The Unforseeable Fate VI

Hello, ang tagal ulit. Pero gaya ng sabi ko tatapusin ko to not immediately pero definitely. Meron pa bang magbabasa? Haha. Enjoy
——————–
Kinaumagahan ko na nireplyan si Elaine, dahil baka nga nakita niya ang sasakyan ni Alissa e magduda pa. Hindi naman niya sinabi din kung tungkol saan.

Nagbihis ako agad at dumiretso sa kanila. Nagbreakfast kami kasabay ng mama niya pero hanggang makarating kami sa school ay wala paring binabanggit si Elaine kung ano ba yung gusto niyang pag usapan.

Pinapakiramdaman ko lang si Elaine, pero something’s off. Wala siya sa mood. Kabisado ko na ang babaeng to, ang bilis maglakad halatang iritado.

Nakaupo na kami sa loob ng classroom, maaga pa naman kaya kaming dalawa palang ang nasa room.

Hindi siya umiimik, nag cecellphone lang kami parehas. Nang bigla siyang tumingin sa cellphone ko.

“Hmp. Sabi na e.” Mataray na sabi niya.

“Ha?” Sabi ko.

“Haa! Hah!? Ka dyan.” Sabay irap niya.

“Ano ba yun bakit ka ba ganyan ngayon? May ginawa ba ‘ko?” Sabi ko naman.

“Tanong mo dyan sa Alissa mo. Baka alam niya kung bakit. Hmmmpp” sabay dabog niya.

“Alissa kooo?” May tono ko pang sabi.

“Bakit hindi ba? Bakit ba sobrang close niyo ngayon. Text ng text sayo kinikilig ka pa.” sabi pa niya.

“Pinapaalala ko lang sayo, may boyfriend yun. Tigilan mo.” Dugtong pa niya.

“Alam mo mali naman iniisip mo e. O tingnan mo.” Sabay abot ko sa kanya ng cellphone ko.

Pinabasa ko sa kanya messages namin. Lahat naman nang nandoon is convo namin ni Alyssa tungkol kay Nida. Ibang account ang ginagamit namin na panglandian.

Tahimik lang kami habang binabasa niya iyon. Nang matapos siya ay inabot niya sakin ang phone ko at parang nagiba ang tono niya.

“Oh ano na? Bakit di mo na nakakausap si Nida. Alam mo, nagtataka kami lahat. Sobrang close niyo kasi dati. Tapos ngayon ganyan na. Di mo pa rin yan ino-open sa akin. Bakit ba pakiramdam ko ang dami mo nang sinisikreto sa akin.” Sabi niya.

“Gusto ko ikwento sayo. Sorry. Pero out of respect nalang kay Nida, I can’t go into details. Basta ‘lam mo na yun diba? Nasundan pa kasi tapos siguro ewan basta.” Magulong kwento ko pero alam kong naintindihan naman niya yun. We have that level of connection.

“Tsk. Bakit ka ba ganyan? Yung babaeng alam mong totoo hindi mo pinapahalagahan? Nandyan na sa harap mo e. Sinasayang mo pa. O bakit bigla siyang ganyan? Third party? Selos?” Sabi niya.

“Ha?” Painosente ko na parang nagtataka. “Anong third party ka dyan”

“Ha ka na naman! Di ba involved si Alissa sa nangyari, kaya nagalit si Nida sayo?” Parang naiinis ang tono ng pananalita niya.

“Sira. Sinabi ko sayo walang something samin ni Alissa” sabi ko.

“Talaga lang ha? Oh e baka naman si Hannah?” Usisa pa niya.

Napakamot ako sa ulo. “Tangna. Lakas talaga ng pakiramdam ng babae. ” sabi ko sa isip ko.

“O ba’t di ka makasagot? Tama ako no?” Sabi pa niya.

Wala akong reason to lie so sinabi ko ang totoo.

“Yes, siya nga reason. Pero…” sabi ko

“Pero ano?!” Sabi niya

“It’s not what you think na ganito may relationship kami ni Hannah, dahil wala naman.” Explain ko.

“Eh ano nga? Dahil ba binigay niya sayo lahat tapos after ng lahat mangyari, after ng lahat ng sacrifices niya and after what Hannah did to you e tinake for granted mo si Nida and yet yung babaeng nanakit sayo, kung tingnan mo parang siya lang ang babae sa mundo” litanya niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. I mean, seryoso. How the hell did she know that.

“Wait…” sabi ko.

“Bakit? Tama na naman ako no? Kasi totoo naman. Kahit di mo ikwento sa akin ng buo, alam ko kung ano nararamdaman ni Nida para sayo. Martyr yung tao. Nasaktan, kahit ako man yun. One more thing, alam ko ring nag uusap kayo ni Hannah. The way na pasimpleng batian niyo pag nag kakasalubong kayo. Tsk.” Naiinis niyang sabi.

“Galit kaba? Alam mo gusto ko naman ikwento talaga sayo e. Natatakot lang ako na baka lumayo ka sakin dahil sa mga kagaguhan ko. Sorry na El” sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

“Hindi ako galit. Nagtatampo lang ako, nag promise tayo na walang secrets tapos ganyan ka. ” sabay irapbniya na parang nagpipigil ngumiti.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Alissa.

Pasimpleng pinanlakihan ako ng mata ni Elaine “Ehem. Speaking of” bulong niya sakin.

“Hi. Good morning” bati niya samin sabay upo sa tabi ni Elaine.

Isa isa na ring nagdatingan ang mga classmate namin. Masyado kaming nalibang sa kwentuhan na hindi na namin namalayan ang oras.

“Wala daw si Ma’am. Nagpunta na ko sa faculty.” Sabi nung isa naming classmate.

Kasunod noon ay isa isa nang naglabasan yung ina. Kaming nagkakaibigan ang natira.

“Huyy sa birthday ko ha. Kayo lang bisita ko. Magtatampo ko pag di tayo kumpleto.” Sabi ni Alissa.

Tawa kami ng tawa dahil, 3weeks pa before birthday niya tapos ganun na mag-aya.

Habang tuloy lang ang kwentuhan ay di ko mapigilang pasimpleng tingnan si Nida. Alam kong pansin niya na tumitingin ako pero sobrang iwas siya. Nakatabi sa kanya si Bryan. Nakapaikot na ang mga upuan namin.

Mabilis na lumipas ang 2 linggo, bilang na bilang ko kung naka ilang “session” kami ni Alissa. Anim. Karamihan ay sa apartment ko. Meron ding isa sa motel kung saan unang may nangyari sa amin at sa kotse niya din.

Iba si Alissa. Sobrang libog at wild ng babae na to pero bukod dun ay masarap talaga siya kasama. Hindi ako nabobored lalo kapag nag oopen siya tungkol sa mga fantasies niya.

Saturday night pa yung lakad namin ni Alissa. Friday after ng klase ay nagkayayaan uminom ang magbabarkada.

Una gusto pa sa apartment ko, kaso tumanggi ako dahil masikip doon kaya nauwi kami kila Nida. Sa rooftop kami nag setup nag ka yayaan na huwag gumamit ng lamesa. Nag latag kami ng ilang manipis na foam at sumalampak doon. Ang chill kasi, ang lamig, yung kitang kita nag mga bituin.

Bali walo lang kami hindi sumama sila Abby at ate Julz.

Nakapaikot kami, ang setup ay nasa kanan ko si Elaine sa kaliwa naman ay si Nicole, sa tabi ni Nics ay si Patrick, ang sumunod naman ay si Nida at Bryan then si Alissa at si Gelo. Bali alternate lang.

Ako ang nag tanggero.

“Oh una na ko ha” sabay kuha nung baso na nay redhorse.

Napahawak si Elaine sa braso ko. Halatang nagulat sila lahat.

“Huyy ano yan. Kelan pa? San ka naman natuto uninom ha?” Pa bossy na sabi ni Elaine.

Bago ko makasagot ay sumabat si Patrick, ang kuya ng barkada.

“Ayan, nako nagalit Boss mo yari ka” asar nito sabay tawa nila.

“Ehh malungkot kaya sa apartment. Kaya ayun…” sabay tawa ko habang nakatingin sa kay El.

“Yiee sweet niyo. Ayaw pa kasi umamin e. Diba kayo na?” Kantyaw naman ni Bryan.

Napatingin sakin si Elaine patagilid at umatras ng konti ang katawan na parang tinitingnan akong buo. “Anong kami? Di magiging kami niyan. Torpe e” asar niya

Medyo bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko. Napakunot ang noo ko sabay tingin sa kanya. “Baliw…”

“…jokeee haha. Bestfriend ko yan no” sabi ni Elaine sabay hawak niya sa shoulder ko at ihiniga ang ulo niya dun.

“‘Nanyo. Apakasweet uta nang iingit lang kayo e. tagay na. Tagal” sabi naman ni Gelo.

Tuloy ang inuman at mahabang kwentuhan. Hindi maubos ang kwento, kanya kanyang bida. Asaran tawanan, hayy ang sarap talaga kasama ng totoong mga kaibigan.

Bzzzz…bzzzzz

Tunig ng nag vibrate na cellphone ni Elaine.

Agad niya itong sinagot.

“Hello ma?” Sabay tayo niya at senyas na teka lang.

Tuloy ang kwentuhan namin. Hindi ko rin mapigilang mapagtuunan ng pansin si Nida. Masaya ko, dahil it seems na masaya siya. Unti unti na silang nagiging komportable ni Bryan sa isa’t isa. Gaya nga ng sabi ko ma effort sa babae si Bryan at deserve ni Nida yung ganung klaseng lalaki.

“…huy guys. Sunduin daw ako ng parents ko. Naisipang gumala, week end e” explain niya.

“Wow naman. Yayamanin talaga to. Laging may outing tuwing weekend” sabi ni Nicole.

“Sira haha, mahilig lang talaga yun sa gala” sabi naman ni Elaine sabay hitak sa kamay ko patayo.

Mga ilang minuto lang ay nagpaalam na rin kami na bumaba. Ihinatid ko si Elaine sa baba.

“Hoy Michael Ongpauco, umayos ka ha. Aalis ako mag update ka manlang sakin. Umiwas ka ha lalo kay Alissa.” Sabi niya na parang may pag babanta.

Gusto ko pa sana siya asarin pero biglang dumating ang parents niya. “Okay po” sagot ko kay El.

Nag baba lang ng bintana ang parents niya at nag mano ako, pinagbukas ko ng pinto si Elaine at pag sakay niya ay nag bukas din siya ng bintana.

“Byeeee” cute niyang pag kakasabi with her cute smile.

I waved her bye. “Babyee. See you.” Sabi ko

Agad akong bumalik sa taas at nag tuloy ang ikot ng inuman at kwentuhan. Mabilis naming naubos ang binili naming redhorse. Mababaw pa ang gabi, 10pm palang so nag kayayaan na bumili pa.

Dito naging mas masarap ang kwentuhan dahil pareparehas na kaming may tama ng alak.

“Tol ano na score niyo ni Nida?” Tanong ni Patrick.

“Oo nga. Balita naman dyan oh. ” kantyaw naman ni Alissa.

“…Wag kayo gumaya kila Mike at Elaine. Masyadong masikreto” banat naman ni Nicole.

Nagtawanan ang mga mokong. Mag eexplain sana ko kasi pinigilan ako.

“Oh oh mag sasalita pa. Walang naniniwala sainyo” sabay tawa ni Bryan.

“Eh bakit kasi ako. Kayo tong tinatanong e. Ano na ba ganap sainyo ni Nida?” Sabi ko.

Nagulat si Nida at napatingin sa akin na para bang nagungusap.

Lahat ay naka focus sa kanilang dalawa, sa magiging sagot nila.

“Ah eh…” napakamot ulo si Bryan sabay tingin kay Nida.

Nangiti naman si Nida na parang nahihiya.

“Hindi pa kami mga bugok. Hinihintay ko pa yung matamis na oo nitong babae nato” sabay hawak sa kamay ni Nida.

“Ayyyyy grabeee. Sweet” sabi ni Nicole.

“Nakoo. Gaano ka ba katagal maghihintay? Pano kung matagalan pa yung OO ko.” Malambing na sabi ni Nida.

Hindi agad nakasagot si Bryan dahil puro kantyaw ang inabot.

“Alam mong hihitayin kita hanggang maging ready ka na talaga. Hindi ako nag aapura kahit gano pa katagal, alam mo kung bakit? ” tanong ni Bryan kay Nida

Napahinga lang si Nida at tumitig kay Bryan na parang sinasabing “bakit?”

“…Kasi ikaw yung babaeng gusto ko makasama hanggang dulo…” huminto muna siya dahil napapailing kami na natatawa dahil lasing na rin.

“… Hindi, lasing ako pero alam ko sinasabi ko tol, seryoso itong babae na to? Siya na sana yung ihaharap ko sa altar.” Seryosong seryoso na sabi.

Napahagikgik kami kakatawa.

Kinurot pa ni Nida si Bryan.

“Tangina mo pre. Lasing. HAHAHA hayup ka kasalan na nasa isip mo di pa nga kayo” pang aasar ni Patrick.

Tuloy ang tawanan at asaran dahil doon. Grabe talaga ang samahan haha. Ang saya.

Siguro sa kalasingan kaya na nasabi ko rin na “No, pero kidding or joking aside. Boto kami sainyong dalawa. I mean suportado namin kayo. Lagi lang kaming nandito. Tama?” Tanong ko sa mga kaibigan ko.

“Oo naman. Syempre.” Mga sagot nila.

“Pero huwag na huwag mo lang subukan paglaruan yang si Nida. Yari ka samin, sakin. Alagaan mo yan ha.” Sabi ko pa.

“Yun o. Protective friend…” asar ni Nicole.

“No seriously, tama si Mike. Tayong mga nandito, at si Elaine, solid na sana tayo. Alam niyo naman yung nangyari dati…” sabi ni Patrick.

Dito tumahimik ang lahat.

“Yung nangyari na yun hindi na ko papayag na meron pang maulit na ganun. Gusto ko sa hirap, sa saya magkakasama tayo. Pag may problema, ayusin, tumatanda na tayo, oo enjoyin niyo yung mga ginagawa natin, pero wag niyong isasacrifice yung samahan natin. Yung bond natin, dadalin natin to hanggang pagtanda natin.” Parang kuya na nag lelecture si Patrick.

Nag agree lahat, aakma pa mag group hug.