giyera lamang, walang totnakan
Alas-Onse impunto nang umaga. Unang-araw ng lakad. Mabigat-bigat ang pinagsamang timbang ng bigas, de-lata at damit sa kanyang steel pack.
Gaano ba kainit sa kaharian ni Satanas? O baka malapit-lapit na ito sa pakiramdam niya habang pakyat sa kalbong kabundukan na tanging mga kogon lamang ang masisilayan.
Maski punuan na lang sana ng ipil-ipil, wala.
“Bakit dito tayo dumaan?
Ano ba naman itong si p* parang hindi marunong magbasa ng mapa.”, mga bagulbol sa kanyang likuran.
Dinig niya ito.
Kasunod ang malawak na maisan.
Nasa bandang unahan ang gustong tumbukin na kawayanan.
Day One
Rigodon
Ibig sabihin, magkakalapit ang mga tropa, isang maling kalkulasyon sa tatahaking direksiyon, at “voila”. Maaring sila-sila ang magkaputukan. “Misencounter.”
“Sir halt, malayo na tayo sa ‘Axis of Advance.”, ang sarhento ng pulutong.
Mabuti na lamang alerto ito.
Kabaliktaran niya.
Ilang buwan na ba siyang ganito?
Wala sa sarili.
Hindi makatulog.
Hindi umiimik
Minsan hindi nakakaramdam ng gutom.
Isa? Dalawa? Tatlo?
Nagreport siya sa unit noong nakarang taon. Ibig sabihin mag-iisang taon na rin siyang wala sa sarili. Naglalakad na patay.
“Legion, Gambit,…”
Tawag ng kabilang unit.
Atubili siyang sagutin ito.
“Go Sir, sagot niya, nang maisip na wala naman siyang pagpipilian.
“Tang-ina Ryan, magmi “misencounter” tayo nakapasok ka na sa “axis” ko. Kitang-kita ko kayo dito sa location ko. Mag map-check ka nga. Huwag kang lumagpas sa “axis” mo. Dikit-dikit tayo.
Napahiya na naman siya. Sa sarili, mas masakit, sa kanyang tropa.
Okey lang, sanay na siya.
Masasamang tingin, pabulong na mga insulto at mura para sa kanya.
Okey lang sanay na siya.
Tumingala siya. Hinanap saan ang araw. Andun ang silangan. Inikot ang mapa upang isunod sa hilaga. Tinapik ang “lead scout”, at tumuro sa kanluran.
Alas-Onse y medya, pinakain niya muna ang tropa.
Siya ay lumayo.
Naging ritual niya na ito.
Pahinga ng mga kasama, hahanap siya ng puwesto kung saan solo siya.
Malayo sa mapanghusgang mata ng mga kasama.
Ang bigat sa dibdib na araw-araw na dinadala, alam niya na ang gagawin upang maibsan ito.
Sanay na siya.
Sandig sa steel pack, titingin sa malayo, susunod na ang pagyugyog ng mga balikat at pagtangis.
Kung pwede lang siyang sumigaw.
Pagod na pagod na siya.
Sa totoo lang, pagod na pagod na..
“Sir.”
Mauulinigan sa bandang likuran.
Mga tapik sa kanyang balikat ang susunod. Tinabihan siya. Inabutan ng sigarilyo.
Mahabang katahimikan ang susunod.
Swerte pa rin siya, hindi man siya maintindihan ng karamihan sa mga kasama, may isang taong nainiwala pa rin sa kanya.
Taong hindi siya hinusgahan.
Tropang kailanman ay hindi siya iniwan.
Sa mga oras na siya’y tinapak-tapakan kahit tumba na siya, ang taong ito’y palaging nakaagapay sa kanya.
Swerte pa rin siya.
“Kumain ka Sir, wala kang lakas niyan.”, anito. Iniabot ang baunan niya.
Dalawang oras pa ng salitang lakad at mumunting pahinga.
Nasa unahan ang may kakapalang mga puno ng gemelina.
Tinawag ang sarhento, tumingin sa relo , “harbor na tayo, temporary patrol base.”
Pero maliwanag pa. May mas mataas pa na burol sa harapan nila.
Alanganin.
“Copy Sir.”, tugon ng sarhento, imbes na barahin siya.
Dating-gawi, lalayo sa tropa, uupuan ang steel pack. Tutulo ang luha.
Gaano na siya katagal sa kinauupuan?
Isang oras? Dalawang Oras? Ang alam lang niya’y padilim na.
“Sir” mga tapik muli sa mga balikat.
Kinuha ang kanyang “hammock”, ginawan siya ng silungan.
“Dito tayo sa gitna Sir.”
“Hinati ko ang tropa Sir, may advance tayo sa taas, cleared na rin. Ang sector of fires nadesignate ko na. “
“Magpahinga ka na Sir, ang Sarhento.”
Alas-Sais, salang ng unang relyebo ng guwardiya, madilim na.
Kailan ba siya huling nakadama ng antok? Nakatikim ng maayos na tulog?
Hinalungkat ang pack, may dalawang bagay na hinanap.
“Ako na lang mag-guwardiya muna, matulog ka na, utos sa bantay.”
Kinuha ang “canteen cup”, may isinalin dito, ang baon niya, ginebra.
Ang sundalo walang magawa, iiling-iling, nag-aalala sa kanilang kaligtasan, pinuntahan ang Platoon Sergeant, inabisuhan ito.
“Sir.”
“Oh Sergeant, halika samahan mo ako”.
Ang canteen cup na me alak inalok sa sarhento.
“Uurrrhhhhh..”, ang sarhento, sa tapang ng ginebra.
Mahaba, nakakabinging katahimikan.
Tagay pa, tagay ulit, at tagay pa ng isa.
All stations, SITREP.”
“Listening Post established, negative Indication.”, apat na magkakasunod na tugon.
“Mahirap Sir, at masakit, pero kayang-kaya mo iyan, malalagpasan mo lahat iyan.”
“At huwag kang papa-apekto sa sinasabi nila. Hindi ka magiging OFFICER kung mahina ka.”
“Ipakita mo sa kanila Sir, kaya mo yan.”
“Andito lang ako Sir.”, aalalay sa iyo.
Mga salitang magpapatulo muli sa kanyang mga luha.
Day Two
Alas-Siyete nang umaga. Maingay ang radio.
“Legion, Supremo.”
“Legion , Supremo.”
Ang Tactical Command Post, ang Operation Officer ng Battalion ang may-ari ng boses.
“Legion putang-ina mo, momortarin kita diyan sige ayaw mong mag
check-in ha.”
Himala, nakatulog siya. Sa harapn niya’y mga nakabihis nang tropa. Inaantay siya.
“Legion bibilang ako ng tatlo, putang-ina mo, isa, dalawa,
“Sensiya na Sir.” sunggab niya sa radio.
“Walang pasensiya-paseniya sa Army, gumalaw ka na tang-ina ka hindi makagalaw ang lahat dahil sa iyo. Ano bang pinag-gagagawa mo putragis ka..”
Kasunod ang hagalpakan ng tropa.
“Copy Sir..”
“Agyam, Canyal, Espanto, at ikaw, dito nga kayo.”, ang sarhento.
“Ughhhhhh, ughhhhhh, ughhhhh, ughhhh.” magkakasunod na impit na ungol ng mga sundalo pagkatapos sikmuraan.
“Magsimula ngayong araw na ito, kung hindi niyo kayang respetuhin ang pagkatao ng isang tao, respetuhin niyo ang kanyang rangko.
“MALIWANAG?????”
“Yes Sergeant..”
“ANO NA BA ANG NAPATUNAYAN NIYO SA BUHAY NIYO MGA PUTANG-INA KAYO, HINDI PA NGA KAYO NAKAKAKITA NI ANINO NG KALABAN MGA ANIMAL.”
May nagbago, alam niya.
Nawala ang mga bulungan, ang mga mahihinang mura, ang mga bagulbol sa likod niya.
Pero pabalik-balik pa rin, umaalingawngaw, nakakabaliw, paulit-ulit na naririnig niya sa kanyang utak.
“Hindi ako naniniwalang apektado ka”,
“Parehas lang tayong nag-gamitan”
ang sakit…
ang sakit-sakit…
At wala siyang magawa, kung Ala-Una ng hapon sa kanila, Ala-Una naman ng madaling araw sa ibang bansa, sa Canada.
Gusto niya ulit magtext, magmura. Subalit, kailan nga ba ito huling nagreply?
Bumabalik na naman ang sakit, ang bigat sa dibdib, nakakabaliw. Wala man lang siyang magawa.
HALT
Sandaling Pahinga,…
Pagod na pagod na siya. Sana’y dalawin ulit siya ng antok mamaya.
Sabagay, may tatlo pa siyang baong ginebra.
Bobo
Walang Alam
Buhaw-buhaw
Lasenggo
Ganito siya nakilala. Mismong mga kaklase nga niya, nilalayuan siya.
Isa hiyang kahihiyan.
Oo tama naman sila, sapagkat ito ang mga ipinakita niya.
Alas-Singko, hit ang lahat ng objective. Clear, walang trackings ng kalaban.
Bukas ulit.
Day Three
Alas-Singko, medyo tamang agaw ng liwanag sa dilim.
Nasa harapan ang burol, ang objective
Inilabas ang mapa, at isinunod sa hilaga.
Sa unahan, mga anim na kilometro ay may kalakihang sapa, sa taas ang may kataasang burol, hill 498, ang sunod na nakalista.
RIGODON…
Ibig sabihin, salitan. Aabante ako, susunod ka. Aalis ako, pupunta ka.
Pero bakit wala yatang mga bakas ng preskong yapak.?
Napuntahan ba talaga ito ng mga kasama?
Ng taga kabilang kumpanya?
Ah, hindi niya na ito problema.
Sakit man siya sa ulo, hindi siya mandaraya.
Ang “radio patrol” ay wala sa bokabularyo niya.
Tahimik. Masukal ang napakalawak na kawayanan.
Abante. Abante pa.
Halt. Radio check nga, naisip niya.
“Supremo Legion….”
“Supremo Legion…”
“Traffic mo Legion?..”
“Radio Check lang Supremo..”
“Ay anak ti baka…”
“SAKA KA NA TUMAWAG PAG MA…