Tres Marias XX

Tres Marias XX

18+

By:Razel22

Matapos magamot ni ate Denice ang aking mga pasa sa mukha ay kaagad na siyang umakyat sa 2nd floor para maligo at maglinis ng katawan. Nanatiling nakaupo sa kabilang sofa si Donna na alalang-alala sakin habang andun naman si tito Dencio sa kanyang kwarto at alam kong galit na galit ito at may hinahaloghog ng biglang makadinig ako nang takot na boses ni tita Margie.

“Naku mahal ko! Anong gagawin mo jan? Ikaw Dennis ha! Alam kong pag ganyan ka may gagawin ka na namang di maganda! Hala bumalik ka sa loob at ibalik mo yan!” galit na boses ni tita Margie kaya napabangon ako sa pagkakahiga sa sofa na kahit si Donna ay kaagad ding napatayo para tignan ang mga nangyayari.

Kitang kita namin ang dalawang pistol na nakalagay sa holster sa magkabilang bewang ng aking tito Dencio. May mga magazine pa itong nakaipit sa kanyang likod. Nakasout lang siya ng itim na T-shirt . Itim na pantalon at combat shoes na parang may pupuntahang gyera pero di ko alam kong matatawa ba ako pero parang totoo nga ang sinabi sakin ni Sir Dize na di ko pa nakita kong paano makipaglaban at magalit ang aking tito Dencio at di ko pa siya masyadong kilala kahit na iisang bahay lang ang aming tinitirhan.

“Margie huwag mo kong pigilan! Isa! Ilang beses ko nang sinabi sayo mula pa noong di pa tayo kasal na walang may gagalaw sa aking pamilya dahil ako mismo ang kanilang kakaharapin! At anong gusto mo? Everytime na umuwi dito si Dom kasama ang kanyang mga ate ay may mga pasa siya? Hahayaan mo na lang bang hinahunting sila ng mga tauhan ni Guillermo?! No way!!!!!! Ngayong gabi ay magpapakilala ako sa mga kumag na yun!!! ” sigaw sa galit ni tito sabay lakad papunta sa pinto at biglang tumigil sabay titig sakin.

“Iho. Simula bukas ay wala nang may gagalaw pa sa inyo. Pinapangako ko yan. ” Saad ni tito at di man lang ako nakasagot hanggang sa lumabas na siya at nakadinig na lang kami ng sasakyan na humarurot palabas ng gate.

Kaagad ko ring nadinig ang iyak ni tita Margie kaya kaagad akong umalis sa sofa at pinuntahan siya para yakapin. Dama ko ang pagnginig ng kanyang katawan dahil sa takot ngunit ang mas malala pa ay nakadinig kami ng lagabog sa gilid ng sofa at nagulat ng makita ko sa Donna na bumagsak at nawalan ng malay sa sahig.

Sa pagkagulat namin ni tita Margie ay sabay kaming napatakbo papunta sa dalaga at kaagad ko itong kinarga sa aking bisig sabay dahan-dahang pinahiga sa sofa at tutok ng electric fan dito.

“Donna. . . . . Anak pagpasensiahan mo na si Daddy mo. Alam kong ayaw na ayaw niyang ipakita sa inyo ang side niya na to pero kinakailangan na eh. Magpahinga ka na muna anak ha. At Dom iho kumuha ka ng bimpo at punasan katawan ni Ate Donna mo para mahimasmasan. Kukuha lang ako ng whiteflower para ipaamoy sa kanya para magising. ” Saad ni tita Margie at dali-daling umalis na sabay pasok sa kanilang kwarto.

Sa araw na yun ay sari-sari na ang naganap kaya parang nalilito na ako at nagmamadaling pumunta sa banyo para kunin ang ginamit sa aking bimpo at palanggana at ako naman ang magpupunas sa katawan ni Donna.

Nang makabalik na ako ay sakto ring pababa na si Ate Denice sa hagdan at nakita ako nitong nagmamadaling bumalik sa sofa.

“Oh Dom? Anong nangyari? Magpahinga ka na muna baby at mahina ka pa. Kakain na tayo mamaya. Mamaaaa!!! Labas na jan!!! Nagugutom na si Domingoooo!!!” sigaw ni ate Denice na walang kaalam-alam sa nangyari hanggang sa nakita niya ang walang malay na si Donna na nakahiga sa sofa.

“Anyare kay Donna? Baby bat siya nawalan ng malay?” pagtataka nito ng makarating na sa sofa. ” Kasi si tito at tita nagkasagutan kanina. Igaganti yata kami sa mga nagulpi ko kanina at di ko alam pinaplano ni tito. ” saad ko at napatango si Ate sabay kuha ng kanyang cellphone at nagtipa. ” It’s ok Dom. Na text ko na si Dize na magback up kay Daddy incase na magkaproblema” sabi nito na ikinagulat ko.

“Ate? Di ka man lang ba nag-aalala kay tito Dencio?” tanong ko sa kanya. ” Nag-aalala din Dom. But alam ko na sekreto ni Daddy eh. Wala siyang may maitatago sakin na kung ano hihi.” sagot niya kaya napalunok ako ng laway dahil sa baka alam din ni Ate Denice na pinapakantot ni Tito Dencio ang asawa niyang si Tita Margie sa akin kapag umandar ang topak nito.

“Oh Denden anjan ka na pala. Lagay mo nga to sa ilong ni Donna at magkamalay na .” saad ng bagong dating na si Tita Margie kaya pinaypayan ko pa rin ang mukha ni Donna kahit may electric fan na at di ko alam kung anong pinaamoy sa kanya ni Ate Denice ng biglang gumalaw ang nakapikit na mata ni Donna at unti-unting namulat.

“Oh anak. Sorry sorry at nakita mo yun kanina” nag-aalalang saad ni tita Margie sabay upo sa gilid ng sofa at yakap sa kanyang anak. ” Mom. What about dad? Delikado ang pupuntahan niya. Kinakabahan ako” mahinanang sagot ni Donna dito ” Don’t worry anak. Dize is on his way para puntahan si Daddy mo. Magrelax ka muna at kakain na tayo mamaya ok?” sambit ni tita sabay halik sa noo ni Donna na ikinatango naman ng dalaga.

Dahil sa pagod at madaming iniisip ng araw na yun ay napaupo ako sa kabilang sofa at tinitigan si Donna na nakahiga pa rin. Nang makatayo na si tita Margie ay saka naman tumabi sakin si ate Denice ” Dom baby. It’s ok. Nahimasmasan na si Donna. And about kay Daddy ay malalaman mo rin bukas ang balita. Or better watch news. Di ka kasi mahilig sa panonood ng balita eh. ” sabi sakin ni Ate Denice .

“Tsk balita sa ano naman yan ate? Mga gulo?? Mga Corrupt? At yun bang sa eroplanong bigla na lang nawala? Ano ba yun? Jumbo jet? Tsk sa tingin mo kaya ate totoo yun?” tanong ko bigla kaya napatapik si Ate Denice sa kanyang noo. ” My Ghod Dom naman!. . . Yes totoo yun. . .And besides of that may isang survivor na nakabalik . . . .But sekreto ang kinaroroonan niya ngayon dahil sa ayaw niyang ipaalam ang mga nangyari. But i think madami nangyari doon sa pinanggalingan niya. Sa darkweb kasi na naopen ko eh nagkaanak daw siya sa napuntahang isla at parang biglang yaman ang babaeng yun pagbalik dito. ” saad ni Ate sakin

“Biglang yaman? Paano mo naman nasabi ate?” nagtatakang tanong ko kaya napahawak siya sa kanyang baba na parang nag-iisip. “Well sa mga nababasa ko sa pag interview sa kanya ay isang survivor din ang nakabuntis sa kanya. . .Pero ewan ko ba kung totoo ang sinabi ng babaeng yun dahil sa malaparaisong isla daw ang kanilang kinabagsakan at tinirhan . Ngunit kabaliktaran daw sa gabi na puno ng canibal ang bawat sulok ng lugar. Sa kabutihang palad ay isang lalaki na survivor din ang nakasama niya na naging asawa rin. Parang napaka imposible nga ng sinabi niya eh. ” saad ni Ate kaya napapatango na lang ako.

“Ok ok . Paano mo naman nasabi na biglang yaman siya ate? Di ba dapat walang wala siya dahil isla yun? May premyo ba pagdating dito? ” tanong ko kaya natawa si Ate sakin. ” Syempre wala. Pero yung dala-dala niyang lumang maleta ay naglalaman ng napakaraming dyamante at ginto. Para daw sa kabuhayan niya at nang anak. At nabasa ko din na babalik daw siya dito sa pilipinas sa tamang panahon. ” Sabi ni ate sakin kaya napatango na lang ako. Di ko na inintindi pa ang mga ganoong balita o haka haka dahil sa napapaisip ako kung ano ba ang gagawin ni tito Dencio nang gabing yun sa mga nakalaban ko.

Napasandal na lang ako sa sofa dahil di pa masyadong ok ang aking pakiramdam at nananakit pa ang aking pumutok na labi at katawan kaya pipikit na sana ako ng makadinig kami ng. . . .

“Denden, Dom alalayan niyo si Donna. Kakain na tayo. Tara na” boses na tita kaya kaagad na kaming tumayo ni ate Denice at inalalayan ko si Donna na makatayo at sinabayan sa paglakad papunta sa hapag kainan.

Normal na usapan at pag-aalala kay tito Denico ang nangyari at mga paalala ni tita samin hanggang sa iminungkahi ko ang isang plano na kinontra mismo ni Donna at dahil doon ay nagbago ang lahat. Na ang akala ko ay maayos kami pero. . . . . . . .

“Tita. Napakadelikado na po sa bayan. Lalo na alam na nung kampo nang kalaban ni tito Denz na doon nag tatrabaho si Donna. Balak ko sanang patigilin siya sa pagsusulat doon dahil sa di natin alam ang mga mangyayari sa susunod” saad ko kaya napatingin si ate Denice at tita Margie sakin ng biglang sumagot si Donna.

“No! My life my decision! Kanina ka pa sa bayan ah! At sino ka naman Dom para ipatigil yung trabaho ko?! Yung pangarap ko?! Di naman kita kapatid ah! At di mo ba nadinig sinabi ni Daddy?! Na wala nang magtatangka sakin bukas!?” Pagalit na saad nito sabay titig ng masama sakin.

“But Donna. Ayon kay Dize e di basta bastang gang ang kinakaharap natin. Nabaril na nga ako at nagkasagupaan pa kami sa daan ng mga may balak maghiganti at mambastos sayo.” Sagot ko pero nahampas ni Donna ang kanyang kutsara sa mesa kaya nagalit na kaagad si tita Margie.

“Donna! Ano ba. Nag uusap lang tayo. And besides my point naman si Dom. Not all times ay magiging safe ka. Mabuti sana kung anjan lagi si Dom sa tabi mo o meron magliligtas sayo ” saad ni tita Margie ngunit napatayo si Donna sa mesa at tinitigan ako ng masama sabay duro sakin.

“You have no right para magdesicion Domingo! Walang kang papel sa buhay ko! Sa pamamahay na to! Sampid ka lang!” Sigaw niya na nakapagpatulala sakin at parang sinaksak ako derekta sa aking puso nang biglang makadinig kami ng isang umaalingawngaw na sampal.

Doon na napahawak si Donna sa kanyang namamagang pesnge at dahan dahang napabaling ang tingin sa kanyang tabi at nakita ang galit na galit na mukha ni ate Denice.

“A-ate. . . . Ba-bakit?!” Parang maiiyak na saad niya

“Bakit? Bakit?! For godsake Donna! Concern si Dom sayo! Kaming lahat! Itaga mo jan sa kokoti mo na di lang sayo umiikot mundo namin! God dammit!!!! Sinong sampid!? Ha ?! Inuulit ko! SINONG SAMPIIIIDDDDD!!!!”

Sa lakas na sigaw ng galit na si ate Denice ay kaagad napatayo si tita Margie para pigilan ito at mahigpit na niyakap. Na kahit si Donna ay pabagsak na napaupo dahil sa takot hanggang sa bigla siyang umiyak at patakbong umalis sabay akyat sa 2nd floor papunta sa kanyang kwarto at doon ibinuhos ang sama ng loob.

“MARIA DONNA MADLANGBAYAN! GET BACK HERE! DI PA TAYO TAPOS! HUWAG MO KONG TATALIKURAN! UMAYOS KA KUNG AYAW MONG AKO MISMO MAGDEDESIPLINA SAYOOOOO!!!!!” Sigaw ni ate na naiyak na din sa sobrang galit kaya napatayo na ako sa upuan at kaagad na niyakap din si ate Denice na napahagolhol ng iyak sa aking dibdib.

“Dom. Denden stay here. Kakausapin ko lang si Donna at ipapaintindi sa kanya ang lahat. Alam ko ang pinagdadaanan niya kaya ako na mismo pupunta. ” saad ni tita Margie bago umalis at sinundan ang bunsong anak. Parang di rin makapaniwala si Tita sa mga nangyayari dahil sa problemang sunod sunod na nangyari ng araw na yun.

Dama ko na din ang panginginig ng katawan ni ate Denice dahil sa kanyang pag-iyak na para bang napuno na ang kanyang galit na naramdaman.

Doon ay hinaplos ko na ang likod ni ate Denice sabay halik sa kanyang buhok. ” Ate. . . . Tama na. It’s ok. I know Donna’s point. Tama na ate. . . . Ok lang ako” saad ko pero deep inside ay parang nadurog ang aking puso sa lahat ng sinabi ni Donna sakin. Sino nga ba ako? Isa lang naman akong sampid sa pamamahay nila. At sino ba ako para pigilan siya.

Masakit man ay akin itong tatanggapin dahil sa totoo naman lahat yun ngunit naramdaman ko na lang na niyakap din ako ni ate Denice ng mahigpit.

“D-dom. . . . . .that stupid brat talks nonsense!. . . .don’t mind her at huwag mong intindihin mga sinabi niya” saad ni ate pero mas nagulat siya sa susunod kong sinabi na nagpaiyak sa kanya ng todo.

“Ate Denice. . . . .tama si Donna. Sampid lang ako. . . . At sino ba naman ako para magdesisyon sa pamamahay na to. . . Kaya ate. . . . Salamat sa lahat lahat. .Salamat” sagot ko sa kanya pero parang tinutusok ng libo libong karayom ang aking puso sa bawat katagang aking binibitawan.

“Dom? Don’t tell me. . . “

“Yes ate. . . Aalis na ako sa bahay na to. . To prove myself na hindi lang hanggang dito ang aking makakaya. . . So please ate. . . . Let me decide on my own . . . Paalam” saad kaya mas hinigpitan ni ate ang pagkakayakap sakin pero inalis ko ang kanyang kamay at tinalikuran ang pinakamamahal kong ate Denice na iyak ng iyak sa harap ng hapagkainan.

Parang pasan ko ang daigdig sa dami ng naganap ng araw na yun. Sa bawat hakbang ko ng aking paa paakyat sa second floor pabalik sa aking kwarto ay may bigat na parang di ko ito maihakbang dahil sa dinig na dinig ko ang hikbi ng aking pinakamamahal na ate Denice sa mesa at parang dinudurog nito ang aking puso.

Nang makarating ako sa aking sariling kwarto ay napakabigat na naman ng aking pakiramdam kaya napahinga na lang ako ng malalim bago ito buksan . . .

Ngunit. . . .

Ang lahat ng andun ay galing mismo kay tita at tito at sa magkakapatid kaya naiyak na ako at tumalikod hanggang sa napatitig ako sa pintuan ng kwarto ni Donna na nakabukas ng konti. Dinig na dinig ko ang mga masasakit na salita na sinabi niya habang kinakausap ni tita Margie. . .

“Donna. Dom cares for you. Tayong lahat. . . Concern siya satin Donna. If he wants you to stop writing sa FSS ay may point siya.Even me ay ganoon din sasabihin ko. It’s because doon na palaging bumabalik ang gang na kalaban ng papa mo noon. Para maghiganti at hindi to matitigil oras na di matatapos ang lahat” boses ni tita Margie.

“Yeah right! Dom Dom Dom! Bakit mommy? Anak mo ba ang hampaslupang yun?! Inampon niyo lang siya dito! At never kong nagustuhan pagtira niya dito mula pa noong bata pa kami! At sino siya para mag desisyon?! Kung mamatay siya then go ahead! His not even my brother for me to mourn!” Pabalang na sagot ni Donna kaya doon na tumulo ang aking luha at kaagad na naglakad papunta sa hagdan.

Dinig na dinig ko pa ang pag-iyak ni ate pero buo na ang aking loob hanggang sa naglakad na ako papunta sa pinto at patakbong pumunta sa gate para buksan ito.

Nang nakahanda na ang lahat ay kinuha ko na ang susi ng aking sasakyan at pinaharurot palabas. Ngunit pinatigil ko pa ito at muling lumingon sa bahay ng Tres Marias at doon ko nakita si ate Denice na patakbong hinabol ako at iyak na iyak at sinisigaw ang aking pangalan.

Ngunit ng makita ko siyang nadapa ay yun ang di ko na talaga kinaya. Gaano man katibay at kabuo ang aking desisyon pero ang makita nasaktan ang mahal kong ate ay di kakayanin ng aking puso. Kaagad kong binuksan ang pintuan at tumalon pababa para puntahan si Ate Denice.

Nang nakalapit na ako sa kanya ay kaagad ko siyang inilalayan patayo hanggang sa bigla ako nitong niyakap nang napakahigpit na parang ayaw na ayaw niya akong mawala. “D-doom!!! Pleaseee. . . . .Huwag kang umalis please Dom. . . .I love you so much and i can’t live without you. . . .You know how much you mean to me so please. . . Just for me Dom. . . Pleaseee” nanginginig na ang boses ng aking ate at nabasa na nang luha ang aking damit..

Napayakap na lang ako sa kanyang bewang dahil sa mahal ko naman si Ate. ” Ate this is just for the mean time. Let me decide on my own free will. At paghanda na ako ay babalik ako dito. Babalikan kita ate. . . . Di ba future husband tawag mo sakin? ” saad ko kaya napatitig ang luhaang mukha ng aking ate sakin at kitang kita ko na namumugto na ito dahil sa walang tigil na pagpatak ng luha. “I’ll always be around ate. . . .Babantayan kita, Kayo. . . As of now ay wala pa akong magagawa kaya please. . . .ate. . . .Give me time para makapag-isip ng mabuti at pagmakabalik na ako ay isasama kita” saad ko sa kanya at pinawi ang luha sa kanyang mga mata.

“But Dom. “

“Ate. . .Andito lang ako. Sa puso mo. . . .Kaya huwag kang mag-alala sakin. I can manage on my own. Mahirap man pero alam mong makakaya ko lahat. . . .And will meet some other time at tatawagan kita ate. . .Alam mo namang di kita matiis. ” sa sinabi kong yun ay kaagad ni siniil ako ng aking ate Denice ng halik sa aking labi.

Isang halik na puno ng pagmamahal. Kahit nalalasahan ko ang kanyang luha ay di nito alintana ang hatid na sakit ng halik ng pamamaalam. Sa pagdampi ng aming mga labi ay dama ko ang panginginig ni ate kaya nang bumitaw kami sa isang halik na yun ay nagkatitigan kami at parehong walang salitang namutawi sa aming bibig.

“I’ll wait for you Dom. Call me anytime and gaano ka man kalayo ay pupuntahan kita. Your the most important person in my life Dom. . . . Come back to me” huling salita ng aking mahal na ate…