Utang Na Loob (18)

Continuation…

Natapos ang pang umagang klase namin at tanghalian na.. Kanya kanya ng punta sa canteen ang mga studyante, ako naman ay pumunta sa classroom na bakante at doon kumain..

May mga istudyante din doon na kumakain na din sa bakanteng room na yun.. Kinuha ko na ang pinabaon sa akin ng lola,..

“itlog at daing na isda” ito yung ulam namin kanina”..ang bulong ko sa sarili ko…Medyo lumayo ako sa mga ibang istudyante dahil medyo nahiya ako sa ulam ko..

“pao.. Pwedeng patabi sayo kumain?” nagulat ako at napalingon sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni teng teng..

Sinarado ko ang baunan ko dahil medyo nahiya ako sa ulam ko..

“Bakit mo sinarado ang baunan mo? Tapos ka na bang kumain?” ang tanung nya sa akin habang nakangiti sya sa akin habang nilalabas nya ang baunan nya at naupo sa upoan paharap sa akin..

“ahhh oo”.. ahh”.. Ehhh.. hindi pa pala”… Ang nalilito kung sagot sa kanya na medyo naiilang ako sa pag sagot..

” wag ka nang mahiya sa ulam mo.. ” nakita ko na yan kanina dahil nasa likoran mo ako..” kaya dito ako kumain dahil nakita kita sa labas, madali kang makita dahil malayo ka sa ibang istudyante at nag sosolo ka dito sa isang tabi”… Ang turan nya habang binubuksan nya ang baunan nya..

“halika share tayo sa ulam ko” adobong baboy luto ni mama.. “.. Ang alok nya sa akin habang nilagay sa taas ng kanin ko ang ibang ulam nya..

Kinuha nya din ang ibang ulam ko.. Naka tingin lang ako sa kanya habang kumakain.. Di ako makapagsalita dahil parang nabarahan ang lalamunan ko na di ko maipaliwanag..

Nakatingin lang ako kay teng teng.. Habang kumakain sya.. Sa kabilang banda akoy tuwang tuwa dahil kasabay ko ang babae na hinahangaan ko..

“pao” bakit ka tahimik dyan”? Ang tanung nito sa akin habang naka tingin sa akin..

“ahhhh.. wa.. Wa..waaalaa..” ang pautal utal kung sagot sa kanya.. At yumuko na lang ako para kumain..

“ang sarap ng daing at itlog na baon mo pao” sinung nag luto nito? ” ang tanung nya sa akin habang muli nyang kinuha ang natirang daing sa baunan ko..

” ang lola, late na kasi ako nagising eh”.. Ang turan ko sa kanya..

“alam mo favorite ko to, ikinahihiya mo tung ulam na ito eh masarap nga to eh,” samin palagi na lang karne ang ulam namin.. ” ang sabi nya habang ngumunguya ng kanin at nakangiti paring naka tingin sa akin..

” ahhh samin naman isda palagi ang ulam namin, pag walang huli eh daing lang at itlog..” ang turan ko..

“mabuti kayo mayaman kaya masarap ang ulam nyu palagi.. Sa amin ganito lang din palagi ang ulam namin”.. Ang turan ko habang nakatingin ako sa kanya habang kumakain..

“di nman kami mayaman,” may kunting negosyo lang si papa at si mama kaya nakaka angat lang kami sa buhay.. Puro lalaki ang mga kapatid ko at ako lang ang babae, tatlo silang kapatid ko at ako ang bunso sa amin.. ” ang salaysay ni donita sa akin..

” ako lang din ang nag iisang anak,.” hiwalay ang mga magulang ko kaya iniwan ako sa pangangalaga ng lola at lolo ko”.. Ang medyo malungkot kung turan sa kanya..

“Ang lungkot pala ng buhay mo”.. Ang turan ni donita sa akin na nakatitig sa akin..

“sya nga pala teng, anung section ka?” ang tanung ko sa kanya..

“section 2 ako pao” mahina ako sa klasi nakaraang grade 6 kaya section 2 lang ako, “… Ang medyo malungkot nyang turan..

” ok lang yan mag aral ka lang nang mabuti ngayun para gumanda ang grades mo at malipat ka sa section 1..” ang turan ko..

” section 1 ka ba? ” ang tanung nya ulit sakin..

” oo teng.. ” may honor kasi ako nung nag graduate nakaraan sa grade 6 kaya dito ako sa section 1,transferee kasi ako galing manila kaya advance ang turo doon kaya nadaanan ko na ang tinuturo dito sa atin”… Ang paliwanag ko sa kanya..

“wow ang talino mo pala pao” hehe.. Ang turan nya habang naka ngiti sa akin..

“di naman haha.. Hayaan mo tutulungan kita sa pag aaral para tumaas ang grades mo at tumalino ka para maging mag ka klasi tayo.” .ang naka ngiti kung turan sa kanya…

Nag ka palagayan kami ng loob ni donita sa araw na yun.. Palagi kaming mag kasabay sa bakanteng class room..

Masayahin si donita, at di mahiyain, at itoy kabaliktaran naman ng pag uugali ko na laging tahimik at mahiyain, nasa likod ang pwesto ko palagi sa classroom namin..

Sa tuwing kami ay magkasama ni donita tuwing mananang halian kami ay lagi ko siyang tinuturuan sa mga subject na mahina sya.. At ganun din naman ang gina gawa nya sa akin, pinipilit nya ako na alisin ang pagka mahiyain ko..

Lumipas ang mga buwan at gumanda ang takbo ng pag kakaibigan namin ni donita.. Naging maayos ang grades nya sa klasi at ako nman ay dahan dahan na nawala ang pagka tahimik ko at pagka mahiyain..

Di na ako nahihiya kung kami ay mahirap, kung anu ang baon ko.. Binago ako ni donita sa pag lipas ng mga buwan, ganun din sya ay binago ko din ang pag aaral nya.. Naging masipag na sya sa pag aaral..

Sa tuwing mag kasama kami ni donita ay napakasaya ko.. Pero ni minsan ay di ako nag lakas ng loob na ligawan sya dahil mataas pa din ang tingin ko sa kanya.. Mahirap lang kami at may kaya sila donita yan ang naka ukit sa aking isipan sa tuwing mag kasama kami ni donita..

Kaya nag kakasya na lang ako sa panakaw na pag tingin sa kanya.. Sa simpleng pag hanga sa kanya..

“sana naging mayaman na lang ako” ang bulong ko sa sarili ko habang panakaw akung nakatingin palagi sa kanya,.. Napakasaya ko pag nakatingin ako sa kanya.

“pao” bumalik ang katinuan ko nang marinig ko ang boses nya na tinatawag ang pangalan ko..

“anu yun teng?” ang tanung ko sa kanya..

“may sulat nga pala na binigay sa akin ang prinsipal kanina, para sayo daw ito..Sabay abot nya sa akin..

” ahhh kay nanay galing itong sulat teng, salamat ha” ang naka ngiti kung turan sa kanya..

“welcome pao..” tara balik na tayo sa klasi ang yaya nya sa akin para bumalik na kami sa kanya kanya naming classroom..

Pag balik ko sa class room namin ay binasa ko ang sulat na galing kay nanay..

Napag alaman ko na pina pa bukas nya ako ng account sa bangko para doon nya ihuhulog ang pera na pang allowance naming tatlo nila lolo at lola..

Inayus ko ang account na pina pabuksan sa akin ni nanay sa nag iisang bangko namin sa bayan, at sa tuwing mag papadala sya ay pinapasok ko sa banko ang pera na padala nya sa amin..

Kumukuha lang ako ng pang allowance namin at pang gamit ko sa paaralan..at binibigay ko kay lola ang pera at nag titira lng ako ng konti para pang emergency na gamit namin..

Ang emergency na pera na natitira ay binibili ko ng manok sa kalapit baryo nmin at binibinta ko sa bayan kung saan ako nag aaral.. Tuwing umaga ay daladala ko ang mga manok na ibinibinta ko tuwing pupunta ako sa school at binabagsak ko sa palengke tapos didiritso ako pasok sa school namin..

Lingid ito sa kaalaman nila lola at lolo na may extra ako na pinag kikitaan sa mga matitirang padala ni nanay.. Nakaipon ako ng pera sa mga extra na kita ko at ito ay itinago ko para preparasyun na pangtulong ko sa pag aaral ko sa kolehiyo..

Dumaan ang mga buwan at lalong naging mag ka lapit kaming mag kaibigan ni donita.. Dahil sa tinutulungan ko sya sa pag aaral nya ay sumonud na pasukan ay naging mag kaklasi na kami ni donita..

Lalong naging magkalapit kami sa isat isa, naging masipag lalo ako sa pag aaral dahil sa inspirasyun ko na kasama ko na sa iisang kwarto..

Naging active na ako at masayahin na istudyante at nakikihalubilo na ako sa mga kaklasi ko at unti unti ay nababago na ni donita ang pag uugali ko..

“pao” sama ka sa bahay mamaya doon natin gaganapin ang group activities nati…