The Untitled Confessions – Chapter 2 – The Director – Pt 3

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved

This story was first posted at www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts the author’s work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing IP code in the Philippines.

_______________________________________________________________

*Authors note: Sorry napatagal ang update na ito. Medyo naasar pa rin kasi ako sa isang (one) website that nagrerepost ng story ko without asking for my permission and monetizes my story without my knowledge. Parang mga gago/gaga lang na hindi alam ang ibig sabihin ng copyright, all rights reserved, saka ng “Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.”

Salamat din pala sa mga nagco-comment/like sa stories ko. If you have any feedback re: my writing, please let me know. I’ll greatly appreciate it po.

xoxo

la_polla_loca

___________________________________________

“Fucking shit, Alina, huwag mong sasabihing naniniwala ka sa mga chismis na iyan?”

Galit na galit si Tom noong araw na iyon. For the first time in forever, nagmumura ito with conviction. Si Alina naman, nakatingin lang ng masama sa kasintahan. Namumula ang mga mata. Walang kibo.

“Ano? Say something, for the love of the world’s fucking god” sigaw ni Tom.

“Where there’s smoke, there’s fire” naiiyak na sabi ni Alina.

“Papaano kung gawa-gawa lang ng makakating dila ang usok na iyan?” nanggagalaiting sabi ni Tom. Sa lahat kasi ng bagay sa mundo, pinakaayaw niya ang chismis. They’re carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots, sabi nga ni Tom kay Alina palagi.

“Pero ka-close mo pa rin si Andrea” pagrarason ng dalaga.

“And what do you want me to do then? Hindi ko siya pansinin? Kausapin? Oh my friggin’ god Alina”. Sinipa ni Tom ang basurahan sa tabi niya at sinuntok ang pader. Si Alina naman, ilang ballpen na ang nadikdik sa kanyang table dahil sa init ng ulo niya.

“She’s a colleague of mine, Alina. Technically, boss ko na rin siya kasi aside from being a board member sa kumpanya, she’s the daughter of the company’s CEO” pagpapaliwanag ni Tom sa kausap.

“Kaya panay ang dikit niya sa iyo? Kaya kulang na lang ipahawak niya ang suso at puke niya sa iyo? Pesteng closeness naman iyan, Tom” pasigaw na sagot naman ni Alina. Nagsindi ito ng yosi just to calm her nerves a bit.

“Alangan namang iwasan ko ang mga ginagawa niyang iyon, Alina. Ipapahiya ko siya sa harap ng mga stakeholders? Is that what you want?”

“And what about this picture, Thomas? Don’t tell me na walang malisya ang kiss na ito? At hayop din sa yakap niya ah, parang linta lang. And for the love of everything that’s holy, don’t give me that bullshit about the stakeholders again. Kayong dalawa lang dito” umiiyak na sabi ni Alina.

“It was a kiss on the cheek, Alina. A kiss. On my fucking cheek. Saka it was taken in her condo’s lobby. In her. Condo’s. Fucking. Lobby” pasigaw na sagot naman ni Tom sa kanya.

“Hindi lang naman isang litrato iyan eh. I’ve seen at least 3 of them na.”

“Nagpapahatid siya sa akin. Car pooling. Kasama sa corporate responsibility initiative ng company namin.”

“Fuck that corporate responsibility bullshit na iyan, Tom” nanginginig na sabi ni Alina. Mabilis pala maubos ang yosi kapag mainit ang ulo ng parehong nag-uusap. “Ano iyan, ikaw lang ang corporately responsible sa kumpanya niyo?” said Alina as she lights up another stick.

“Ayan ka na naman sa mga pagrarason mo eh” iling-ulo na sagot ni Tom. “You tend to believe whatever conclusions you come up within your head”.

“Enlighten me then. Did you fuck her? May relasyon na ba between you two?” pasigaw na sagot na naman ni Alina.

“No, and no. Iyon ang sagot ko on both your questions. Now, maniniwala ka ba sa akin kapag sinabi ko iyon?”

Nanahimik naman si Alina. Hindi niya rin maintindihan ang lahat-lahat ng nangyayari sa ngayon. Ni ang sarili niya, hindi niya rin maintindihan kung minsan. “Unconfrontational confrontationist”, iyon ang laging biro sa kaniya ng kasintahan niya dati. Ayaw niya ng gulo, pero gusto niyang mang-away. Nakailang yosi na ito nang hinarap niyang muli si Tom, na umiinom naman ngayon ng pale pilsen.

“We need to have a break muna in our relationship siguro” sabi nito, calmly this time.

“Are you breaking up with me?” takang tanong naman ng kaharap.

“No, cool off muna tayo. That’s what I meant”

“I don’t believe in that fucking concept, Alina. Alam mo naman iyan” madiin na sabi naman ni Tom.

“Then think of it as me asking for a time off. Time out. A leave”

Tumayo si Tom at pumasok sa kanilang kuwarto. After 15 minutes, may suot na itong backpack sa likod at ang kanyang laptop sa kanyang braso.

“Saan ka pupunta?” tanong ng nabiglang si Alina.

“You need a time off. You called for a time out. You asked for a leave. I’m giving that to you” sagot naman ng lalake sa kanya.

“I didn’t mean it that w..” ang sagot sana ng dalaga, pero mainit ang ulo pa rin ni Tom, so he cut her off mid sentence.

“You know how much I love you, Alina. Mahal na mahal kita. Pero para sirain mo ang relasyon natin nang dahil lang sa isang chismis, one stupid fucking rumour, na ikinakalat pa ng mga taong wala nang ginawa kung hindi magkalat lang ng maikukuwento, then fuck me Alina. Wala ka na bang tiwala sa akin?” tanong ni Tom habang nagsusuot ng sapatos.

Sasagot sana si Alina pero walang salitang namumutawi sa kanyang bibig.

“Makikitulog na lang muna ako kina kuya. I pray na sana, while you’re on your leave, na maliwanagan ka kahit kaunti lang. Kahit kaunti lang. Verify the facts first. Don’t believe in hearsay. And yeah, pakisabi sa mga marites na kasama mo na may they all rot in the deepest crevices of hell” pagalit na sabi ni Tom, tapos lumabas na ito ng pintuan ng kanilang unit.

Pumasok na lang sa kuwarto si Alina, trying to get some sleep. Maaga pa ito bukas, kailangan niyang kumayod.

***

“Hoy bakla, parang walang tulog ang face natin ngayon ah” bati ni Eric sa kanya sa lift. Ilang oras na idlip lang ang nagawa niya kagabi, at namumugto pa ang mga mata niya. Isang malungkot na ngiti lang ang isinagot niya dito.

“Mag-yosi muna tayo sa smoking area bakla, bago tayo magtrabaho. Ayaw kong maging caregiver sa loob ng opisina, maldita ka” pagbibiro ni Eric sa kanya. Pagdating sa yosihan, nagkuwento si Alina ng nangyari sa kanilang dalawa ni Tom.

“Ah, I see. So dahil lang doon nag-away kayo?” Alina nodded.

“Sorry ah, it doesn’t make sense para sa akin, pero para sa inyo siguro it does make sense na rin.”

Oo nga naman, tama si Eric. Kung tutuusin, mababaw pa ang pinag-awayan nilang iyon kumpara sa ibang away nilang magkasintahan. Hindi niya maintindihan lang kung bakit biglang naging big issue sa kanya iyon. Ilang beses na din siyang nag-selos sa mga kaibigan, ka-opisina, at minsan ay nakilala ni Tom pero hindi pa dumating sa ganitong point. Hormones lang ba ito?

“Alam mo kasi, Allie, to the max din kasi pagiging gelli mo ano. Napagod lang siguro jowa mo” sabi ng kausap habang humihithit ng sigarilyo. “Bagay, papable naman kasi si Tom”.

“Pero bakit hindi niya man lang ako nilambing?” umiiyak na sabi naman ni Alina.

“Ay baklita, namatayan siya ng taong ka-close niya, tapos ang dami niya pang hanash sa trabaho. Kung ako iyon, na-jombag na kita ng sobra-sobra”

“Tama na naman si bakla” thought Alina. Isang buwan at kalahati pa lang mula nang mawala si tatang Cardo, tapos ang dami niya pang kailangang isipin sa trabaho. Napamura na lang ng pabulong ang dalaga tuloy, sabay lumuha na naman.

“Hoy bakla, hindi kita pinapaiyak ha. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sana maayos niyo iyang relationship niyong dalawa. Nakakaloka” nag-aalalang sabi ni Eric sa kanya, sabay abot ng tissue.

“Punasan mo na iyang mata mo at uhog mo ‘te. Mas nakakaiyak ang trabaho natin ngayon.”

Niyakap niya ito ng mahigpit, at pagkatapos at inilakad na papunta sa elevator lobby para umakyat na sa opisina.

***

“Hoy bru, may mali yata ang forecast mo na naman ngayon. Kanina pa nagwawala si Mr. Terror” salubong ni Tia sa kaniya. Dali-dali itong humarap sa computer niya at tiningnan ang ginawa niyang report.

“Shit, shit, shit” mahinang usal ni Alina habang inaayos ang kanyang trabaho. Pagkatapos ng halos isang oras, tumayo ito at pumunta sa opisina ng kanyang amo. Dahan-dahan itong kumatok sa pintuan nito habang nananalangin na sana, hindi siya mapagalitan.

“Come in” sabi ng amo nito.

“Good morning, sir. I’ve adjusted my report and would like to send it for your perusal”

“Just leave it there” seryosong sabi naman ni Jaime, sabay turo sa kaniyang lamesa. Iniwanan niya ang dala niyang papeles doon at saka nagpaalam.

“By the way, I’d like to talk to you about some things, Ms. Aquitin. Can you spare me some time after work?” sabi uli ng matandang amo nito na hindi tumitingin sa kaniya.

“Sir?” nagtatakang tanong ni Alina sa amo. He lifted his eyes for the first time, then looked at her quite intently.

“I’m stuck with meetings today, and the only free time I have is after work. Tell me if you can make it or not” madiin na saad ng kanyang amo.

“I can squeeze that in, sir “ mahinang sagot ng dalaga.

“Okay then. I’ll just text you the details later” sagot naman ng matanda. Lumabas sa cubicle ng amo ang dalaga at dumiretso kaagad sa kanyang kaibigan.

“Baks” nag-aalalang sabi niya kay Eric, na sinagot lang niya ng simpleng “Ano?”.

“Kakausapin daw ako ni boss after work daw.”

“Ah, okay. Tungkol sa report mo ano?” tanong ni Eric sa kanya.

“Some things daw. Baka sisantehin na niya ako.”

“Ay naku, either sa report mo lang iyan, appraisal mo, or iyung mandatory annual leave mo. Huwag ka ngang shunga” natatawang sabi naman ni Eric sa kanya. Suki na kasi siya ng after work meetings ni Jaime, to the point na iniisp ng marami na mag-siyota na silang dalawa.

“Ang technique lang diyan, makinig ka lang sa sasabihin niya. Tapos kapag nagtanong siya ng ‘any questions’, ang isagot mo lang ‘none at the moment, sir'” sabi uli nito habang papalabas naman ng cubicle nila for his meeting.

“Bakit ang malas ko naman ngayon” sabi ni Alina sa sarili niya nang maiwanan siyang mag-isa sa cubicle. Hindi niya maintindihan pero may masamang pakiramdam siya sa meeting nila ni Jaime mamaya. Women’s instinct na ba ito?

“Argh, bahala na” anas ni Alina sabay buntung-hininga. Hinarap na lang uli niya ang kanyang trabaho. Mas maganda na kasing may ginagawa siya, kaysa naman kung ano-ano pang kalokohan ang pumapasok sa isip niya.

***

“Peste, ang lakas na naman ng ulan”

Nakasilip si Alina sa may bintana ng kanyang opisina. Sumandal muna ito saglit sa kanyang upuan habang minamasahe ang kanyang mga mata. Nagulat ito bigla nang may kumatok sa kanyang pintuan.

“I’m ordering food. Want anything?” Si Jaime pala iyon. Tumayo si Alina para batiin ang kanyang boss at nagpasalamat sa kanya, sabay sabing busog pa siya.

“Nah, I insist. I’m thinking of ordering something japanese. Masarap ang ramen ngayon kasi” pamimilit ng kausap niya.

“I’ll just have what you’re having, sir” nahihiyang sagot naman ni Alina. Isang maikling “Ok then” lang ang sagot ng kanyang amo, tapos lumabas na habang may kausap sa telepono.

Dumating ang inorder ng kanyang amp after 30 minutes. Shoyu ramen, gyoza, at dalawang kape ang pagkain nila para sa gabing iyon.

“Kumain na muna tayo, i’m starving” sabi ng kanyang boss. Kumain at nagkuwentuhan na lang muna silang dalawa. “Mabait na tao din pala ito” isip ni Alina. Makuwento ito, medyo corny ng kaunti ang jokes (palibhasa kasi ay matanda na), pero overall maganda naman kausap.

“Now on to what we’re about to discuss” biglang sabi nito pagkatapos nilang kumain. Ninerbiyos bigla si Alina, pero obviously di niya ipinahalata.

“You know you are one of the candidates for promotion, don’t you?”

“I believe I am, sir” sagot naman ni Alina.

Isang maikling “That’s good” ang sinabi ng kanyang boss, tapos ay sinabi niya ang mga achievements ng dalaga sa kumpanya. Magaling din mag-build up ng confidence si Jaime, halatang matagal na ito sa trabaho niya. Panay naman ang sagot ni Alina ng thank you, don’t mention it, at saka just doing my best, sir.

“And as you may have gathered, dapat lang na ma-promote ka” sabi ng di pa rin ngumingiting si Jaime. This bothered Alina a lot.

“Do you have your airpods with you?” biglang tanong ni Jaime. Nagpaalam ito at kinuha mula sa bag niya ang kanyang earphones. Kinakabahan ng hindi maintindihan si Alina pagkabalik niya sa upuan nila ng boss niya.

“Let me send you something” seryosong sabi uli ng boss nito. Pinakinggan niya ang file na sinend ng boss, at bigla na lang itong namutla.

It was just five minutes and 32 seconds but it felt like an eternity for Alina. Ni makatingin sa kaharap ay hindi niya magawa.

“I believe that is your voice, yes?” sabi ng matanda habang si Alina naman ay parang lutang na nakatingin lang sa lamesa.

“Not judging you or anything, but I think certain things should be done on certain locations” paliwanag ni Jaime habang hawak-hawak ang kanyang kape.

“Sir, saan niyo po nakuha ito?” tanong ng nanginginig na si Alina.

“I don’t believe that’s the issue here, Ina” prangkang sabi naman ni Jaime sa mangiyak-ngiyak nang si Alina.

“You read the contract naman natin, I assume. And you know that it’ll be unfair if I don’t consider these things when it comes to recommending you for promotions, let alone keeping you in this job.”

Halo-halong damdamin ang nadarama ni Alina nang mga oras na iyon. Pagkapahiya, lungkot, paghihinayang, at kung ano pang puwedeng negatibong damdamin. At ang nangingibabaw sa kanya ngayon ay galit. Sino kayang pesteng nag-record ng boses niya?

Jaime was looking closely at the fidgeting Alina. “How about we smoke downstairs for a bit, just to calm your nerves” sabi ni Jaime. Tumayo silang pareho sa kanilang upuan, at tumungo sa yosi area ng kanilang building.

Tahimik pa rin si Alina habang nagyoyosi silang dalawa. Si Jaime naman, nakamasid pa rin ng maigi sa mukha ng kasamang dalaga.

“Ina?” pagbabasag ni Jaime sa katahimikan nilang dalawa.

“Yes, sir?”

“You know how I’ve been pushing for your promotion sa loob ng company for months, right?” concerned na sabi nito sa dalaga. Isang tango lang ang naisagot nito.

“And you know how difficult it will be for me to push through with that, knowing your competition?” sabi na naman ng matanda. Isang mahinang “Opo” lang ang naisagot niya.

“Tell you what, may opening ngayon sa client relations department ngayon. I know it’s out of your scope at the moment, but I think we can seize this opportunity para ma-promote ka” Jaime said while having his cigarette.

“There’s this client planning to leave us after this year, And I hate to see a young, bright woman like you leave. So if you want”

“Of course, sir. I’d do whatever it takes for me to keep this job” pangsasabat naman ni Alina. Oo, may kaya ang pamilya ng dalaga, pero nagbitaw na ito ng mga salita sa kaniyang ama na ayaw na niyang bawiin pa.

“Pag-isipan mo muna, Ina. Tomorrow’s a Friday, you can take it off, if you want. Three days to think about it. I think that will be enough time for you to make a decision” sabi naman ng kausap. Sasagot pa sana ang dalaga pero pinatahimik na lang ito ng kanyang amo.

“I’ll talk to you Monday. Take tomorrow off” sabi lang nito, sabay nagpaalam umalis.

Nagsindi ng isa pang yosi si Alina, habang puro tanong ang kanyang nasa isip. Sino ang hayop na nag-record sa kanya? Anong mangyayari sa trabaho niya? Papapaano ang kanyang reputasyon? Ano ang gagawin niya?

“Putanginang buhay naman ito” sabi nito habang bumubuntong-hininga, habang salo-salo ang noo.