The Untitled Confessions – Chapter 7 : Cinderella Emerges

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author’s imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Bawal din siyang kopyahin ng walang pahintulot. Please lang.

Please seek permission before copying/reposting. Please lang. Please. Fucking please.

© Copyright. 2022. la_polla_loca. All Rights Reserved

This story was and still is posted on two websites: my wattpad profile and www.filipinosexstories.com. Please do not support any other website that reposts or steals the author’s work without their permission. Reposting this story without the written consent of the author is a clear violation of the existing Intellectual Property (IP) code in the Philippines.

Please check my wattpad profile. Link’s on my profile. Salamats!
__________

“Impress me tomorrow, Allie. Show me what you’ve got.”

“Putangina”sabi ni Alina sa sarili, habang naghahanap ng maisusuot sa pagpasok niya ngayong araw na ito“How in hell can I impress a goddess?”

Her sweet voice kept bothering her throughout the night. Malambing na may kahalong pagbabanta. Iyon ang pakiramdam ni Alina sa sinabi na iyon ni Samantha. So much so na halos 3 AM na siya nakatulog, tapos ngayong alas 5 pa lang ng umaga e naghahanap na siya ng maisusuot.

“Shit, bahala na”sabi nito. Sinuot na lang nito ang pinamili nila kahapon na mga gamit, na buti na lang ay agad natuyo kung hindi ay lalo pang mahihirapan si Alina sa pagpili ng susuotin. Thank god for the washing machine.

***

8:30 am nang umabot sa opisina si Alina that day. Ma-traffic na naman, so she needed to do the necessary adjustments. Nakita niya si Eric at Tia pagpasok niya sa elevator.

“Aba” sabay nilang sabi, sabay pinalibutan siya ng dalawa. Alina blushed at the sudden attention.

“Mowdel na mowdel lang ang aura ng baklita” sabi ni Eric, habang pinapaikot-ikot naman ang katawan ng dalaga.

“Ang bugang ‘te, pak na pak” sabay panunukso naman ni Tia. Itinaboy na lang ng kamay ni Alina ang dalawang nang-aasar sa kanya.

“Tigil-tigilan niyo nga akong mga bakla kayo.”

“Ay, uma-attitude na ang baklita” sabi ni Eric. Si Tia naman, tumatango-tango.“Iba na talaga ang nalilipat sa clients” pagpapatuloy pa nito.

“Ako kaya kailan maililipat sa accounting?” paglalambing naman ni Tia kay Eric.

“Ay naku, Tatiana, pakitigil-tigilan ako. Ayaw ko maging prof ng math 2 ano. Kanina nga lang, maka-complain ka sa kulang sa sukli ng cashier wagas. Kailan pa naging 83 ang 100 minus 27?” natatawang pang-aasar naman ni Eric kay Tia. Pati ang kanina pa inaasar na si Alina, napatawa na rin sa kanya.

Yumakap na lang si Tia kay Alina, sabay parang bata na naglabas ng dila ito kay Eric.

***

Pumasok si Alina sa loob ng kanyang cubicle with the smell of coffee drifting in the air. Walang tao sa loob ng kanilang office, pero may dalawang cups ng kape na umaaso-aso pa.

“Ang aga naman ni ate Sam” sabi nito sa sarili. Umupo na lang ito sa kanyang desk at nag-umpisa nang mag-check ng emails. After a few minutes, bumukas ang pinto ng kuwarto nila ni Samantha.

Una niyang nakita si Jaime, na todo porma ngayon. Naka-suit and tie, propesyonal na propesyonal ang dating. After a few seconds, pumasok naman si Samantha. Naka white t-shirt lang ito, plain white t-shirt, saka striped wide-legged pants. Simple lang kung tutuusin ang suot niya, pero para kay Alina para siyang si Aphrodite na bumaba mula Olympus.

“God, may puwede bang isuot ito na hindi siya magmumukhang diyosa?” tanong nito sa sarili niya. Tumayo ito para batiin ang dalawang amo na pumasok.

“Look who’s here, Jaime” sabi ng nakangiting si Samantha. Nilapitan nito si Alina, held her by the shoulders, tapos ipinuwesto sa gitna ng desk nilang dalawa. Si Jaime naman, umupo sa sofa ng kanilang kuwarto, at ininom ang kape.

“Now, we just need to arrange this and this, then straighten your damn back, then voila” sabi ni Samantha, tapos ipinakita si Alina kay Jaime.

“What say you, sire?” said Samantha, proud of her work.

Pinagmasdan naman ni Jaime ang dalaga, habang si Alina naman ay naco-conscious pa lalo sa suot niya ngayon. Binuksan kasi ni Samantha ang isa sa mga butones ng kanyang suot na blouse, tapos she hiked up her skirt a bit more. Her straightening her back didn’t do her any favours din. Lalo kasing na-accentuate ang kanyang figure, which made her blush more than usual.

Jaime stayed silent for another five minutes, tapos nagsabi ng “She’s alright”. He then took out the business pages of the broadsheet lying in front of him.

“What do you mean “she’s alright”, Jaime Ernesto Luis De Gajaman?”said an exasperated Samatha.

“She’s alright, Sam. She looks okay” sagot naman ng lalake, his eyes not leaving the newspaper he was reading. Samantha snatched it from Jaime’s hand. Medyo naasar na naman ito sa kanya.

“She’s okay? Porke you dressed up today, tumaas na standards mo?”

Jaime just laughed at Samantha, parang nang-aasar na hindi. Alina, on the other hand, felt a tad slighted by Jaime’s assessment.“She’s okay lang? Don’t you know kung ilang oras ako naghahanap ng maisusuot ngayon?” she thought to herself.

“She’s okay, Samantha, so ibig sabihin noon, she’s okay sa akin. She passed” sabi naman ng tumatayo nang si Jaime. Si Samantha naman ay parang bata na nagpa-pout sa harapan niya.

“Good job, Ina” sabi ng dati niyang amo kay Alina, then took his leave.

“Hayaan mo na lang iyon, Allie. ‘Tado talaga ang hayup na iyon, nagbihis lang ng kaunti parang ang guwapo na” sabi naman ng naka-smile na si Samantha. Umupo sa desk niya ito, then said “Give me 30 minutes, Allie. I’ll read my emails lang then give you something.”

***

“Hello, Ms. Sam. Ito na po iyung pina-print ninyo”

“Salamat, Tia” smiled Samantha, habang inaabot ang mga papel na dala ni Tia.

“Sino po iyang napakagandang kasama ninyo?” pangaasar ni Tia, habang nakatingin kay Alina. Asar na tiningnan lang ng dalaga ang kaibigan, samantalang si Samantha naman ay tumawa na lang sa sinabi ni Tia.

“Puwede ka bang i-invite para sa lunch?”

“Ay, hindi puwede ngayon, Tia. She has a date with me ngayon. Sorry” sagot naman ni Samantha. Sumimangot pabiro na lang ang kausap niyang babae, then cheerfully said her leave.

Patagong pinagmamasdan ni Alina si Samantha.“Fuck me, is she really 40?” tanong nito sa sarili. Baby faced kasi si Sam, mapagkakamalan pa nga na halos kasing edad lang niya ito.

“Ano kaya iniinom o kinakain nito?”

Tumayo bigla si Samantha mula pagkakaupo, which shifted Alina’s focus. Nangkunwari na lang itong may tintingnan sa kanyang screen, para may ginagawa kuno. Inabot nito ang pinaprint niya kay Tia kani-kanina lang, now with annotations and highlights. Parang lesson lang sa school.

“Try to read through those muna Allie, okay? Then we’ll discuss this during lunch time” sabi nito, sabay lumabas ng kanilang opisina.

It was just a list of names na naka-categorise into 5 parts: rotten tomatoes, harmless weeds, low-lying fruit, cream of the crop, creme de la creme. May notes din itong under the classifications, na kailangan niyang pag-aralan.

Pagdating ng tanghali, biglang dumating si Samantha and said “Tara, lunch tayo”.

“Saan niyo po gusto? My treat muna sana ngayon, Ate Sam” sabi naman ni Alina.

“O sige ba, carinderia tayo. Kina aling Cleverlyn, diyan lang sa may kanto.” Her reply shook Alina.

“Don’t tell me hindi ka pa kumakain sa carinderia?” a puzzled Samantha asked her. Napatango na lang ang dalaga.

“Ay, bahala ka. This is your lesson number 1” natatawang sagot ni Samantha, sabay itinulak palabas ang dalaga.

***

Pinagtitingan na ng lahat ng tao ang dalawa pagkadating nila sa carinderia. Lalo na ang mga lalake, parang mga aso lang na nakakita ng dalawang katakam-takam na pagkain. Nahiya naman si Alina dahil sa atensyon na ibinibigay ng mga tao sa kanilang dalawa. Napansin ito ni Samantha, kaya kinuha nito ang kanyang kamay at hinila papasok sa isang maliit na sulok ng carinderia.

“Just wait for me here, Allie. Ano gusto mo, pork, beef, chicken, or something off the sea?”

“Kahit ano na lang sa akin, ate” nahihiyang sabi naman ni Alina. Samantha just smiled then went to the carinderia’s counter. She went back a few minutes later.

“Pumili ka na lang kung anong gusto mo diyan. Basta ako kakain na. I’m starving” sabi ni Samantha sa kanya.

“So, have you read what I just sent you?” tanong ni Samantha habang kumakain sila.

“Yes, ate. Medyo confused lang ako sa mga terms pero I can understand it naman” sagot na lang nito sa kanya.

“I see. That’s how we classify clients sa company kasi, Alina” sabi nito, habang kumakain. She then proceeded to explain the different tiers ng kanilang clients. Rotten tomatoes are the clients that, if you can, you’d avoid at every cost. “Mamanyakin ka lang ng mga iyan” said Samantha, laughing. Harmless weeds are clients that you may or may not do, depende sa preference mo.

“Ang pinaka-target mo initially, mga low-lying fruits. Madali lang sila makuha, less hassle pa” sabi nito sa kanya.

“How about those na classified as cream of the crop and creme de la creme, ate?”

“I’ll explain those to you later, kapag nagawa mo na ang next mission mo. You need to sign 15 clients in maybe, let’s see, a couple weeks?” sabi naman ng kausap niya sa kanya.

“15 in 2 weeks? That’s seven and a half clients a week ate. Kakayanin ko kaya ito?” nagaalala namang sabi ni Alina sa kausap.

“They’re low-lying fruits, Allie. Mga walang choice kung hindi mag-renew lang sa akin or wala nang mahanap na mas magandang deal sa labas” sagot naman ni Samantha sa kausap. “You just need to work on your confidence. Sabi ko sa iyo, baka in 2 days tapos mo na iyan.”

Tiningnan naman ni Alina si Samantha. Parang wala lang sa kanya ang sinabi niya kanina na “work on my confidence” at “15 clients in 2 weeks”. Busy lang ito sa pagkain ng inorder niyang lunch.

“Look here Allie, sa department natin, it’s all about projecting yourself. Showing the clients that they can entrust you even with their lives at stake.”

“I understand that, ate Sam, but the confidence thing is something I need to work on siguro” sagot naman ni Alina, while playing with her food. Nawalan yata ito ng gana when she heard about that target she needs to meet.

“You know why I took you out to shop yesterday, don’t you?”

“To buy me clothes, ate?” sagot na patanong naman ni Alina.

“Nope, it’s for you to build up your charisma, Alina” sagot naman ni Samantha, na patuloy pa rin sa pagkain. Alina just gave her a puzzled look, and after a few seconds of silence, nagpatuloy si Samantha sa sasabihin niya.

“The whole I bought you clothes thing is just bullcrap, Alina. Kaya ko lang binili lahat ng iyon is for me to help you bring out the charisma that you’ve been hiding for so long. Kaya nga minor changes ang sinabi ko sa iyo when I presented the plan to you, remember?”

Tumango naman si Alina, habang si Samantha naman ay umiinom lang ng binili niyang softdrinks. She was obviously more confused now than when they started to have this conversation.

“You don’t still get it, do you?” sabi na naman ni Samantha, na tinanguan na naman ni Alina.

“You keep on wearing those unflattering clothes, Allie. You said you were wearing small to medium clothes kahapon, which is total nonsense. I bought you those clothes to define your figure more, make them stand out.”

“Ah, kaya pala XS ang pinamili niya sa akin kahapon” sabi ni Alina sa sarili. Para din kasing si Jaime magsalita si Samantha, matipid pero may ibig sabihin.

“Did you notice those people looking at you when we arrived here kanina?” tanong ni Samantha uli. Isang mahinang “Yes” lang ang naisagot niya.

“So alam mo ba kung bakit ka nila tinitingnan?” tanong na naman ni Samantha sa kanya.

“Kasi they were thinking dirty thoughts po” sagot naman ni Alina sa kanya. Iyon ang pakiramdam niya sa tingin ng mga tao kanina, so sinabi niya lang ang nararamdaman niya. Tumawa naman si Samantha sa narinig niya sa kausap.

“Grabe makapag-judge. They were just admiring you, Allie. Kilala ko mga tao dito ano” sabi naman ni Samantha sa kausap. “In fact, some of them are part of our clientele na. Mga big time na bihis small time lang” dagdag pa niya.

“Si Cleverlyn nga, malapit na ma-classify as a low-lying fruit sa clients list natin. She’s been with us for over 5 years na”

Hindi pa rin makapaniwala si Alina sa narinig, so she took out her phone to check on the pictures she took ng client list na ibinigay ni Samantha kanina. Lo and behold, nakita nga niya, nasa top row pa. Cleverlyn Poquella. Kaya pala hindi alphabetical ang arrangement ng mga pangalan ng mga tao sa list niya.

“Kaya nga laging kong sinasabi din sa iyo na straighten your shoulders, di ba? You don’t want to do business with somebody who hunches their backs.” Samantha called for their bill mula sa isa sa mga wait staff ni Cleverlyn, tapos ay ibinigay niya ito kay Alina.

“So, nakukuha mo na ba ngayon ang pinaggagawa ko kahapon sa iyo Allie?” asked Samantha, her hands folded neatly on her chin.

“Yes, ate. Thank you for explaining everything to me po”

“Ayan na naman tayo sa po na iyan. Quit it with the po when you’re talking to me, Allie. Si Jaime lang ang dapat mo i-po at opo” nakatawang sabi naman ni Samantha. Umalis sila ng carinderia after a few more minutes, then went back to their office.

***

Pinakilala si Alina sa bago niyang team pagkarating nila ng opis. Ipinartner din siya ni Samantha kay Jenna, isa sa mga client facing team niya. One week siyang magsha-shadow kay Jenna, trying to get some clients, tapos after that she’ll run the show on her own.

After one week of shadowing Jenna then learning from Samantha, nakakita na agad ng positive changes si Alina sa sarili.

“Parang nag-enroll lang ako sa John Robert Powers ah” sabi nga ni Alina sa sarili tuwing tinuturuan siya ni Samantha. She knows how to teach well din kasi, kagaya ni Jaime. From the way you walk to the way you talk, she’s got everything covered for you.

“Remember, Allie, show some skin, you get everyone’s attention. Show some depth, and everyone’s afraid of heights.” Iyon ang laging sabi ni Samantha sa kanya, as a reminder not to show too much skin when dealing with her clients. Which makes so much sense din naman. She feels as though she really found a new ate in her new department.

Armed with her newly-found knowledge and, more importantly, confidence, mabilis lang niya nakuha ang 15 clients na pinatarget sa kanya ni Samantha. She managed to snag 28 clients in just 8 days.

“What did I tell you, Allie? Kayang kaya iyon in less than 2 weeks di ba?” sabi ni Samantha, beaming with joy habang nagyoyosi sila.

“Oo nga ate Sam, thanks for teaching me everything”

“And because of that, I have a surprise for you. Mamaya, pagkaakyat natin sa opis” sabi nito na nakangiti.

“Sobra na naman iyan, ate. I haven’t even repaid you sa mga pinamili mo sa akin.”

“Hindi ako ang gumastos noon, hija. Si Jaime iyon. Ano ka ba” sabi naman ng natatawang si Samantha. “Jaime asked me to take care of you, so I asked him to give me his card” pagpapatuloy nito.

Nabigla naman si Alina sa revelation na iyon. Hindi niya sukat akalain na si Jaime pala ang gumagastos sa kanya. She can’t help but feel guilty dahil sa ginagawa ng lalake na iyon.

“Hey, please don’t tell him na I spilled the secret to you ha. Magagalit sa akin iyon, for sure.”

“But ate, I can’t help but feel guilty din kasi. I want to repay him kahit kaunti lang” sabi naman ng namumula nang si Alina.

“Hay naku, Allie. Don’t even think about repaying him, kung ayaw mo masisante. Mabait na tao lang talaga si Jaime, na you even won’t believe such a person exists in this world” sagot naman ni Samantha sa kanya. “Masyado lang matalas ang dila niya” she jokingly said afterwards.

“Oo nga, akala ko si ate Sam ang fairy godmother ko. Si sir Jaime pala ang nag-direct ng lahat” thought Alina, habang tinatapos ang kanyang yosi.