The Unforeseeable Fate I (The Collegiate Fate Book 2)

Hello mga readers, una sa lahat sobrang thank you sa lahat lahat, Sa daming tumangkilik sa unang book. Speechless ako lalo na sa suporta niyo nung last 2 chapters, I mean grabe nakakatuwa. So eto na yung request niyo, yung book 2.
————————–

After what happened during our outing, sobrang daming nagbago. Kitang kita yung damage sa barkada nung nangyari. Kahit nung nandon pa kami sa isla bago umuwi. Ang cold nang atmosphere. Hindi na kami sumabay ni Elaine sa kanila pauwi, nag commute lang kaming dalawa. From that moment alam ko nang hindi na tulad ng dati ang lahat. Which gave mixed emotions, nandun yun sadness, nadun yung kaba, maybe may takot, pero may excitement pa rin dahil I know na kahit ganon na ang kalagayan namin nandon yung family ko, nandun yung mga natitira kong kaibigan and syempre si Elaine.

Gaya ng sinabi ni Elaine, ang dali talagang sabi hin na harapin naming ang bukas with high hopes pero ang hirap gawin. During vacation, syempre may kanya kanyang buhay kami, family time, etc. Dun ko naramdaman yung loneliness. Nagkaroon ako ng Something like anxiety, sobra akong mag overthink lalo na kapag wala akong kausap sa bahay. Yung sa gabi bago matulog ay bumabalik lahat sa isip ko tapos biglang kakabog yung didib ko sa kaba. Ang hirap, as in. Di ako makatulog buong gabi. Hindi ko din naman kayang mag open sa family ko syempre lalake ako and dito satin tanggapin man natin o hinde, ang lalake dapat strong mentally and physically.

Alam kong di dapat pero walang araw na hindi ko inisip, at inistalk sa social media si Hannah. Umaasa ako na makapag usap kami or atleast masagot manlang niya yung isang tanong ko. “Why?”

Pero habang ang lahat ay abala sa bakasyon(oh by the way, a week after ng outing nagbakasyon si Nida sa abroad, sa parents niya), nandoon si Elaine para sakin at ganoon din ako para sa kanya. Day by day, lalo kaming nagiging close sa isa’t isa. Halos araw araw kaming nag cha-chat, and video calls. Hanggang sa nag kakayayaan na mall. Halos every two-three days nag mamall kami. Kain dito, nood sine don. Basically we did everything para piliting maka move on agad sa nanagyari sa amin.

Moving forward, it’s the first day namin as 3rd year college. This is it, eto na yung moment na kailangan naming harapin. Alam naming kalat na ang nangyari na sa outing namin.

Napagusapan namin na magkita kami sa isang fast food para sabay kaming pumasok. Nauna ako dumating kaya umorder na ako ng breakfast namin.

Maya maya ay dumating na siya. Nalagpasan niya ko at huminto habang nag tetext.

“Miss,ang ganda mo naman pwede mahingi number mo?”pabiro kong tanong.

Napalingon siya “Uy. Baliw. dyan ka pala…” sabay upo.

“Goodmorning. Sorry na late ako” sabay ngiti niya.

“Goodmorning din. Ganda ng cap mo bagay sayo.” sagot ko naman.

First time Ko siyang nakitang nag cap. Bagay Na bagay sa kanya. By the way, she’s wearing tight jeans and a semi fit tshirt. Kita pa rin ang hubog ng katawan niya sobrang sexy talaga.

So ayun, tinapos namin ang pagkain and diretso pasok na kami sa school. Nang nasa gate na kami napatigil ako sa pagalakad dahil sa hinitak niya ang kamay ko.

“Wait…kinakabahan ako.” sabi niya.

“Relax lang. Napagusapan na natin to buong bakasyon.”sagot ko.

Talagang ang dalas namin pagusapan nung bakasyon na pano kami papasok, pano kami haharap sa mga kaibigan, school mates at kung sino pa mang nakakakilala sa amin sa school.

“I know, sorry. Tara na”sabay hila niya sa kamay ko.

Typical first day sa college, ang daming estudyante sa labas. Nagkalat, dahil nga sa typical scenario sa college na magulo pa sched, walang room, or wala pang klase.

Habang nag lalakad kaming dalawa, akala mong criminal kami kung titigan mula ulo hanggang paa. Nandyan din yung ibang nagbubulungan tapos titingnan kami. Dahil don napahawak si. Elaine sa kamay ko parang nagpalalakas ng loob.

I get it, talagang kakalat yun, at bigdeal sa nakararami yung nangyari. I mean both hannah and elaine are popular sa school namin. Hannah being a member of student government and Elaine being the campus crush.

Dumiretso lang kami sa lounge kung nasaan sila Nida at ibang kaibigan namin. (Oh by the way, nagshift si Elaine sa course ko)

Pagdating namin sa lounge ay sina Nida, Nicole, Bryan at laking gulat ko si Alissa.

“Hi guys.” bati namin sa kanila.

Tapos biglang umepal si Bryan ” Pre bago nga pala nating kaklase o, si Alissa”

Tumayo naman si Alissa, si Nida naman ay akmang pipigilan sana si Alissa.

” You’re Mike right?”Sabay abot nuya ng kamay niya para makilag shake hands.

“Magkakilala kayo?!” parang nagulat na tanong nung iba.

Sasagot sana siya ng bigla kong inabot yung kamay niya at ” ah oo pinakilala siya ni nida nung debut niya lumabas ata kayo no” palusot ko sabay hugpit ng hawak sa kamay niya bilang sensya sa kanya.

Phew! I dodged a bullet there haha.

So ayun nagkwentuhan kami, palipas oras. Kasama sa napagkwentuhan ay si Jomar at yung dalawa. Turns out, nasa abroad na si Jomar, england to be exact kung nasaan ang magulang niya. And tungkol naman sa dalawa, nakipag break na daw si Hannah not long after nung outing. Nagpatuloy pa kwentuhan namin pero napako yung sinabi nila tungkol kay Hannah sa isip ko.

Yung iba ay nasa klase na nila dahil mag kakaiba na kami ng major. Basically Sa mag totropa, kami nalang nila Elaine, Nida, Bryan at Nicole ang mag kakaklase sa lahat ng subject.

May isang prof lang na nag papasok for orientation and then yung iba nakausap na namin na bukas na daw. Sakto yon before lunch. Kakain sana kami sa labas pero may lakad pala si Nicole kaya di na kami tumuloy.

Habang naglalakad kami palabas ni Elaine tinanong niya ko “May lakad ka ngayon?”

” Bakit?” tanong ko.

” Basta, sagutin mo muna may lakad kaba?”tanong ulit niya.

” Wala naman, eh bakit? Magpapasama kaba sa mall?”tanong ko.

“Hindi, ayain sana kita mag lunch eh kung pwede”sabi niya parang nag papaawa pa siya sa tono pati sa facial expression niya, ang cute e.

“Sus lunch lang pala e san mo ba gusto?”sabi ko.

Napatingin siya sakin”Sa bahay, pakilala kita sa parents ko…”sabi niya sabay tingin sa malayo habang naglalakad pa rin kami.

Putcha! Bigla akong may naramdamang kakaiba, para akong kinilig a I’m not lying kasi naman the way she said it iba dating e ang cute niya.

Napahinto ako ng lakad pati siya. Hindi agad ako nakasagot agad.

“So ano? Pwede ka?”sabi niya.

Talagang di ako makapag isip nang maayos kaya pabiro ko siyang sinagot”Ano ba yan di pa nga ako nanliligaw papakilala mo na agad ako kay Mom at Dad”

“Aarghhh…” parang naiinis siya habang pinipigilang mangiti sabay kurot braso ko. ” .. Bahala ka nga diyan kung ayaw mo edi wag”sabay mabilis na lakad palayo.

Natawa ako sa reaksyon niya. Mabilis ko naman siyang hinabol. Nang maabutan ko siya ay agad ko siyang inakbayan, At pinull ko towards sakin yung ulo niya.

” tsss. Eto talagang besfriend ko masyadong pikon, syempre pwede ako. Pwede naman ako lagi basta ikaw” banat ko.

Inalis naman niya ang akbay ko sa kanya tapos bigla akong pabirong hinampas sa dibdib. ” hmp.. Kainis ka kung di lang kita labs baka sinuntok na kita” sabay ng isang matamis na ngiti.

Matapos non ay nag iintay kami ng tricycle sakto kasi angdaming sasakay kaya nagkaubusan.

Yes, naging ganung kami ka close. Sa buong bakasyon ba naman halos siya lang yung kausap ko e. And yung kanina? Typical na pang inis ko sa kanya yon pero walang meaning. Pero yung kilig totoo, naramdaman ko talaga, sinong lalake ba hindi kapag sinabing ipapakilala ka diba? But I know what she meant. Walang intimate feelings na namamagitan samin. Bestfriends (lang).

Habang nasa tricycle kami naikwento niya na gusto din daw ako makilala nung parents niya dahil nakita nila yung mga pictures ng mga gala namin during vacation.

Pagdating namin sa kanila ay agad kaming pumasok. Talagang may kaya sila, may maliit na pool sa gilid with matching garden pa na ang ganda ng landscape. May SUV din sila. Bungalo type yung bahay pero may kalakihan ito.

“Pasok Iho…”bati ng mama niya siguro.

Nang makapasok kami ay “… Upo ka muna saglit di bihis lang ako” sabi ni Elaine.

So naupo ako at habang lumilingap ang mata sa bahay. Ang linis at ang ganda din ng mga gamit. Naupo din ang mama niya sa kabilang sofa.

“So ito pala boyfriend mo anak?…” Sabi ng mama niya sabay tingin sakin ng nakangiti at sumenyas na biro lang.

“MAAahhhh…” may tono pang sigaw ni Elaine na nasa kwarto non. “Para ka namang ano ma. Masyadong issue” sabi niyang habang papalapit samin.

Parehas kaming natawa nung mama niya.

” Di mo ba ko papakilala? Ano nga pangalan mo iho?”tanong niya.

“Ahh. Mike po. Bestfriend po ni Elaine.” Sagot ko naman sabay simpleng ngiti sa mama niya.

Si Elaine naman ay umupo sa arm rest ng sofa sa tabi ko at umakbay sakin. Nagpatuloy kami sa kwentuhan, nakakatuwa kung pano sila magusap. Parang magbarkada lang sila, ang close nila and ang cool ng mama niya. Nakakatuwa din kung pano ako ikwento ni Elaine sa mama niya, parang sobrang tagal na naming mag kakilala at kala mong santo ako sa kabaitan sa kwento niya.

After ng konting daldalan, nag lunch na kami. Doon tinuloy namin ang kwentuhan. Naikwento nila sa akin na yung Dad ni Elaine ay madalas wala sa bahay dahil sa trabaho nito which involves travelling aroung the Philippines to check on different branches nung company. Masarap kausap ang Mommy niya, nakikisakay ito sa biruan na kala mong millennial. Nakausap ko rin ang Daddy niya thru video call, mabait din siya, sobrang swerte ni Elaine sa family niya sobrang supportive sa kanya nito.

Sa isang part ng ng kwentuhan namin ay nagpasalamat sa akin si tita “Nako Mike nga pala ah…”

“Saan po?” pagtataka ko.

“Salamat at pagpilit mo sa anak ko na wag mag shorts tuwing umaalis,..” sabi niya “..Alam mo bang ikaw lang nakapag papayag niyan kay Elaine? Ang tagal na naming pinag sasabihan yan pero sayo lang nakinig” dag dag nito sabay ngiti.

Napatingin ako kay Elaine at nakangiti ito.

“Ah ganon poba? Wala po iyo para sa kanya din naman po yun” sagot ko.

Talaga naman kasing umaalis si Elaine ng naka shortshorts. Di naman sa pagiging kj or what, pero pinoprotektahan ko lang siya, kasi naman kapag nag mamall kami jusko, grabe ang mga mata ng tao, kahit yung mga lalaking kasama yung gf nila parang minamagnet ni Elaine ang mga mata dahil sa angking kagandahan at ka sexyhan. Kaya naman sinabihan ko siya na never na siyang mag shorts kapag pupunta sa public place, ayoko kasing nababastos siya. Yun ngang naka pantalon at tshirt na siya ay para parin siyang artista kung lingunin e, sobrang headturner talaga(no exaggeration).

Matapos kami kumain ay nagpahinga lang kami sagli sa sala at nag paalam si Elaine. “Ma sa kwarto muna kami a.”

“HMmm. Teka teka, walang magsasara ng pinto a mahirap na” nakatingin si tita kay Elaine na parang iniinis ito.

“Ma naman!…” sabi ni Elaine na medyo nanlaki mata “…Nakakahiya ka. Pano lalamig don kung naka bukas diba?” sabay tawa niya.

Natatawa lang din ako sa paraan ng pag uusap nila. “Okay,basta walang maglolock” sabay tingin ng patagilid kay Elaine.

“Thanks” sabi ni Elaine sabay takbo sa Kwarto niya para siguro buksan yung aircon.

“Kulit ng batang yon no? dapat diyan mahaba pasensya mo… minsan parang bata yan ang kulit” sabi sa akin ni Tita.

“Di naman po masyado, minsan parehas lang din po kami kaya siguro nagkakasundo kami” sabay bahagyang tawa ko.

Nng biglang sumigaw si Elaine. “Mike tara na dito”

“Sige po tita, punta po muna ko don” paalam ko.

Agad naman akong pumunta don. To describe yung kwarto niya, di naman ito kalakihan, canopy bed, may maliit na ref, at buong sahig ay naka carpet at may naka flat screen tv nan aka wal bracket sa tapat ng paanan ng kama niya.

Magkatabi kami nakahiga sa kama niya. Nakapantalon pako non habang siya ay naka maong na shortshorts and semi fit na tshirt.

“Wala kabang boxers? Para komporable ka” sabi niya.

“Meron… di ba nakakahiya? Baka pumasok mommy mo” sabi ko.

Medyo natawa siya “Ano naman nakakahiya don? Di ka naman nakahubad tsaka ma lakad yon” sabi niya

Bumangon nako at hinubad yung pants ko. Matapos ay bumalik ako sa kama para mahiga sa tabi niya. Nanonood lang kami ng movie at that time plus kwentuhan.

Sa kalagitnaan ng kwentuhan ay tinanong ko siya “Kamusta nga pala first day mo?”

“Ha? Magkasama kaya tayo kanina syempre alam mo na” sabi niya

“I mean how do you feel, okay naman ba?”Pag elaborate ko.

“It’s good, kahit na nakakapangliit kung pano nila tayo tingnan..”sabi niya habang tuloy pa rin kami sa panonood.

“Hayaan mo sila. Wag mong pansinin yung mga yon. Mag focus ka langs a studies mo” sabi ko.

“Yup. Tsaka basta nandyan ka naman lagi sa tabi ko kaya ko naman…”sabay tagilid niya paharap sa akin nang napansin niyang napangiti ako sa sinabi niya “…ay kiniliggg Siya, hmppp ang cute mo kapag kinikilig ka”sabi niya sakin sabay pinanggigilan kurutin yung pisnge ko.

“Ehhh.. Kinilig daw di kaya no.” pabiro kong sinabi.

Nagpatuloy pa kwentuhan namin. At kung ano anong kakulitan, para nga kaming couple e habang patagal ng patagal lalo siyang nagiging sweet.

Mga ilang minuto pa ay dumapa naman siya sa tabi ko, pinaglalaruan niya yung iilang piraso ng balbas ko. Tuwang tuwa siya don e.

Sa posisyon niyang iyon hindi ko maiwasang madalas tingnan ang kanyang pwet. Langya ang tambok e, fit na fit yung shorts niya plus yung kaputian pa ng legs niya. Shit!

Maya maya ay bigla akong nagulat ng hampasin niya ko sa dibdib.

“Aray!”Gulat ko.

“Ikaw ahhh, san ka nakatingin? Hmmp” sabi niya sabay akmang papaluin ulit ako….