Hindi ako nakagalaw at nakatayo lang ako sa mga oras na yun..
“anung ibig mung sabihin teng” ? Ang tanung ni kuya Ralph,…
Nakatingin sa akin si kuya Ralph na mababakas sa mukha nya ang pagkalito sa nangyayari…
“pao anung ibig sabihin nito?”!!!.. Hindi ko maintindihan.. Anung nangyayari? Ang nalilitong tanung ni kuya Ralph…
Di ko alam ang sasabihin ko sa mga oras na yun… Di ko alam kung saan ako mag sisimula, di ko alam kung saan ako mag uumpisa na sabihin kay donita at kuya Ralph ang katutuhanan…hindi ako makapagsalita sa mga oras na yun…
“walang kasalanan si pao”!!!! .. Ang biglang turan ni tess na nakatayo na pala sa likod namin…
Sabay sabay kaming lumingun kay tess sa mga oras na yun…
“bakit nandito ka puta?!!! Huhuhu!!!.. Anung ginagawa mo dito?!!! .. Ikaw ang babae ni paolo!!! Umalis ka dito umalis kayong dalawa ni paolo dito!!!!Ang palahaw na na turan ni donita na bakas sa mukha ang sobrang galit…
” donita”.. Mag hunus dili ka.. Anu bang nangyayari dito? Di ko maintindihan”!!! ..si tess yan gf ng kuya Alex mo.. Papano naging babae sya ni pao?!!! … Ang gulat na gulat na turan ni kuya Ralph…
“hayaan nyu po akung mag paliwanag kuya Ralph..” ang turan ni tess..
At ipinaliwanag ni tess ang lahat sa harapan nila ni kuya Ralph at ni donita…
Matapos maipalaiwanag ni tess ang lahat ng nangyari ay di maka paniwala si kuya Ralph sa narinig nya kay tess…
“hindi totoo yan”!!!.. Huhuhu!!! .. Ang turan ni donita..
“hindi magagawa ni kuya Alex yan”!!!…ang madiin na salita ni donita…
“Umalis kayung dalawa dito”!!!! ang may otoridad na utos ni donita…
Nanibugho ako sa mga sinabi ni donita.. Di ko lubus maisip sa inasal ni donita matapos nyang malaman ang katotohanan kay tess..
“tama na teng makakasama sayo ang subrang galit..”.. Ang turan ni kuya Ralph at agad kaming niyaya ni kuya Ralph na lumabas ng kwarto…
Masamang masama ang loob ko sa mga oras na yun…lalo akung nanibugho sa mga pangyayari.. Masakit ang loob ko dahil di ko maramdaman ang pag mamahal ni donita sa akin.. Makikita ko sa mga mata nya ang sobrang galit, di ko maramdaman sa kanya ang pinagsamahan namin, di ko maramdaman sa kanya ang matagal na pinagsaluhan namin at ang bunga ng pinagsamahan namin.. Ang aming anak…
Tumutulo ang luha ko ng lumabas sa kwarto ni donita..
“di ko lubos maisip na nagawa lahat yun ni alex” .. Ang di makapaniwalang turan ni kuya Ralph sa mga nasaksihan nya…
“di ko po kayo pinipilit na paniwalaan ako kuya ngunit yan po ang katutuhanan.. Biktima po si pao at ako at si donita sa maitim na balak ng iyung kapatid..”… Mahal ko po si alex kuya kaya naging sunudsunuran ako sa kanya ngunit nag sisisi ako sa aking pag sunud sa kagustuhan ni alex.. Isang malaking pag kakamali ang ginawa ko na di ko makakalimutan sa buong buhay ko..” Ang turan ni tess na humahagulgul ng iyak…
” tama na tess naiintindihan kita at naniniwala ako sayo.. “.. Hayaan lang muna natin si donita.. Masyado pang masakit sa kanya ang pangyayari kaya wag natin muna syang pilitin, hayaan muna natin syang gumaling at ako nang bahalang mag paintindi sa kanya..”.. Ang turan ni kuya Ralph…
“pao.. Sorry sa lahat sa mga naranasan mo sa kapatid kung si Alex, sorry dahil nabiktima ka nya.. Di ko lubos maisip na magagawa ng kapatid ko yan, ngunit naniniwala ako sa inyo.. Di ko pa nga kilala ang kapatid ko, nalulungkot ako dahil di ko nakilala ng lubusan ang kapatid ko”.. Ang maluhaluhang turan ni kuya Ralph…
“kuya wala na po si kuya Alex.. Kahit anung gawin natin ay di na natin maiibabalik ang nangyari.. Nangyari na po.. At pinatatawad ko na din po sya sa lahat.. Pero ako po’y lubos na nababagabag sa kahihinatnan ng relasyun namin ni donita.. Sana po ay mapatawad nya ako at paniwalaan nya ang katutuhanan na sinabi ni tess.. “mahal ko po si donita kuya Ralph,lalo na po ang magiging anak po namin” … Ang turan ko kay kuya Ralph at di ko mapigilan na humagulgul sa sobrang sama ng loob…
“wag kang mag alala pao”.. Gagawin ko ang lahat para manumbalik ang magandang pagsasamahan nyu ni donita.. Ang turan ni kuya Ralph…
Umuwi nalang kami ni tess ng oras na yun,.. Di na ako bumalik pa sa kwarto ni donita dahil minabuti na lang ni kuya Ralph na wag ko daw munang kausapin si donita para mabigyan sya ng panahun para mag heal dahil trumatized pa sya sa nangyari at dahil sa kalagayan nya kilangan nya mag relax dahil makakasama sa baby namin ang sobrang stress at pag iisip..
Dahil sa tinuran ni kuya Ralph ay minabuti ko nalang na wag munang makita si donita.. Masakit man para sa akin na di ko sya makita at di ko sya maalagaan na wala ako sa tabi nya ay tiniis ko nalang alang alang sa kalagayan nya at sa magiging anak namin…
Nagpatuloy ako sa pag aaral ko, gabi gabi ay di ako makatulog sa kakaisip kay donita at anak namin, sa tuwing pag tulog ko ay binabangungut ako sa prisensia ni donita.. Tuwing gabi ay laging Tumutulo ang luha ko dahil sa pangungulila sa kanya..
Binibisita naman ako ni kuya Ralph sa aking boarding house para bigyan ako ng balita sa status ni donita at sa baby namin, sya ang tagahatid palagi sa akin ng balita na labis kung ikinagagalak dahil sa kabutihan nya sa akin at sa pag punta nya palagi at pag hatid ng balita tungkol sa mag ina ko…
Nabalitaan ko kay kuya Ralph na nakalabas na si donita sa hospital di muna sya nag patuloy nang pagaaral dahil may kalakihan na ang kanyang tiyan dahil sa ipinagbubuntis nya… Nakikitira si donita sa kuya Ralph nya.. At inaalalayan sya ng asawa ni kuya Ralph…ngunit may lungkot sa mga mukha ni kuya Ralph ng sabihin nya na hanggang ngayun ay galit pa din si donita sa akin, ni minsan ay di daw nya nabanggit ang pangalan ko…
Naka dama ako ng lungkot sa mga binabalita ni kuya Ralph ngunit sa isang banda ay nakakaramdam din ako ng kasiyahan dahil kahit papaano ay nandyan si kuya Ralph na nag babalita sa akin sa kalagayan ni donita, nabalitaan ko na naka recover na si donita at maayus naman ang anak namin sa sinapupunan nya.. Ngunit sa kabila ng kasiyahan ay may lungkot akung nadarama dahil hanggang sa ngayun ay di parin ako napapatawad ni donita…
Bumagsak ang katawan ko, napapabayaan ko ang katawan ko dahil sa pag iisip kay donita..
Gabi gabi pagkagaling ko sa skwela ay para akung pinarurusahan… Kinakain ako ng subrang lungkot at sobrang p…