Together For(n)ever – Part 2

A/N:

1. This is a revised version of my story posted a few years back here in FSS and the other site. The previous version was written in English and I thought of revamping this into a “better” one and to cater to most of the readers’ language preference. I *might* include additional scenes/or an alternative story line.

Warning: If you’re a hopeless romantic, read on. A bit lengthy but, sex part will come soon enough.

2.Apologies for the delay in posting my stories. It has been a bery hectic month for me but I will try my best to finish this and other series soon. Please bear with me on this.

Thanks 🙂

Cheers, BV.

**

ANDREA’s POV

Hindi ko napigilan na huwag lingunin si Josh. Andun pa rin sya sa same spot where I left him at nakatingin sya sa akin. Humarap ulit ako sa kanya and I smiled at him bago ulit ako tumalikod at maglakad.

“What a jerk to just stand there and do nothing.” Napapailing kong sabi sa sarili ko. Akala ko kasi hahabulin nya ako para ipagpilitan na sasabay na sya sa akin pabalik ng cafe. Or at least magpaka cheesy man lang sana sya sa akin. Pero wala.

“Very disappointing.” I heaved a sigh.

Saka ko lang narealize na nagugutom na pala ako. Lunch time na at wala pa akong nakakain kahit anong decent food since morning. After all my moments with Josh sa hotel room, eto at kumakalam na ang sikmura ko. Sana lang hindi pa rin nakakapag lunch ang ka meeting ko so we can have a quick lunch before we dive into the formal discussion.

Dumating ulit ako sa cafe and nakasalubong ko si Bobby. Namukhaan nya ako and binati nya ako with a warm “Welcome Back, ma’am.” Si Paul naman, ang ka-meeting ko, ay nakapwesto sa same table na piniwestuhan ko kanina. I smiled at him. Tumayo sya when he saw me coming and nag shake hands kami.

“Hi Paul nice meeting you, have you taken your lunch yet?”

“Just finished a while ago, thanks.” Sabi nya.

“Right, shall we get coffee, then?” Since hindi pa ako makakakain, coffee will do, well at least for now.

“Yes, please.” Magkasama kaming nagpunta sa counter. I ordered another round of caramel macchiato at cappucino naman para kay Paul.

Pagkabalik namin sa table, nagumpisa na rin ang discussion and like the usual, nirecord ko for easier reference. May isang lalaki na nakaupo sa inupuan ni Josh kanina, nagbabasa sya ng libro. Maya-maya, may dumating na lalaki at naupo sa tapat nya. Kilala ko ang may kanya ng boses na iyon, hindi ko na kailangan i-confirm pa.

Mabilis lang ang discussion namin ni Paul, in one hour lang ay tapos na. Hindi sya kasing articulate ni Jessie kaya kahit anong tanong ko, very basic lang ang sagot nya. I am so happy na natapos din agad.

Sinabayan ko si Paul maglakad palabas ng cafe. Naiwan si Josh doon and I did not bother looking back at him. Nagmamadali rin ako kasi kailangan kong makarating agad sa Shangri-La hotel for another meeting this time, with our client.

Buti na lang at may iba pa syang ka meeting kaya natapos ang discussion namin in about 40 minutes. I quickly grabbed a sandwich sa isang deli doon and I took a cab back to my hotel.

3PM. Pumasok ako sa aking hotel room pagkatapos ay mabilis kong ini-on ang aking laptop. Nagcheck ako ang emails habang mabilis kong kinakain ang sandwhich na nabili ko. Halos hindi ko rin naubos dahil pakiramdam ko ay nalipasan na ako ng gutom.

Maya maya ay tumawag naman si Ria at binigyan ako ng run-down sa nagawa nyang research so far. Gamay na nya kung paano ang style ko kapag may new project kami kaya handa sya sa lahat ng tanong ko. Ganito talaga ang buhay namin, very reactive dapat otherwise we will not be this successful.

After that, ipinasa nya ang phone kay Alex at kagaya kanina, binigyan ko ulit sya ng updates about sa usapan namin ni Paul. Pagkatapos ng phone call namin, I checked my emails at napa-iling na lang ako dahil may 55 unread messages doon.

“Kill me now!” Hindi ko napigilang mapasigaw sa sobrang pagod.

I checked my calendar:
4:30PM discussion with Marcus
5:30PM to call Linda for follow up
6:00PM to call Penny for feedback
6:30PM Con-call with team
7:30PM to call Pierre for follow up.

“Can I just die now?” Pagod ang katawan, nahiga ako saglit sa kama pagkatapos ay nag retouch para sa next na meeting.

Bumaba ulit ako sa isa pang cafe sa baba ng hotel para i-meet si Marcus. Isang oras lang din ang naging usapan namin dahil straightforward naman ang nga sagot nya, hindi na kailangan ng follow up questions.

Bumalik ako sa room ko at dahil wala na akong meeting after that, hinubad ko na ang blazer at skirt ko para makahinga naman ng maayos ang katawan ko. Binuksan ko rin ang upper buttons ang blouse ko tapos dumiretso ako sa bathroom para alisin ang make-up ko at maghilamos to freshen up a bit.

Nahiga ako saglit sa bed and from there, tinawagan ko si Linda for the scheduled call and pagkatapos noon ay si Penny naman. Around 6:15PM, naupo ako sa bed ko and nagsimula naman ako magbasa at magreply sa mga emails.

6:35PM nang magsimula ang con-call with the team and as usual, Alex is chairing the meeting. Like the usual isa-isa kaming nagbigay ng updates on individual projects. Actually may choice naman ako not to join pero might as well magjoin na rin dahil wala naman din akong ibang gagawin.

6:45PM nang biglang mag ring ang doorbell ng hotel room ko. Hindi ko pa pinansin dahil akala ko hindi sa akin. On the third buzz, nag-excuse ako sa discussion. “Wait a second team, excuse me for a while, but go on, I can hear you guys over here.”
Sinilip ko ang peephole checked through the peephole to see who’s outside my door and to my surprise, it’s Josh! Mabilis kong binuksan ang pinto at bago pa man ako makapagsalita,

“Fancy sharing the dinner with me?” Tanong nya habang ipinapakita nya ang pagkain na dala nya.

“I am busy! I actually have an ongoing con-call.” Bulong ko, just to make sure na hindi ako marining ng mga tao sa kabilang line.

“I know, I can hear it…” Pumasok sya sa loob ng kwarto ko kahit hindi ko pa naman sya pinapapasok.

“…and if you don’t mind, magsuot ka naman ng bottoms or something.” Dugtong nya habang isinasara ang pinto.

Sa sobrang pagmamadali ko, nalimutan ko na isuot ulit ang skirt ko. Mabuti na lang at medyo mahaba ang blouse ko na naitago naman nya ang undies ko somehow. Mabilis akong pumasok sa bathroom at kinuha ang nakasabit na bathrobe sa likuran ng pinto.

Naglakad ako pabalik sa bed. Sumunod naman si Josh at naupo sa sofa katabi ng kama ko. Nakatitig sya sa akin, pero iniwasan ko ang tingin nya.

“Sorry to keep you guys waiting, a delivery guy just dropped by my food.” Natatawa akong tumingin kay Josh at dahil hindi naman sya makapagsalita, napa-iling na lang sya with disapproval.

The discussion went on for another 30 minutes habang naghihintay naman si Josh patiently listening. Every now and then magtatama ang tingin namin but ako na ang nauunang umiwas kahit pa deep inside, kinikilig ako.

“Andrea, tell us how your day went before we wrap up the call…” Si Alex. Bago pa ako makapagsalita, sinundan pa nya ng tanong na “No plans going out tonight? Party, drink, date out some boys maybe?”

“Hmmm… That’s a good idea!” Sagot ko naman. Nagtawanan kaming lahat.

“However, looking at my calendar, I don’t think I can do that. Thanks to Alex.” May tono ng sarcasm ang statement ko. Mas natawa si Alex.

“Oh poor Andrea…” Si Alex.

“I know, right? Go through my calendar and see for yourself if I can still party, drink and meet with some boys. I’m quite pissed at you for giving me a very hectic schedule.” Napabuntong hininga ako. Minsan nalilimutan ko na may iba pa pala kaming kasama sa discussion.

“It’s not my fault that you want to go on your own. I told you I can go with you next week but you insisted to go now. Right Ria?” Bawi pa nya. Knowing him, nagbibiro lang sya at naghanap pa sya ng kakampi sa staff ko.

Tumayo si Josh and he continuously paced the room. Nalimutan ko na andun pala sya and he might be thinking na I’m flirting with my boss the way na mag-usap kami on the phone.

“Okay why don’t we call it a day…” sabi ko sa mga team mates ko.

“No wait up — ” my boss interrupted pero bago pa nya matapos ang kanyang sasabihin,

“Is it very important? Otherwise, shall we call it a day?” Kunyari pagod na ang tone ng boses ko.

“Not really, catch up with you tomorrow then.” Sagot ni Alex.

“Cool, thank you Alex!”

“Okay then, Happy hunting!”

“Bye!” At na-cut na ang line.

“What– on– earth– are– you– doing–here?” I shifted my attention to Josh.

“Dinalhan lang kita ng dinner kasi you’re busy the whole day and I thought maybe I can do a bit of help.” Naglakad sya pabalik sa sofa.

“What if wala ako dito?”

“Well, andito ka right? I saved you the trouble of going out para maka rest ka na lang instead.”

“What if may na order na ako sa room service?”

“You hate the food here, so hindi mo gagawin yun.” Sumandal si Josh sa sofa, nakatitig pa rin sa akin.

Gusto ko pa sana sya iinterrogate pero hindi na ma-process ng utak ko. Ilang beses nag bukas-sara bibig ko to say something pero no words came out.

“Shall we have dinner now?” Tanong ni Josh na may halong lambing ang tono.

“I need to make another call. It will go on for another 20-30 minutes and this is quite important”.

“Okay, go on. I’ll wait.” Si Josh.

Natapos ang call ko in less than 30 minutes. Binilisan ko na lang din dahil kumakalam na ang sikmura ko. The whole time naman ng discussion ko ay nakatingin lang si Josh sa akin. Kapag may chance ay nakikipag titigan naman ako sa kanya.

“Fuck my life!” Sigaw ko pagkatapos ng call ko.

” Shall we have dinner now? Anong nabili mo? Masarap ba ‘yan?” Sunod-sunod kong tanong kay Josh. Tumayo na ako sa bed at tumabi sa kanya sa sofa.

“I bought a Pho from your favorite Vietnamese place, pero I think malamig na sya by now”

“Really?” Mabilis akong tumayo at pumunta sa table kung saan nya ipinatong ang mga dala nya.

“And sinamahan ko na rin ng fresh vietnamese rolls.” Katabi ko na si Josh ngayon, pinapanood nya kung paano ko inisa-isa lahat ng laman ng take out bag.

“Wow, good job! Salamat ahhhh.”

“Anything, Andrea. Anything.” Hinawakan nya ng kamay ko.

“Tara, let’s eat na!” Binawi ko ang kamay…