==05==
Nagising si Tyra sa tunog ng kanyang cellphone ngunit hindi pa ito bumangon. Nakahilata pa rin at nagiisip lang tungkol sa huling naging pantasya nilang dalawa ni Jake. Nakokonsensya siya sa ginawa nilang kalokohan sa silid ng kanyang ate ngunit hindi niya rin naman maitanggi sa kanyang sarili na nagustuhan niya ito. Bumalik na lang siya sa wisyo nang kumatok ang kanyang ate sa pinto.
“Tyra? Kain na. Bangon na diyan.”
“Sige, ate, sunod na ako.”
Naghilamos na siya at bumaba na para saluhan ang mga kasama niya sa bahay. Kalagitnaan ng kanilang agahan ay dumating na din si Jake at niyaya na itong sumalo sa kanila. Matapos nito ay naligo at nagbihis na si Tyra. Hindi na rin natagal ang dalawa at nagpaalam na ang mga ito.
“San ba tayo?”
“Kahit saan. I just want to spend my time with you, babe.”
“Asuuuus…. may kasalanan ka noh?”
Natawang napapailing na lang si Jake ngunit alam naman niyang naglalambing lang ito sa kanya. Yumakap ito sa braso niya habang palabas na sila sa kalsada. Literal na walang direksyon ang dalawa. Naisip niyang kumanan papuntang Laguna o Tagaytay ngunit hindi rin siya sigurado dahil baka sarado pa ang mga establismento rito. Kumaliwa na lang siya patungong Alabang. Mas marami na ang mga sasakyan kumpara sa nakaraang dalawang araw ngunit maluwag pa rin naman ang kalsada.
“Ano na, manong driver? Saan po ba tayo?”
“Di ko alam. Ikaw, may gusto ka bang puntahan?”
“Tignan mo ‘to. Nananahimik ako sa bahay tas sinama mo ko, wala naan pala tayong pupuntahan.”
Medyo natraffic na sila nang malapit sa Alabang at nakita niya ang billboard ng SOGO Hotel at napangiti ito nang ituro niya kay Tyra.
“Babe oh. You remember?”
“Hay nako! Hindi pa nga ako makarecover sa kalokohan natin kahapon eh!”
“Ha!? Anong? OH! Hahahaha!!! Hindi yun! I meant… do you remember? That’s where we checked in the first time we met in person.”
“Ah… hahaha! yes! nung virgin pa ako!”
“Oo na laaaaaaang…..”
“Hahaha. Oo na. Pero yun yung mga time na boring pa ako sa kama.”
“At least alam mong boring ka nun.”
“Oo, sayo lang naman ako naging ganito eh.”
“Weh? Kunyari ka pa, enjoy ka naman eh!”
“Oo naman! Mas happy ako ngayon sa sex natin, noh!”
“I remember dati, halos di mo nga masabi yung ‘fuck’ pero ngayon, small time na lang sayo yun.”
“Eeeehh… bakit ba?”
“Hahahahaha!” Hinawakan niya ito sa kamay at inilapit sa kanyang mga labi at hinalikan ito. “I love how we are now, babe.”
Hindi naman kumibo si Tyra ngunit napangiti ito at kinilig sa mga sandaling iyon.
Ipinasok ni Jake ang sasakyan sa Starmall at naghanap ito ng mapaparadahan. Pag baba ay hinawakan niya ito sa kamay at naglakad papunta sa harap ng mall. Sumandal lang ito sa pinaka mataas na hakbang ng hagdanan at tumingin lang kay Tyra.
“San phone mo, babe? Picture tayo dito.”
“Ha? Anong nakain mo?”
“Basta, gusto ko lang may pic tayo dito.”
Kahit hindi maintindihan ang gustong mangyari nito ay sumunod naman siya at nilabas ang cellphone. Sinimulan niyang kunan ng litrato ang mga sarili nila habang nakayakap ito sa likod niya. Nagtataka pa rin siya dahil alam niyang hindi mahilig magpakuha ng litrato si Jake. Mahilig siyang kumuha ng mga litrato dahil magaling din siyang photographer ngunit halos wala siyang litrato ng kanyang sarili. Iba’t-ibang angulo naman ang mga kinunan niya pero hindi bumitaw sa pagkakayakap si Jake sa kanya.
“Do you remember anything?”
Nagtataka naman ito kung ano ba ang ibig sabihin ni Jake sa tanong niya.
“This is where we first met. This is where I saw you standing nung chatmates lang tayo nun at nagdecide na magkita na tayo.”
Napangiti na lang si Tyra sa sinabi nito dahil alam niya rin na dito nga sila unang nagkita.
“You were standing here, around 7pm nun. After work. Naka pants ka lang nun and pula na blouse. Black bag. Kulot pa buhok mo nun tas naka headband ka.”
Hindi naka imik si Tyra dahil hindi siya makapaniwalang naaalala pa ni Jake kung ano ang hitsura niya nung unang pagkikita nila. Sa totoo lang ay kahit siya ay hindi niya maalala kung ano suot niya nung gabing iyon.
“Hindi ko na maalala suot ko nun. Pero yes, alam ko dito kita hinintay nun.”
“I know. Kasi dun naman ako nakatayo nun.” Tumuro ito sa isang poste sa ilalim ng tulay na patungong overpass ng mall.
“Pinagmasdan lang kita saglit bago kita nilapitan. Patatagalin ko pa sana. Ang sarap mong titigan eh. Kaya lang baka mainip ka, layasan mo ako!”
“Malamang nga, nilayasan kita nun!”
“Tas gumala lang tayo saglit sa mall nun.”
“Oo, tas casual na casual nga lang nung niyaya mo ko mag check in eh.”
“Kunyari ka pa, gusto mo naman!”
Nagtawanan na lang ang dalawa habang sinasariwa ang ala-ala ng unang araw na nagkita sila sa personal.
Ilang buwan na rin silang magka chat nun nung na sa Mindanao pa si Jake dahil na assign ng kanilang kumpanya para sa isang trabaho. Madalas siyang makipag chat pampatay ng oras dahil hindi naman siya pala labas. Hindi rin siya nahilig sa alak dahil sa allergies niya dito na nahihirapan siyang huminga pag nakainom ito.
Araw-araw silang magkausap ni Tyra hanggang sa maging palagay ang loob nila sa isa’t-isa. Nabuburyong na si Jake sa Mindanao nung mga panahon na yun at gusto nang makauwi at lalo pa siyang hindi makapaghintay nung makilala na niya si Tyra. Gusto na niya itong makita sa personal.
Sarado pa ang Starmall kaya matapos silang kumuha ng mga litrato nila ay umalis na sila. Sumakay nang muli sa sasakyan at nagtungo naman sa Las Pinas ang dalawa.
“Uy, love. Bukas ang Southmall oh.”
“Tara, dyan na tayo mag lunch.”
Pumarada na sila at nagpalipas muna ng oras sa loob ng department store. Napadpad sila sa bahagi ng mga bag at may dinampot si Jake mula sa mga stante.
“Eto, you remember this?”
“Oo naman.”
“Yes, that’s the first time you bought something for me. Bibilhin ko para magamit sa work. Pero gusto mo ikaw magbayad.”
“Oo, ayaw mo nga nun eh.”
“Nanalo ba ako?”
“Muntik na. Kasi naghati na lang tayo sa bayad!”
“Oo, kelan ka ba naman nagpatalo?”
Inakabayan na lang niya ito habang natatawa sa mga sarili nila.
“Hungry? Kain na tayo?”
“Sige. San mo gusto?”
“May alam ako…”
Dinala ni Jake si Tyra sa Shakey’s sa SM at dino sa sila nananghalian. Iilan lang naman ang nagugustuhan niyang kainin dito ngunit dito niya pa rin ito dinala.
“This is where we had our first meal. Well, hindi nga lang sa branch na ito pero I guess ganun na rin yun.”
“Love, alam mo namang hindi ako mahilig dito.”
Pinaupo na niya ito sa isang couch seat at lumapit na ang isang waiter sa kanila.
“Yes. I know. Pero naaalala ko, eto lang naman ang mga inoorder mo dito.”
“Sir, Good morning. Penge ako ng Isang belly buster tsaka chicken n’ mojos.”
Di maiwasang kiligin ni Tyra na naaalala pa rin ni Jake ang lahat ng mga ito.
“And I also remember kung bakit kahit hindi ka mahilig dito ay dito ka nagyaya kumain nung first date natin.”
“Ha? Bakit?”
“Kasi may mga GC ka na galing sa ate mo na malapit na mag expire. Nanghinayang ka na hindi magamit!”
Namula naman ang pisngi nito dahil pinaalala pa niya yun. Kinilig pa rin naman siya dahil hindi niya akalain na pati yung mga ganun ay maaalala niya.
“Pati ba naman yun? But really, I’m happy. It’s been four years. Almost five na nga eh. Pero naaalala mo pa rin pala ang mga yun.”
“Babe, c’mon. I remember all those. I remember na pareho tayong nangangapa nun sa mga gusto at ayaw natin. Honestly, I even remember na wala sa plano natin ang magiging ganito tayo kaseryoso sa relationship natin. But look where we are now?”
“I love you, babe.”
“I love you more.”
Lumipas naman ang maghapon na binabalikan nila ang mga masayang alaala nung nagsisimula pa lang sila sa kanilang relasyon. Nagugulat din madalas si Tyra dahil hindi niya inakalang naaalala pa ni Jake ang mga ganito kaliit na mga bagay. Kinikilig siya dito at hindi maalis sa mukha niya ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang magandang mukha. Sa lahat ng puntahan nila, kahit sa loob lang sila ng mall ay hindi ito bumitaw sa kanyang kamay. Masayang-masaya ito na sakanya binuhos ni Jake ang maghapon dahil na rin namiss nila ang isa’t-isa sa tagal na magkahiwalay sila sa panahon ng ECQ.
“Dinner na babe. You hungry?”
“No, busog pa ako. Dami nating inorder kanina eh.”
“Sa bagay. Ako rin. Coffee, gusto mo?”
“Sige, coffee tayo.”
Nataon na malapit sila sa Starbucks nung magkayayaan at nagkahilahan naman sila ng mga braso nila nung biglang lumiko si Tyra.
“Oh, sabi mo coffee?”
“Haha. Yes… But not there.”
“San tayo?”
“Babe, maghapon, we’ve been reminiscing on everything about us. Let’s not kill the momentum.”
“Sige, kaw bahala.”
Masaya namang sumunod si Tyra dito palabas ng mall. Tumawid sila at parang mga batang makukulit na hinakbangan ang mga barikada sa gitna ng kalsada. Napituhan pa sila ng isang nagtatrapiko ngunit hindi na lang sila lumingon at nagpatay malisya na lang. Tuwang-tuwa naman si Tyra sa kalokohan ng dalawa.
“Dala mo naman ID mo, diba? Pakita natin, sabihin natin, teacher ka naman.”
“Ako, palulusutin ako nun. Eh ikaw?”
“Sabihin mo disabled ako!”
“Saan banda!?”
“May sayad, kamo!”
“May sayad ka naman talaga madalas pero hindi ata qualified yun!”
Tawanan na lang ang dalawa habang papasok sa Mcdo sa tapat ng mall.
“Well, nung bago pa lang tayo, dito tayo madalas mag coffee bago umuwi.”
“Yes, at least ito, naaalala ko.”
“And as always, ikaw ang umoorder at ako ang naghahanap ng upuan. So, ikaw na bahala dyan. You know where to find me.”
Iniwan na ni Jake si Tyra sa pila ng mga customer. Sunod na rin naman siya na pagsisilbihan dahil wala pang masyadong tao nun. Si Jake naman ay pumwesto na sa labas dahil dito rin siya nakakapuslit ng paninigarilyo habang nagkakape sila tuwing hindi nakalingon ang gwardya. Dumating na si Tyra dala ang kape at isang coke float at malaking french fries.
“Oh, akala ko ba kape? Eh bat meron niyan!”
“Kasi magkakape tayo so share tayo sa kape mo. Pero akin lang yung coke float and french fries. ‘Wag kang hihingi ah!” Sabi nito na parang batang nagdadamot sa kalaro.
“Teka, parang mali ah?”
“Hindi… Tama yun. ‘Wag ka na kuontra. Bawal kumontra.” Natawang sagot nito.
Pinagmasdan lang siya ni Jake na tinimpla ang kanyang kape sa harap niya. Matapos nitong buksan ang asukal at creamer ay inabot niya ang kamay nito at hinalikan.
“Babe, I love you. After everything we’ve been through, I’m glad we’re still here.”
“Ako rin love. Masaya akong kasama ka. I love you.”
“Lalo na sa sexlife natin, to be honest. I know medyo kakaiba sexlife natin. Hindi ko naman sasabihin na abnormal pero iba ang thrills natin eh. Babe, whatever it is, kung ano man marating ng sexlife natin, if something makes you feel uncomfortable, I want you to tell me immediately. Lagi kong sinasabi sayo, ayokong ako lang nag eenjoy. Dapat pareho tayo. So ayokong maramdaman mo na napipilitan ka lang just to please me.”
“Thank you, love. Masaya ako ngayon. Really.”
“I’m glad, babe.”
Nginitian lang ito ni Tyra at tumingin sa mga mata nito.
“Oh, picture ulit tayo?”
“Ay, oo nga pala. Sige, tapos gawa tayo ng album.”
“Naka save naman lahat yan sa fb ko, love.”
“Oo, pero gusto ko, print pa rin natin tas hanap tayo ng talagang album para dun natin ilagay lahat yan.”
“Kahit kelan, old-fashioned ka na talaga! Tanda mo na eh!”
“And damn proud of it, babe… Always will be.”
Lumalim ang gabi sa walang tigil nilang kuwentuhan at asaran ngunit masayang-masaya ang dalawa sa mga sandaling iyon. Tila walang ibang nilalang sa mundo nung mga sandaling iyon kundi silang dalawa lang. Matagal ng nagmamahalan ang dalawa at madalas naman silang magkaroon ng mga pagkakataon na lumabas at magsaya ng ganito. Ngunit nang magising ang mundo sa bangungot na dinanas nito nitong mga nakaraang buwan at hindi niya kasama si Tyra nung mga panahong ito, isa sa mga pinakaimportanteng pinakita nito sa kanya, ay ayaw niyang mawala si Tyra sa kanya.
…Itutuloy.