Tutor V

This is the shortest chapter of this series. Wala din po ditong ganap, but this is the bridge for the next plots.

– – – –

Lumapit ako sa dining room, pero di ko muna binuksan ang pinto, I tried to stand on the other side of the door and listen. Naririnig ako ang tawanan ng dalawang tao. Likely si Iza yun, nakauwi na. I checked myself, made sure na presentable at walang bakas o ebidensya ng mga nangyari kagabi at saka ako pumasok. Pagbukas ko ng pinto ay tuloy padin ang tawanan at kwentuhan ng dalawa.

“Morning.” ang bati ko at napalingon sa akin si Iza at saka tumayo at niyakap ako.

“Morning ate. Lika na, kain na tayo. Kuya Phil here made the breakfast.”

Napakurap pa ako sa narinig ko mula sa kapatid ko. Kinabahan ako dahil baka kiss and tell ang loko, pero syempre di ko pinahalata.

“Ako na nagluto, as a thank you.”

“Kahit kailan ikaw ate napaka clumsy mo. Ayan tuloy, nag stay pa dito si Kuya Phil.” nawala ang kaba ko, likely ang kinwento niya lang ay ang pagkakatapon ko ng coffee at ang paglalaba ko ng damit niya.

“Ikaw babae ka, anong oras ka nanaman dumating?”

“Ah eh, nagpaalam naman na ako kay mommy. Nasermunan na ako, wag mo nang dagdagan hehe.”

“Anyway, I need to go na din, Layza, Iza.”

“Huh? Let’s have our breakfast na muna Phil.” ang sabi ko sa kanya.

We had our breakfast and in fairness masarap ang pagkakasangag niya sa kanin. It was a full Filipino breakfast. Sinangag, itlog, gisadong cornedbeef at kape. It was ten in the morning when Phil went home on his own. I could still feel some body ache from last night, pero sulit naman. May kubra na ako atleast for the next six months, sa isip isip ko.

That day, walang tutor session si Phil at kapatid ko. Understandable, alam ko naman na pagod din si Phil. Wala akong ginawa the whole day, binge watch lang samantalang ang kapatid ko ay nag aaral. Atleast she starting to be more responsible. I received an SMS from Phil na nakauwi na siya, yun lang. The whole day wala siyang paramdam, at ayoko din naman na mangulit. I do not have any reasons at all din naman.

Kinagabihan naman ay maaga akong nag work, feeling ko super ganado ako dahil buong araw ba naman akong nakantot eh. It was midnight when I received an SMS from Phil saying that he will be tutoring Iza the next day at maaga daw yun. I just replied okay, just to acknowledge his message. Nag stalk din ako ng kanyang FB at IG, at wala naman akong nakitang unusual, super boring nang FB at IG niya. Well, ganun din naman sa aking FB, wala kang halos makikita. Pero sa IG ko, yun, dun ako babad.

Kinabukasan nga ay maaga dumating si Phil, parang seven palang nang umaga ata yun. Agad ko din naman siyang pinapasok at inalok na mag breakfast. Hindi ko maintindihan sa sarili ko, kahit na nagkantutan na kami, his glares and stares has still the same effect on me. Shit. Iba na to. We moved to dining area at pinag gayak ko siya ng plato at baso para sa coffee niya.

“Anything that you want for breakfast?”

“Any choices?”

“Uhm, hotdog and egg? I guess? Or spam.”

“Anything else?” Shit. Hindi ako ready dun ah. Pero dahil inumpisahan niya na ako, it was my turn.

“Anything else in mind that you want to eat?” sabay kagat ko ng labi ko. Napasandal siya sa kinauupuan niya. Dang.

“Uhm, siguro medyo basa? Yung hindi greasy?”

Tangina netong lokong to, ang aga aga. Pero I could feel that my pussy got wet. Shit, this guy is turning me on, umagang umaga.

“I cannot cook yung mga medyo masabaw, it will take time, you know.”

Akmang sasagot siya nang bumukas ang pinto ng dining room. Si Iza, gising na.

“Good morning guys.”

“Ang aga ng tutor niyo today ha.”

“Para maaga kami matapos.”

“O siya, I’ll prepare breakfast lang muna. Pumunta nalang muna kayo sa study room.”

Napatingin ako kay Phil at nakita ko sa mga mata niya na may panghihinayang. Kinindatan ko nalang siya, at napangiti nalang siya sabay kamot nang ulo.

Hindi kami active mag text or mag message ni Phil. I don’t think there was a reason for that at that time. We would flirt pag nasa bahay siya at nag tutor. Our sex encounter only happened once during the duration of his tutoring session.

After three months, Nakapasa naman si Iza sa Ateneo, La Salle, at San Beda. It was a feat actually kahit na hindi niya nakuhang makapasa sa UP. We celebrated her passing, kahit na mag start palang naman actually ang kanyang college days. After namin malaman ang result ng exam ni Iza, dun na din nag stop ang tutoring session ni Iza. We talked about it, and in case she would need it again in the near future, we prefer na si Phil ulit ang maging tutor niya.

September came and that was one of my busiest months sa work ko. Sobrang hectic ng schedules at ng mga pinapagawa. Tambakan ng workload literal, and all I am praying was sana matapos na. Nagkakatext padin naman kami ni Phil, pero yung mga reply ko sa kanya, inaabot ng two or three days. Wala din akong masyadong ganap, halos di rin ako naglalalabas ng bahay, wala akong social life in short.

I was able to escape yet another year of September na buhay at buo. Parang yun yung end ng fiscal year namin. October to January, petiks nalang kami at yun din months na free kami mag leave ng matagal, like a week for max. It was a Saturday afternoon when I decided na mag shopping. If I remember correctly, that was into the second week of October. Gusto ko lang talaga makahinga from all the month long stress sa work.

Actually, it is bizarre for me to go shopping even before pa magkaroon ng lockdown and whatnot. I used to do online shopping, pero from time to time gusto kong lumalabas. I booked a ride from our place to Podium. Kaya gusto kong nagpupunta sa Podium or sa Rockewell is because, I know hindi ako mag stand out. Normal lang ang datingan ng mga tao doon, regardless of your get up. Yun nga lang, limited lang ang pwede kong mabili dahil mahal ang bilihin.

Come by maybe six in the afternoon/evening I decided to move nalang sa Megamall since alam kong mas may mabibili ako doon. Well, my shopping only includes food, kaunting damit, and lingerie. May fav store ako doon na binibilhan ng lingerie. When I was walking to building C, may nakita akong familiar na mukha, and you guess it right, si Phil. I decided na lapitan ko ito when suddenly, a woman, a pregnant woman walked straight to him at umakbay sa kanya sabay lakad palayo.

I was stunned for a moment from what I saw. Just what the fuck I saw. Phil has actually a wife? A partner? Pregnant. I don’t really mind if that is the case, at ganun siya ka galing sa kama. I wouldn’t really mind kasi di naman ganun ka in depth ang pagkakakilala ko sa kanya. I just felt cheated that time, dahil ayokong makasira ng pamilya. Lalong ayoko naman maging panakip butas for someone else. The nerve of that guy.

Umuwi nalang ako, nawalan na ako ng gana mag ikot sa mall that day. I am still fuming inside from what I saw. Gusto ko siyang i confront, pero para sa ano? Wala naman kaming relationship. Ako pa nga ang nanlandi sa kanya. I teased him, so ano ang inaarte ko diba.

It was a week after that sight at the mall, I received a message from Phil, inviting me and Iza sa isang dinner. The dinner will happen at the tail end of October. Hindi naman ako nag commit since di rin naman ako sure na gusto ko siyang makita or pumunta. Sinabihan din ako ni Iza na hindi siya pwede dahil exam week niya yun. Until one night, naka receive ako ng tawag from Phil.

“Hello, Layza.”

“Hey Phil.” ang matabang kong sagot sa tawag niya.

“Are you okay?”

“Yeah. Why?”

“Ano kasi, I haven’t received any response from you about the invitation.” the nerve of that guy.

“Uhm, I don’t know. I don’t feel like coming. What’s with the dinner ba?”

“Ano kasi, birthday ko yun. But if you will not be able to come, okay lang naman din.”

“Okay. I think Iza will not come too, exam week niya yun.”

“Oo, nasabi nga niya sa akin.. Is everything okay ba?” na sense niya na nagsusungit ako at walang tono ang mga sagutan ko. I drew a deep sigh.

“Where will be the dinner?” nakonsensya naman ako. Chance ko na din na makita or prove something about him at sa nakita sa mall.

“Dinner lang dito sa bahay namin. I only have couple of friends na ininvite, tapos kayong magkapatid. By the way, Marie is coming. So I guess, may kakilala ka naman.”

“Oh. Is that so. Okay sige. Punta ako.”

“..thank you for accepting my invite.”

Yun lang and we dropped the call.

Mabilis lang naman lumipas ang mga araw at ang buong week. I was even reminded by Marie about sa birthday dinner sa bahay nila Phil. Gusto ko mag back out back then, parang di ko kasi maatim na meron pala siyang partner na buntis and we fucked months ago. Parang may kirot din sa dibdib ko.

Sabado ng umaga nun, nag start na din ako mag prep para sa birthday ni Phil. Nag iisip ako kung ano ba ang isusuot ko, yung tamang pang bahay birthday dinner ganun. Dahil wala akong mapili, I chose a fitted pants, polo shirt at sneaks nalang. Nagkita kami ni Marie sa isang mall sa Cubao around four in the afternoon, at saka na kami nag Grab papunta kina Phil. Dahil traffic, it took us almost an hour bago makarating sa bahay nila, somewhere in V. Luna.

The first time I saw their house, malaki siya kahit na luma na sa labas. Classic upper class house, malaki yung gate nila, may maliit na patio at garden sa kaliwa, then three carport. Two storey house ang bahay nila na may dalawang rest room sa baba, four bedrooms sa taas naman.

Pinagbuksan kami ng gate ng asawa ng kapatid ni Phil. Totoo nga ang sabi ni Phil, mas gwapo ang bayaw niya. Pagkapasok namin sa loob, ay nakita namin na nag iihaw si Phil, and his sight was something to drool on. Pawis pawis, at topless. Muntik ko na makalimutan na may kasama ako, si Marie. Binati ni Marie agad si Phil, at parang close na close sila. Casual na casual ang batian nila. Siguro dahil madalas sila magkita sa gym sa condo na tinutuluyan ni Marie. Nginitian din ako ni Phil, but I sensed na masaya siya na andun ako.

Pagpasok namin sa bahay ay andun ang iilang mga kaibigan ni Phil from college, tatlo lang yun. Isang pares ng mag asawa at isang lalaki pa. Inaya nila kami na maupo at nakipag kwentuhan agad sila. Ang mag asawa ay sila Don at Melai at ang isa pa nilang friend naman ay si Marky. Agad naman kaming nagkapalagayan ng loob at nag umpisa na kami mag inom ng beer.

It was seven in the evening nang ayain na kami sa dining hall nila. Yes, dining hall, mas malaki pa ata yung kainan nila kesa sa sala eh. At that time, di ko pa nakikita yung buntis na kasama niya sa mall. Hindi pa din naman kami nagkakakwentuhan dahil busy ito sa pagluluto para sa dinner.

“Happy birthday!” napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Pumasok ang isang buntis babae na may bitbit na cake at ang bayaw ni Phil. Siya yung kasama niya sa mall. Maganda ito sa malapitan, may pagka chinita, hindi maliit, pero hindi rin katangkaran. Agad naman lumapit si Phil sa babae at kinuha ang cake at inilatag sa mesa.

“Thank you Pinky.” at hinalikan pa niya ito sa noo. Napanganga ako sa nakikita ko.

“All for you kuya. For all the things na ginawa mo sa amin ni Abet.”

“Oo nga nga kuya bayaw. Kaya sana mag enjoy ka today.”

Fuck.

“Nga pala, Pinky, this is Marie, and this is Layza.”

“Hello mga ate. Kuya ang ganda ganda naman pala ni Layza. Ate Layza, okay naman ba si kuya as tutor?”

Putangina talaga. Natulala ako sa mga nangyayari. So yun pala yung kapatid niyang kinukwento niya sa akin. Shit, kung anu ano ang iniisip ko, yun naman pala.. Ay nako nako, sobra ang pagkapahiya ko that time. Buti nalang talaga hindi ako pala eksena.

Tuloy ang kwentuhan namin sa hapag kainan, at nagpaalam na din ako sa bahay na baka late akong makauwi. Sinabihan ako ni mommy na if ever, kina Marie nalang ako maki tulog at ienjoy ko nalang daw yung lakad namin na iyon. Yung kasama ko, mukhang enjoy na enjoy sa mga newly found friends niya. Ako naman ay nakipag kwentuhan sa kapatid ni Phil at sa asawa nito. Halos mailabas na ng kapatid niya ang mga photo album nila. Di ko alam pero enjoy na enjoy akong kausapin ng kapatid niya.

“Ate, may tanong ako sayo. Wag ka sana magagalit ha.” takte, baka ma hot seat ako. Di naman niya siguro alam ang nangyari sa amin ni Phil.

“A-ano yun Pinky?”

“Ano kasi ate, si kuya ba nanliligaw kay Marie or sayo?”

“H-ha? Ah eh, di ko alam. Wala naman nakukwento sa akin si Marie. But definitely hindi nanliligaw kuya mo sa akin. At mas matanda kami ni Marie sa kanya ng two years.”

Napakurap kurap pa si Pinky at nilingon si Marie.

“Talaga ba ate? Parang hindi naman. Pero in case, sana magpaligaw ka kay kuya. Tagal na walang girlfriend yan eh. Syempre gusto ko na magsettle din siya on his own.”

“Masyado siyang naka focus sa pag aalaga sa amin ni Abet.”

“Tsaka sana maging kamukha mo anak namin. Diba hon? Hehe”

“Ha, eh. Tignan natin hehe. Di tayo sure.”

At that point, humanga talaga ako kay Phil. Family oriented guy, at he sees to it na maayos ang kapatid niya at ang bayaw niya. We are polar opposite. Oo, family oriented kami pero naturuan kaming maging independent ni Iza. Hindi sa walang pakialam sa isa’t isa pero more like of, we decide on our own and we trust each other na we’d do what is best for us.

It was ten in the evening nang magpaalam na ang mga college friends ni Phil na uuwi na. Ganun din kami ni Marie, pero sinabihan kami ni Pinky na baka pwede pa kami mag extend, pero nag decline si Marie dahil may lakad pa daw ito kinabukasan. Ang gaga, sinabihan pa ako na ako nalang ang mag stay at magpahatid kay Phil para naman representative ko nalang. Aayaw pa sana ako nang makita namin na nakagayak na si Phil.

“May next time pa naman Pinky. Mag rest na kayo, Abet patulugin mo na tong asawa mo. Ihahatid ko lang muna tong mga to.”

“Sige kuya. O narinig mo kuya mo. alam mo namang bawal ka mag puyat hon.”

Nagpaalam na kami sa mag asawa at inaantay nalang namin na mailabas ni Phil ang sasakyan niya. Una na naming hinatid si Marie sa condo niya.

“Layza, may lakad ka ba bukas or may gagawin ka?” ang tanong sa akin Phil nang huminto kami sa stoplight.

“Wala naman. Bakit?”

“Pwede mo ba ako samahan, let’s have coffee, or hang out?”

“Sure. Sige.” pumayag ako, to compensate at makapag sorry sa kanya dahil napag isipan ko siya ng hindi maganda.

Dumiretso kami sa Starbucks sa WhitePlains. First time ko makarating dun that time. Maganda ang place, wala masyadong tao, at kita mo ang skyline at sa kabilang ibayo naman ay ang Eastwood. Marami rami kaming napagkwentuhan, naungkat ang mga past relationships niya, at sinabi ko din sa kanya yung nakita ko sa mall. Tawang tawa siya, pero hindi na daw bago yun, dahil kahit nung nag aaral pa sila ay napag kakamalan silang mag syota na magkapatid.

Kinuwento ko na din sa kanya ang mga escapades ko, even my one night stands. Wala naman akong naging seryosong boyfriend, puro fling lang dahil dati alam ko talaga, ang gusto lang nila ay ang maka sex ako. Naramdaman ko ang pag hawak ni Phil sa kamay ko. It was comforting. Siya palang yung nakwentuhan ko na iba ang reaction. May mga nakwentuhan ako online and all they want from me is ganun din, dagdagan ang adventure sa buhay ko. Gusto lang nila maranasan na maka sex ako.

But Phil was different. May empathy. Pero ang unang sumagi sa isip ko din that time was that, baka yun ang way niya para makantot ako ulit. Kahit wala yun, sabi ko, pwede padin naman. I mean, he gave me a mind blowing sex. Pero iba talaga, walang libog doon that time. It was as if, he was telling me na okay lang yun, walang magbabago. Parang ganun.

That was the very first time I felt odd. Naisip ko noon, in love ba ako sa kanya? Was it safe to be in love with him? Or baka mas safe na FUBU nalang kami then elevate nalang namin into next level pag okay na? Ang dami kong tanong noon. After that night, yung communication namin ay mas dumalas. We’d text, we’d call and what not. Minsan lumalabas kami na kaming dalawa lang, minsan kasama namin si Iza.