Sa isang lugar sa bayan ng San Bartolome ay may isang lugar kung saan pugad ito ng mga tambay at mga taong walang trabaho. May isang tindahan sa kanto ng Kalye Bugbugan at Kalye Tambayan kung saan dito nag iinuman ang mga tambay maghapon. Madalas nilang pag tripan ang mga dayo lalo na tuwing lango sila sa espiritu ng alak.
Isa sa mga tambay dito ay si Ambet, 26 taong gulang. Matipuno ang kanyang pangangatawan at matangkad sa taas na 5’11”. Moreno siya at mala Jeric Raval ang kanyang hair style. Malakas ang kanyang dating kaya’t madalas din siyang mapagtripan at siya ang palaging laman ng mga basag ulo sa kanilang lugar.
Hindi nakapagtapos ng kursong Mechanical Engineering dahil na rin sa kakapusan sa pera. Pinili niyang huminto sa pag aaral upang magbigay daan sa kanyang nakababatang kapatid na si Ella na kumukuha ng kursong nursing simula nang pumanaw ang kanilang ama. Pangarap kasi nitong maging doktor. Isinantabi na muna niya ang kanyang pangarap na minsan ay ikinasasama ng kanyang loob.
Maganda ang kapatid ni Ambet na si Ella. 20 anyos siya at patapos na sa kursong nursing. Tisay ang kanyang kutis at matangkad siya sa taas na 5’7″. Sakto naman ang laki ng kanyang dibdib at pwet sa korte ng kanyang pangangatawan. Tanging ang nanay lamang nila Ambet at Ella na si Paula ang nagtataguyod sa kanila sa pamamagitan ng pananahi at pag tanggap ng labada. Si Ambet naman ay rumaraket bilang kargador, driver at minsan ay construction worker.
Isang araw ay may pumuntang grupo ng mga doktor sa kanilang lugar upang magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa kanilang lugar. Imbes na matuwa ang mga tao ay binatikos pa sila ng mga ito.
Tambay 1: ANONG GAGAWIN NYO SA AMIN? EXPERIMENTO?
Tambay 2: OO NGA! HINDI NAMIN KAYO KAILANGAN DITO!
Babaeng Tambay: Yung asawa ko batugan! Kaya nyo bang gamutin?
Halos maiyak iyak ang mga medical student lalo na si Vivian dahil sa ginawang pag tanggap sa kanila ng mga tao. Palibhasa’y anak mayaman at hindi siya sanay sa ganung klase…