“What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.
May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.
“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin?”
Umiling ako.
“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”
Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/
“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”
Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.
“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”
“Bakit? Ano bang alam mo sa relasyon namin ni Marco?” inis na tanong ko sa kaniya.
Mahina siyang tumawa pero nakakaasar iyon.
“Relasyon niyo? Kino-konsidera mo talagang relasyon ang mayroon kayong dalawa? Hindi mo pa rin nakikita na kaya ka lang niya gusto dahil naibibigay mo sa kaniya ang gusto niya. Hindi siya nahihirapan sa’yo, Celine. Aminin mo na sa sarili mo, ginagamit ka lang niya.”
Napalunok ako.
“Hindi totoo iyan, Maureen. Mahal ako ni Marco.”
Maureen rolled her eyeballs.
“No. Hindi ka niya mahal. Malandi si Marco. Magaling magpapaniwala ng isang babae. Sa daming beses niya nang ginawa ang bagay na iyon, sigurado akong na-master niya na iyon kaya ikaw naman itong si tanga, paniwalang-paniwala.”
“I believe him because I know him!”
Pigil na pigil ko ang aking sarili sa pagsigaw. Ayoko kasi na may makarinig sa usapan namin ni Maureen.
“At kami? Hindi namin siya kilala? We’ve known him for years. Ikaw, ilang buwan pa lang? Dalawa? And you believe him just like that? Come on, Celine. You know better. Sabi mo nga ‘di ba? Galing ka sa isang mayamang pamilya. Sigurado akong nakapag-aral ka rin sa isang magandang unibersidad or eskuwelahan. Usapang babae lang, huwag kang masyadong nagpapaniwala sa sinasabi sa’yo ni Marco. Ikaw rin ang magsisisi sa bandang huli. Nililigtas ka namin o mas tamang sabihin na, sinusubukan ka naming iligtas. Kung gusto mong mabuhay nang maayos, umalis ka na nang hindi nagpapaalam.”
Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay pilit na ngumiti siya sa akin at muling humawak sa aking braso at dinala ako sa karamihan ng mga tao.
Bago ako iniwan ni Maureen ay muli siyang bumulong sa akin.
“Don’t be stupid.”
Imbes na matuwa ako, mas lalo lang akong nainis. Hindi ko akalaing kayang sabihin sa akin ni Maureen iyon. Unang-una, hindi kami close. Pangalawa, anong karapatan niyang sabihan akong tanga?
Sinubukan kong mag-enjoy sa mga natitirang oras na naroon kami sa resort. Ilang beses akong niyaya ng mga kaibigan ni Marco na maligo sa pool, pero tumanggi ako. Ang idinadahilan ko nalang ay wala akong baon na damit pamalit.
“Why don’t you join them, babe? Ayaw mo bang mag-enjoy sa tubig?” tanong sa akin ni Marco habang naghuhubad siya ng kaniyang suot na shirt. Handang-handa na siyang tumalon sa pool.
Umiling naman ako muli.
“Sorry babe, medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Hayaan mo sa susunod babe, sasamahan na kitang maligo sa pool.”
Tumitig siya sa akin at pinag-aralang mabuti ang reaction ng aking mukha. Akala ko ay magagalit siya. Pero sa bandang huli ay ngumiti siya na siya namang ikinaluwag ng aking paghinga.
Hindi ko maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Maureen. Nang bumaling ako sa kanilang kinaroroonan, nagtagpo ang aming paningin ni Leon. Hindi siya ngumiti o tumango man lang. Pagtitig lang ang binigay niya sa akin.
Nakaramdam ako ng pangingilabot. Tingin palang kasi, pakiramdam ko ay pinagagalitan niya na ako.
“Babe, last chance? Hindi ka ba talaga maliligo?” tanong ni Marco.
Mabilis akong umiling.
“Just enjoy swimming with your friends babe. Dito lang ako, hindi ako aalis.”
He smiled at me and started playing water volleyball with others. Napapairap nalang ako kapag may mga babaeng lumalapit sa kaniya.
Halos maghahating gabi na nang magpaalam ang bawat isa. Kami nina Marco, kasama sina Leon ang huling lumabas ng resort.
Ilang beses akong bumaling sa likuran at mga titig lang mula kina Leon, Maureen at Bryan ang natanggap ko.
“Are you tired, babe?” tanong ni Marco nang makasakay na kami ng kaniyang sasakyan.
Umiling ako.
“No, babe. I think kumpara sa ating dalawa, mas pagod ka kaysa sa akin.”
Tipid siyang ngumiti at tumango.
“You’re right babe.”
“Tapos ihahatid mo pa ako.”
Hinawakan niya ang kamay ko.
“You don’t have to worry about it. Nasa kotse naman tayo.”
“Sigurado ka bang kaya mong magising nang maaga bukas? May pasok na kayo.”
Tumango ito.
“Oo naman. Kayang-kaya. Huwag kang masyadong mag-alala sa akin baby,” aniya saka dumukwang palapit sa akin para mahalikan niya ako sa labi.
Naamoy ko ang beer sa kaniyang hininga. Uminom kasi siya kanina. Hindi ganoon karami pero talagang kumapit ang amoy nito sa kaniyang bibig.
“Let’s go home.”
Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Nang malapit na kami sa apartment, saka siya biglang nagsalita.
“Anong pinag-usapan niyo ni Maureen kanina?”
I didn’t expect that question. Talagang kitang-kita sa kaniya na gusto niyang malaman ang tungkol sa pinag-usapan namin ni Maureen.
“Wala babe. Actually, meron pala. Nagtanong lang siya sa akin kung anong products ang gamit ko sa balat ko. Naiinggit daw kasi siya dahil maputi at makinis ako.”
Nagsalubong ang kaniyang kilay sa sinabi ko. Halatang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
“Are you sure? You’re not lying to me?”
Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Tinaas ko pa ang aking kamay bilang pangako na hindi ako nagsisinungaling. Siyempre, sa loob ko, hirap na hirap ako. Hindi naman ako mahilig na magsinungaling. Pero ayoko kasing magkasamaan sila ng loob ng kaibigan niya. Kaya kung tatahimik nalang ako kaysa magsumbong sa kaniya.
“Okay.”
Nang makarating kami sa tapat ng apartment, bumaba na agad ako ng sasakyan. Akala ko ay hindi na siya bababa para makauwi nang maaga. Ikinagulat ko ang pagbaba niya ng sasakyan at pagsunod sa akin sa loob.
“You’re not saying something to me, Celine. I can feel it,” aniya nang makapasok kaming dalawa sa living room.
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Naisip kong dahil nandito na rin siya, mas makabubuti siguro kung sabihin ang plano ko sa kaniya na umuwi na sa amin.
Ibinaba ko ang aking maliit na bag sa sofa bago humarap sa kaniya.
“Wala naman talagang sinabi si Maureen. Pero dahil nandito ka na rin naman, gusto ko sanang sabihin ang plano kong pag-alis.”
Kumunot ang kaniyang noo.
“Pag-alis? Iiwan mo ako?” tanong niya nang magkasalubong ang kaniyang kilay.
“Hindi naman sa iiwan. Babalik din naman ako eh. Gusto ko lang umuwi muna saglit. Miss na miss ko na kasi ang pamilya ko. Dalawang buwan na rin kasi akong nananatili rito sa Paso De Blas.”
“Bakit kailangan mo pang bumalik sa inyo? Kung namimiss mo ang mga magulang mo, puwede mo naman silang tawagan gamit ang phone mo or mag-video call kayo.”
Humugot ako ng malalim na hininga.
“Hindi mo ako naiintindihan, Marco. Gusto ko lang bumisita sa amin. Puwede ka namang sumama kung gusto mo. Ipapakilala kita sa mga magulang ko nang personal. Gusto mo ba iyon?”
Agad siyang umiling. Inihilamos pa niya ang kaniyang dalawang palad sa kaniyang mukha.
“Ang sabi mo, hindi mo ako iiwan, Celine. Pero bakit ganiyan na ang sinasabi mo sa akin ngayon?”
“Hindi nga kita iiwan, Marco. Bibisita lang ako. Pagkatapos ng ilang araw, babalik ako rito. Babalikan kita.”
Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. Nagsimula na ring manlisik ang kaniyang mga mata.
“Marco…” bulong ko nang maramdaman ang takot.
“Hindi ka aalis, Celine. Hindi puwede. Nangako ka sa akin.”
Kabado akong umiling.
“I never promised you that, Marco.”
Mas lalong humigpit ang hawak niya sa balikat ko.
“Ano ba, Marco? Nasasaktan na ako. Puwede naman nating pag-usapan ang bagay na ito sa maayos na paraan.”
Tinapik ko ang kaniyang mga kamay para bitawan ako.
“You can’t just leave me.”
Bumitaw siya. Agad niyang kinuha ang phone niya sa kaniyang bulsa. Nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan siyang pumindot doon.
Ilang sandali lang ay mayroon siyang pinlay na video sa harapan ko. Halos nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano iyon.
The girl on the video, it was me. Naalala ko kung saan ito nakuha. Iyon ay noong mismong araw ng birthday ni Marco. Sa sinet-up niya sa hide out namin.
It was a sex video at kitang-kita roon ang mukha ko. Hindi lang iyon ang pinakita niya sa akin, marami pang iba. Iba’t ibang angle. May ilang video kung saan nagbibihis ako. Yung iba naman ay naglalakad ako ng nakahubad sa kuwarto. Mayroon din noong nagtalik kami rito sa living room. I can hear my moans at kitang-kita ko kung paano siya ngumisi sa video.
“What are these?” kabadong tanong ko.
Halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko. Sinubukan kong agawin sa kamay niya ang phone niya pero naitaas niya ito kaagad.
“Ito? Ito ang mga videos na ikakalat ko sa internet kapag hindi ka sumunod sa mga gusto ko.”
Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko akalaing ito ang kalalabasan ng lahat.
“You won’t do that to me, Marco. You love me!”
Umiling siya.
“Of course, I love you. No, no. Let me scratch that. I’m obsessed with you. Kaya nga pati itong buong bahay, pinalagyan ko ng camera, so I can watch you. Hindi mo ako matatakasan, Celine. Or you can do it, pero ilalabas ko ang mga ito sa internet kapag iyon ang ginawa mo. Gusto mo bang makita ng mga tao kung gaano kaganda ang katawan mo? Bonus pa na makikita nila ang mukha mo.”
“No!” sigaw ko.
“Then kung ayaw mo, kailangan mong sundin ang mga bagay na gusto ko,” aniya saka ngumisi nang sa mala-demonyo.
CHAPTER 17: OBSESSION
Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?
Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita? Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?
Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?
Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.
“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”
Ikinuyom ko ang aking kamao at masama ang tingin na binigay sa kaniya.
“Oh? Now you’re mad at me? Huwag mo sabihing lalaban ka, Celine? Please don’t. Ayokong nasasaktan ka. Pero kapag nanlaban ka, baka mapilitan akong saktan ka. Kaya huwag mo nang ituloy ang mga bagay na nasa isip mo.”
Mas lalong nanlisik ang mga mata ko.
“Napakasama mo. All these time akala ko ay importante ako sa’yo. Na mahal moa ko. Pinaniwala mo akong aalagaan mo ako, Marco. Pero ano ito?”
Pinatay niya ang phone niya at nilagay ito sa kaniyang bulsa. My eyes were on it. Nasa isip ko, kailangan kong makuha ang bagay na iyon sa kaniya. Sa cellphone na iyon nakasalalay ang buhay ko.
Humakbang siya palapit sa akin at sinubukang abutin ang kamay ko. Pero umatras ako sa kaniya. Patuloy lang siya sa paglalakad palapit sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong makaramdam ng galit at pandidiri sa kaniya.
“Anong kasalanan ko sa’yo, Marco? Bakit mo ginagawa sa akin ito?”
Hindi ko maitago ang galit sa tono ng aking boses.
“Kasalanan?” tanong niya at hinawakan ang pisngi ko. Ilang sandali pa ay hinaplos niya ito gamit ang likod ng kaniyang palad.
“Kasalanan mo na naging sobrang ganda ng mukha mo at ng katawan mo. I really can’t get over with it. Shit ka. Kahit saang parte, walang tapon. Sa tinagal-tagal ko nang naghahanap ng babaeng kagaya mo, akalain mo nga namang sa isang dayo pa ako babagsak. Napakadali mong utuin, Celine. Konting ngiti at pag-aalala lang, hulog na hulog ka naman sa akin.”
Inilapit niya ang kaniyang labi sa aking pisngi at humalik doon. Amoy na amoy ko ang alak sa kaniyang hininga.
“Ang bilis mong bumigay. Halatang inosente. Birhen.”
Iginapang niya ang kaniyang kamay mula sa aking leeg hanggang sa aking dibdib at agad na dinakma ang aking malulusog na dibdib at marahang minasahe ang mga ito mula sa labas ng aking suot na damit.
Pumiksi ako at hinawi ang kaniyang dalawang kamay pero pinanatili niya ako sa aking kinatatayuan at muling binalik ang kaniyang kamay sa aking dibdib at pinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
“Alam mo bang napakasaya ko nang malaman kong ako ang nakauna sa’yo? Na ako ang nakawasak ng pagkababae mo. Hindi mo alam kung gaano kasarap sa pakiramdam na nagiging sunod-sunuran ka sa akin. Lahat ng gusto ko ginagawa mo. Akala mo ba hindi ko nakikita ang mga ginagawa mo kapag wala ako rito sa apartment mo? Nakikita kitang natutulog nang nakahubad, Celine. Nakikita ko ang katawan mo kahit wala ako rito. And installing cameras in here is one of the best decisions I’ve made in my life.”
“Napakasama mo, Marco.”
Ngumisi siya.
“At alam mo ba kung gaano kasarap sa pakiramdam kapag pinuputukan kita sa loob mo? Pakiramdam ko nga handa na akong maging ama ng magiging anak nating dalawa.”
Hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapangiwi. Iniisip ko palang na magkakaroon ako ng anak sa kaniya, pakiramdam ko ay hindi ko kakayanin. Mas gugustuhin ko nalang na mamatay ako kaysa mangyari iyon.
“You’re a demon, Marco.”
Lumayo siya sa akin at ikinumpas niya sa hangin ang isa niyang kamay.
“Kahit ano pang sabihin mo. Kahit isipin mo pang impiyerno ito, wala akong pakialam. Magmula ngayon, hindi ka na aalis ng apartment na ito hangga’t walang permiso mula sa akin. Ako ang magdadala ng pagkain mo. Ako ang magpapakain sa’yo. Lahat ng utos ko at mga batas ko, susundin mo. Kukunin ko ang telepono mo. Walang makakaalam sa pamilya o kahit sino mang kaibigan mo na nandito ka. Hindi ka aalis. Hinding-hindi ka makakaalis.”
Lumayo siya sa akin at dali-daling umakyat ng silid ko. Kinuha niya ang isang bag ko mula sa cabinet at nilagay roon ang mga importanteng gamit ko. Journal ko, cellphone, laptop at maging ang mga charger nito.
Kabado na ako at nagsimula na akong umiyak. Humahagulhol ako pero tila walang pakialam sa akin si Marco.
“Please, parang awa mo na. Huwag mo namang gawin sa akin ito, oh. Please, Marco. Gusto kong umuwi!”
Hinawakan ko siya sa braso at hinila para mapaharap siya sa akin. Pero masyadong matigas ang puso ni Marco. Ayaw nitong makinig. Ang hirap niyang pakiusapan.
Nang matapos siya sa kaniyang ginagawa at humarap sa akin, sinamantala ko ang pagkakataong iyon para lumuhod sa kaniyang harapan.
“Please, pakawalan mo na ako. Please, Marco. Nagmamakaawa ako.”
Sunod-sunod ang patak ng luha sa mga mata ko. Halos nanlalabo na ang aking paningin. Wala na akong pakialam sa hitsura ko. Ang mahalaga, mapakiusapan ko si Marco at umaasa akong papayag siya.
Pero hindi nangyari iyon. Umiiling siya na lumuhod sa harapan ko.
“Tumayo ka riyan, babe. Ayokong lumuluhod ka at nagmamakaawa. It makes me feel sick. Parang pinatutunayan mo na ayaw mo akong makasama. You don’t want me anymore, babe?”
Hindi ako umimik. Patuloy lang ako sa aking paghikbi. Ibinaba niya ang bag sa kaniyang tabi at marahang ipinaikot ang kaniyang braso sa akin para yakapin ako.
“Shhh. Someday you’ll realize that I did the best thing for us. Hindi kita kayang pakawalan, Celine. Dahil akin ka lang.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang tumayo, kinuha niya ang bag at dire-diretso siyang bumaba sa hagdan. Aalis na siya at hindi ko alam kung kailan siya babalik. Hindi ko kakayanin na wala ang mga gamit ko. Paano ko mako-contact si Isabelle? Paano na ang pamilya kong naghihintay sa akin sa aking pag-uwi?
Mabilis akong tumayo para habulin siya pero huli na ako. Naabutan ko nalang na sinasara niya ang pinto. Gamit ang susi na mayroon siya, ni-lock niya ito mula sa labas. Kaya kahit anong pihit ang gawin ko, hindi ito bumubukas.
“Don’t you ever make a scene here, Celine. Huwag mo na rin isiping tumakas. Tandaan mo, kung hindi ka magiging akin, mabuti pang mamatay ka nalang.”
Napahinto ako sa pagkalampag ng pinto nang marinig ang sinabi ni Marco. Tumatak sa isipan ko ang huling pangungusap na kaniyang binanggit. Ibig bang sabihin niyon, kapag hindi ko sinunod ang mga sinasabi niya ay papatayin niya ako?
Nanginig ang aking katawan at naiiyak na napayakap nalang ako sa aking sarili. Halos hindi ako makalakad patungo sa sofa. Nanghihina ang aking mga tuhod na napaupo nalang ako sa sahig habang umiiyak.
Alam ko sa aking sarili na kasalanan ko ito. Kung mayroong puwedeng sisihin, ako iyon. Tama si Marco, uto-uto ako. But what can I do? Akala ko lahat ng ginagawa niya ay dahil mahal niya ako. Hindi ko kasalanan kung nagtiwala ang puso ko?
Pero alam kong sinubukan akong iligtas nina Maureen, Leon, at Bryan. Hindi lang ako nakinig sa kanila.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana, hindi na ako nagtagal sa lugar na ito.
Leon tried to warn me in the very beginning. Hindi lang ako naniniwala sa kaniya. It’s my loss and I feel so stupid to not believing in him.
Halos gumapang ako para lang makarating ako ng sofa. Doon nalang ako humiga habang walang tigil sa kaiiyak.
Nangarap lang naman ako ng isang totoong pagmamahal. Pero bakit ganito ang nakuha ko? Ito na ba ang karma ko sa pag-alis sa poder ng mga magulang ko nang hindi nagpapaalam?
Itinakip ko ang aking palad sa aking mukha at humikbi.
Wala akong kakampi rito. Halos wala akong kakilala sa lugar na ito. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Hindi ko kaya. Diyos ko, gabayan niyo po ako at sana ay bigyan ng lakas para harapin ang mga pagsubok na dumarating sa buhay ko.
Kinabukasan ay nagising ako nang mapansing maliwanag na ang paligid. Nakaamoy na rin ako ng bagong lutong ulam mula sa kusina.
Agad akong napabangon at tumayo mula sa sofa. Bukas lahat ng bintana. Bukas ang pintuan at malinis ang paligid.
Nang bumaling ako sa doorway ng kusina, nakita ko si Marco na nakasandal doon habang naka-ekis ang kaniyang mga braso sa harapan ng kaniyang dibdib.
Noong una, akala ko ay nananaginip ako, ngunit hindi pala. Talaga ngang nandito siya.
“Good morning, my princess. Kumusta ang pakiramdam mo?”
Kumunot ang aking noo. Walang sabing dali-dali akong umakyat ng second floor at nagtungo sa aking silid. Agad kong hinanap ang mga gamit ko. Pero wala ang mga ito roon. Ibig sabihin, totoo nga ang nangyari kagabi.
“Anong hinahanap mo?” tanong ni Marco sa likuran ko.
Halos hindi ko napansin na nasa likuran ko na siya kaya kinabahan ako.
“Hinahanap mo ba ang mga gamit mo? Nasa akin, hindi ba? Kinuha ko, para wala kang matawagan na kahit na sino.”
Tumitig ako sa kaniyang mga mata.
“Hindi mo ba talaga ako pakakawalan?”
Nagsimula na naman akong maluha. Hinawakan naman niya ang aking pisngi.
“Wala kang dapat ipag-alala, Celine. Hangga’t sinusunod mo ang nais ko, hindi ka masasaktan. Bagkus ay po-protektahan pa kita sa lahat ng mga bagay na maaaring makasakit sa’yo.”
Tipid siyang ngumiti at inilapit niya ang labi sa aking noo.
“Sige na, maligo ka na. Para sabay na tayong kumain ng umagahan.”
Hinawakan niya ang aking balikat at marahang tinulak patungo sa banyo.
“Sige na. Pagkatapos mong maligo, lumabas ka na at ako na ang magbibihis sa’yo.”
Kahit anong panlalaban ang gawin ko, alam kong wala rin iyong patutunguhan. Masakit man para sa akin ang maging sunud-sunuran sa kaniya, mas magiging ligtas naman ako. Hahanap nalang ako ng tiyempo kung kailan ako puwedeng tumakas. Sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lamang siyang magtiwala na gusto ko ang kaniyang ginagawa.
Bago ako pumasok sa banyo ay bumaling ako sa kaniya.
“Lahat gagawin mo para sa akin?” tanong ko sa kaniya.
“Anything for you, babe.”
Kinagat ko ang aking ibabang labi at tumango.
“Kung ganoon, kaya mo bang pumatay para sa akin?”
Nakita ko ang pagkurba ng ngiti sa kaniyang mga labi.
“If you want me to, I will.”
CHAPTER 18: PRISONER
“Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.
Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.
“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.
“Ayaw mo bang nandito ako?”
Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.
Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.
“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”
Kumunot lalo ang aking noo.
“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”
Nagkibit-balikat siya.
“I can make few arrangements with my studies. Hindi ko naman pababayaan ang pag-aaral ko. Isa pa, magiging isang malaki akong kahihiyan sa mga magulang ko kung sakaling malaman ng mga tao na nagpapabaya ako sa pag-aaral ko. I’m not that stupid.”
Muli ay tumango ako. Inabot ko ang baso sa gilid ko at uminom ng tubig.
“Am I your prisoner?” diretsahang tanong ko sa kaniya.
“Hindi na ba ako makakalabas dito kailanman?”
Nagsalubong ang kaniyang kilay.
“Prisoner? No, no, Celine. You’re not a prisoner. Don’t’ think like that. Don’t be such a pessimist. Isipin mo nalang na kapareho mo ng buhay si Rapunzel. You can see yourself as a prisoner but in reality, I am just protecting you.”
“Protect me from what?”
Sa totoo nga lang, mas dapat akong mag-ingat sa kaniya. Dahil kung mayroon man na isang taong puwedeng manakit sa akin, wala nang iba iyon kundi siya.
“Protect you from everything. You just have to exclude me. Dahil sa kaso ko, hindi ako marunong kumunsinti ng mga tao. Isipin mo nalang na para rin ito sa character development mo.”
Gusto kong matawa sa sinabi ni Marco. Kung mayroong nangangailangan ng character development sa aming dalawa, siya ‘yon. Nababaliw na siya. Gusto niyang pagmukhaing malinis ang konsensiya niya. Handa siyang ibaling sa iba ang kasalanang siya mismo ang may gawa.
“Okay, kung iyon ang gusto mong mangyari,” sagot ko sa kaniya.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang nag-offer na maghugas ng pinggan. Pumayag naman agad siya.
Nanuod lang siya sa TV na naka-install sa wall ng living room habang hinihintay niya ako. Nang matapos ako, lumapit ako sa kaniya. Gusto ko sanang umupo malayo sa kaniya, pero agad niyang tinapik ang bakanteng puwesto sa upuan niya.
Nanunuod siya ng runway show.
“They look gorgeous, babe. Ang gaganda rin ng mga damit nila. Gusto mo bang bumili rin ako ng mga damit na ganiyan para sa’yo?”
Nilingon ko siya at tipid na ngumiti.
“If you want to buy it for me, then you may.”
Ubod nang tamis ang ngiti na binigay niya sa akin. Inilapit pa niya ang labi niya at dinampian ng halik ang labi ko.
“I’ll schedule our trip to town next weekend. Ilalabas kita, bibili tayo ng mga damit para sa’yo.”
Lumiwanag ang pakiramdam ko nang marinig ang sinabi niya.
“Talaga? Ilalabas mo ako?”
“Mukhang masaya ka yata.”
Ngumuso ako. “Iniisip ko palang na ilang araw akong makukulong sa lugar na ito, hindi ko na kakayanin. Pero dahil sa sinabi mo, gumaan ang pakiramdam ko.”
Humalakhak siya nang mahina.
“I’m glad that you feel that way.”
Marahan niyang pinisil ang aking braso. Umusod siya sa tabi ko at hinalikan ang aking balikat.
“As much as I want to make love with you, hindi ko iyon magagawa dahil may lakad ako.”
“Saan ka pupunta?” Pinilit ko ang aking sarili na magpanggap na mayroon akong pakialam, kahit ang totoo ay wala. Mabuti ngang umalis nalang siya. Kapag nakikita ko ang kaniyang mukha, pakiramdam ko ay bumabaliktad ang aking sikmura.
“In my friend’s house. Do you remember Leon? Birthday ng Papa niya kaya pupunta ako. I was invited. Gusto ko ngang isama ka eh.”
Tumuwid ako nang pagkakatayo.
“Talaga? Bakit hindi mo ako isama ngayon? Puwede akong magbihis kung gusto mo?”
Umiling naman siya kaagad.
“Hindi na. Maraming matatandang pulitiko roon. Sa ganda mong iyan, sigurado akong pag-iinteresan ka lang nila. Mahirap na, baka maagaw ka pa ng mga iyon sa akin.”
Nawala ang pag-asang pilit kong binubuo sa loob ko.
“Hayaan mo, sa susunod, isasama kita.”
Tumayo na siya at naglakad patungo sa labas.
“I’ll lock the door. Bubuksan ko lang ito kapag bumalik na ako ulit. Susubukan kong makabalik mamaya. Pero kung hindi, asahan mong bukas ng umaga, nandito ako ulit.”
Wala na akong nagawa nang marinig ang pagka-lock ng pinto.
Naiwan akong lantang gulay sa aking kinaroroonan. Wala akong mapuntahan maliban sa aking silid. Wala akong maisip na paraan para tumakas. Hindi rin ako puwedeng gumawa ng kahit ano dahil namo-monitor ako ni Marco.
Wala akong ginawa pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako.
Bandang hapon, nakarinig ako ng katok sa pinto ng apartment. Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama. Hindi ako nagpakita ng excitement sa aking paglalakad. Umakto lang akong normal, kahit ang totoo ay halos magwala ang aking puso.
“Celine, celine!”
Boses iyon ni Ate Aira.
“Celine, nandyan ka ba sa loob?” tanong niya sa akin.
Humarap ako sa pinto, at dahil nakatalikod ako sa mga camera, hindi makikita o maririnig ni Marco ang sasabihin ko.
“Ate Aira, nandito ako.”
“Oh my God! Anong ginawa niya sa’yo? Bakit naka-lock ang pinto ng apartment mo?”
Naramdaman ko ang pag-iinit ng palibot ng aking mga mata pero pinigilan ko ang aking sarili na maluha. Kialangan kong patatagin ang aking dibdib.
“Ate, kinulong ako ni Marco. Ayaw niya akong paalisin dito. Ate, huwag kang gagawa ng kahit ano. Baka madamay ka pa, puno ng camera ang bahay na ito.”
“Mahabaging Diyos! Napakawalanghiya talaga ng lalaking iyon. Magmula noon, hanggang ngayon, wala siyang pagbabago.”
Napalunok ako. Naalala ko na ilang beses akong pinagsabihan ni Ate Aira tungkol kay Marco. Galit ako sa sarili ko dahil sa labis na katangahan ko. Kung sana naniwala ako sa mga babala niya.
“Ate, kung may numero ka ni Leon, makikisuyo sana ako. Kahit paano, nais kong malaman niya ang kasalukuyan kong kalagayan. Kung ayos lang po iyon.”
“Wala akong numero ni Leon, pero huwag kang mag-aalala, gagawa ako ng paraan para ma-contact siya. Babanggitin ko sa kaniya ang nangyari sa’yo.”
“Maraming salamat, Ate. Maraming salamat sa pag-aalala mo. Mag-iingat ka. Umakto ka lang ng normal. Delikadong tao si Marco. Ayokong pati ikaw ay madamay.”
Narinig ko ang pagpapakawala ng malalim na hininga ni Ate Aira.
“Wala kang dapat ipag-alala. Ako na ang bahala.”
Umalis si Ate Aira. Ako naman ay bumalik sa aking silid. Pabagsak akong humiga sa kama. Kinuha ko ang aking kumot at nagtalukbong. Saka doon ako humikbi.
Naghintay akong sumapit ang gabi. Hinintay ko ang pagdating ni Marco. Pero walang dumating. Nang bandang madaling araw, nagulat ako nang marinig ang pagtunog ng pinto sa labas. Sa pag-aakalang si Marco ang dumating, dali-dali akong bumango at binuksan ang pinto ng aking silid.
Ngunit laking gulat ko nang makita ang isang matandang lalaki na naglalakad palapit sa akin.
“Sino ka? Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok?”
Nakangisi ang matandang lalaki sa akin.
“Kaya pala ibinahay ka ng nag-iisang anak ng pamilya Madrigal dito, kasi ang ganda at ang sexy mo,” anito sa manyak na tono.
Ilang beses na akong nakikita ng manyak na lalaki. Pero ngayon lang ako naka-encounter ng isang matanda na ganito. Hindi naman siya sobrang tanda. Kung titingnan ang edad base sa kaniyang hitsura, siguro ay masasabi kong nasa edad kuwarenta ito.
“Imposible, paano po kayo nakapasok dito? Umalis na kayo. Kapag nahuli kayo ni Marco, sigurado akong papatayin niya kayo.”
Umiling ang matanda.
“Wala akong pakialam. Basta ang gusto ko ay matikman ka. Magmula nang makita ko ang hubad mong katawan habang tinitira ng anak ni Mayor, hindi na nawala sa isip ko ang hugis ng iyong diddib at ang hitsura ng iyon mukha habang binabayo nang patalikod.”
Humakbang pa siya palapit sa akin. Umatras ako pero alam kong wala akong mapupuntahan dahil nasa silid ako. Nang tumama ang aking likuran sa pader, alam kong wala na akong magiging laban.
Ngunit akmang hahawakan palang ako ng matanda, nakita ko ang pagsulpot ni Marco sa aking silid. At laking gulat ko nang makita ang hawak nito. Isang baril.
Walang sabing lumapit siya sa matanda at hinampas ang likuran nito nang ubod nang lakas, dahilan para mawalan ito nang malay.
CHAPTER 19: FIRST KILL
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.
“Marco!”
Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.
“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”
Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.
“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.
Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.
“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”
Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.
“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”
Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.
“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”
Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.
“Anong ibig mong sabihin? Papatayin mo siya?”
Seryosong tumingin sa akin si Marco.
“Hindi ba’t sinabi ko naman sa’yo, lahat ng taong mananakit at gagambala sa’yo, papatayin ko?”
“Pero Marco—”
“Walang ibang puwedeng humawak sa’yo, Celine. Ako lang.”
Nagsimula si Marco na hilahin ang matandang lalaki patungo sa labas. Wala nang tao dahil madaling-araw na. At ang tanging nagbibigay ng liwanag sa paligid ay ang mga poste ng ilaw na nakahilera malapit sa tabing-dagat.
“Sumunod ka sa akin, Celine. Nang makita mo ang puwede kong gawin sa sino mang magtangka na humawak sa’yo.”
Kabadong sumunod ako sa kaniya. Ilang beses kong pinakiusapan si Marco pero tila wala itong narinig sa mga sinabi ko.
Kinaladkad niya ang matanda hanggang sa makarating sa tabing dagat. Sinipa niya ang matanda sa mabuhanging bahagi. Patuloy pa ang kaniyang pagsipa hanggang umabot ito sa tubig.
Ilang sandali lang ay kusang nagising ang matanda. Nakaupo naman si Marco at tila naghihintay na makilala nito kung sino siya.
Pero dahil madilim, hindi agad nalaman ng matandang lalaki kung sino ang kaniyang kaharap.
“Sino ka?” tanong pa nito. Umubo ang matanda, marahil ay natamaan ni Marco ang dibdib nito.
Naglakad ako patungo likuran ni Marco para hawakan ang kaniyang balikat.
“Hindi mo ako kilala? Huh! Nakakainsulto ka naman, Mang Kanor.”
Nang makilala ng matanda ang may-ari ng boses ay dali-dali itong lumuhod sa buhanginan.
“Sir Marco! Patawarin niyo po ako.” Ipinagdikit nito ang dalawang palad at pinagkiskis kasabay ng paulit-ulit na paghingi nitong ng pasensiya.
“Pinagbigyan ka lang isang beses. Pinakita ko na nga sa’yo at mga kasama mo ang ginawa ko sa girlfriend ko, hindi ka pa natuwa? Gusto mo pa talagang matikman siya nang personal? Gusto mong mahawakan? Sa tingin mo ba talaga ay papayag ako na mangyari iyon, Mang Kanor?”
Narinig ko ang kabadong hikbi ng matanda nang itinutok ni Marco sa kaniya ang baril.
“Sir Marco, hindi ko na po uulitin, maawa po kayo sa akin. Patawarin niyo po ako. Magbabago na ako. Pangako, kailanman ay hindi ko na gagambalain ang iyong nobya. Utang na loob, huwag mo lang akong patayin.”
Ang pagkakakilala ko kay Marco ay isang mabait na binata. Sweet, maalalahanin, at mapagmahal sa mga tao lalo na sa mga residenteng nakatira rito sa Paso De Blas. Iyon ang nasa isip ko lalo na at ang kaniyang mga magulang ang kinikilalang leader ng bayan na ito.
Ngayon ko lang nakita ang parte ng kaniyang pagkatao na ganito.
Hindi siya nagsisinungaling tungkol sa gagawin niyang pagpatay sa matanda. Nanginginig ang aking kamay. Nais kong tulungan ang matanda pero naisip ko ang posible nitong gawin. Ayoko rin namang madamay sa kanila ni Marco. Baka biglang magkamali ito nang putok at ako pa ang matamaan nito.
“Miss! Miss parang awa mo na tulungan mo ako! Pakiusapan mo si Sir Marco na palayain niya ako. Pangako, bukas na bukas ay hindi niyo na ako makikita rito. Aalis ako at mamumuhay sa malayo.”
Bumaling sa akin si Marco. Seryoso ang tingin nito.
“Ano, Celine? Papayag ka ba sa nais nito? Baka nakakalimutan mo, muntik ka na niyang gahasain?”
Sunod-sunod na napalunok ako ng aking sariling laway.
“Marco, kapag ginawa mo ito, magiging criminal ka. Wala akong pakialam sa kung anong gawin mo sa akin, saktan mo ako, ikulong mo ako. Pero Marco, hindi naman ako nahawakan ng matandang iyan. Kailangan mo ba talaga siyang patayin?”
Seryosong tumango si Marco.
“But he dared touching you. Muntik na. Kung hindi ako dumating, kawawa ka.”
Naisip ko rin iyon. Kaya nga mas nahihirapan akong magdesisyon. Ganun pa man, alam kong sa bandang huli, wala akong magagawa kung nais siyang patayin ni Marco.
Yumuko ako sa buhanginan. Nakapaa lang ako kaya damang-dama ko ang malamig na buhangin sa aking talampakan.
Bago ko pa man iangat ang aking ulo, narinig ko ang mahinang putok ng baril. Nanlaki ang aking mga mata nang makita ang matanda na tumumba sa tubigan.
Napatakbo ako sa patungo sa malapit sa tubig pero agad na nahawakan ni Marco ang braso ko.
Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa baril na hawak niya. Napansin ko ang pamilyar na tube roon. Minsan ko nang nakita iyon sa silid ng aking ama kapag nakikialam ako ng mga gamit niya noong bata pa ako.
That was silencer. Kaya hindi malakas ang putok niyon at alam kong walang ibang nakarinig maliban sa aming dalawa. Sa ulo ang tama ng matanda.
“That’s what they get when they touch you, Celine. Ganoon ka ka-importante sa akin.”
Hindi ako nag-react. Hindi ko rin tinakpan ang aking mga mata. Hinayaan ko lang ang aking sarili na pagmasdan ang katawan ng matanda na dalahin ng alon patungo sa malalim na bahagi ng dagat.
Marahan akong hinila ni Marco pabalik ng apartment.
Pagpasok namin sa loob, dinala niya ako agad sa kuwarto at pinaupo sa kama. Nagtungo siya sa banyo para kumuha ng tubig sa planggana.
Siya na ang naghugas ng aking mga paa habang ako ay nanatiling nakatingin lang sa kaniya.
“Marco…” tawag ko sa kaniya.
Nag-angat siya nang tingin sa akin. Noong una ay walang reaksiyon ang kaniyang mukha. Pero ilang segundo lang ay gumuhit ang tipid na ngiti sa kaniyang labi.
“May sasabihin ka ba?”
Nanginginig pa rin ang mga kamay ko kaya ikinuyom ko iyon saka muling ibinuka.
“Hindi ito ang unang beses na ginawa mo iyon,” sabi ko habang nakatitig sa kaniya.
Bumaba ang kaniyang paningin sa paa ko. Nang matapos niyang linisin iyon ay kinuha niya ang planggana at itinapon ang maruming tubig sa sahig ng banyo. Pagbalik niya ay nakapaghugas na rin siya ng kaniyang kamay.
Huminto siya sa isang kahoy na upuan at marahang binuhat iyon para ilagay sa tapat ng kama kung saan ako kasalukuyang nakaupo.
Umupo siya sa harapan ko at bumuntong-hininga.
“Tama ka, Celine. Hindi ito ang unang beses na ginawa ko ang bagay na ito. Hindi lang isa, dalawa, o tatlong beses. Ang totoo niyan, maraming beses. Hindi ko na sasabihin sa’yo kung ilan. Pero gusto kong malaman mo na ito ang unang beses na pumatay ako dahil sa isang babae. Noon, pumapatay ako ng mga taong may ginawang mali sa akin. Sa akin lang. Wala akong pakialam sa iba kung masaktan sila. Pero ikaw, iba ka. Bago ito para sa akin. Kaya kung nagulat ka sa ginawa ko, mas nagulat din ako dahil nagawa ko iyon para sa’yo. That was out of my character.”
Umiwas ako nang tingin sa kaniya. Was he trying to tell me that I should be happy because he did it for me and not for herself? Ganoon ba?
Nang hawakan niya ang kamay ko ay hindi ako nagpumiglas. Hinayaan ko lang na hawakan niya ang kamay ko.
The scene that I witnessed a while ago just keep on repeating inside my head. But what makes me feel weird about myself is that I couldn’t feel any remorse inside me.
I should’ve been feeling guilty.
“Wala kang pagsasabihan ng tungkol sa bagay na ito, Celine. We’re in this together. Kahit isumbong mo ako sa police, sigurado akong hindi ka nila pakikinggan. Please don’t make me feel bad. You can act with the way you wanted to be. I can let you wander free in Paso De Blas. Pero huwag kang aalis sa tabi ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Marahan akong tumango.
Hinawakan niya ang aking pisngi at hinaplos iyon. Lumapit din siya para halikan ako sa gilid ng aking labi.
“Good girl, Celine. You’re such a good girl.”
Bago siya umalis para umuwi, sinigurado muna niyang ligtas ako sa loob niyon. Nagulat pa nga ako nang iabot niya sa akin ang susi ng bahay.
“I would never lock you again. Pero palagi mong tatandaan ang mga bilin ko sa’yo. Don’t you ever think escaping away from me. You already knew what I can do to you.”
Humugot ako ng malalim na hininga at kinuha sa kamay niya ang susi.
“Naiintindihan ko,” tipid kong sagot. Sinubukan ko ring tumingin nang diretso sa kaniyang mga mata para ipakitang totoo ang mga salitang binibitawan ko.
“If that’s the case, then I should go. I have a class tomorrow.”
CHAPTER 20: THE BODY
Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.
Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.
Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at sinubukang hindi i-entertain ang isipin tungkol sa nangyari sa matanda. Ang sabi nga ni Marco, kasalanan din naman ni Mang Kanor ang nangyari sa kaniya.
Bumaba ako para magtungo sa kusina. Nang mapadaan ako sa sala, nakita ko ang pinto na naka-lock mula sa loob. Dahan-dahan akong lumapit doon para pihitin ang seradura.
Naalala ko pa rin ang usapan namin ni Marco tungkol sa bagay na ito.
Basta’t huwag akong tatakas, magiging ligtas ako at hindi niya ako papatayin.
Pagpihit ko ng seradura ay sa wakas bumukas ang pinto. Nagkagulatan pa kami ni Ate Aira dahil nang buksan ko iyon ay nasa labas na siya at nakatayo sa may pintuan.
“Ate? Anong ginagawa mo rito?”
Matagal siyang tumitig sa akin. Bago siya kumilos sa kinatatayuan ay humugot pa siya ng malalim na hininga.
Niluwangan ko naman ang pagkakabukas ng pinto para papasukin siya. Nauna akong nagtungo sa kusina para mag-init ng tubig pang-kape.
“Mabuti naman at hindi na niya kinandado ang pinto,” ani Ate Aira.
Humarap ako sa kaniya at ngumiti nang tipid.
“Kapalit nang pangako kong hindi ako tatakas, kahit paano’y mabibigyan ako ng kalayaan na lumabas kahit kailan ko gustuhin katulad na lamang ng dati.”
Bakas ang lungkot sa kaniyang mukha.
“Kung may ibang paraan lang para mailayo kita rito, gagawin ko, Celine.”
Umiling naman ako kay Ate Aira.
“Kasalanan ko ito, ate. Kung ano man ang nangyayari sa akin ngayon, produkto ito nang mga pagkakamali ko. Kaya kung meron mang dapat tumulong sa akin sa pag-alis dito, iyon ay ang sarili ko. Kailangan kong maging mautak para matakasan si Marco.”
Tila pinagbagsakan ng langit at lupa ang balikat ni Ate Aira sa kaniyang hitsura.
“Pero alam mo ba, bago ang lahat, kaninang umaga raw ay nakita ng mga mangingisda ang katawan ni Mang Kanor na nakalutang malapit sa dalampasigan kanina.”
Umakto naman akong nagulat.
“Sinong Mang Kanor ate?” kunwaring tanong ko.
“Iyong matandang manyakis na may pagnanasa sa’yo. Alam mo ba, balita kagabi na naglalakad daw ang matandang iyon at binabaybay ang daan patungo rito. Mabuti at hindi siya nagawi rito.”
Pasimple akong napayuko at ipinokus na lamang ang atensiyon ko sa baso ng kapeng tinimpla ko. Hindi ako iyong tipo ng taong magaling magsinungaling. Palaging nababanggit sa akin ni Isabelle noon na sa tuwing magsisinungaling ako, nakikita niya iyon sa mga mata ko. Kaya agad akong yumuko dahil baka mapansin ni Ate Aira ang reaksiyon ko.
“Oh, natahimik ka,” puna niya.
Muli akong nag-angat nang tingin at tipid na umiling. “Pasensiya na ate, kinakabahan kasi ako. Ano po kayang nangyari kay Mang Kanor at bakit siya nakita sa dalampasigan?”
Nagkibit-balikat si Ate Aira.
“Narinig ko, may tama raw ng baril sa ulo ang matanda. Butas daw kasi ang bungo nito. Pero hindi naman matukoy ng mga awtoridad kung sino. Dahil bukod sa walang nakasaksi sa nangyari, wala rin naman silang narinig na putok ng baril kagabi.”
Tanging pagtango lang ang naisagot ko. Hindi na ako umimik at hinintay nalang na muling magsalita si Ate Aira.
Kinuha niya ang paper bag na kaniyang dala at nilagay iyon sa lamesa. Marahan nitong tinulak sa akin ang paper bag.
“May laman iyang mga pagkain. Ako mismo ang nagluto.”
Ngumiti ako at nagpasalamat. “Hindi mo naman po kailangang gawin ito, Ate. Pero hindi ko ito tatanggihan dahil masama ang tumanggi sa grasya.”
Seryoso siyang nakatingin sa akin.
“Hindi ko alam kung anong mangyayari sa’yo. Mahirap kalaban si Marco. Kaya kung ako sa’yo, mag-iingat ka. Hangga’t kaya mo siyang pakisamahan, gawin mo. Huwag mo siyang gagalitin nang sobra, Celine. Dahil kakaiba siya kung magalit.”
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Ate Aira ang ganoong ugali ni Marco. Pero tama siya. Lahat ng sinabi niya ay nasa punto.
“Lakasan mo ang loob mo. Susubukan ko pa ring makiusap kay Leon tungkol sa bagay na ito. Baka sakaling may magawa siya para sa’yo.”
Pareho naming alam ni Ate na si Leon nalang ang pag-asa kong makalabas ng lugar na ito. Pero sigurado akong hanggang ngayon ay masama ang loob nito sa akin dahil hindi ko pinakinggan ang nais niya. Kung alam ko lang sana… kung alam ko lang.
“Oh siya, aalis na ako. Pupunta pa ako ng palengke para mamili ng mga tinda para sa talipapa. Kaya mo na rin siguro rito.”
Sabay kaming tumayo ni Ate Aira. Ihahatid ko na sana siya sa pintuan nang bigla kaming makarinig ng sunod-sunod na malalakas na katok sa pintuan ng apartment. Ilang sandali pa ay nagsisigawan na ang mga tao sa labas.
“Lumabas ka riyang babae ka! Malandi, salot!”
Kumunot ang aking noo nang marinig iyon. Naglakad ako patungo sa pinto para buksan ito nang humarang si Ate Aira at hinila ako at itinago sa likuran niya.
Binuksan niya ang pinto at nagulat nang makita sa labas ang isang matandang babae na hula ko ay ka-edad ni Mang Kanor.
“Anong ginagawa niyo rito, Aling Biring. Bakit may mga kasama kayo? Anong meron?”
“Nasaan ang putang inang babaeng nakatira rito?” galit at sumisigaw na tanong ng matanda.
Marahan akong sumilip mula sa likuran.
Nakita naman ako ng isang babae.
“Ayun! Tinatago ni Aira sa kaniyang likuran.”
Nagwawala ang babae ngunit wala sa mga ito ang pumipigil.
“Iyang babaeng iyan na ubod nang kati, dahil sa kaniya kung bakit namatay ang asawa ko.”
Kumunot ang aking noo. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko at sabihing kasalanan din naman ng kaniyang asawa kung bakit ganoon ang nangyari rito. Nakakasama ng loob isipin na ako ang sinisisi ng mga ito.
“Malandi kasi iyan. Panigurado, inakit niyan si Mang Kanor o baka nga, siya rin ang pumatay sa asawa niyo, Aling Biring. Baka hindi nasiyahan sa performance ni Mang Kanor sa kama.”
“Wala akong alam sa sinasabi niyo,” mahina ngunit mariin kong sagot.
“At isa pa, hindi ko ho kilala ang asawa niyo. Kung sino man siya, hindi ho ba’t baka kasalanan niya kung bakit ganoon ang nangyari sa kaniya? Bakit niyo ho isisisi sa akin? Nakita niyo ho ba na ako ang pumatay sa asawa niyo? Paano ho kung kasuhan ko kayo sa panggugulong ginagawa niyo sa akin?”
Natigilan naman ang matanda. May isang lalaki na lumapit sa kaniya at bumulong.
“Babae iyan ng nag-iisang anak ni Mayor Madrigal. Mabuti nang umalis kayo rito kung ayaw niyong pati buhay niyo ay magulo. Kilala niyo naman siguro ang mga Madrigal. Ayaw nila na sinasaktan at ginagalaw ang mga bagay at mga taong sa kanilang tingin ay kanilang pag-aari.”
Binalingan ko ang lalaking nagsalita. Isa itong tanod ng Barangay sa pagkakaalam ko dahil nakasuot ito ng vest na parte ng kanilang uniporme.
“Isa pa ho, walang nakakita sa nangyari. Kung ano man ang mga umiikot na balita, lahat ng iyon ay pawang tsismis lang at walang katotohanan. Kaya mas mabuting umalis na kayo rito.”
Naririnig ko pa ang pagmumura ng iilan. Pero sa bandang huli ay umalis na rin ang mga ito.
Humarap naman sa akin si Ate Aira at tinanong ako kung ayos lang ba ako. Kahit masama at masakit sa kalooban ko ang nangyari, tumango pa rin ako. Sabi niya nga, ito ang mga pagkakataong kailangan kong maging matatag para sa sarili ko.
Ang pagpapakita ng kahinaan ay senyales ng pagkatalo. Hindi pa ako nagsisimula sa pakikipaglaban para sa kalayaan ko. Nag-e ensayo palang ako.
Nang umalis si Ate Aira, nanatili ako sa kusina para kumain nang agahan. Pagkatapos niyon ay naglinis na rin ako ng lababo at ng buong bahay.
Nang sumapit ang gabi, hindi dumating si Marco kaya kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag. Ibig sabihin, makakatulog ako nang panatag.
Kinabukasan, nagising ako nang maramdamang may humahaplos na kamay sa aking pisngi. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nasilayan ko si Marco na nakatitig sa akin.
Bumangon ako sa pagkakahiga at sumandal sa headboard ng kama. Inikot ko ang aking paningin sa paligid at napansing madilim pa ang paligid.
“Ang aga mo yata?” tanong ko sa kaniya.
Mas lalo siyang ngumiti. Pero agad din niyang kinuha ang paper bag na kaniyang dala at inabot iyon sa akin.
Nang buksan ko, nakita kong may laman iyong uniporme.
“Anong gagawin ko rito?”
Humugot siya ng malalim na hininga.
“I want you to study. Gusto kong nag-aaral ka at nakikita kong natututo ka. Gayunpaman, kahit na gustuhin ko man na pag-aralin ka sa unibersidad na pinapasukan ko, alam kong malalaman iyon ng mga magulang ko at aalisin ka rin nila sa eskuwelahan. Kaya naisip kong ipasok ka nalang sa isang community college dito sa aming bayan. Malapit lang din iyon sa pinapasukan ko. Para kahit paano, nagkikita tayo tuwing umaga.”
At ngayon, gusto niya akong pag-aralin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gustong mangyari ni Marco sa akin. Pero wala naman akong magagawa. Hindi ko siya puwedeng tanggihan.
Bumangon na ako at nagtungo sa banyo para maligo. Humirit pa siya na huwag isasara ang pinto dahil gusto niya akong panuorin habang nililinis ko ang aking katawan.
“Siya nga pala, natagpuan na ang katawan ni Mang Kanor kanina,” sabi ko habang sinasabon ang aking dalawang dibdib.
Ngumisi siya sa narinig.
“Good for him. Magpapadala nalang ako ng bulaklak sa burol niya nang sa gayon ay alam ng mga tao na nakikiramay ako sa kaniyang pamilya.”