The Unforseeable Fate

Hi, eto na ulit si Michael or mas kilala niyo as Mike. I’m here para tapusin na yung storyang ito na pinamagatang Collegiate/Unforseeable FATE. This time, boring na, halos wala nang dialouge or creative writing. Just the story itself, as real as it gets.

It’s been a long time nung naisipan kong isulat ito, at that time I really wanted to share everything, but now. Hindi ko na alam.

Bakit?

Hmm. Balik tayo sa umpisa, sa pamagat kung bakit FATE. Sabi ng dictionary, Fate is the development of events beyond a person’s control. For sure kung nasubaybayan mo sa umpisa, ako yung gumawa ng paraan para may mangyari sa amin ni hannah. I’m in control, pero what happens next, para akong bata na walang magawa sa mga nangyayari sa paligid ko.

Some of you might think na, fuckboy or swerte, or some may even doubt that degree of “realness” ng story ko. Yes, of course, to some extent pinaganda or pinabulaklak ko na ang storya for the sake of writing. Pero kung ano man yung nalaman niyo sa kwento so far. Iyun na yun. Yun na ang highlight. Pero yung mga dapat na susunod na chapters, di ko na alam kung paano ko ikukwento.

Madali kung sa madali, dahil alam ko na hindi ko na kailangang dagdagan o bawasan ang laman ng mga next chapters pero ang hirap dahil bumabalik lahat sa isipan ko.

Yung rush of thoughts and emotions, grabe.

Originally, ang nakaplano lang sa akin ay putulin na ang kwento, sa beach, yung outing, yung simula nang pag gulo ng lahat. To me, great ending na, open ending na mag bibigay sa reader mga tanong like, anong mangyayari kay Rudy, Jomar, kay Hannah, sa barkada, so sila Mike at Elaine na? Pano na si Nida.

Kaso sobrang nadala at natuwa ako sa mga readers, grabe yung suporta so, itinuloy ko.

Dumalang ako mag update, umabot pa nga ng taon. Then lately nakasulat ako ng magkasunod pero di ko alam kung pansin niyo, pero walang laman yung kwento. It was more of a fiction than a narration kung ano talaga nangyari.

Ang tunay o dapat na laman ng mga chapter na iyon ay ang simula ng downfall ng mga bagay sa paligid ko.

Simula nang mag date kami ni Hannah, talagang tyinaga ko siya. Araw araw akong nangangamusta, at nagungulit sa text. Unti unti kaming naging close ulit over time pero nothing serious na nadedevelop.

Sinabi ko rin sa sarili ko na, kung talagang gugustihin ko na makasama si Hannah. This time, sa tamang paraan na. Hindi patago, talagang liligawan ko siya at titigil ko na ang mga kahaguhan ko. Pero bago yun, alam ko na kahit papaano ay kailangan ko sabihin ito kay Elaine.

Lahat nang tao sa paligid ko, may nasasabi na tungkol kay Hannah. Yung mga chismis, at kung ano anong kwento, pero hindi si Elaine.

Ibang umintindi si Elaine.

“…Kung san ka masaya doon ako. Alam kong ganun ka rin naman sa akin. So kung si Hannah yung magpapasaya sayo GO. Susuportahan kita, ‘lam mo yan nandito lang ako…” linya niya nang sabihin ko da kanya ang tungkol kay Hannah.

Kung magiging kayo man, Tayo parin bestfriend ha

Yan ang mga tumatak sa isip ko na mga sinabi niya. Sa isip isip ko. Ang swerte ko at may taong ganito sakin.

Pumayag si Hannah na ligawan ko siya, nadaan ko sa pangungulit. Dahil sinasabi niya na, kuntento naman siya sa kung anong meron kami.

Pinaghintay niya ako. Nang gaano katagal? Exactly 1 year daw. Januray nun, tandang tanda ko pa. January 23. ang sabi niya sa akin

“…January 23 20xx pag nandito ka pa rin. Tayo na. Kaya mo ba?”

Yan ang hamon niya. Ako naman tong bibo. Gano na kasaglit yung 1 taon.

Mahirap ang panliligaw ko, sobrang bihira namin lumabas or magkita outside school. Lagi siyang may reason, kesyo busy ganito ganyan.

Iniisip ko nalang na baka ito yung challenge niya sakin.

Pero tao lang din ako, napupuno lalo na sa napakarami kong naririnig na kwento tungkol kay Hannah.

Month of May nun, pang apat na buwan ko palang nan nanliligaw kay Hannah. Lumabas kami, kain lang ganyan. Naging pabalang ang mga sagot ko, naging bastos ako.

Nakapag salita ako ng mga hindi dapat, na pinagsisihan ko habang buhay.

Nung araw na yun, umuwi siyang umiiyak. Yung gagong ako naman, ni hindi manlang nag text agad o tumawag sa kanya namg gabing iyon.

Kinabukasan pa ako tumawag at nag sorry. Okay lang daw, nag sorry din siya. Sobrang apologetic pa nga niya. Nahiya ako.

Pero after nun, dumalang na siya mag reply hanggang sa June 8, ang huling text niya sakin. As in no calls, no text.

Ako naman itong tatanga tanga pinaabot ko nang ilang araw. Kung hindi pa ko sabihan ni Elaine na puntahan ka, hindi ko pa gagawin.

June 15, Day 7 nang hindi pagpansin at pagreply sakin ni Hannah. Nagpasama ako sa mall kay Elaine to buy surprises for her.

Elaine and I were joking around habang naglalakad nang bigla ka naming makita nagmamadaling maglakad, di ata niya kami nakita. Short hair ka na nun Hannah. Nagulat kami, inasar pa nga ako ni Elaine na nag momove on ka na daw sa akin. Di ko alam kung ano pumasok sa isip ko bakit nag back out ako. Yung binili naming cake, pinatabi ko muna kila Elaine. Sabi ko bukas nalang natin dalin mag iisip pako ng sasabihin ko.

Torpe, duwag, walang bayag. Tawagin niyo na akong kahit ano. Nagpasama ako kay Elaine ng umagang yun sa apartment ni Hannah. Siya pa may bit bit ng cake.

TOK TOK TOK!

Pero walang sumasagot. Ang rinig ko lang ay ang tugtog sa loob ng kwarto mo, chasing cars. Halos sumigaw na ko kakatawag sayo pero di ka lumalabas. Yung kapitbahay mo nabulabog na.

“Nandyan po ba si Hannah? Walang sumasagot e”

“Oo nandyan yun. Hapon siya umuwi kahapon tapos di pa ulit lumalabas.” Eksaktong sinabi ng kapit bahay mo.

Dito na kumabog ang dibdib ko. Pinagh…