Tutor X

Again, maraming maraming salamat sa suporta niyo sa aking mga gawa, lalo sa mga tumutok at sumubaybay sa lahat ng gawa ko. Sobra sobra po ang appreciation ko senyo.

– – – – – – –

Pagbaba ko ng room, I was shocked to see Jacob.

“Jacob, what are you doing here?”

“Hey, wow so pretty today. May lakad ka?”

“Yeah meron nga. Bakit ka nga andito?”

“Well ayain sana kitang lumabas, eh hindi ko naman alam ang number mo, kaya pumunta nalang ako dito.”

“Oh I see.” nahiya naman akong itaboy itong si Jacob, this was the first time we will see each other after a decade or so.

“Samahan nalang kita kung saan ka pupunta.”

“Ano kasi, nakakahiya naman sayo. I can manage.”

“Okay lang. Wala naman akong pupuntahan eh.”

“Okay.”

For Pete’s sake, why am I trapped in this kind of situation? Gusto ko sanang puntahan si Phil, kaso nakakahiya naman dito kay Jacob na magpapahatid ako at makikipag kita sa isa. Goodness. Nag alibi nalang ako na kikitain ko si Marie, kaya agad kong tinawagan yung isa if we can meet outside, at sinabi ko din na kasama ko si Jacob. Paglabas namin ng bahay, I was about to get it Jacob’s car, nang mapansin ko ang pamilyar na sasakyan ang paparating, si Phil. Bigla akong nataranta at di ko alam ang gagawin ko, likely kitang kita niya na kami ni Jacob.

I was stunned and shocked nang lumampas ang sasakyan niya sa amin. Hindi siya huminto, dumiretso lang siya tapos ay lumiko sa dulo ng kalsada. Nalungkot ako bigla, at nawala sa mood na umalis. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit. I came back to my senses nang sabihan ako ni Jacob na sumakay na ako. Nagkita kita kami nila Marie sa isang mall, nagkumustahan, mahabang kwentuhan, at nanuod ng sine. Napansin din nila na wala ako sa mood, pero sinabi ko nalang na biglang sumakit ang ulo ko.

Pagkauwi ko sa bahay ay hindi talaga ako mapakali dahil sa eksena earlier. Wala ring kahit anong message or tawag mula kay Phil buong araw. Kaya naman, I decided to call him para naman makapag explain ako. Pero nakaka dalawang attempt na ako ng tawag at di pa rin siya sumasagot. I tried composing message, pero di ko alam kung pano ko iyon icocompose. Damn. At that point, si Pinky nalang ang tinawagan ko at kinumusta ko. Nagpahapyaw na din ako kung kumusta ang kuya niya dahil hindi kami kako nagkakausap, baka kako busy siya. Nalaman ko na lately nga daw ay lulong ang kuya niya sa gym, halos late na umuwi.

Natapos ang mahabang kwentuhan namin ni Pinky. Nakapag decide ako na kinabukasan ay sosorpresahin ko siya sa gym nila. I decided to binge watch sa sala nang makita ko si Iza na andun din at nanunuod.

“Ate.”

“Ano yun?”

“Bakit andito si Kuya Jacob?”

“Huh? Eh dito na siya nakatira ulit sa Pilipinas.”

“..and?”

“And what?”

“Are you two dating?”

“What? No!”

“Eh bakit siya andito?”

“Ah..eh..”

“Ate, alam ko maganda tayo. Pero sana, magsettle ka na din. I mean, I know bata pa kayo magkakilala na kayo ni Kuya Jacob. Pero I would like to remind you, umalis siya ng walang paa-paalam sayo.”

“Iza..”

“I’m just saying. And kung gusto mo si Kuya Phil, please let him know.”

Natahimik ako sa pinag sasabi ng kapatid ko. Totoo naman din ang sinabi niya, umalis si Jacob ng walang kahit anong pasabi, he vanished all along. Hindi ko din alam ang totoong nangyari sa pag alis niya, pilit niyang iniiwas ang kwento kapag yun na ang napag uusapan netong huling kita namin na kasama si Marie. Naguguluhan na ako at that point, kung ano nga ba ang dapat kong gawin para kay Jacob. Ano ba ako sa kanya. Ano nga din ba ako kay Phil. Fuck, it was so frustrating. Kinabukasan nun ay wala akong gana sa kahit anong gawain, as usual mag isa lang ako sa bahay. Umalis si mommy, one week daw na out of town. Pumasok naman sa school si Iza.

Nakipagkita ako kay Marie, para na din sana mahingan siya ng payo. It could have been a fruitful day if only she could answer me. All she could tell me was to follow what my heart wants. The thing was, how could I know what my heart wants. Naguguluhan padin ako, and I wanted to talk to someone else, someone whom I feel will understand me. I took out my and browsed on my messaging, and I was stuck with his name, Phil Macaraig. It made me sad.

It was a so-so weekday. I have not received any messages from Phil from that week. I was like anticipating for his messages, and andoon yung feeling na sana, invite niya ako for the Valentine’s day. Pero wala akong nakuhang kahit anong message. Si Pinky ang nakakausap ko, ang sabi babad daw ito sa gym nito. Nariyan ding nagmemessage sa akin si Jacob, and very casual lang. There were instances na I am into talking to him, may instances din na wala. It was already Saturday at wala paring paramdam sa akin si Phil. That’s when I decided na ako na ang lalapit sa kanya and maybe, it is time for us to talk. Talk about us.

I was about to go out at gagamitin ko ang sasakyan namin, tutal wala naman si mommy, nang dumating si Jacob. Lagi nalang timing ang dating neto, parang kung kailan laging si Phil ang reason ng pag alis ko ay bigla nalang itong susulpot. Wala na akong nagawa kundi ang papasukin siya at ientertain siya.

“What brings you here Jacob?” ang malumanay kong tanong sa kanya habang pinapaupo ko siya sa couch.

“Uhm, gusto lang talaga kitang dalawin. Though, mukhang may lakad ka.”

“Uh yeah.”

“Overnighter?”

“Sort of?”

“Saan?”

“Ay, ano to may pag i-interrogate si daddy haha!”

“I like that, you calling me daddy, Layza.” mejo parang kinilabutan ako sa sagot niya, oo, hindi ako kinilig.

“On a serious note, why are you asking, Jacob?”

“Wala. Hindi ko ba pwedeng itanong or malaman?”

“Technically, wala naman akong makitang rason for you para malaman, and for me to tell you.”

“..unless…”

“Unless what?”

“Nevermind, Jacob. I have to go na.”

“Not so fast, Layza. Just kidding. Well, are you meeting someone today ba?” medyo napakunot na ang noo ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang trip niya.

“Yeah, I am.”

“Oh, I am getting jealous if that is true.”

Say what?! What the hell was that? Hindi ko rin alam kung ano ang gusto niyang palabasin or gawin, but he was getting into my nerves at that time. It was as if he was doing it on purpose, pero para ano? Hindi ko rin alam.

“C’mon Jacob, bakit ka naman mag seselos aber? Eh una sa lahat, hindi naman tayo. Are you trying to hook up with me?”

“Well, pwede naman maging tayo. I mean, we can relieve our old flames. And yes, I am trying to hook up with you.”

Tinitimpla ko kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya sa akin. Hindi ko kasi mawari kung seryoso ba siya. But if I’d base it sa tono at body language niya, yes he was. As I have said, he was my love interest. DATI. Not anymore. So I do not see any reason for him to act up the way he was acting. Besides, I know there was something he was hiding from me, regarding his wife.

“Gusto lang kitang invite sa Monday. Please have a date with me, Layza.”

“I don’t know..Jacob. I cannot promise you anything. Besides, it’s no longer the way it used to be between the two of us.”

“Ouch, I guess that’s a no, right.”

“Alright, I hope you won’t regret it. I hope it was all worth it. Worth it ang pagbalik ko dito. Just for you.”

Medyo nalito ako sa huling sinabi niya, pero pinag kibit balikat ko nalang iyon. My focus and goal at that time was to get a hold of Phil. I miss him, I long for him that much. Gusto ko din malaman niya ang tungkol sa amin ni Jacob, at gusto ko ding malaman kung ano ang nangyayari sa kanya, simula nung mag pang abot kami sa bahay na kasama ko si Jacob. Pagka alis na pagkaalis ni Jacob ay siyang alis ko na din. Nakapag bilin naman na ako kay Iza, kaya dali dali akong nag drive papunta sa gym ni Phil.

Saktong 11am ako nakarating sa gym, and thank goodness, wala masyadong tao at that time. Nagpunta ako sa reception at wala doon si Phil, mukhang mapupurnada pa yata ang mga plano ko. Pinag tanong ko sa reception kung andun ba si Phil, at sabi naman neto na andun, at nasa stock room lang. Kaya naman, matyaga akong nag antay sa lobby, at halos lampas 30 minutes nang makita ko siya na papalapit sa reception. Nakita ko na itinuro ako ng receptionist niya papunta sa direksyon ko at nang makita niya ako, nakita ko ulit ang ngiti niya na matagal tagal ko din na hindi nakita. Pero saglit lang yun at nakitang parang lumungkot ang mukha niya, pagkatapos ay nag seryoso na siya. Medyo kabado ako dahil nakita kong reaction niya.

“Hello there, Miss…” nagulat man ako, ay sinakyan ko nalang siya. Oras pa din naman ng trabaho.

“Layza. Elayza Buenaventura, Mr. Macaraig.”

“How can I help you?”

“Well, I am interested with you and your gym.” ang diretsang sabi ko sa kanya. Napa smirk naman siya sa tinuran ko.

“And what arouses your interest with me..and my gym?” feeling ko at that time ay medyo sarcastic ang tono niya. Mukhang may galit siya sa akin.

“C-can we discuss this over lunch? I.. I know a good place. W-we can discuss it over there.” ang utal utal na sagot ko sa kanya. Medyo lumamyos ang mukha niya at nagpakawala siya ng malungkot na ngiti.

“Sure, Ms. Buenaventura..”

“Layza. Please call me Layza.”

“Layza. I would love to hear it.”

Nakahinga ako nang malalim dahil mas kalmado siya, hindi tensyonado. Yun na ang pagkakataon ko. Dinala ko siya sa isang sikat na pinoy restaurant sa area. Kung mahilig ka sa bulalo, sure akong alam mo ang kainan na yun sa bandang Project 3. Nang makarating kami doon ay pumili ako ng isang kubo kung saan ay solo namin iyon. Hindi naman kami nahirapang makakuha ng kubo dahil hindi pa naman proper lunch time.

“Layza..”

“Phil..”

Halos sabay pa kami noon.

“Go ahead, Layza.”

“Ano kasi, gusto ko sana malaman if busy ka ba today and tomorrow?”

“Why?”

“Ano kasi, gusto ko sana na iinvite kita. Mag out of town. Overnighter. Or two.”

“Are you sure about it?” medyo nagulat ako sa sagutan niya. May hinala ako na dahil iyon kay Jacob.

“Yes. I am. That’s why I am here.” napabuntong hininga siya sa sagot.

“How about Mr. Lorenzo?”

“Mr. Lorenzo? You mean Jacob Lorenzo. What about him?”

“Alam ba niya na iniinvite mo ako? Baka kasi magkaroon ng conflict. Ayoko sanang..” may himig na selos sa sagutan ng loko. Kaya naman sinagot ko siya agad agad.

“This has nothing to do with him, Phil. This is between you and me. Only.”

Hindi mapagkaila ang gulat sa kanya, kahit ipilit man niyang itago. Damn, ganun ko na ba siya kakilala, just to see him through deeper. Or hindi niya lang…