COPYRIGHT:@beep108
TUHOG Chapter 21: Masarap Na Regalo
“Keynord baby, halos hindi ako makapiniwala na sayo ang buiding na eto kaparehas ng building ni Sean, Kay sarap magpahangin ditto sa garden habang pinapakinggan ang mga huni ngibat ibang ibon at nilalanghap ang mabangong halimuyak ng mga bulaklak, magiging paborito ko na ang garden dahil sa ganda neto”.
“Dahil ba talaga sa Ganda ng Garden o dahil sa garden ka una kinantot ni Sean?”.
“HMMMM pareho, kaya kantutin mo din ako ditto para Kayo dalawa ang maalala ko sa tuwing nasa garden ako, pero anak, napaka palad mo, mula sa kumbento kung saan ka nagkamulat, nagawa mong yumaman kahit naging miserably ang buhay mo dahil wala kang nakagisnan na magulang”.
“Mommy Angela, hindi naging madali ang buhay ko pagka alis ko sa kumbento. Halos lahat ng hirap naranasan ko, ilang beses kong isinugal ang buhay ko para makakain at mapakain ang mga kasama ko mga bata sa lansangan.”
Pagka alis ko sa kumbento, lumawas na ako papunta ditto sa maynila para makipagsapalaran at napadpad ako sa palengke kung saan ang murang edad ko ay naging kargador ng mga paninda sa mula alas dos ng umaga hanggang sumikat ang araw.
Pagkatapos ko sa palengke, papasok ako sa school kung saan Naging scholar ako dahil kinuha ako mag training para sa boxing team dahil maganda daw ang build ng katawan ko. Dahil naaliw ako sa pagiging boksingero, sumali na rin ako sa taekwondo team ng school hanggang ako na ang naging pambato at nag uuwi ng karangalan ng eskwelahan pinapasukan.
Pagkatapos ng klase ko, didiretso ako sa talyer ni Mang Isko para tulungan siya sa kanyang Gawain hanggang natuto ako at naging kasamahan na niya ako sa trabaho. Dahil kargador na ako sa palengke mula alas dos ng umaga, at tumutulong na ako sa talyer, hindi ko na problema ang pagkain ko lalo pag nasa eskwelahan ako dahil nilibre nan g principal ang pagkain ko.
Hindi nagtagal, nakilala ko ang limang bata edad lima hanggang sampu. Si kiko ang pinaka matanda sa kanila sa edad na sampu kasama ang kaibigan niya si John Walong taon, parehong ulilang lubos, ang magulang at mga kapatid ni Kiko, magkakasamang namatay dahil nasunog ang kanilang bahay, himalang nakaligtas si kiko pero nasunog ang kaliwang bahagi ng katawan.
Si John naman ay namatay ang mga magulang at mga kapatid sa aksidente noong anim pa lang siya, sinagasahan ng truck ang kotse sinasakyan ng pamilya.pagkamatay ng mga magulang at kapatid,pinalayas siya ng tita niya dahil siya daw ang malas sa pamilya kaya namatay lahat ng kaanak niya.
Si Sheree ay pitong taon at ang kambal na kapatid niya sina nora at vilma ay mga limang taon. Iniwanan sila ng ama nila at sumama sa mas batang babae kaya halos araw araw silang sinasaktan ng nanay nila dahil sila daw ang dahilan kung bakit pinagpalit siya ng tatay nila sa mas bata at mas sariwa hanggang isang araw ay sinunog ng nanay nila ang kanilang bahay saka sumama sa lalaki.
Magkasamang namamalimos si Kiko at John at nakita nila ang tatlong magkakapatid na nagkakalkal ng pagkain sa mga basurahan kaya niyaya nila ang mga eto na sama sama na lang sila.
Nakita ko ang lima minsan napadpad sila nakatulog malapit sa palengke kung saan ako kargador, marurungis,patpatin. Naawa ako sa kalagayan nila kaya niyaya ko sila na sumama na lang sa akin. Pinatuloy ko sila sa tinutuluyan ko tagpi tagping yero sa likod ng talyer ni Mang Isko.
Sa kanilang lima ko inuubos ang kinikita ko. Pag nasa eskwelahan ako, magkakasamang namumulot ang lima ng kalakal at uuwi pag tapos na ang klase ko, tinuturuan ko silang magsulat at magbasa sa tuwing walang ginagawa sa talyer hanggang pinasok ko sila sa pam publikong eskwelahan katabi ng aking pinapasukan.
Mas Nahirapan ako sa aming pagkain ng nag aaral na ang lima, sa tuwing sabado ko na lang sila pinapayagan mangalakal dahil sa tuwing linggo ay sama sama kaming namamasyal at nagsisimba.kaya minsan meron nagyaya sa akin na isali ako sa isang underground match kung saan mga mayayaman ang mga manonood, hindi na ako tumanggi.
Kinse anyos ako noong unang maranasan ang makipag bugbugan na hindi na tropeo ang pinag lalabanan kundi malaking pera na. tumigil na ako sa pagiging kargador dahil ginugol ko na sa pag tri-training ng ibat ibang uri ng pakikipag laban. Hanggang sumikat ako sa underground dahil walng nakakatalo sa akin sa loob ng dalawang taon.
Minsan meron mas malaking event na tinawag nilang battle of the champions, maraming kalahok mula sa mga champions sa mga karatig ng siyudad. Akala ko sa manila lang nagaganap ang iligal na matches pero buong metro manila pala ay meron neto.
Malalakas ang mga kalahok, magagaling, mababangis at matatapang. Karamihan sa mga kalahok ay mga fighters na naglalaro na sa octagon,UFC,MMA kaya kinabahan ako dahil walang mga rules kaya maaari akong mamatay. Ako ang pinaka batang kalahok sa edad na desi-syete.Piling pili ang mga manonood, mas mayayaman,mas makapangyarihan at malayong mas malaki ang premyo. Limang Milyon piso premyo kung sino ang mananalo.
Hindi sana ako sasali sa labanan na eto dahil sapat na ang kinikita ko sa talyer at yung premyo napapanalunan ko kada linggo. idagdag mo pa ang sahod ko bilang trainer/instructor sa school namin sa taekwondo team at bilang instructor ng Mixed Martial Arts sa isang pinaka malaking pribadong gym sa maynila pero kailangan.
Kaya Nandito ako ngayon,Kailangan ko ng malaking pera. Kinailangan Operahan agad si Sheree dahil na detect na meron blood clot sa ulo niya. Nakuha niya eto noong panahon binubugbog siya ng sariling ina. Siya ang tumatanggap ng mga hataw ng ina para sa kambal niyang kapatid. Pinapananggala ang sarili para hindi masaktan ang mas maliliit na si Nora at si Vilma.
Isang Milyon..Umaalingawngaw sa aking tenga ang sinabi ng doctor na kakailanganin para kay Sheree.
Napapikit ako, humihingal, ramdam ko ang sakit sa bawat hinaymay ng aking katawan.Nakadapa, nanlulumo dahil sa isipan mawawala sa amin si sheree.
“Kuya Keynord, wag mo ako problemahin dahil okay lang ako, masaya ako kinupkop mo kaming magkakapatid, masaya ako nakilala ko kayo nina kuya Kiko at kuya John. Kung mamatay ako, mamatay ako masaya dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang mga kapatid ko, alam ko kung gaano ka nag sasakripisyo para sa amin.
Mula sa buhay namin na palaboy, namumulot ng pagkain sa basurahan, walang masilungan lalo na sa tuwing tag ulan, ay naranasan naming muli magkaroon ng tahanan,mula sa likod ng talyer na una naming tinirhan hanggang tumira na tayo s apartment na kahit luma. Naranasan namin muli ang magkaroon ng pamilya.
Kuya Keynord, maraming salamat sa pag asa binigay mo sa amin, natuto kaming mag pursige mag aral at natuto kaming mangarap ng mas magandang buhay dahil sayo. Natuto kaming magsulat at bumasa. Sayo namin naramdaman ang tunay na pagmamahal, ikaw ang nagmulat sa amin na meron Dios na may Lalang nagbibigay buhay.
Kaya kuya Keynord, wag mo ako alalahanin, wag mong itapon ang buhay mo kuya para sa akin dahil mas kailangan ka ni kuya kiko, kuya John, ni nora at vilma. Alam namin ang ginagawa mo, makikipag basag ulo para may maipakain sa amin.bawat suntok at sipa tinatanggap mo, ang kapalit ay pagkain para sa amin.
Alagaan mo ang buhay mo kuya, dahil ang buhay mo ay buhay ng mga kapatid ko. Mahal na mahal ka namin.”
Mga salitang binitawan ni sheree sa pagtanggap niyang iiwanan na niya kami.
“Kuya, Kuya Keynord, Kuya Keynord Huhuhuhuhuhu”.
Malakas na iyakan ng mga inaalagaan ko, daig pa ang lakas sa ingay ng mga tao nagsisigawan, natutuwa sa tanawing ang musmos kung katawan ko naka handusay na sinasakal at dinadaganan ng aking kalaban
Isang laban na lang, limang milyon premyo para sa mananalo at isang daang libo para sa talunan. Dinilat ko ang aking mga mata hinanap ang mga alaga ko kung nasaan, nakita ko tumakbo si sheree sa aking harapan. Naki usap sa akin ang lima manood sa aking laban kaya kahit bawal sila ay ginawan ko ng paraan.
Nakita ko ang lungkot sa mukha ni sheree, puno ng luha. “Kuya, Kuya tama na, tama napo kuya huhuhuhuh, hayaan mo ako Kuya Keynord”.
“Sheree, Sheree” tawag ko sa mahina kong boses
“Kuya tama na, wag mong ipalit ang buhay mo para sa buhay ko dahil sayo nakasalalay ang buhay ng mga kapatid ko huhuhuhuh tama na kuya Keynord.”
“Sheree, sheree sabihin mo sa akin, gusto mo pa bang mabuhay?”
“Oo Kuya, ayuko mamatay, ayukong iwanan ko kayo, ayuko iwanan ang mga kapatid ko at sina kuya kiko at kuya john huhuhuhuh”
“Sheree, hindi ko marinig kung ano gusto mo.”
“KUYA KEYNORD, AYUKONG MAMATAY, GUSTO KONG MABUHAY HUHUHUHUH”.
Napangiti ako sa aking narinig. “Sheree, hindi ka mamamatay, hindi mo kami iiwan, ipapagamot kita mabubuhay ka.”
Mula sa pagsakal at pagkadagan sa akin, parang nabuksan na Dam ang pagdaloy ng lakas sa aking katawan. Bumangon ako natangay ang aking kalaban sa sa isang iglap, napuruhan ko ang aking kalaban at hindi na makalaban.
“TECHNICAL KNOCK OUT, WINNER KEYNORD”.
Masayang umakyat ang limang alaga ko at agad akong niyakap ni Sheree ng biglang nawalan siya ng malay kaya agad naming tinakbo sa hospital at isinagawa ang operasyon. Naging matagumpay ang operasyon at nailigtas si sheree.
Isang buwan pagkatapos makalabas si sheree sa hospital, masaya kaming namamasyal at nag picnic sa manila bay. Masaya kong tinitingnan ang limang alaga ko habang naglalaro sila ng bola, apat na taon. Apat na taon ko na inaalagaan ang mga tulad kong batang lansangan. Tulad ko, walang magulang, walang pamilya.
“Hey Keynord, buti nakita kita, ang totoo pinapahanap kita dahil kailangan kita.” Narinig ko mula sa isang matikas na ginoo. Nagulat ako, ang isa sa hinahangaan ko pinuno nasa harap ko
“General Ernesto Kidlat?”.
“Yes iho, mula noon napanood kita sa mga school competitions mo, sinubaybayan na kita, meron akong nakikitang kakaiba sayo sa uri ng pakikipag laban mo, pati yung mga basagan mo ng ulo alam ko.”
“Naku sir, wag mo ako huhulihin kasi kawawa naman nga alaga ko pag makulong ako”.
“Huhulihin kita kung hindi mo pagbibigyan ang kahilingan ko, simple lang naman ang gusto ko, maging body guard ka ng kaisa isahang anak ko at banatayan mo na rin ang asawa ko.”
“Naku, General bakit ako, ang dami mong sundalo para magbantay sa asawa at anak mo, saka paano mga alaga ko kung papayag ako sa gusto mo.”
“Hindi ako abusong opisyal Keynord kaya hindi ko pwede gamitin ang pwersa ng gobyerno para sa pansarili ko kapakanan.Nagpatayo na kami ng bahay na titirhan niyo sa loob ng compound ng bahay naming kung saan kayo titira, wag muna problemahin ang ipapakain mo sa mga kinakapatid mo o mga alaga mo dahil sagot ko na. sakto mag co college kana sa pasukan kaya sa Ateneo kana papasok kasama ng anak ko, hindi ka pwedeng tumanggi dahil huhulihin talaga kita.”
“General, kelan kami lilipat ng mga kapatid ko.”
“HAHAHAHA Ayos ka bata, mamaya na. ipapasundo ko kayo sa apartment niyo mamayang hapon”.
Sa araw na yun, lumipat na kami sa bahay ni General. Nalaman ko na galing sa napaka yaman na pamilya si General at lalong mas mayaman ang pamilya ni Madam Sonya, ang asawa ni general Ernesto, ang pinaka batang heneral sa bagong henerasyon dahil sa talino at galing niya bilang isang sundalo, nagtapos siya bilang top 1 sa westpoint at pinili niya manilbihan sa sariling bayan pagkatapos niya magsilbi ng sampung taon sa America.
Awardee ng medal of valor sa America dahil sa kabayanihan ipina malas sa Iraq,Libya at Syria at nakatanggap din ng medal of valor sa pinas dahil sa pagbuwag niya sa grupo ng mga terorista sa pilipinas at siyang namuno sa pagpapalaya sa isang probinsiya sinakot ng mga terorista sa parte ng Mindanao.
Pagkatapos naming maiayos ang kunting gamit naming sa bahay pinatawag kami ni general sa bahay nila para ipakilala sa pamilya niya. Napag alaman namin na on call ang dalawang driver para kay Madam Sonya at sa anak nila. Dalawang beses sa isang linggo ang cleaner nila ganun din ang sa laundry nila kaya tahimik ang kanilang bahay na nasa exclusive na subdivision sa Makati.
Sakto bakasyon ng makalipat kami kaya madalas akong turuan bumaril ni General Ernesto na gustong gusto ko naman. Magaling bumaril ang general kahit nong uri ng baril. Isa…