mahirap.
Sa Pelikula ay may haciendera na maiinlove sa isang Tricycle Driver. Sa Taiwan Drama ay
mayrong Multi Millionaire na nainlove sa isang babaeng kumakain ng cup noodles habang umiiyak gawa ng kanyang kahirapan.
Sa Koreanobela kahit si kamatayan naiinlove. San ka pa?. Dito magsisimula ang istorya ng isang pangkaraniwang tao….
Aguy..! Hikbi ni Monching ng mauntog sa loob ng drainage na kanyang iniinspect.
“Bakit ba kasi dito ako inilagay ng hindot kong boss?” usal ni Monching
Si Monching ( Ramon Christopher Montelibano) ay pamangkin ng isang Janitor sa munisipyo ng Sta. Ysabel. Sya ang nakatoka sa pagiinspect ng imburnal dito isang beses kada buwan.
“Putang ina ambaho!” reklamo nya habang sumusuot sa mahabang tosang na puno ng burak, tae at iba pang mababahong elemento na pwede mong maisip. Kailangan nya itong gawin upang matustusan ang pang araw araw na pangagailangan ng kanilang pamilya.
Panganay sya sa tatlong magkakapatid, ang ikalawa ay nabaldado gawa ng nabagsakan ng Holcim Cement sa isang construction site at ang bunso naman ay naputol ang paa matapos maipit sa Mixer. Patay na rin ang kanyang ama matapos malaglag sa Crane.
Pamilya sila ng Labourer at kahit sa mga masalimuot na kapalaran ng kanyang mga kapamilya ay hindi nya sinukuan ang “Legacy” ng pamilya Montelibano. Pangarap nyang maging “Ultimate Labourer” at maging Engr na din kung hahayaan ng pagkakataon.
Hoy Monching Lunch Time na!!! Lunch time naa.. Lunch time naaa. Lunch time naaa (nag eecho sa loob ng tosang).
Umahon na sa mabahong lagusan si Monching at nagtungo sa kanyang Green Khumbela Bag upang kunin ang stainless na baunan na may clip sa gilid at ang kanyang Lock n Lock na lalagyan ng tubig na may halong Cobra.
Abner: Monching kamusta na yung number na nakita natin kahapon sa likod ng upuan ng Joana Jesh? Natext mo na ba? Wanted Boypren daw e.
Monching: Di ko pa nga natetext brad, nagexpire ung unli ko nung sesend ko na yung text. E ayaw naman ako pabalehin ni Sonya dun sa munisipyo, dami ko na raw utang. Baka mamaya makadilihensya ko pangload ittext ko agad.
Abner: OO pre sayang yun. Yung huling number na nakuha natin sa Don Mariano panalo. Sinundo ko dun sa may paktori ng Mothballs sa may Karuhatan, ang tindi! Gumigiling ng syento bente at pati pawis ko hinimod.
Monching: Bwahahaha! E ano napala mo? TULO!!!
Abner: Ok lang. May gamot naman sa tulo. BWAHAHAHAHAHA
Habang abala sa pagkain ng Pritong Tilapia at Bahaw ang dalawang mason ay may naaninaw na babae si Monching na humahakbang sa plywood na kanyang inilagay sa ibabaw ng imburnal. Maputi na tila nag Kojic, mahaba ang buhok maganda mabango at mukhang mayaman. Ginawaran sya ng isang ngiti ng babaeng humakbang sa kanal habang sya namay napadila sa kanyang labi at nilasap ang pawis na tumutulo gawa ng matinding sikat ng araw.
“Binibini sa aking pagtulog
Ika’y panaginip ko
Panaganip ng kathang dakila
Nitong pag-iisip ko
Ang katulad mo raw ay birhen
Sa abang altar ng punong pag-ibig
O kay ganda
O kay gandang mag-alay sa ‘yo”
Abner: Hoy Monching! Wag kang mangarap ng gising. Si Melisa yan anak ni Boss Turo
Monching: Hindi nga? Anak ni Turong Pajo yan? Abay ke pangit nung hayup na yun ang ganda ng anak?
Abner: Ang balita ko ay naanakan ang misis nya ng isang “Kokeysyan”.
Monching: Anong “Kokeysyan”?
Abner: Di ko din alam e, basta yun lang narinig ko. Wag ka nang umasa pre masasaktan ka lang, Di ka papatulan nyan.
Monching: Sabagay may punto ka sa kabilang banda. Tara na ngat tapusin na natin tong hindot na kanal na to at nang makauwi na tayo. Itetext ko pa yung number na nakuha natin kahapon.
Makalipas ang tatlong oras dalawamput dalawang minuto at labing anim na segundo ay nakatapos
na rin sa trabaho si Monching at nagpasyang umuwi gawa na rin ng pagod at panghihinayang sa babaeng nakita. Hindi rin sya nakadiskarte ng pang Unli kaya minabuti na lang nyang magpalipas ng oras sa internet.
Gamit ang kanyang Pentium 3 na computer na may 14″ na CRT monitor ay pinindot nya ang Internet
Exp…