The Untitled Chapter 1 Part 1 – Si Charlene

Tuesday, March 7, 2017

Dear Diary,

I’m glad to meet you! Ako nga pala si Charlene David, or Charlie for short, 21 years old at isa akong bagong hire na IT Associate dito sa Radiant Incorporated. Nagtapos ako ng Computer Science sa La Salle, ngunit dahil mabababa ang mga grades ko, nahihirapan akong mag-apply sa mga high-end na companies kaya naman dito ako napadpad sa Radiant. Mukhang ok naman dito, dahil kahit di kilala ay balita ko naman eh hitik sa experience dito. Puro technical at magagaling daw ang mga leads dito. Kaya sobrang looking forward talaga ako sa first job ko.

Dahil sa DLSU ako nag-aral, masasabi ko na may kaya naman ang family ko. Di naman sobrang yaman, pero above average naman. May boyfriend ako, si Luis, at nasa Qatar sya ngayon. Nandoon kasi ang daddy nya, kaya kinuha sya pagkagraduate namin. Lagi nyang sinasabi sa akin na balang araw kukunin din nya ako dun. Well, hopefully bilisan nya dahil ayoko talaga ng long distance relationship. Marami kasing nanliligaw sa akin, pero dahil love ko si Luis, di ako pumapayag na magpaligaw. Pero syempre, may hangganan din ang lahat. Kaya Luis, bilisan mo po dahil malapit na akong mainip.
——————–

Wednesday, March 8, 2017

Dear Diary,

First day ko sa work ngayon! It was such an exhilarating experience because the employees were so kind and thoughtful! Although training, they never gave me such a hard time and they were very good in teaching the course. I guess pag nasa team na ako, I’ll give my best shot because I was taught by my trainers very well. And what’s more, may nakatabi ako na super gwapong lalaki! Ahhhhhhh para akong magme-melt sa kagwapuhan nya. Ano nga bang name nya, Robert ata yun? Sa sobrang starstruck ko, di ko na sya nakausap. Coz’ I really have to focus on the training. Hopefully magkita pa kami soon. Hehehe pero syempre work above all muna!

Kumusta kami ni Luis? Oh well, not so well! Di man lang nag online ang gago ngayong gabi kasi may party daw sya na pupuntahan! If I know, baka nagchichix lang yun doon or something unfaithful. Pag naman talaga ako nagsawa, hay nako, uuwi ng Pinas yun at luluhod sa harapan ko. Di ko…