Utang Na Loob (19)

Continuation…

“yan nga ang problema pao eh” dahil di kita boyfriend at wala tayong relasyun kaya masakit para sa akin na nag bago ka bigla sa pakikitungo sa akin”… “di mo nakikita yung sakit na binibigay mo sa akin, di mo pinapansin ang binibigay kung attention sayo simula palang na una tayong nag kita”… Ang salaysay ni donita habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata habang naka titig sa akin…

Biglang tumayo si donita sa pag kakaupo..

“sandali” ang pigil ko sa kanya kasabay ng pag hawak ko sa kaliwang kamay nya ay hinila ko sya papunta sa akin..pag lingun nya ay sabay siil ko sa mga labi nya ng halik..

“uuummmmpphhhh”..Ang tanging lumabas sa bibig ni donita habang naka lapat ang labi ko sa mga labi nya…

Dahan dahan naramdaman ko ang dalawang kamay nya na yumakap sa aking katawan,yumakap din ako sa kanya kasabay ng pag salubong ng dila ko sa dila nya..

Parang tumigil ang Mundo ko sa mga oras na yun, ramdam ko ang pag mamahal nya sa akin ng mga oras na yun,ramdam ko ang bawat tibok ng puso nya na pumipintig sa dibdib ko habang magkayakap kami at mag kahinang ang aming mga labi…

“huhuhuhu” ang malakas na iyak ni donita na sumubsub sa dibdib ko matapos naming bumitaw sa matinding halikan…

“tama na” teng, ” wag ka nang umiyak ang bulong ko sa kanyang tinga habang mahigpit ko syang niyakap…

” ikaw kasi ehh” ang turan nya habang nakasasubsub pa din ang mukha sa dibdib ko..

“aray” ang gulat kung tingin sa kanya dahil bigla nya akung kinurot sa tagiliran..

“bakit mo ako hinalikan?” di naman kita boyfriend diba”? Ang turan nya sa akin habang naka pout ang lips nya na may mga luha padin sa mata..

Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko na binigay nya sa akin at ipinahid sa mga mata nya at pisngi..

“pwede ba akong maging boyfriend mo na ngayun?”… Ang naka ngiti kung turan sa kanya habang sige pa din ang pahid ko sa mga luha nya..

“itatanung mo pa na pwede kitang maging boyfriend eh hinalikan mo na nga ako..” ang nakangiti nyang turan sa akin..

” i love you..” ang turan ko habang naka titig ako sa mata nya..

“i love you too” ang tugon nya din sa akin sabay hilig nya ng ulo sa dibdib ko at akap nya sa biwang ko..

“bakit ba bigla mo akong iniwasan?” ang tanung ni donita sa akin habang nakahilig pa din ang mukha nya sa dibdib ko..

“pasensia ka na teng sa ginawa ko, dahil mahirap kami at mayaman kayo kaya gusto ko na iwasan ka dahil kahit gusto kita ay sigurado akung di mo ako magugustuhan dahil malayo ang agwat natin sa buhay..” “hinding hindi ako magugustuhan ng mga magulang mo..”.. “kaya Minabuti ko na dumistansya sayo..” di ko pala alam na nasaktan kita ng labis dahil sa ginawa ko”.. Ang paliwanag ko sa kanya..

“masyado mo namang akong hinusgahan kaagad na di kita magugustuhan”.. “di mo ba nararamdaman ang attention na ibinibigay ko sayo simula ng makita kita? Matagal na tayung mag kasama pao”.. Binulag ka lang ng iyung pananaw sa buhay dahil mahirap lang kayo.. “di mo nakita ang pagmamahal ko sa iyo dahil nakatingin ka sa agwat ng buhay nating dalawa.. Ang sabi nya sa akin habang namumula nanaman ang mata at parang iiyak..

” sorry teng.. Wag ka nang umiyak”.. “Iyakin ka..”.. ang tatawa tawa kung turan sa kanya habang pinapahidan ko ang mata nya ng panyo na binigay nya sa akin…

” panyo ko ito diba? “hahaha..” ang tumatawa nyang turan sa akin..

“oo yan yung binigay mo..”.. “palagi ko yang dala palagi hanggang ngayun..” special na gamit ko yan kaya mahal na mahal ko yan.. “ang naka ngiti kung turan sa kanya..

Hinalikan ko ulit si donita sa mga labi at niyakap ng buong higpit.. Simula noon ay naging mas sumigla ang katawan ko sa pag aaral dahil kay donita..

Maliwanag ang pananaw ko sa buhay.. Lalo akung nag sumikap sa pag aaral para maipakita ko kay donita at sa mga magulang nya na aangat ang buhay ko na yayaman din ako…

Si donita din ay lalo ding naging masayahin simula nung naging kami, marami kaming binuong pangarap na dalawa..

Kung kaming dalawa ang mag kasama ni donita ay hanggang halikan lang at hipuan ang nagagawa naming dalawa dahil nga sa mahal namin ang isat isa ay pinili naming mag control sa isat isa para di masira ang pag aaral namin..

Dalawang linggo bago ang graduation ay ibinalita sa klasi ng adviser namin kung sino ang mag tatapos ng valedictorian at Salutoturian sa klasi..

Naghihintay kami ni donita sa ibabalita ng teacher, excited kami na malaman ang resulta ng pag hihirap namin.. Nakakapit sa braso ko si donita ng mga oras na yun, makikita sa mga mata nya ang excitement..

“congratulations paolo at donita for a job well done na makapag tapos ng valedictorian at salutoturian sa klasi” “well give them a round of applause to pao and tengteng..” ang turan ng adviser namin habang masaya kaming kinamayan at masigabong na pinalakpakan ng mga kaklasi namin…

Niyakap ako ni donita at hinalikan sa labi ng buong pag mamahal sa gitna ng mga kaklasi namin sa sobrang tuwa nya na naramdan..

” pao “i love you” salamat dahil kung di sayo di ako nakatapos bilang isang valedictorian, ang maluhaluha nyang turan sa akin..

“i love you too teng”.. Sabi ko sayo na kaya mo diba? Mas mataas ka nga sa akin dahil ikaw ang first at ako second lang, “.. ang naka ngiti kong turan sa kanya..

” hahaha” gusto mo naman kasi akung maging first eh” ang nakatawa nyang turan sakin..

Isang linggo bago ang graduation ng umuwi si nanay mula sa maynila para umattend ng graduation ko.. Tuwang tuwa ako dahil makaka graduate na ako ng high school.. At makakapag aral na ako sa kolehiyo..

“nay makakagraduate na po ako sa high school at Salutoturian po ako na mag tatapos sa klasi..” ang masaya kung balita kay nanay..

Tuwang tuwa ang nanay ko ngunit medyo may lungkot akung nakikita sa mga mata nya sa kabila ng ngiti at tuwa sa ibinalita ko sa kanya…

Bigla akung nalungkot sa ibinalita ni nanay sa akin na gusto nya akung dalhin sa maynila pag ka graduate ko para mag trabaho na lang dahil di nya kayang tustusan ang pag aaral ko sa kolehiyo..

“nay may naipon akong pira dyan sa pinapadala nyo sa akin”.. “yan ang gagamitin ko na pang aral ko para makatapos ako s…