Tradisyun: Into The Diary ( Caretaker )

Note: Ang Istoryang ito ay Bunga lamang ng aking imahinasyon at anumang pagkakatulad ng mga pangalan sa nasabing kwento ay hindi sinasadya.

“”Hindi ko inaasahan ang maririnig ko mula sa security guard ng condo kung saan nakatira ang matalik kong kaibigan na si cythia dahil matapos kung umalis sa poder ng parents ng yumao kung asawa ay sya ang una kong naisipan na puntahan.””

“Kuya alam nyo po ba kung saan na sila nakatira?”

“Maam pasensya na po pero hindi po namin hawak ang ganoong mga bagay”

“Ganun po ba!. ahhh sige po kuya mag iwan nalang po ako ng contact number kung sakali po na bumalik sila pabigay nalang po sana makisuyo ako”

“Okay po maam”

“Salamat po”

“”Agad kong inabot ang bago kung contact number dahil mula ng magpasya akong makisama sa boyfriend ko ay hindi ko na ginamit pa ang luma kong number at hindi ko na rin maalala kung san ko ito nailagay.””

“Goodmorning po maam”

“Hello po goodmorning din”

“Check-in po maam?”

“Yes po”

“”Agad akong dumeretso sa hotel upang pansamantalang tumuloy habang nakikibalita sa aking matalik na kaibigan at sa mga panahon na narito ako ay naghagilap ako sa social media kung saan na mabilis ang paraan para mahanap ang isang tao.””

“Hi friend kamusta ka?, ako to si Luoise.”

“Chat mo ako agad if ever mabasa mo message ko!”

“”Ito ang iniwan kong mensahe sa social media ng matalik kong kaibigan at umaasang mabasa niya agad ito subalit lumipas na ang halos limang buwan ay wala parin akong natatanggap na sagot mula sa kanya bagay na ikinabahala ko””

“Hi maam pasensya na po sa abala.”

“Okay lang po maam ano po yun?”

“Ah kasi po maam yung card na binigay niyo para sa payment ng room nakablock po siya”

“Ano po?”

“”Ito ang gulat ko ng malaman ang sinabi sa akin ng isa sa mga staff ng hotel kung saan ako nakatuloy bagay na abot nila sa akin muli ng card ko saka kuha ng cash na mayroon ako upang bayaran ang para sa buwan na ito”

“Salamat po maam at pasensya na po sa abala”

“Okay lang po maam at pasensya na rin”

“”Matapos kong maisara ang pinto ng kwarto kung saan ako tumutuloy dito sa hotel ay syang tungo ko sa sofa saka nagisip ng may maalala akong mga bagay na dapat kong ginawa bago umalis””

“Ou nga pala si papa ang may hawak ng finance department”

“”Kung tama ang hinala ko ay nabasa na ni mama ang liham na iniwan ko at ang i-block ang card ko ay isang senyales na alam na ni papa ang nangyari kaya naman agad akong naligo at tumuloy sa pinakamalapit na banko upang masiguro kung tama ang hinala ko.””

“Maam lahat po ng card na binigay niyo ay nakablock po siya.”

“Ganun po ba maam.”

“”Ito ang malumanay kong sagot sa teller ng banko matapos niyang sabihin na hindi na magagamit pa ang mga card ko para makakuha ng pera saka naman balik sa hotel at nagisip””

“Isa, dalawa, tatlo naku hindi na to aabot””

“”Nang makabalik sa hotel ay agad kong binilang ang natitira kong pera na cash na hawak ko at batay roon ay paubos na ang pera ko na hindi na sasapat pa para ipambayad sa hotel””

“si mommy at daddy!”

“”Dahil sa problema sa pera ay bigla kung naisip sila mommy luisa at daddy ivan pero agad kong pinawi ang isip ko dahil pinili at ginusto ko ang desisyon kong ito at hindi ako hihingi ng tulong sa kanila””

“Tama kaya ko to kaya wala ng atrasan!”

“”Mga salita na binitawan ko sa aking sarili upang panindigan ang pagbukod ko kina mommy at daddy na ang paghingi ng tulong sa kanila ay pahiwatig na hindi ko kaya ang sarili ko.””

“Hi maam goomorning po”

“Hello goodmorning din po”

“Maam Due date niyo na po this day ask ko lang po if ever magextend pa kayo ng stay?”

“Ay maam hindi na po.”

“sige po maam salamat po and thank you for staying with us”

“”Agad ko namang baba ng telepono mula sa tawag ng hotel staff sa akin para ipabatid na ito na ang huling araw ko sa pananatili sa kwarto ko matapos kung hindi na magextend ng stay dahil hindi na kaya ng pera ko.””

“Ingat po kayo maam”

“Salamat po”

“”Pasado alas syiete ( 7pm ) na nang gabi ng magpasya akong lumabas sa hotel bitbit ang gamit ko at hatak ito papalabas ng gusali kung saan ako nanatili na halos kulang pitong buwan saka tumuloy na at sumakay ng jeep””

“Maam san po kayo bababa?”

“Sa dulo po ng ruta niyo kuya”

“”Ito ang sagot ko sa driver matapos kong magbayad at magtanung kung saan ako bababa pero ang totoo ay hindi ko din alam sinabi ko lamang iyon upang magpatay ng oras kung saan ako pwede manatili.””

“Dito na po tayo maam sir hanggang dito nalamang po ako”

“”Ito ang sinabi ng driver na sinakyan ko matapos namin makarating sa hulang ruta ng byahe niya at saka bumaba na kami, nang makababa na ako ay hindi ko talaga alam kung saan ako magtutungo kaya naman minabuti ko ang maglakad lakad para makapagisip.””

“Ay! ano ba yan bakit ngayon kapa umulan?”

“”Habang naglalakad at nagmamasid sa maliwang na paligid ay siyang badyang umulan ng malakas kaya naman agad akong naghanap ng masisilungan ng may mapansin akong tulay sa bandang unahan ko at may nakita akong munting bahay na naroon.””

“Tao po! tao po! meron po bang tao dito?”

“”Dahil sa lakas ng ulan ay agad akong natungo sa munting bahay na ito kung saan ay madilim kaya naman una kong hinanap kung meron bang tao na nakatira doon pero bigo akong malaman””

“Ang lakas naman ng ulan at ang lamig.”

“”Dahil walang tao sa loob ay naghintay na muna ako sa labas ng munting bahay na ito sa ilalim ng tulay kung saan ako pansamantalang nakasilong pero dahil sa basa na ang suot kong damit at nilalamig na ay pumasok na ako sa loob””

“Ang dilim naman dito”

“”Tuloy na akong pumasok sa loob ng munting bahay na ito dahil hindi ko na kaya pa ang lamig na aking nararamdaman, gamit ang telepono ko ay binuksan ko ang flashlight upang maaninag ang loob ng munting bahay na ito.””

“Hay sana lang tama itong ginagawa ko! haaaachooo!”

“”Napabahing ako sa lamig ng makapasok sa loob na mapansin ko ang isang kobre kama at isang upuan na mahaba na parang sofa at mula sa bandang taas ay maaninag mo ang isang lampara katabi nito ang isang panindi bagay na kinuha ko at sinindihan.””

“ahhh salamat ang init”

“”Habang nagpapainit mula sa siga ng lampara ay lumingon ako sa paligid ng loob ng munting bahay na ito kung saan masasabi kung desente naman na sa tingin ko ay pang-isang tao lamang.””

“Sino kaya nakatira dito?”

“”Ito ang naging katanungan ko sa aking sarili habang naghihintay sa labas upang malaman kung sino ang nakatira dito subalit lumalalim na ang gabi kasabay nito ang pagpatay ng mga ilaw sa paligid ng tulay kung saan ako naroon na naghihintay sa may ari ng bahay ng bigla akong nakatulog.””

“uhhhhhhhh arayy!!! ang sakit naman ng ulo ko”

“”Maliwanag na ng magising ako mula sa ingay ng mga sasakyan na dumadaan sa lugar na ito sabay nito ang pananakit ng ulo ko pero ang isang ikinabahala ko ay iba na ang suot ko sa aking katawan at nakahiga sa kobre kama.””

“teka anong nangyari?”

“”Agad kong naalala ang nangyari at ang pinakakuli ay ang paghihintay ko sa labas ng bahay na ito para malaman kung sino ang nakatira dito ng makaamoy ako ng mabango mula sa labas kaya naman agad akong bumangon at dahan-dahan sumilip sa bintana ng munting bahay kung saan ako naroon””

“teka siya ba ang nakatira sa bahay na ito?”

“”Natanaw ko ang isang lalaki na abala sa pagluluto na tansya ko ay para sa agahan ng magulat ako ng bigla siyang tumingin sa bintana na syang gulat at hiya ko””

“Gising kana pala, kamusta pakiramdam mo?”

“Hello po manong! medyo masakit po ulo ko”

“”Lumapit siya sa bintana at hinawakan ang noo ko na syang gulat ko pero huli na ng mapansin ko nasa noo ko na ang malapad at magaspang niyang palad.””

“Mabuti at bumaba na lagnat mo”

“Lagnat po?”

“Ou nang dumating ako dito nakahilata ka sa sahig ng pinto ng bahay ko at mataas ang temperatura ng katawan mo”

“Ganon po ba?, pasensya na po manong”

“”Ngiti lamang ang sinabi niya sa akin sabay balik sa pagluluto na syang pagmamasid ko sa kanya, matipuno ang katawan nito at may makapal na bigote at balbas animo`y sinaunang tao.””

“Nga pala pasensya na pala sa ginawa ko”

“Anong pong ginawa niyo manong?”

“Kung mapapansin mo iba na suot mo, basang basa ka ng maabutan ko kaya dinala kita sa loob at hinga sa kwarto saka binihisan”

“”Nanlake ang mga mata ko sa ipinagtapat sa akin ni manong na syang sagot sa katanungan ko kung bakit iba na ang suot kong damit nang ako`y magkamalay mula sa pagtulog.””

“So manong nakita mo po?”

“Ou nakita ko pero wag ka magalala wala akong ginawa sayo tulad ng iniisip mo.”

“Pasensya na po manong”

“”Ngiti naman ang tinugon niya sa akin bagay na ikinahiya ko dahil nakita niya pala ang kahubadan ng katawan ko na aniya`y ginawa lamang niya yun dahil basa ang suot kong katawan at natutuwa naman ako dahil hindi niya ako ginamit.””

“Okay na itong sabaw kumain ka at uminom ng gamot para gumaling yang trangkaso mo.””

“Salamat po manong”

“”Agad niyang pinasok sa loob ng bahay ang niluto niya at inayos para makakain na kami ng sabay pero nahihiya ako dahil ako na nga ang nangabala ako pa ang pinagsisilbihan.””

“alam kong hindi yan ang madalas mong kainin tuwing umaga pero yan lang ang meron ako kaya pagpasensyahan muna lamang.”

“Salamat po manong.”

“”Ang niluto niya ay instant noodles kasama na ang hotdog at maging tuyo na alam ko naman na hindi ko it madalas kainin pero dahil sa gutom ay kumain na ako kasama ni manong kasabay nito ang pagkwento ko sa kanya sa nangyari sa buhay ko.””

“Marami pong salamat manong”

“Wala yun pede ka magstay dito hangga`t gusto mo pero ayaw ko sa mabisyong tao”

“Hindi po ako mabisyo manong naman!”

“Alam ko una ko palang tingin sayo lalo na kagabi”

“Manong!!”

“”Natatawa siyang pinaalala sa akin ang tungkol sa nagyari kagabi buhat ng palitan niya ako ng suot kong damit at makita ang kabubadan ko saka nagtungo sa gilid ng munting bahay niya at may inayos””

“Nagtitinda din pala kayo manong!”

“Ou naman hindi sapat ang kita ko sa pagiging streetsweeper kaya kailangan talaga ang ganito”

“Galing naman po manong!”

“”Natuwa ako kay manong dahil ayon sa kwento niya sa akin ay tuwing umaga nagtatrabaho siya dito sa brangay bilang kapalit sa tirahan niya na dating outpost ng barangay na isang streetsweeper at bago pumasok sa trabaho ay inaayos niya ang kanyang munting tindahan katabi ng bahay na ito kung saan walang nagbabantay””

“M…