This is a revised version of my story posted a few years back here in FSS and the other site. The previous version was written in English and I thought of revamping this into a “better” one and to cater to most of the readers’ language preference. I *might* include additional scenes/or an alternative story line.
Warning: If you’re a hopeless romantic, read on. A bit lengthy but, sex part will come soon enough.
Cheers, BV.
**
ANDREA’s POV
It’s 3AM in the morning. Kakatapos ko lang mag check-in sa hotel sa may Ortigas. Late na, dapat kasi kanina pang 1:30AM ako andito pero delayed ang flight ko.
“Damn!”
Bulong ko sa sarili ko habang papasok ako ng aking kwarto. Ibinaba ko ang aking mga gamit pagkatapos ay tiningnan ko ang calendar sa aking phone. Wala akong nagawa kundi mapa-iling na lang. Sobrang full ng schedule ko today.
Mabilis akong nag shower at nagtoothbrush. Matapos kong maglagay ng mga kung ano-ano pa sa face ko, dumiretso na akong nahiga sa bed. Nag check muna ako ng emails ko like what I always do, nag message din ako sa Ermats ko para sabihin na nakarating na ako sa hotel at nag check din ng Instagram at Facebook. After a while, ibinaba ko na ang phone ko and then I dozed off immediately.
7AM nang mag-alarm ang phone ko.
“10 more minutes!” Kulang pa ang tulog ko dahil halos tatlong oras pa lang akong nakakapahinga..
7:15AM na at pinilit ko ang sarili kong bumangon. Kung hindi lang sana ito business trip, baka nakahilata pa ako sa bed sa oras na ito. But unfortunately, I had to drag myself to take a shower dahil may conference call ako na kailangang attendan by 8AM. Pagkatapos naman noon ay may candidate interview ako ng 9:30AM.
Dahil hindi naman talaga ako morning person, medyo grouchy pa ako nang maramdaman kong kumakalam na ang sikmura ko. Naimagine ko pa naman ang masarap na breakfast buffet sa hotel restaurant sa baba.
Since mag-isa lang ako sa hotel room, wala na akong paki-alam na naglalakad ako ng naka hubad. Mabilis kong tinuyo ang buhok ko gamit ang towel kasi wala na akong time para mag blower pa ng hair.
Binuksan ko ang aking Macbook Air na nakapatong sa desk sa isang corner ng room. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong magbihis.
7:45AM nang makatanggap ako ng chat from Alex, my boss. “Get ready, we will start the con-call in a few”
“Got it. Ready whenever you guys are.” Mabilis kong sagot.
Kinuha ko ang aking make-up kit sa luggage at ang aking Livescribe. Palagi ko itong dala kapag may meeting ako dahil it saves me time sa pagsusulat ng notes. At the same time, I need to multitask and get myself ready for the meeting later on.
8:03AM nang mag ring ang phone ko. Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng foundation sa mukha ko.
“Hello good morning!” Bati ko, sabay pindot ng on-button Livescribe. Kasabay noon ang pagsulat ko ng note sa aking notebook: Discussion notes – Technical Director, Philippines.
Ini-on ko rin ang speaker mode ng phone ko para marinif ko ng mas maayos ang usapan namin. Nag-umpisa nang magsalita sa Alex sa kabilang linya.
“Hi Eunice and Albert, how are you today?” Masiglang bati nya sa mga clients namin. “I am looping in my colleague Andrea, she is currently in Philippines for a business trip. She is the one in charge for Healthcare sector. “
“Hi Eunice and Albert. Thanks for making time to speak with us.”
Ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng foundation, powder at blush. Isinunod ko naman ayusin ang aking kilay. Kailangan dapat laging on fleek. Patuloy pa rin sa pag kausap si Alex sa mga clients namin, idini-discuss nya ang focus and specialty ng group namin.
Nag-umpisa na rin mag discuss ng job brief ang client namin. Sinabi nila kung anong klaseng profile ng candidate ang preferred nila, ano background and skillsets pati na rin ang desired softskills.
Naglagay na ako ng eyeshadow. Smoky effect para classy. Isinunod ko maglagay ng eyeliner at mascara. Napatingin ako sa wristwatch ko, 8:30AM na pala. Hindi pa rin sila tapos mag-usap dahil ang dami pa tinatanong ng boss ko. Once in a while sumisingit ako to clarify some things and to give my thoughts and suggestions pero si Alex wala pa rin tigil.
Magaling talaga sya makipag-usap at kapag na engage na nya ang clients namin, umaabot pa sa non-related topics ang discussion dahil sa mga segue nya. After a while natapos na rin ang discussion at na cover naman lahat ng questions.
I started to put on my lipstick. Since candidate interview naman iyon, I decided to use my Mac Ruby Woo lipstick, kasi bagay ang shade noon sa color ng blouse ko. I am feeling flirty today and of course, I want to make a good impression to the candidates that I am meeting.
Nang ibaba ng client namin ang phone, naiwan pa rin si Alex on the line.
“Do you have time for a quick catch up?” Tanong nya sa akin. 8:45AM na.
“Okay, I have 5 minutes” sabi ko.
“But your interview is at 9:30AM, right?” Alex asked sarcastically. I’m sure gusto pa nya akong kausapin longer than 5 minutes and this bitch ain’t got time for that.
“I know! But I am still in the hotel room, my hair disheveled and all; I still need to fix myself! Now go on, what’s up?” Ganyan talaga kami mag-usap ng boss ko dahil maayos naman ang working relationship namin. He’s British and Single pa kaya sobrang hard working to the point na nagma-micro manage sya, at ako naman ang paborito nyang i-micro manage!
Madalas kaming mag lunch na magkasama kaya kapag wala kami sa office or kapag kaming dalawa lang ang magkausap, wala na halos formality but syempre andun pa rin ang respect.
Sa phone call, sinabi nya na pag-isipan ko raw ang strategy namin and mag brainstorm daw kami mamaya after ng meetings ko. I got bored and since hindi naman nya nakikita kung ano ang ginagawa ko, inumpisahan ko nang magsuklay at mag finishing touch ng make up. Inayos ko rin ang pagkaka-tuck-in ng blouse ko.
“Are you still there?” Tanong ni Alex.
“Yup, go ahead I’m listening! But I really need to go in 5 minutes” Sabi ko naman.
“Update me on your discussions later okay?” Pahabol pa nya.
“Sure will do, Boss! Have a nice day over there.” Then I hung up.
I took the Livescribe and drew a star on the notebook, and then pressed the off button. Discussions recorded.
I grabbed my bag and put my stuff inside. I made sure na wala akong nalimutan. My iPad mini, Livescribe, and a power bank. Tumingin muna ulit ako sa salamin to make sure na maayos nga ang pagkaka-make-up ko pati na rin ang damit ko, saka ko pa lang isinuot ang blazer ko.
Tinitigan kong muli ang aking sarili sa salamin. 5 foot two inches in height, neutral skinned, oval faced, chinita eyes with long brown wavy hair. Nakasuot ako ng dark ash pencil skirt and light pink button up blouse paired with black blazer and Jimmy Choo’s.
“Looking extra classy, you are. It’s gonna be a lucky day today!” sabi ko sa sarili ko sa salamin. Pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng room at pababa ng hotel. Buti na lang at may access mula sa hotel papunta doon.
9:10AM nang dumating ako sa cafe. Hangga’t maari, ayoko sana dito makipagmeet dahil ayoko na may makakita sa akin na kakilala ko, this cafe can get very busy pa naman pero wala akong choice, iyon ang pinaka convenient sa mga ka-meet ko.
I quickly scanned the place to look for a nice spot perfect for discussions. May mga tables na wala pang nakaupo pero masydong accessible at daanan ng ibang customers. May nakita akong magandang spot sa far end ng cafe and isang lalaki pa lang ang nakapwesto doon. He’s occupying a table for two and sa tapat naman sya on the right ay may table for four na vacant.
Naupo ako sa kahilerang upuan ng guy at ipinatong ko naman ang bag ko sa katabing chair. From my peripheral vision, napansin ko na tiningnan ako nung lalaki at mabilis din nyang ibinalik ang tingin nya sa kanyang laptop. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tinawagan ko ang candidate na ka-meet ko. After three rings, sinagot naman nya ang phone.
“Hi Jessie, this is Andrea. Are you on you way here? Let me know when you are near the place. Thanks!”
Inilabas ko naman ang notebook ko at ipinatong iyon sa table as sign na nakareserve na ang table na iyon. Binitbit ko ang bag ko at nagpunta ako sa counter para umorder.
“Good morning!” Bati ko sa cashier.
“Look, I am waiting for somebody and I really need a wi-fi connection right now…”
“Okay Ma’am. Can I get your order first?” Mabait na bati ng Cashier sa akin.
“Can I order later? I need to have wifi connection muna sana.”
“Do you have a swirl card Ma’am?”
“The what card?”
“Kasi Ma’am our Wi-fi is free for those who have our loyalty card…”
“Oh I see. Wala ako eh, can I buy one?”
Mabait naman si kuya na nasa Cashier. Pumayag din sya na mamaya na ako mag order. Nadaan ko kasi na malambing na ngiti at paki-usap. Isinulat nya ang password sa isang piece of paper pagkatapos ay iniabot nya ito sa akin.
“Thanks Bobby! You are awesome.” Nginitian ko sya saka ako bumalik sa table na nireserve ko.
Pagkaupo ko, napatingin na naman yung lalaki sa akin pero nagpretend na lang ako na hindi ko sya napansin. Dali-dali akong nagconnect sa wifi pagkatapos ay tinawagan ko ang staff ko sa Singapore using whatsapp. Sinagot naman kaagad ng staff ko ang call.
“Hi Ria, good morning! This will quick, I have sent you the documents for the Technical Director role, could you please start working on it? Just do the normal stuff and send to me by the end of the day. Everything clear?” Mabilis naman na nag-agree si Ria. Pinilit kong hinaan ang boses ko dahil mukhang naiinis na yung lalaki sa kabilang table.
Pagkatapos ng call ko kay Ria, nag ring naman ang phone ko. Si Marcus, isa sa mga professionals na naka schedule din for meeting sa akin that morning.
“Okay, that can’t be helped but my schedule is quite full the whole day. I might be able to squeeze meeting the meeting in the afternoon though, say around 4:30-5PM?” Na-stuck daw si Marcus sa traffic and hindi makaka abot sa original schedule namin which is at 11AM. Medyo nainis pa ako dahil nagulo ang calendar ko.
Umalis saglit yung lalaki at pagbalik nya may dala ulit syang kape. Caramel Macchiato pala ang inorder nya, my favorite! Bigla tuloy akong nagcrave kaya nagdecide akong umorder na muna. Buti dumating na rin kaagad si Jessie. Inaya ko syang umorder na muna kami before anything.
Bumalik kami sa table namin after. Inumpishan na namin ang formal introductions. After a while ay nagumpisa na ang discussion namin. Midway ng aming usapan, ilang beses na nag clear ng throat yung guy…