Nagising ako ng alas-singko ng umaga dahil sa gutom at uhaw mula sa shift ko kagabi, palagian na akong nagigising nang ganitong oras dahil siguro sa hindi angkop na time-table ko at pati ang sleeping pattern ko.
Ako si Rafael, dalawang’put apat na taong gulang. May katangkaran at medyo may laman, ngunit hindi rin gaanong katabaan. Dahil sa pandemic, I consider myself blessed pa rin dahil mas lumalaki ako imbes na pumapayat. May naihahanda sa pa rin hapag, kumbaga. Mag-isa akong nakatira sa aming bahay dahil ang aking ina ay nasa Dubai na, at ang kapatid ko nama’y mas piniling mag-board somewhere in Makati dahil sa work niya.
Bumangon ako at uminom ng tubig. Habang nag-iisip kung ano ang makakain, na pag-isip kong magjogging na lang ngayong umaga. Naligo na ako at naghanda para maglalakad-lakad at mag-jog. Mula sa amin ay binaybay ko ang mga kalapit na baranggay. Dahil na rin sa restrictions, kakaunti lang ang mga sasakyang dumadaan kumpara sa dating ‘morning rush’ at halos congested na ang mga main road.
Nadiskubre ko itong bagong tulay na kaka-inagurate lang kamakailan, ang tulay na nagdudugtong mula Pasig at BGC. Napaka-gaan at convinient nito pag binuksan lalo na para sa mga naghahanap-buhay sa lugar na ‘yon. Kakaunti pa lang ang dumadaan dito at may ilang pedestrian na naglalakad sa gilid ng tulay.
Habang abala ako sa pagpili nang kantang tumutugtog sa aking earphones, may mangilan-ngilan akong nakikitang nagjojogging din at nagbibisikleta. Isang middle-aged man ang nakasakay sa bike ang gumilid sa akin. Medyo nagulat ako dahil sa kung ano ang pwedeng gawin niya o baka hablutin ang phone ko.
“Dito ba sa pababa ang papuntang Uptown?” tanong nung lalaki. Malalim ang boses niya, ang mga mata niya ay parang strikto ngunit natatakpan ng facemask ang mukha niya. Ang katawan niya ay malaki, malapad ang balikat at mukhang pamalagian din itong nagwowork-out sa tikas ng mga braso at binti niya.
“Opo, diyan po pababa. Yung extention nitong tulay, alam ko po hindi pa tapos. So tatawid po talaga diyan sa Kalayaan”. aniya ko.
Nagpalasamat siya at tinapik ako sa balikat na may kasamang mariing pagpisil. Dama ko yung init ng palad niya, dahil siguro sa paghawak ng manibela sa matagal na oras. Dumaloy ang init ng katawan ko sa umagang ‘yon
Makaraan ang paglalakad at pagtakbo ko nang makarating sa BGC ay nagpahinga ako saglit. Habang umiinom ng tubig ay muli kong nakita yung lalaking nagbibisikleta.
“Lagi kang tumatakbo dito?” aniya habang papalapit. Tinanggal niya ang kaniyang facemask at bumungad sa akin ang ala-Albert Martinez niyang kakisigan.
“Oho, tuwing lunes ng umaga ay tumatakbo ko dito.” sabi ko naman.
“Ronnel nga pala. Bok na lang. Hehe”. Pakikipag-lahas niya ng kamay sa akin.
Nakipagkilala naman ako sa kaniya. Isa siyang sarhento noon, at maagang nagretiro sa edad na 48. Sa edad niya, fit na fit pa rin si Sir Bok. Mag-isa rin siyang naninirahan malapit sa Fort Bonifacio.
Inaya niya ko mag-almusal sa isang fastfood chain na malapit. Libre na daw niya. Hindi ko alam kung bakit ako nagpatianod sa kaniya, kung sa ngayon ko lang din siya nakilala. Dala na rin siguro ng ‘palagay‘ at feeling ko ay harmless naman siya.
Habang nag-aalmusal ay nakuwento ko na nagtatatrabaho na ako, akala niya nga ay student pa ko at tatawagin niyang ‘Hijo’. Nabanggit ko rin na mag-isa lang ako dito sa Pinas, at aniya pareho daw kami. Napag-alaman kong biyudo na siya sa edad na 40, halos 8 years na rin ang na…