The Untitled Confessions – Chapter 5 : The Director Supervises

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved

This story was first posted at www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts the author’s work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing IP code in the Philippines.

Please check my wattpad profile. Link’s on my profile. Salamats!

____________________________________________________

Five days. Nine hours. Thirty eight minutes.

Ganoon na katagal mula ang mag-usap sila ng kasintahan ni Alina. Sa tinagal-tagal nilang magkasama, ito na yata ang pinakamahabang panahon na wala man lang silang kamustahan.

“Sobrang busy mo ba? Are you that mad na hindi mo man lang ako makamusta?”naluluha sabi ni Alina sa sarili. Binuksan na lang niya ang radio sa kanyang sasakyan, habang binabagtas ang traffic papunta sa kanyang opisina.

“Gusto ko nang bumitaw
Ngunit ayaw pa ng puso
Gusto ko nang bumitaw
May Pag-asa pa siguro”

“Putanginang kanta naman iyan oo. Pasaway”sabi ni Alina sa sarili. Ang parang ambon lang na pagluha niya kanina, ngayon parang binabagyo na. Kumuha ito ng tissue at dahan-dahang binubura ang luhang namumuo sa kanyang mga mata.

“Peste ka Tom, nami-miss na kitang lintik ka”

***

“Aba naman, crying time again, bru?”

Si Tia, kasama si Eric sa elevator. Hinawakan ni Eric ang baba ni Alina at pinagmasdan ng maigi ang mukha nito.

“In fair, mukha namang nakatulog ang bakla”sabi nito, sabay bitaw sa mukha ng dalaga.

“Ilang araw na ba bru?”tanong naman ng nagli-lipstick na si Tia, na sinagot naman ni Alina ng limang araw.

“Eh bakit kasi hindi na lang ikaw ang tumawag?”suggestion slash question ni Eric. Umirap lang ang dalaga at nagsabing“Siya ang lalake, so siya dapat ang tumawag.”

“Aba, ang taray ng bakla. Prima donna lang ang peg”

“Oo nga. Tapos iiyak-iyak kang mag-isa. Ano bang nangyari’t nag-crying time again ka na naman”sabi naman ng ngayon ay nag-reretouch na si Tia.

“Iyung radio kasi eh, nakaka-bad trip. Kung ano-anong pinapatugtog”sabi naman ni Alina. Nagtanong ang dalawa kung ano ang kantang narinig niya, na sinagot naman niya ng title ng kanta ni Morisette Amon. Tinawanan lang ito ng dalawang kasama niya sa lift.

“What?”paasar tanong ni Alina.

“Firstly, bakla, na confirm mo na ba na may relasyon sila ng boss niya? Pangalawa, may proof ka na ba na niloloko ka ni Tom? And lastly, hindi mo pa rin ba naiisip iyung hanash niya sa buhay at trabaho niya?”sabi ni Eric na nakangiti.

“And lastly na last, kung bibitawan mo siya bru, sabihan mo ako ah. Ako sasalo sa kanya”pang-aasar naman ni Tia. Hinampas lang niya ng kamay ang babae, at saka humarap kay Eric.

“Wala, wala din, at hindi”sabi ni Alina.

“So wala kang K mag emotera dahil sa kantang iyon, bakla. Check the lyrics and understand its message. Kaloka ka”supladang sagot ng bakla.

“Basta ako bru, kung bibitawan mo siya, sabihin mo sa kanya sasaluhin ko siya ah”pang-aasar naman ni Tia. Inabutan niya ito ng tissue at sabay turo ng smudge na galing sa suot nitong mascara.

“Mamaya ka na bumitaw bru. Kanina ka pa hanap ni Mr. Terrorist”sabi uli nito.

“Ay oo nga pala”sagot naman ni Alina. Bumukas ang pintuan ng lift pagkatapos ng ilang minuto, at sabay sabay silang pumasok na sa kanilang opisina.

***

“See me in half an hour”sabi ng isang seroyosong boses sa kabilang linya. Si Jaime ito, tumawag habang nagta-trabaho si Alina. Pumunta si Alina sa opisina ng kanyang amo after 32 minutes.

“You’re late by 2 minutes, Ina”sabi nito sa kausap. Tumingin sa relo si Alina, sabay nanghingi ng paumanhin.

“I’ll let it go this time. Pero sa susunod, kapag sinabi ng tao na you’ll see him after this amount of time, please be punctual. Time is gold. Don’t waste it by adhering to that Filipino-time bullshit”sabi na naman ni Jaime. Panay naman sorry ang dalagang si Alina.

“So, what’s your decision? Tuloy ka pa ba sa paglipat sa client relations or stuck na lang sa present job mo?”

“I’d like to give that client relations job a shot, sir” sagot naman ni Alina sa kausap. Hindi pa rin siya tinitingnan nito kahit halos 10 minutes na siyang nakatayo malapit sa pintuan niya.

“Okay then. Meet me at lunch. Exactly 12:00 noon. I’ll intro you to someone” sabi nito sa kausap. Alina agreed to what her boss said.

“Iyon lang. You can leave” utos sa kanya ng boss niya.

“Sir?”

“What? Do you have any questions or concerns you need to discuss with me?” sagot naman ng boss niya sa pagtatanong ng dalaga. For the first time in 15 minutes, iniangat nito ang mga mata niya at tiningnan ang kausap.

“Wala naman po sir” halos pabulong na sabi nito. Kaya tinatawag na Mr. Terror si Jaime sa opisina, masyado siyang prangka at diretso ang tabas ng dila.

“Wala naman pala, so you can leave. Please close the door pagkalabas mo”

Dali-daling lumabas ng kuwarto ni Jaime si Alina. Nakasalubong niya si Tia sa aisle ng kanilang opisina pagkalabas niya.

“Pinagalitan ka?” nag-aalalang tanong ni Tia.

“Ano pa nga ba. Mr. Terror is in beast mode na naman, bru” sabi naman ng dalaga sa kausap. Niyakap na lang ni Tia si Alina sabay sabi ng “Fighting”.

“Hwaiting iyon bru” sagot na pabiro naman ni Alina, sabay kumalas sa pagkakayakap nito.

***

“Alas dose na, wala pa rin sila” sabi ng nababagot nang si Alina. 11:30 ng umaga pa kasi siya sa ibaba, nag-aantay kay Jaime. Natatakot na sigurong mapagagalitan ng kanyang boss.

11:59 AM nang dumating sa ibaba ang kanyang amo.

“You seem to be waiting for a long time na, Ina” pagbati ng amo niya sa kanya.

“No, sir. Nauna lang po ako ng mga 10 minutes” pagsisinungaling nito sa kausap. Sa totoo naman ay halos kalahating oras na siyang nag-aantay sa kaniya.

“What did I tell you about being on time, Ina? Never be late, nor too early. Time is the most valuable and perishable of all our possessions” sabi nito, matter-of-factly. Dumating si Samantha shortly after.

“I’m late for 59 seconds, pasensiya na” Samantha sarcastically said to Jaime. Ngumiti lang ito at nagyaya papunta sa isang restaurant na pinareserve niya. After 10 minutes, dumating na sila doon.

“Hello, boss Jaime. Reservation for 12:15, tama po ba?” tanong ng receptionist ng restaurant.” Pati ba naman sa restaurant, eksaktong eksakto ang oras?” pagkamangha na sabi ni Alina sa sarili. Medyo na-weirdo-han siya ng kaunti, pero amazed na amazed lang siya.

“Okay boss. Ayusin lang po namin iyung room ninyo. Would you mind if I sat you down 2 minutes earlier?” sabi naman ng receptionist uli, na nginitan na lang ni Jaime at pinasalamatan.

Pinagmamasdan naman ni Alina si Samantha, ang kasama nila. Nag-uusap kasi ang dalawa tungkol sa mga clients ng company at iba pang business matters. Maganda ang babaeng ito, parang half-half na pinay. Ang suot niya pang lilac bodycon na dress, parang isinukat lang sa kanya. It fits her like a glove. Parang lahat ng kurbada ng katawan niya accentuates every curve in her body. “At naka-Louboutin pa ang gaga” sabi niya sa sarili.

Para tuloy ganito ang dating nila : si Samantha, ang boss, si Alina ang secretary, at si Jaime ang driver.

“You should quit wearing that polo-barong shirt na iyan, Jaime” natatawang sabi ni Samantha sa matanda.

“Why? Ito ang pinaka-presko na maisusuot ko dito sa Pilipinas, Sam”

“But you look like security kasi” sabi na naman ni Samantha. Na tama naman.

“Eh di bahala sila sa iisipin nila. I don’t give a flying fuck to what goes into their mindless heads, anyway” sabi nito. Pinapasok na sila after a few more seconds sa loob ng restaurant.

Isang private room ang pina-reserve ni Jaime para sa lunch nila. Pagkaupo ng tatlo, pinakilala na ni Jaime si Samantha kay Alina.

“By the way, Ina, meet Holly Samantha Lajan – Mocco, head ng client relations department natin. Sam, meet Alina Mirabel Aquitin, from accounting.”

The two of them shook hands, then took their seats. Alina’s still amazed by the aura that this girl gives. Para siyang artista or pulitiko or socialite. Basta hindi niya ma-explain, pero charisma oozes out of her.

“I asked her to be your trainer sa client relations” sabi ni Jaime.

“Ayaw ko matawag na trainer ano” pabirong sabi ni Samantha.

“Teacher? Mentor?” sabi naman ni Jaime.

“Yuck, no din. Ate na lang, mas maganda pa” natatawang sabi naman ni Samantha. Napangiti na rin si Alina sa mga kausap. Iba talaga si Jaime sa loob at labas ng opisina, para lang siyang si Dr. Jekyll at si Mr. Hyde. Mr. Hyde sa opisina, Dr. Jekyll sa labas, personality wise. Si Samantha naman parang ang sweet niya lang na tao.

Kinuha na ng wait staff ang order nilang pagkain after a few minutes. Soup of the day, new york strip na medium rare, at pasta amatriciana ang in-order ni Jaime, salade nicoise at boneless chicken breast naman ang kay Samantha. Nagpasya na lang si Alina na umorder ng isang green salad at grilled salmon.

Dumating ang sommelier sa kanilang upuan at nag-offer ng wine. Tumanggi si Alina sa offer na iyon, kasi madali daw siyang malasing.

“You need to ask the company to pay me more for my health insurance pa pala, Jaime” sabi ni Samantha, habang inaamoy ang alak sa kanyang copita. Nagtataka namang tumingin si Jaime sa tinuran ng babae.

“It seems that my mentee here doesn’t drink. Tingnan mo, tubig lang ang hiningi” sabi ni Samantha sabay nakangiting tumingin kay Alina. Namula naman si Aliina sa sinabi ng babae. Nahihiya itong nag-sorry sa kanya.

“I was just kidding, Alina. Can I call you Allie instead? Masyado mahaba ang Alina eh” sabi naman ng nakangiti pa ring kausap nito. Her eyes were also enchanting, kaya napa-oo na lang si Alina.

“How about Ina, Sam?” sabad naman ni Jaime.

“Nah, masyadong old-school, parang kagaya mo. And you know Ina is another name for mother in Tagalog, di ba?” natatawang sabi naman ni Samantha.

“Well, that makes sense” sabi naman ni Jaime.

Dumating ang pagkain nila after a few minutes. The two of them discussed ang plan of operations nila (POS ang tawag ni Samantha, short for Plan of Operations, Secret) kay Alina; una, ilalagay si Alina sa isang desk sa opisina ni Samantha. Tapos isasama ni Samantha si Alina sa lahat ng mga client meetings nito.Alina should learn how to do things by observing Samantha’s practices,sabi ni Jaime.

“So, do you agree with our plan?” tanong ni Samantha kay Alina pagkatapos nlang sabihin ang lahat lahat ng detalye tungkol sa plano nila.

“I guess so, ma’am” ang sagot naman ni Alina sa kausap.

“Ay, don’t call me ma’am, Allie. Please, for the love of god. Call me ate Sam na lang” sabi naman ni Samantha sa kanya.

“Sorry about that, ate Sam. I’m just a bitworried. Parang mahirap ang trabaho ninyo eh” Alina answered Samantha honestly.

“Mahirap? Medyo. Pero if you’re willing to do it, then it could be done”

Isang meek na tango lang ang naisagot ni Alina sa sinabi ng kaharap na babae. Tiningnan naman ni Samantha si Alina seriously mula ulo hanggang paa.

“There’s just a few things I’d like to change sa iyo. Minor changes lang naman. So prepare for next week?” tanong naman ni Samantha kay Jaime.

“No, give her 2 weeks. Kailangan niya pa i-submit iyung revised forecast niya bago ko siya ilipat sa iyo” seryosong sabi naman ni Jaime.

“Okay, see you on the 15th then” sabi naman ni Samantha, now facing Alina.

After 30 minutes, natapos na silang kumain. Nagpaalam na ang dalawa kay Alina, while she went for a cigarette.

“There’s just a few things I’d like to change sa iyo. Minor changes lang naman”

Those words echo thorugh Alinas’s head. Paulit-ulit. Incessantly.

“Ano kayang changes ang sinasabi ni ate Sam na iyon?” tanong nito, habang nagsisindi ng sigarilyo.