Sa classroom ng isang unibersidad sa maynila…
Prof Salvador: Class, can someone explain to me kung plano mong kunan ng dugo ang isang pasyene sa kanyang I.V line, ano ang mga precautions mo na dapat gawin para masigurong hindi magiging diluted ang sample.
Prof Salvador: hmmm..wala bang sasagot?..ayun…yes Ms. Montecarlo
Pamela: sir kailangan po nating iinform at humingi ng permiso sa nurse on duty na kukuha tayo ng dugo sa IV line, para mapahinto ang flow ng swero. Saka pa lang tayo kukuha ng sample dito.
Prof Salvador: agad agad ba tayong kukuha ng dugo ms. montecarlo? pagkapatay ng swero. Gano katagal ka dapat maghintay?
Pamela: uhmmm…..
Sa oras na to nag iisip si pamela kung ano ang sunod nyang isasagot ng may biglang nagtaas ng kamay mula sa last row.
Prof Salvador: yes..mr…??? sorry hindi ko alam ang surname mo.
Jester: Mr. Del Rosario po sir.
Prof Salvador: yes mr. Del Rosario pede mo bang sagipin si ms. montecarlo.
Jester: Sir 5 to 10 minutes po muna dapat maghintay bago kuhanan ng dugo ang pasyente. Para ma flush out sa ugat nya ang mga fluids na sinalin at mamaintain ang integrity ng sample.
Prof Salvador: Bakit natin ginagawa to Mr. Del Rosario? ano ang mga pwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang procedure na to.
Jester: sir pedeng maging diluted ang sample dahil sa excess fluids na nakasama, Dahilan para maging falsely decreased ang hemoglobin ng pasyente.
Prof Salvador: Very good answer.. bonus question kung masasagot mo to exempted ka na sa next surprise quiz natin na mangyayari ngayon.
Section 1A: HAAAAAAAAAAAAAAA?!?!?!
Prof Salvador: Saan mo nabasa to at sino ang author ng pinanggalingan ng sagot mo.
Jester: Hematology by Harmening sir.
Prof Salvador: sayang..mali ang sagot mo, ito ay makikita sa Rodak. anyway very good dahil nagbabasa ka ng textbooks mo.
Prof Salvador: Ms. Montecarlo mukang may karibal ka na sa klase…I suggest wag mag relax at basa basa din pag may time okay?
Pamela: yes..sir
Umupo na ang dalawa at halata kay pamela na inis ito at galit sa sarili dahil sa nangyari. Samantalang si Jester ay nakangiti lang ng biglang may tumapik sa kanyang balikat.
Ron: pre wala tayong librong harmening dto sa school bakit yun ang sagot mo? sayang naman exempted ka na sana.
Sya si ron ang matalik na kaibigan ni Jester bata pa lang ay magkasama at sanggang dikit na sila nito.
Jester: relax ka lang. ayokong sabihin ng mga kaklase natin na kaya ko naperfect ang quiz ngayon, ay dahil sinwerte lang ako sa recitation. Tandaan mo kung bakit tayo nandito sa section 1A.
Ron: grabe iba ka rin talaga, pero sigurado ko wala sayo yung quiz ngayon. tsk kung may utak lang ako na katulad sayo.
Nagsimula na ang quiz 15 items at moving type ito. (moving type ibig sabihin kada 10 seconds ay lilipat ka ng station at sa kada station ay may tanong. Pagtapos ng oras ay lilipat ka na sa susunod kahit tapos mo to o hindi.).
Tumagal ng isang oras ang quiz ng section 1A habang naghihintay si Jester sa may pinto dahil kakatapos lang nito, ay saktong lumabas si Pamela na kakatapos lang din. Nagkatitigan ang dalawa at walang lumulubay sa mga ito. Ramdam mo ang tensyon sa kanila dahil sa nangyari sa recitation kanina. Magsasalita na sana si Pamela ng biglang….
Jester: uhmmm pamela right? ako nga pala si Jester, grabe pala magpa recitation si Mr. Salvador. Anything under the sun kung magtanong. Kahit author ng libro dapat alam mo. hahaha naka tsamba lang ako kanina kaya nakasagot nung una kaso kinapos pa din.
Pamela: ah..ehh….oo ganun talaga yun.
Jester: O sya pamela nice chatting with you. tapos na si ron kaya iwan muna kita dyan. sana maging friends tayo.
Pamela: sige….
Halatang napaisip ang dalaga sa inasta ng binata dahil akala nya ay makikipag away at nagulat ng bigla syang binati at nakipag kwentuhan sa kanya. Nakatanaw sya kay Jester papalayo di nya napansin ay tapos na din ang ibang kaklase nila.
Andrea: oy pamela kakatapos lang namin sa quiz grabeeee ang hi…