Tuhog By Ducatidelvic

Tuhog By Ducatidelvic

Paalaa ito ay isang kathang isip lamang.

Tumingin sa thermometer si Christian.

“Medyo mambaba na.” Sabi nito sa sarili. Ilang araw na ding may ubo sipon at lagnat ang lalaki kaya di makapasok sa opisina. Dahil sa polisiya ng kanyang opisina ay di siya pinapapasok. Naka higa lang ito sa kuwarto tila nag mumukmok dahil sa sakit.

Kung masama ang pakiramdam ng lalaki tila kabaliktaran naman ang kay Tintin, kahit subsob sa trabaho ay may oras pa ding alagaan ang asawang may sakit. Tila daladala ng babae ang lahat ng kasayahan sa mundo.

Ang ingay ng hairdryer ay tila musika kay Christian lalo na pag sinasabayan ito ng mahinang pagkanta ng kanyang magandang maybahay.

Pumasok sa kuwarto si Tintin at kinuha ang kanyang office bag. Kumalat ang amoy bagong ligo at pabango. Sa edad na 24 ay isa na siyang assistant manager sa real estate na negosyo ng pamilya nila.

“Iba talaga pag lolo mo ang may ari ng pinapasukan mo.” tawa niya sa sarili.

Kung tutuusin ay di mo mapagkakamalan na may asawa na si Tintin, marahil sa dahil wala pa silang anak kaya alagang alaga ang sarili. Kahit payat ay mahubog na mahubog ang bewang nito at ang puwet bilugan na nakakatawag pansin.

Hindi talaga niya maisip kung bakit sa lahat ng nanligaw at nagkagusto sa babae ay siya ang sinagot nito. Hindi naman mayaman si Christian pero di rin naman mahirap. Maituturing siyang magandang lalaki pero may mas madaming mag guwapo at mayaman diyan na pagpipilian.

Araw araw na nagpapasalamat si Christian dahil binigay ng May kapal ang kasing mabuti at mabait na si Tintin sa kanya. Maliban na lang sa nagyayari ngayun.

“Beb papasok na ako ha? Pagaling ka, muaah! Luv you!” Malambing na flying kiss nito sa asawa. Kahit naka business casual attire ito ay hindi matatago ang kagandahan at kasexyhan ng magandang mestisa. Lalo pa ito pinaganda at pinasexy sa suot na damit.

“Okay beb, ingat ka love you” sagot naman ni Christian. Narinig niya ang Grab na hinire ni Tintin na umalis at muling naghari ang katahimikan sa bahay.

Tumunog ang messenger sa laptop niya.

Kahit mabigat ang katawan ay bumangon si Christian upang kunin ang kanyang laptop sa office table at muling napasandal na humiga sa kama.

Binuksan nito ang messenger at nagulat siya.

“Di pala naka signout si Tintin sa messenger niya.” Napadilat siya sa nag message sa misis niya.

Si Ben!

Ben: Hello musta nakaalis ka na ba?

Ben: Uy reply ka naman, tuloy tayo mamaya ha?

Biglang nagpantig ang tenga ni Christian sa nabasa.

Ben: Sige na, last na talaga ito.

Walang sagot si Ti…