Alfred Santos Dupont/Robert Fuentes – anak ng isang French diplomat na nakaassign dito sa Pilipinas.
Charlene David – isang fresh grad na makakasama ni Alfred sa opisina.
Princess Simon – mataray ngunit maganda at sexy na Team Leader nina Charlene at Alfred.
Pierre Dupont – French diplomat at di naglaon ay naging embahador ng Pransiya sa Pilipinas, ama ni Alfred.
Regina Santos Dupont – ina ni Alfred, asawa ni Pierre.
Major Carlos “Caloy” Perez – isang dating Navy SEAL commander na naging personal na bodyguard ni Alfred.
Prologue:
Si Alfred ay anak ng isang French diplomat na nakaassign dito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang katayuan sa buhay ay hindi naranasan ni Alfred ang isang normal na kabataan. Maraming naging banta sa buhay nilang mag-anak, madalas silang nakakatanggap ng death threat o di kaya ay kidnapping threat. Dahilan upang umupa ng security details ang ama. Isa sa mga ito ay si Carlos o Caloy, isang dating opisyal na nabigyan ng dishonorable dismissal dahil sa kalasingan at pagmumura nito sa isang kurakot na heneral. Dahil madalas wala ang ama ay nagsilbing ama na ni Alfred si Caloy, at tinuring na rin nya itong anak.
Noong elementarya hanggang high school ay bantay sarado ng security detail si Alfred na nagaaral sa isang international school sa Greenhills. Kaya naman hindi basta basta nakakalapit ang mga kaklase nito sa kanya, ang resulta ay walang naging halos kaibigan si Alfred. Batid ito ni Caloy, kaya naman sya na lang ang tumayo bilang kaibigan nito, laging kumakausap at nagbibigay ng payo sa kanya.
Pagkatapos ng high school ay nais ng magulang ni Alfred na mag aral ito sa France dahil pinababalik na ng French President ang ama nito. Sa loob loob ni Alfred ay ayaw nyang mawalay sa amain at kaibigan na si Caloy at nais nya na makaranas sya ng normal na buhay tulad ng kanyang mga kaklase, malayo sa karangyaan na itinuturing nyang kulungan. Kinausap ni Alfred ang ina nito na si Regina tungkol sa kanyang nais. Mariing pagtutol ang binigay ni Regina sa anak na siyang ikinasama ng loob ni Alfred. Nakita ito ni Caloy at siya naman ang kumausap kay Regina.
Kinabukasan ay inescort ng security details ang pamilya Dupont patungo sa Villamor Air Base kung saan naghihintay ang eroplanong pandigma ng France na maghahatid sa kanila sa Paris. Nagpaalam si Alfred kay Caloy, ngunit hindi nya ito pinapansin. Nagtataka man ay pumunta na sa tarmac si Alfred kasama ang magulang. Nang biglang…
Regina: Anak, kami lang ni Papa ang aalis. Maiiwan ka kay Mang Caloy.
Pierre: Hey Carlos, are you sure about this? You better keep him safe while we’re gone okay? And make sure he finish his studies.
Caloy: Absolutely, sir. I will keep my promise!
Regina: Alfred, hayan na ang gusto mo. Tapusin mo ang pag aaral mo, promise namin ay magaattend kami ni Papa mo sa graduation. Si Carlos na ang bahala sa iyo moving forward. Don’t worry, lagi kaming tatawag ni Papa sa iyo, okay? Mamimiss ka namin anak!
Lumuluhang namaalam ang ina kay Alfred, na nagulat dahil sa nangyari. Ano kayang nangyari at napapayag nya ito na maiwan sa Pilipinas? Tumingin ang binata kay Caloy, na bakas din ang kalungkutan sa mukha habang minamasdan ang pag akyat sa eroplano ng mag-asawang Dupont. Di naglaon ay bumalik na sila sa kanilang mansyon sa Forbes Park. Habang nasa biyahe:
Caloy: Alfred, dahil sa akin ka ibinilin ng mama at papa mo, ako na ang magiging tatay mo from now on hanggang sa bumalik sila, okay? Wag kang mag-alala dahil babawasan ko na ang security details sa iyo pag tuntong mo ng college. Basta keep in touch pa rin palagi and let me know kung saan-saan lugar ka pupunta. Okay ba yon?
Alfred: Ok po Mang Caloy. Salamat pala dahil balita ko ay kinausap mo si mama na maiwan ako dito.
Caloy: Oo naman, I think it’s about time na matuto kang maging mature at maranasan mo ang mamuhay ng mag-isa. Eto na pala ang ID na gagamitin mo and your driver’s license.
Alfred: “ROBERT FUENTES”. Anong ibig sabihin nito Caloy?
Caloy: Decoy name mo yan, mula ngayon yan na ang gagamitin mong pangalan, that is for security reasons.
Alfred: Pero bakit? Ayoko nito, gusto ko yung pangalan ko pa rin!
Caloy: Alam mo ba kung bakit ko napapayag ang mama mo? Iyan ang kundisyon nya kaya ko sya napapayag na manatili ka dito. Pag nalaman kong ginamit mo ang totoo mong pangalan sa school, or pinagsabi mo sa mga magiging kaklase at kaibigan mo, I will have no choice but to automatically drop you in school and send you to your parents sa Paris. Wala na tayong paguusapan pa, so you have to follow me or you go to France, do you understand???
Alfred: Okay, okay I got it, jeez!
At tumuntong na nga ng kolehiyo si Alfred at matapos ang apat na taon ay nakapagtapos ng Bachelor of Science in Information Systems, Summa cum laude sa Ateneo de Manila University gamit ang pangalang Robert Fuentes. Likas na matali…