Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.
Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.
© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved
This story was first posted at www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts the author’s work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing IP code in the Philippines.
______________________________________________________________
Author’s note: Sorry po sa late update ulit nito. Suko na talaga ako sa pesteng isang website na iyon na ilang beses ko na sinasabihan, pero patuloy pa rin sa pagbibingi-bingihan. Walang karespe-respeto sa intellectual property ng mga writers.
I started writing this sa isang site. Hopefully, doon hindi ko maramdaman iyung feeling na parang nagagahasa ka na, pinagkakakitaan ka pa. I know the admin’s hands are tied din regarding this issue, and I would like to apologise to them for airing out my rants sa mismong post ko.
I’ll still try to update this story dito, out of respect sa mga nagbabasa at admins ng website ng FSS.
But for now, I would like to extend a big middle finger sa admins ng other website.
_____________________________________________________________________
Lunes ng umaga.
Halos apat na araw na nang huling mag-usap si Alina at si Tom. Walang call, walang message ni text man lang na galing sa kasintahan niya. Nasa planta raw ito, sabi ng kuya niya, busy sa pag-aasikaso ng mga kasamahan niya sa trabaho at sa insurance ng planta.
Hindi din matahimik ang isip ni Alina. Galit at inis ang nadarama niya sa kung sino man iyon na naisipang i-record ang boses niya. Hiyang-hiya din siya kay Jaime, dahil mataray man ito ay nagpapakita siya ng concern sa kanya.
Maagang umabot sa opisina si Alina noong araw na iyon. Nakita niya si Jaime na nag-aantay ng elevator sa may lobby. Nag-good morning siya sa amo, na tinanguhan lamang nito.
“How’s your weekend?” tanong sa kanya ng matanda habang umaakyat na ang elevator.
“It’s so-so, sir. Nothing to harp about. How about yours po?”
“Same lang din naman. Nag-aayos lang ng mga trabaho for this week” sagot nito, habang nakatingin sa phone.
“Sir, about what we talked about last time” nahihiyang sabi ni Alina.
“Ah yeah, about that. Have you thought about it?”
“Yes sir, and I’m quite interested in your offer. Kaso lang wala po akong experience regarding client relations” sagot ni Alina.
“Well, it’s easy and hard at the same time. Easy because, let’s be honest, you are a beautiful woman. Hard because it takes time, patience, and a lot of other things” sabi naman nito, his eyes not leaving his phone.
Biglang nag-message tone ang phone ni Alina Tumingin naman si Jaime sa babae. Seryosong tingin.
“I sent you a file on your phone. Try reading that then let me know if you really are interested” sabi ni Jaime. Tiningnan ni Alina ang kanyang phone. Isang libro ang ipinadala niyang file. Isang libro tungkol sa charisma.
“I’ll pick up some food from the canteen. Want anything?” pag-aalok ni Jaime sa kasama. Nagpasalamat si Alina at nagsabing busog pa ito. Lumabas ang matanda sa lift papuntang canteen ng kanilang building, habang si Alina naman ay nagtataa at nainsulto pa ng kaunti sa ginawa ng kanyang amo.
“Wala na ba akong charisma sa katawan?” tanong ni Alina sa sarili, habang patuloy sa pag-akyat papunta sa kanyang floor.
***
It was a typical Monday for Alina. Trabaho, kain, yosi, trabaho uli. But at the back of her mind, she can’t help but think about what her boss gave her. Gusto niya sanang pasukin ito sa kanyang cubicle para magtanong, kaso busy pa ito sa kanyang lunes.
Binasa niya ang ibinigay na libro ng kanyang amo pagkauwi ng bahay. It was just a short book, medyo cringey pa nga ang ilan sa mga linya nito although most of what was written made sense, as far as she’s concerned. Pero curious pa rin si Alina kung bakit iyon ang ibinigay na libro ni Jaime sa kanya. Matagal-tagal din bago niya mapagdesisyunan na mag-text sa kanyang amo.
“Good evening, sir. Sorry to disturb you, I just have a few questions po” magalang na message ni Alina. After a few minutes, biglang nag-reply ang kausap ng “Re: what?”
“I’ve read the book you sent me. I just want to know what’s up with that please?” tanong uli ni Alina. Pagkatapos ng halos 30 minutes biglang nag-ring ang phone nito.
“I have approximately 10 minutes to do this call, Ina” sabi kaagad ng tumawag sa kanya.
“Sorry to bother you, sir. We can leave it for tomorrow, if you like” sagot naman ng dalaga sa kanya.
“Nah, I’d rather we do this today than wait” sabi ni Jaime. “I have an inkling about what’s bothering your mind, but I’ll let you ask them anyway. So anong mga tanong mo?” sabi ng matanda kay Alina.
“What’s up with the book you sent me, sir?” nahihiyang sabi ni Alina.
“It’s about client relations and retention, Ina” sabi naman ni Jaime. Nalilito pa rin si Alina sa sinasabi ng lalake, kaya naghahanap siya ng mga salita para ipaliwanag pa ng matanda ang ibig niyang sabihin.
“Let me put it this way. I know that you know that you are a charming young woman. Na maraming nagkakagusto sa iyo sa hindi lang sa office kundi sa buong building pa” sabi uli ng seryosong matanda. Nakikinig lang si Alina sa bawat salitang sinasabi nito.
“That’s why I thought of giving you a chance to use that charm of yours to your advantage” pagpapatuloy ni Jaime.
“To my advantage?” tanong naman ni Alina. May idea na si Alina sa sinasabi ng boss niya, pero gusto niya lang makasiguro kung ano ang ibig niyang sabihin,
“Yes. to your advantage. And for the company’s gain” said Jaime, matter-of-factly.
“And how do I go about doing that, sir?”
“If, and only if, you are really interested, I came up with a plan. Let’s talk about the details after work tomorrow” sabi naman ni Jaime. Nag-ring ang doorbell ni Jaime at binuksan nito ang kanyang pintuan. Isang pamilyar na boses ang narinig ni Alina mula sa babaeng bisita ni Jaime.
“Let’s talk about this tomorrow. Need to drop off the call” sabi ng matanda kay Alina, sabay baba ng tawag.