaming bumaling kay Leon na nakaupo sa bench malapit sa amin.
Nakita ko ang pag-angat ng kilay ni Aiko sa sinabi nito. Pero hindi sumagot ang babae.
“If she’s not rich, then it’s very clear na hindi siya belong sa grupo natin.”
Si Lia ang nagsalita. Naglakad pa siya palapit kay Leon at na-meywang sa harap nito.
“We’re born rich. Deserve nating magkaroon ng mga kaibigan na galing sa mga mayamang pamilya. Hindi sa katulad nitong babaeng ito.”
“Hey, Lia. Watch your mouth!” medyo mataas ang boses na sambit ni Marco.
Inis na bumaling si Lia kay Marco na nasa tabi ko.
“Oh, bakit? May kasalanan ba ako? Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah. Matagal nang batas ng samahan na wala tayong papapasukin na mahirap sa grupo. Oh, tapos ngayon, anong nangyari, Marco?”
Kinagat ko ang aking ibabang labi at inis na kinuha ang phone sa bulsa ko. Nagtungo ako sa gallery at hinanap ang larawan ng bahay namin. Nang matagpuan ko ito, agad akong lumapit kay Lia at tinapat sa kaniyang mukha ang larawan sa telepono ko.
“Dito ako nakatira. Ito ang bahay namin. Like you, I was born with silver spoon in my mouth. O baka nga mas mayaman pa ako sa’yo.”
Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Nawala rin ako sa control. Huli na para pagsisihan ko pa ang bagay na nagawa ko na.
Mahina namang tumawa si Lia.
“You have no proof na sa iyo ang bahay na iyan. Come on, Celine. Malay ko ba kung kinuha mo lang iyan sa social media accounts ng ibang tao.”
I swiped the next photo. It shows the photo of me and my portrait on my background. Sa loob iyon ng bahay namin na matatagpuan sa living room.
Umangat ang kilay ko.
“Now, does this photo enough proof for you that I am a part of a rich family?”
Hindi naman siya nakasagot agad. Bumuga siya ng hininga at umirap sa akin bago siya tumalikod at naglakad palayo. Ganoon din ang ginawa ni Aiko. Samantala ang ibang mga kaibigan naman ni Marco ay lumapit sa akin.
“Pagpasensiyahan mo na ang dalawang iyon ha. Ganoon talaga sila. Palibhasa may gusto sila kay Marco. Hindi lang nila matanggap na mayroon nang girlfriend ang lalaking gusto nila,” ani Hanna at marahang hinaplos ang likod ko.
Nang bumaling ako kay Marco, nakita ko ang multo ng ngiti sa kaniyang mga labi.
Lalapit na sana siya sa akin, ang kaso ay naunahan siya ni Maureen. Lumapit ito sa akin ay hinawakan ang aking braso.
“Marco, hihiramin ko lang itong girlfriend mo ha. Huwag ka sanang magagalit. Ibabalik ko rin siya mayamaya. I hope that’s okay with you?”
Hindi ngumiti si Marco kay Maureen. Napansin ko rin na parang napilitan itong tumango.
“Hayaan mo namang mag-enjoy iyang girlfriend mo, Marco,” ani Bryan at umakbay pa rito. Naunang hinila ni Bryan si Marco patungo sa boys area habang ako ay dinala ni Maureen sa bakanteng bench.
Nang makalayo na kami sa karamihan, huminto si Maureen at pinasadahan ako nang tingin mula ulo hanggang paa.
“May problema ka ba sa akin?” mahinahong tanong ko.
Tipid siyang ngumiti at umiling.
“No. In fact, wala akong problema. Pero ikaw, meron. At malaki iyon,” aniya sabay lingon sa kinaroroonan ni Marco.