Dahil sa ako lang ang nag iisang apo sa bahay nina lolo at lola ay ako ang katulong nila sa pag hahanap buhay,..
Ang lolo ko ay mangingisda, at nag sasaka ng isang maliit na sakahan ng palay at ang lola ko naman ay nasabahay lang at minsan tumutulong sa pag sasaka ng palayan…
Ako ang inaasahan ng lolo ko at lola sa aming bahay dahil wala namang gagawa at tutulong sa kanila dahil ako lang naman ang mag isang apo nila na umuuwi sa kanila at dahil nakakahiya naman na nakikitira na lang nga ako sa kanila ay di pa ako tutulong..
Dahil sa angking kasipagan ko ay tuwing sabado at linggo ay kasama ako ng lolo ko sa pang huhuli ng isda, maaga pa kaming gigising ng lolo ko para pumunta ng dagat at hapon na kami uuwi.. Sunog sa araw ako sa mga panahon na yun dahil sa dagat ang pinag tutuuan ko ng panahon tuwing wala kaming pasok..
At tuwing sabado naman ay sa sakahan naman kami ng lolo ko kasama ang lola ko at naka lubog naman kami sa putikan sa buong mag hapon sa kakabunut ng mga damo na tumutubo sa palayan..
Makaka pag pahinga na lang ako nyan pag lunes sa paaralan..unang bukas ng klasi at nasa first year high school ako noon..
“pao.. Pao”…naalimpungatan ako at nagising sa mga kalabit sa aking braso ni lola..
“la”? Ang pupungas pungas kong tanong habang ni rurub ko ang mata ko ng likuran ng kamay ko dahil sa biglang pag kagising ko..
“gising na pao”.. “unang araw ng klasi ngayun..” mag ayus kana at baka ma late ka.. Malayo pa ang lalakarin mo papuntang paaralan.. ” ang sabi sa akin ng lola habang nilalabas nya ang susuotin kung uniform sa aparador na pinalantsa ko kagabi palang ng plantsa na di uling..
“opo la”.. Ang medyo tinatamad ko pang sagot sa kanya dahil gusto ko pang matulog dahil sa pagod sa pag tatrabaho namin kahapon sa sakahan at mag didilim na kami umuwi at nag asikaso pa ako ng mga gamit ko para sa school kinabukasan, ala una na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa pag aayus..
Pagkatapos ko bumangon ay dritso na ako sa cr para maligo.. At pagkatapos ay sumabay na ako kina lolo at lola sa hapag kainan..
“bilisan mong kumain pao” ang layo pa ng lalakarin mo papuntang school nyu..” ang turan ng lola sakin habang nilalagyan nya ng daing at itlog ang pinggan ko para sa agahan namin..
Pagkatapos kumain ay nag paalam na ako kina lolo at lola..
” pao ingat ka sa pag lalakad ha.. At mag aral ka ng mabuti, unang araw ng klasi, hindi puro bulakbol at pang babae ang atupagin mo sa school..” ang paalala sakin ng lola habang inaayus nya ang suot kung white polo shirt at brown slacks na pants..
“si lola naman ang pangit ko nga kasi sunog ako sa araw at kita mo yung katawan ko,ang payat ko nga para akung di nakakain, sino ba namang mag kakagusto sa akin na ganito ang itsura ko lola.. Ang naka simangot kung turan habang naka harap ako kay lola at parang sya ang pinakasalamin ko..
“wag mo nga masabi na pangit ka apo ko..” walang pangit na lahi sa atin.. Maiitim ka nga at payat matangus naman ang ilong mo, “.. Walang babae na di mag kakagusto sa iyo.. Basta mag aral kang mabuti at puputi ka din..” para sa akin gwapo ka dahil apo kita..” ang turan ni lola sa akin sabay halik sa noo ko..
” si lola sasabihan akong gwapo tapos wag daw akong mangbabae.. Hehe” ganito na talaga ang kulay ko lola, pag puputi siguro ako konti lang”.. ang nakatawa kung turan sa kanya..
“o sya.. Lumakad ka na at malayo pa ang lalakarin mo, mamaya eh ma li late kana sa school nyu..” ang sabi ng lola habang hinahatid nya ako papuntang pintuan ng bahay namin..
Lumakad na ako at kumaway kay lola habang nakatayo sya sa harap ng bahay namin na gawa lamang sa kawayan at pawid..
” lola balang araw yayaman di tayo” ang sabi ko sa sarili ko habang palingun lingon ako na kumakaway sa lola ko na nakatanud parin sa akin sa labas ng pintuan na gawa sa kawayan..
naglakad ako ng mabilis dahil hinahabol ko ang oras ko papuntang school, madami din akung mga naka sabayang nag lalakad na mga istudyante na sa ibat ibang antas.. Dahil bago palang ako mag first year high school ay excited ako na medyo kinakabahan..
Mga kalahating oras na akong naglalakad at marami na akong mga nakasabayan,may mga nag bibisiklita at may mga nag ta trycycle na mga istudyante, dahil sa wala kaming pera at mahirap lang kami ay hanggang tingin na lang ako sa kanila at sabay buntung hininga dahil hanggang lakad lang ang kaya ko papunta sa school
“balang araw.. Makakabili din ako ng sarili kung sasakyan”.. ang bulong ko sa sarili ko habang medyo patakbo takbo ako dahil baka mahuli ako sa unang klase namin sa school..
Nakarating naman ako ng maayus sa school pero kamuntikan na akong mahuli dahil nakita ko na pumipila na ang mga istudyate para sa flag ceremony..
Dali dali akung tumakbo sa pila at nakipila din kahit di ko pa alam kung saang section ako dahil kararating ko lang at punung puno ako ng pawis at basa ang likod ng damit ko…
“nako basa ang damit ko, di pala ako nag dala ng extrang damit dapat di pala ako nag suot muna ng uniform ko basa tuloy yung suot ko sa pawis..” ang turan ko sa loob loob ko habang nakapila ako at nag hahanda na kami sa flag ceremony..
“gusto mo ng panyo?” ang sabi ng babae na nasa likod ko..
napalingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses..
“salamat” ang turan ko haba…