Ulitin Natin Ang Minsan

Wish I could be the one
The one who could give you love
The kind of love you really need

Habang banayad na humahaplos sa kanyang puso ang boses ni Celine Dion ay binasa nyang muli ang kanyang nai-send na text message sa isang numerong matagal ng hindi nya hinalungkat sa kanyang phonebook.

– Labs, meet me downstairs, sa Pancake House. Sabay na tayong mag-breakfast. That is, if you could spare me a little of your time. –

Labs. Isang katagang matagal na nyang hindi nasambit sa taong hanggang ngayon ay sya pa ring itinitibok ng kanyang puso. Alam nyang nasa itaas ng building na ‘yon ang lalaking kanyang hinihintay habang nakaupo sya sa loob ng Pancake House. Nakita nya itong nakigulo sa adult site chatroom kung saan sila unang nagkakilala. At alam nyang kapag ito’y nakigulo sa chatroom na ‘yon it only meant one thing, he was at work.

Siya si Christi, kararating lang galing sa ibang bansa kung saan sya nagtrabaho sa loob ng tatlong taon at ang taong kanyang inaabangan ay si Joshua, ang lalaking kanyang minahal sa loob na ng limang buwan.

Yes, five months, and yet pakiramdam nya ay matagal na nya itong minahal at hindi na mabilang ang mga pagkakataong kanya itong iniyakan.

“Tantanan mo na kasi ang lalaking ‘yan. Hindi ka naman mahal nyan eh. Kasi kung mahal ka nya hindi ka nya hahayaang masaktan.” Parang bazookang umalingawngaw sa tenga nya ang boses ng bestfriend nyang si Kero, nung minsan syang nagsumbong dito, dalawang buwan na ang nakalipas. Ito lang kasi ang tanging naging sumbungan nya kapag may problema sya kay Joshua.

“Mahal ko sya, best, alam mo ‘yan. At alam ko namang mahal din nya ako.”

“Anong mahal? May girlfriend syang tao pero nakikipaglandian sya sa iba. ‘Yan ba ang tunay na mahal? Gumising ka nga.”

“Oo na, best, andyan na ako. Pero wala eh, mahal ko sya at kakayanin ko ‘to. Besides, landi lang naman ‘yon. Hindi naman sila. Kami pa din naman kaya hahayaan ko nalang sya. Masaya sya dun eh.”

“Aba ewan ko sa ‘yo, Ish. Tigilan mo na nga ang pag-iyak mo dyan.” Halatang naiinis na kay Christi si Kero kasi tinawag na sya nito sa kanyang palayaw.

“Sige na hindi na ako magsasabi sa ‘yo kung may problema ako kay Joshua.”

“Ay huwag naman, best. Sige, umiyak ka lang ng umiyak hanggang sa maubos ‘yang mga luha mo. Siguro naman darating din ang araw na muubos ‘yan.” Narinig nyang napabuntung-hininga ito. “Hay naku, talaga lang kapag nakita ko ang Joshuang ‘yan. Taena. Tingin mo ba mahal ka nya?” Paglilitaniya pa nito.

“Best, kung hindi nya ako mahal, he would have told me that. If there is anything I do admire in him, it’s his brutal honesty.”

“Hay naku, ewan ko sa ‘yo, best.”

“Best, ‘yaan mo na. Kaya ko ‘to.”

“Oo best, alam kong kaya mo ‘yan. Sa dinami-dami ng pinagdaanan mo alam kong malalagpasan mo din ‘yan.”

Akala ni Christi ay kakayanin nyang ipikit ang kanyang mga mata sa mga panlalandi ni Joshua sa ibang babae pero dumating din ang araw na kusa syang sumuko. She chose to walk away and by walking away it meant shutting everything and everyone away, kahit ‘yong mga taong hindi naman karamay sa sitwasyon nila ni Joshua. Ayaw lang ng babaeng may mababangggit ang mga kaibigan nya tungkol sa lalaking kanyang iniiyakan. Kilala nila ito at tiyak from time to time ay may malalaman silang kung ano-ano tungkol sa lalaki.

Christi just wanted to heal her wounds by keeping everything to herself and walking away from everyone else.

Except Kero.

Ang bestfriend lang nya ang tanging kinakausap nya. Alam nyang susundin nito ang kanilang usapang huwag na huwag pag-usapan si Joshua hanggat hindi pa sya nakaka-move on. At dahil na din sa makulit ito kaya hindi nya ito kayang hindi kakausapin.

Ding! Biglang bumalik sa kasalukuyan ang pag-iisip ni Christi nung tumunog ang kanyang cellphone, may text message syang natanggap.

– Hey, labs! Welcome home. Be with you in 15. May kausap lang ako saglit. I missed you, by the way. –

Shit! Parang kinurot ang puso ni Christi. She knew right then that she was still in love with Joshua. His simple text that he missed her brought too many memories. And along with those memories were feelings she tried so hard to push at the back of her mind.

She missed him too. So much.

Christi was misty-eyed habang nagtatype sya ng kanyang reply kay Joshua.

– Want me to order for you? I’d have Caramel Banana Walnut. ‘Bout you? –

Mabilis namang nakareply si Joshua.

– Blueberry for me. Thanks, labs. –

Pagkatapos umorder ay umayos si Christi sa kanyang pagkaupo at pinagmasdan ang mga taong dumadaan sa tapat ng kanyang kinaroroonan.

Ilang minuto ang nakalipas at dumating din ang kanyang inorder. Sya ding pagpasok ni Joshua sa loob ng Pancake House.

“Hey!”
“Hi!”

Halos magkasabay nilang bati. Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Christi. Gusto nyang yakapin ang lalaki, gusto nyang ipadama rito kung gaano nya ito ka-miss.

“How was your flight?” Tanong ni Joshua sabay hawak sa kamay ni Christi.

“It was a little bumpy, medyo masama kasi ang panahon pag-alis namin..” Sagot ng babae. “Namiss kita labs, sobra.” Dagdag pa nito. Kung sya lang ang masusunod gusto na nyang lumabas para masolo na nya ang lalaki, kahit sa huling pagkakataon.

“Akala ko di mo na ako kakausapin. Naisip nga kita kahapon kasi tanda kong kahapon ang flight mo pauwi. Kumusta ka naman?”

“Am good.” Sagot ni Christi. “Kain muna tayo. Gutom na ako eh at alam kong gutom ka na din.” Pag-iba nito ng usapan.

“Haha! Paano mo alam?”

“Syempre! Ako pa.”

Habang kumakain ay kung ano-ano ang kanilang napag-usapan but no one dared to open the topic about their relationship, kung meron pa nga ba silang dapat pag-usapan. Ayaw ni Christi na masira ang moment na ‘yon kaya minabuti nyang huwag banggitin kay Joshua ang rason kung bakit bigla syang nawala sa ere ng mahigit isang buwan. Natatakot din syang malaman na may iba na ang lalaki. Naalala nya ang sinabi dati ni Joshua nung minsan nya itong sinita tungkol sa panlalandi nito.

What you don’t know won’t hurt you.

Masakit pero ayaw nyang komprontahin ang lalaki kasi alam nyang mas masasaktan sya kapag inamin nitong may iba na nga itong mahal.

Habang si Joshua ay nakikiramdam lang din sa mga kilos at mga salitang binitawan ni Christi. Ayaw nyang pangunahan ang babae. Hindi nya sigurado kung ano ang rason bakit nakipagkita pa ito sa kanya pagkatapos nya itong saktan. Mahal naman nya ang nobya, ‘yon nga lang may mga pagkakataong minsan ay gusto nyang umaktong wala syang girlfriend. Masarap makipagbiruan sa ibang babae pero para sa kanya pakikipagkaibigan lang ang habol nya, walang labis walang kulang. Pero hindi iyon maintindihan ng kasintahan.

“Labs, did you expect me to text you ba?” Tanong ni Christi sa lalaki habang nakatitig sya dito.

“I was half expecting you to. I know hindi mo pa binubura ang mga numbers ko sa phonebook mo.”

“Ow? How did you know that?” Nakataas ang kilay na tanong ni Christi.

“I just knew. I guess I know you that well.”

“Yeah too well……” Halos pabulong na sambit ng babae. “So, where to?” Dagdag na tanong nito. Pareho ng ubos ng dalawa ang kanilang order na pancake.

“Ikaw?”

“Teka may pasok ka ba mamaya?” Balik na tanong ng babae sa kaharap nito.

“Nope. RD ako today. Split off ako. Nag-off na ako the other day.”

“Okay. Tamang-tama samahan mo naman ako sa Batangas. May ihahatid lang ako sa tiyuhin ko. Tapos daan tayong Tagaytay on our way back.”

“Sige tara! Nasa basement ang sasakyan. Buti nalang dinala ko kagabi. Muntik na kasi akong ma-late.” Sabay silang tumayo at magkaholding hands na lumabas ng Pancake House.

Habang naglalakad ay damang-dama ni Christi ang init na nagmumula sa katawan ni Joshua. Nakaakbay ito sa kanya habang sya naman ay nakahawak sa beywang nito. Gusto nyang madamang muli ang init ng mga labi nito. Ang magpakasawa sa katawan ng binata.

Pilit nyang iwinaksi sa kanyang isipan ang multong bumabalot sa kanilang kahapon. Ang sakit na kanyang naranasan. Ang importante sa kanya ay kasama nya ang lalaki ngayon. Kung ano man ang mangyayari bukas ay bahala na ang tadhana. Ayaw man nyang aminin pero sobrang mahal pa din nya ang lalaki sa kabila ng mga pagkukulang nito.

“Here we are.” Huminto sila sa isang red Honda Civic at agad na pinindot ni Joshua ang auto unlock key nito. Halos magkasabay pa silang pumasok sa loob ng kotse.

“Saan sa Batangas, labs?” Tanong ni Joshua habang pinaandar ang sasakyan.

“Sa Batangas City tayo.”

“Okie.” At pinagmaneho na ng lalaki ang sasakyan palabas ng parking area hanggang sa makigulo na sila sa traffic sa EDSA.

Halos mag-aalas tres na nung umalis sila ng Batangas pabalik sa Manila.

Habang nasa byahe ay naikwento ni Christi na pansamantala syang makikitira sa bahay nila Kero sa Angeles. Dati pa kasi nilang napagkasunduan na doon muna siya mamalagi habang naghahanap sya ng trabaho. At may plano din silang umakyat ng Ilocos para makagala naman ang babae bago ito sumabak sa panibagong trabaho , ‘yan ay kung suswertihin sya at makahanap sya agad ng mapapasukan.

Naidagdag pa nya na susunduin sya ni Kero kinabukasan para madala na ang lahat ng gamit nya na ngayon ay pansamantalang ibinilin muna nya sa bahay ng tiyahin nya sa Makati.

Wala pang alas singko ay tinatahak na nila ang daan papasok ng Tagaytay. Mga ilang minuto pa ang lumipas at inihinto ni Joshua ang sasakyan sa tapat ng isang kainan. Tanda ni Christi nakapunta na sya sa lugar na ‘to nung minsan silang gumala kasama ang kanyang mga pinsan.

Cecilia’s Bulalo House, kung hindi sya nagkakamali. Dito siniserve ang pinakamasarap na bulalo sa Tagaytay at masarap din ang sizzling bangus nila dito. Idagdag pa ang totoo namang malutong na crispy pata.

Pagkatapos kumain ay nagpahangin muna sila sa lugar na ‘yon hanggang sa may naisipan si Joshua.

“Labs, gusto mong pumunta tayo dun sa may picnic grove nila? Overlooking din sya sa Taal Lake at mas maganda ang vantage point dun.”

“Tara! You’re the boss. Mas alam mo ang lugar na ‘to eh.” Sagot ni Christi sabay hawak nya sa braso ng lalaki.

Bumalik sila sa sasakyan at pinaharurot na ito ni Joshua papunta sa lugar na sinabi nito. Isa itong picnic area at may mga iilan pang mga bisitang nandoon. Pero hindi sila huminto sa mismong lugar na ‘yon. Pumasok sila sa isang maliit na daan at huminto sa tapat ng isang puno. Then Joshua maneuvered the car para i-park ito with its rear facing Taal Lake. Medyo nakakubli ang kanilang kinaroroonan kaya hindi sila nakikita ng kung sino mang dadaan dito. A perfect place to make out, sabi pa ni Joshua.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at nakaupo na sila sa likod ng sasakyan while listening to Coldplay’s hit The Scientist. Bago ito bumaba ay nilakasan ng konti ni Joshua ang volume ng car stereo nito at binuksan ang dalawang pinto sa front seat para makapagsound trip sila habang pinagmasdan ang unti-unting pagbaba n…