The Spirit Of A Kanto Boy Part 2

Kinabukasan ay pinuntahan ni Ella sila Vivian habang nagbibigay pa rin sila ng libreng serbisyo medikal sa mga tao.

Ella: Doktora pasensya na po kayo sa kinilos ng kuya ko kahapon.

Vivian: naku wala yun. Huwag mo nang isipin yun. Ano pangalan mo ineng?

Vivian: Ella po. Alam nyo po pangarap kong maging doktor?

Vivian: Talaga?

Ella: Opo kaya po ako kumuha ng kursong nursing.

Hindi naman nakaiwas si Ella sa mga tambay na inggitero at inggitera.

Tambay 1: HUUUUUUU! SIPSIP!

Tambay 2: BOLERA!

Babaeng Tambay: LAKAS MONG HUMIGOP!

Halos maiyak si Ella sa mga paratang sa kanya ngunit niyakap siya ni Vivian upang pakalmahin.

Vivian: huwag ka nang umiyak. Hayaan mo sila. Inggit lang sila sa iyo.

Ella: salamat po doc.

Vivian: O practice ka na maging doktor. Tulungan mo kami dito.

Ella: talaga po doc?

Vivian: oo naman. Ayaw mo ba?

Ella: Gustong Gusto po Doc!

Tumulog si Ella kila Vivian na magbigay ng libreng check up sa mga tao. Mula sa pagkuha ng kanilang BP hanggang sa pamamahagi ng mga libreng gamot. Gabi na ng matapos sila Vivian sa kanilang pagbibigay ng libreng serbisyong medical sa mga tao sa lugar na iyon at nagpaalam na si Ella para umuwi.

Matapos magligpit ng mga gamit ay naglakad na si Vivian papuntang sakayan. Hindi kasi niya kasama ang boyfriend niyang si John matapos mapuruhan ni Ambet nung isang araw. Sa kanto ng Kalye Bugbugan at Kalye Tambayan ang sakayan ng jeep papunta sa kanila. Habang naghihintay ng…