Utang Na Loob (34)

Continuation…

Nagulantang ako sa pangyayari, gulung gulo ang isipan ko bakit ang katabi ko ngayun sa kama ay hindi si donita kundi si tess… Sumasakit pa ang ulo ko at nakatulala ako dahil nabigla ako at nagulantang sa mga pangyayari…

“we trusted you pao ganyan lang pala ang gagawin mo sa anak namin!!!”… Matapos mung buntisin ay ibang babae naman ang kakalantariin mo?!! Damn you!!!… Ang galit na galit at mabigat na turan ng mama ni donita habang naka titig sa akin ng masakit…

“hindi ko po alam”.. Patawarin nyu po ako naguguluhan po ako” habang naka hawak ako sa ulo ko na masakit pa at medyo hilo pa ako..

Lumingon ako kay tess, at nakayuko din sya at tahimik sa tabi at naka hawak sa kumot na tinatakip nya sa katawan nya…

“sabi ko na nga ba dati pa lang di ka na talaga mapag kakatiwalaan”!!!… ang galit na galit na turan din ng papa ni donita..

” magsama kayo ng putang babae na yan!!!”… “Di kita mapapatawad pao sa ginawa mo nayan sa harap mismo ng magulang ko, kita ng dalawang mata nila kung gaano ka kababoy!!!”.. “Huhuhu!!!…” Hayop ka!!! “… Ang pasigaw na turan ni donita habang humahagulgul ng iyak…

Tumakbo palabas ng bahay si donita, sinundan ng kuya alex nya at kasunod ang mama at papa nya..

Di na ako nakapagsalita pa.. Tumulo ang luha ko sa mga mata ko.. Patuloy kung iniisip kung anu bang nangyari.. Blangko ang isipan ko, pinag tatagpi tagpi ko ang mga huling pangyayari na rumihistro sa isipan ko ngunit itoy napakalabo..

Ang huling naalala ko ay ng mag inuman kmi ni kuya alex at ang sumunod ay ang pag niniig namin ni donita… “Si donita ang kaniig ko hindi si tess.. Bakit si tess ang katabi ko?” ang bulong ko sa sarili ko…

Napalingun ako kay tess..

“bakit nandito ka?!!! Bakit ikaw ang katabi ko?!!!…ang galit na galit kung pasigaw kay tess…habang tumutulo ang luha ko sa sobrang galit..

“patawad pao”!!!.. Huhuhu… At tuluyan nang tumayo si tess at pinulot ang mga damit nya at mabilis na nag suot at lumabas ng bahay..

Naiwan ako na umiiyak… Di ko malaman bakit nangyari sa akin ang mga bagay na ito..

Tumayo ako at dumiritso sa cr para sumuka.. Sumuka ako ng sumuka sa inudoro.. Magkahalung luha at suka ang ginawa ko sa cr, naka upo ako sa sahig at umiiyak…

Parang gumuho ang mundo ko, tatlong mahalagang bagay ang nawala sa buhay ko, ang scholarship ko at si donita at ang magiging anak namin…

Di ako lumabas ng bahay ng buong araw na yun,di din ako kumain.. Nawalan ako ng pag asa.. Parang gusto ko nang mawala sa mundo sa mga oras na yun.. Nag mukmuk ako at nag dalamhati.. Nakahiga lang ako sa kama at parang ayaw ko nang bumangun pa at tumayo… Ang bigat ng nadarama ko at ang dilim ng mundo ko sa mga oras na yun…

Nakatulog ako sa mga isiping mabigat sa dibdib na dinadala ko.. Nakabaluktot ako na nakatulog na tumutulo ang luha ko… Di parin ako malinawan sa mga nangyayari…

Nagising ako ng may yumuyugyog sa aking balikat… Napabalikwas ako at nagulat at napatingin kung sino ang gumigising sa akin…

Nakita ko si tess na umiiyak habang nakahawak sa balikat ko…

“bakit nandito ka nanaman?!!! Ang pasigaw kung turan

” pao.. Patawad ngunit bago ka magalit sa akin ay mag ayus ka at puntahan natin si donita dahil sa hospital sya ngayun.. Nadisgrasya ang kotse na sinasakyan nilang apat habang pa uwi sila at si donita lang ang buhay sa ngayun.. Si alex, mama, at papa nya ay nasawi sa aksidente.. Puntahan mo si donita doon habang may oras pa”!!! Huhuhu!!! “…

Nagulantang ako sa mga sinabi ni tess sa akin.. Di muna ako nakaimik at nanlamig ako sa mga tinuran nya.. Di ko alam kung anung uunahin ko, di ako nakagalaw kaagad dahil nabigla ako sa mga narinig ko…

Nakatingin lang ako sa mukha ni tess na iyak ng iyak… Di ko malaman kung bakit sya umiiyak sa mga oras na yun.. Kusang tumutulo ang luha ko na di ko namamalayan…

Humugot ako ng hininga at dahan dahan akung tumayo, nanghihina ako at nag suot ako ng damit at sabay kaming dalawa ni tess na pumunta sa hospital kung saan dinala si donita…

Pag dating sa hospital ay dumiritso kami sa information at ng binigay namin ang info ni donita… Ay binigay sa amin ng nurse ang info na kasalukuyan na nasa emergency room parin daw si donita..

Naupo ako sa isang bench at naginginig sa oras na yun.. Tumuluto ang luha ko at nag dasal na walang mangyari kay donita at maka survive sya.. Mas lalo akung natakot sa kalagayan ng magiging anak namin, di na ako umi expect na mabubuhay pa ang baby namin sa mga oras na yun..

“dios ko po, bakit po ganito ang nangyari sa akin..” iligtas nyu po ang mag ina ko, “.. Ang pabulong kung dasal sa mga oras na yun..

Nakapikit lang ako at nakayuko at umaagos sa mga mata ko ang luha…

Makalipas ang ilang oras ay tumayo ako at pumunta sa information at nakibalita sa kalagayan ni donita.. Di ako mapakali sa mga oras na yun, di ako mapalagay kung anung nangyari na kay donita at sa baby namin..

“wala pa pong update sir nasa ER parin po sya at ginagawa po ng doctor ang paraan, masyado po kasing kumplikado sa dahilang buntis po ang naaksidente sir..” ang turan ng nurse sa akin…

Palakad lakad ako malapit sa information, minsan tatayo ako sa pagkakaupo minsan ay uupo, di ako mapalagay sa kalagayan ni donita..

Ilang oras pa ang lumipas at narinig kung tinawag ako ng nurse sa information at dalidali akung pumunta para sa bagong balita…

” nasa recovery room na po ang nobya nyu sir, ligtas na po sya at ligtas na din po ang baby sa sinapupunan nya, isa pong himala na naka ligtas po ang baby nyu sa kanyang sinapupunan sa kabila po ng tinamo nya pong enjury dahil sa accidente…

Nakaramdam ako ng tuwa sa binalita sa akin ng nurse…

” maraming salamat po sa balita maam”.. Ang masaya kung turan sa nurse..

“marami pong salamat panginoon dahil niligtas nyu po si donita..” ang bulong ko sa sarili ko habang naluha ako sa sobrang galak dahil ligtas ang mag ina ko…

” pao? “.. Ang narinig ko na tumawag sa akin..

Napalingun ako sa lalaking tumawag sa pangalan ko…

“ako nga po”.. Bakit po?.. Ikaw ba ang n…