Ilang sandaling pagpihit-piht sa kama, bigla na kong nilunod ng mga alala. Nakaraang di naman ganon katagal ngunit tinaob agad ang dumaang bangungot kani-kanina lang. Kumurot ito sa akin kahit humihilom na sugat na ang pangyayari. Gusto kong di pansinin ang di imbitadong pagpasok niya sa isip ko dahil wala na rin naman siyang puwang pa sa puso ko, kaso may mapait na lasa talaga siyang iniwan sa aking pagkatao kaya hinayaan ko na lang mag-reminisce ang aking utak. Naisip ko rin kase baka pwedeng madala ko to sa panaginip, at dun sigurado mababawasan naman ang katangahan ko.
Anyway di gumana kaya bumangon na lang ako at naisipang manuod ng “anime”, pero nainip rin ako hanggang sa magawi ako dito. Sa totoo lang matagal na rin ako sa p** pero kumbaga sa basketbol masaya na akong nakaupo lang sa bangko. Naiba lang ngayon ang ihip ng hangin at sinipag akong itry magsulat .,.-masisisi ko yun sa mga nakasabit na puso sa lobby kanina. PS. Jollibee kasalanan mo rin to.
Marami-rami na rin dumaang pag-ibig sa buhay ko pagkatapos niya, isa lang talaga siya sa mga special dahil ika nga nila, sa buhay raw ng tao may tatlong klase ng pag-ibig na darating sayo. Una ay yung kahit uhugin ka pa at may gatas pa sa labi e lumalandi ka na, yun ang puppy love. Nakakatuwa man ikwento senyo to ngayon dahil sa mga “unang karanasan” ko dito e sa susunod na lang siguro dahil ang kwento ito ay para sa true love kong si *b****. Pero sige tawagin na lang natin siyang Abby.
Si abby, bata pa lang kami maganda na talaga siya. Medyo chubby pa siya siguro noon pero ngayon akalain mo naging talent na siya ng star magic.Anyway, Ahead ako ng dalawang taon sa kanya ngunit pareho kase kaming nasa honor list kaya madalas nagkakaroon kami ng chance magmeet. Gusto gusto ko yung ngiti nya dahil may dimple siya sa left cheek at may guhit siya sa chin. Kaya nung dumating ako ng grade 6 napansin ko agad na nawala na siya.
Sa di ko pa alam na dahilan noon ay lumipat na siya ng paaralan mula sa isang pribadong catholic school sa isang probinsya, papunta sa isang public school na okay lang naman, kaso dahil…