~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Krriing Kriiing kriing. Pag ring ng cp ko.
“Hello? Sino po ito?” Tanong ko.
“Ahh sa school ito hijo. Gusto ko lang malaman mo na may need ka bayaran na 43k” sagot ng babae sa linya.
“Hah? Para san po?” Kinakabahan kong sagot jusq san naman ako kukuha ng 43k.
“Hahahahaha. Joke lang si kath to. You should’ve heard how terrified your voice is doy”
tawang tawang sagot ni kath
“Hayp ka pinagtripan mo nanaman ako” pabuntong hininga kong sagot dahil akala ko ay may kelangan talaga akong bayaran.
“Haha. Ikaw e kanina pa ko tawag ng tawag di mo sinasagot. Hmp” Pagtatampo ni kath
“Ay pasensya kana, sabi ko naman na may racket ako after school diba?” Sagot ko
“Bat nga ba need mo pa rumaket eh for sure naman may allowance ka.” Sagot ni kath
“Ganito kase yan…..”
Buong tapang kong Kinwento ko lahat ng tungkol sakin kay kath. Na hindi ako mayaman at isa akong ulilang lubos. Akala ko nga magbabago ang pakikitungo saken ni kath dahil nalaman nya na nasa laylayan ako ng lipunan eh. Ngunit kabaliktaran ang nangyari. Nagulat sya dahil kinaya ko maging independent sa murang edad. Dahil lumayas ako sa bahay ampunan nung akoy 15 palamang at nagsumikap,dumiskarte para kahit papano ay kayanin kong tumayo sa sarili kong mga paa.
“Kaya ayon.. kaya kanina kinakabahan talaga ako baka mamaya sa mamahalin mo bigla gusto kumain. Haha” natatawa kong sagot.
Nang bigla nalang nya pinatay ang tawag nang walang pasabi.
“Huy anyare? Pinatay mo ba ang tawag? Text ko kay kath
Pero 1 hour na ang nakalipas hindi padin nagrereply. Di kaya naturnoff si kath? Dahil mahirap lang ako? Yan ang tumatakbo sa isip ko. Kaya naman nagpasya ako na maligo na at magpahinga.
After another hour around 10 pm kakatapos ko lang maligo ay biglang may kumatok sa pintuan ko.
Tok tok tok. Tunog ng pinto
Kaya naman di na ko nag abala pang magdamit kase baka mga tropa ko lang na kapitbahay ang nakatok kaya itinapis ko nalang ang aking twalya sa aking lower body.
Andyan na. Sagot ko.
Pagbukas ko ng pinto ay ilang beses ko kinusot ang mata ko.
“K-k-aath?” Nauutal kong bati
Yes your one and only friend sa school sino paba? Magiliw na bati nito
Late na ng napansin ni kath ang itsura ko ngayon kaya nakita ko na parang nahiya sya bigla.
Kaya naman bigla akong namula at sinabi kong ay sorry saglit lang ha? Dyan ka muna sabay sarado ng pinto. At dali dali naglinis ng konting kalat at nag bihis ng damit. Inisprayan ko din ng pabango ang paligid para mabango. Para akong naka fast forward kung gumalaw.
After ko gawin yon ay binuksan ko ulit ang pinto at pinapasok si kath.
“Haha. Akala ko di mo na ko papapasukin eh.” Pagbibiro ni kath
“Pepede ba yon eh malakas ka sakin, pasensya kana kung medyo masikip bahay ko ha? Yaan mo na pogi naman nakatira” banat ko naman.
“Naks. Mga pambobola mo talaga. Ay wow ang lakas ng fighting spirit ah” natatawang sagot ni kath
“Nga pala i dont remember na sinabi ko sayo kung san ako nakatira, tsaka ano nga pala sadya mo?” Tanong ko
“Syempre i have my sources kaya madali lang ang matunton ka. Eh kase nafeel ko na parang sobrang lungkot mo kanina over the phone e. kaya here i am para i cheer you up. And i brought you something para kahit papano makabawi ako sa panlilibre mo saken at sa pagaayos ng sasakyan kanina” sagot ni kath
“Hay ano kaba okay lang ako.. ako paba? Ha? Ano naman yon jusq ka. Sinabi ko naman sayo di ako nahingi ng kapalit” pag tanggi ko
“Jusq ka wala kana magagawa nabili ko na eh. Teka papakuha ko lang sa mga body guards ko sa labas.” Sabay labas ng phone nya at tinawagan ang mga bodyguards nya para ipasok ang mga binili nya.
Nagulat naman ako ng isa isang pumasok ang mga bodyguards ni kath na may dala dalang 2 sako ng bigas at mga groceries. Halos mapuno at wala malakadan sa loob ng maliit kong bahay sa dami ng dala ni kath.
“Huy kath ano to sobra sobra to daig ko pa ang nasugod bahay sa eat bulaga sa dami ng dala mo e haha.” Nahihiya kong sabi.
“Haha. Basta reward mo yan sa pag tulong sa pag ayos ng sasakyan kaninang umaga. Anw kailangan ko nadin umuwi at baka hanapin ako nina mom and dad see you tom at school.” Pagpapaalam ni kath
“Ay teka h…