Utang Na Loob (41)

Continuation…

Nagising ako sa sikat ng araw na pumapasok sa aking bintana.. Medyo napamulat ang aking mata.. Nakita ko ang relo na nakasabit sa wall, 10:00 na ng umaga..

Gumulong ako padapa at pinatong ang aking unan sa aking ulo.. Gusto ko pang matulog ngunit biglang sumagi sa isipan ko si donita.. Naalala ko kagabi ng kumain kaming apat sa mall sa mismong kinainan naming tatlo ni Cynthia at donita doon din sa kainan na yun nag yaya si yengyeng…

“what a coincidence”..”anu kayang ibig sabihin nun?.. Bakit sa lahat ng kainan doon talaga si yeng yeng nag yaya..?… Ang bulong ko sa sarili ko habang iniisip ko kung bakit…

Biglang nakaramdam ako nang pag kasabik kay donita..ngunit pag sumagi ang isang malamig na titig nya sa mga mata ko at malamig na boses nya, nawawala ang sabik na nararamdaman ko sa kanya…

“ugghhh!!!… Bakit ko naaalala si tengteng.? .”..ang turan ko habang umikot nanaman ako patihaya sa kama at itinaklob ang unan sa aking mukha…

“makapagkape na nga”.. Ang bulong ko sa sarili ko..

At akoy bumangun at pumunta sa aparador para kumuha ng damit..

Pag bukas ko ng drawer kung saan nakalagay ang aking brief ay kumuha ako ng isa upang isuot…

At pag kuha ko ay may nalaglag sa sahig.. Napunta ang tingin ko sa nahulog na bagay sa sahig..

At matapos kung isuot ang aking brief ay pinulot ko ang bagay na nahulog.. At laking gulat ko ng mapulot ko na itoy panyo ni donita na ibinigay sa akin nung high school palang kami…

Tumulo ang aking luha ng bumalik sa aking alala ang panyo na ibinigay sa akin ni donita…

“kagabi yung kainan na pinag kainan namin nila donita at Cynthia.. At ngayun panyo naman ni donita.. Anu kayang ibig sabihin nito..?” ang gumugulo sa aking isipan..

Pinahid ko ng panyo na yun ang aking luha sa mata.. Ipinatong ko sa lamisang malapit sa lampshade at nag suot ako ng damit at nag pasyang magkape muna sa labas…

Pag labas ko ng sala ay dumiritso ako sa kusina, gumala ang aking mata sa paligid ng aming bahay habang kumukuha ako ng kape…

“saan kaya si nanay?”.. Ang bulong ko sa sarili ko…

Matapos kung mag timpla ng kape ay dumulog ako sa lamesa para magkape…

Nakaka ilang higop pa lang ako ng kape ng pumasok si nanay sa loob galing sa labas…

“ohh nak.. Gising kana pala..”.. Ang turan ni nanay habang naka ngiti sa akin..

“opo nay, kagigising ko lang..”.. Ang tugun ko na naka ngiti din..

Dumiritso si nanay sa kusina at may kinuha doon at mayamaya ay daladala na nya ang tasa ng kape at naupo sa harapan ko..

“sya nga pala pao”.. Tumawag si teng teng sa akin kaninang umaga”.. Ang turan nya..

Napatingin ako kay nanay at medyo nagulat na may halong pagkasabik..

“ohh anu daw nay? Kamusta naman si tengteng?”.. Ang medyo excited kung tanung sa kanya..

“kinamusta nya si yengyeng..”.. “sinabihan ko sya kung gusto ka nyang kausapin at sabi nyay huwag na lang daw”.. Ang turan ni nanay..

“di na ako umi expect nay na kausapin nya ako..”..”sanay na po ako na wala sya, dyan naman si tengteng,.. ang turan ko na medyo lumungkot ang mukha ko dahil sa narinig kung sinabi ni nanay.. Di ko maiwasan na makaramdam ng sakit…

Napatingin sa akin si nanay na medyo lumungkot din ang mukha…

” uuwi daw sya dito at mag babakasyon..” two weeks from now daw, tinama nya ang bakasyun sa tapos ng klasi ni yengyeng, isang buwan daw syang mag babakasyun at babalik din daw sya sa amerika.. “.. Ang pagpapatuloy na salaysay ni nanay..

Di ako kumibo at humigop nalang ako ng kape at tumingin sa bintana..

” isang buwan palang doon muna si yengyeng sa mama nya.. “.. Turan ko..

” hayaan muna nak, isang buwan lang naman, hayaan mo na na makasama ni donita si yengyeng..”..”anak nya din si yengyeng, buti nga dito si yengyeng sa atin.. Kya hayaan mo na kahit isang buwan makasama nya din yung anak nyu..” ang salaysay ni nanay…

“ok nay” ang matipid kung tugon sa kanya…

“Ahh sya nga pala nak, patapos na din pala sa sanud na araw yung store, kilan mo balak mag pa ribbon cutting at blessing?.. Ang tanung ni nanay..

” Itong linggo nay para dito pa si yeng yeng, bago dumating si donita kilangan matapos na ang opening ng store..”.. Ang sagot ko..

Matapos kung magkape ay nagpaalam na ako kay nanay para puntahan ang site nang ginagawa kong convenience store.. Doon muna ako nagpalipas ng oras dahil patapos na din ito at aasikasuhin ko ang opening nito sa linggo..

“nay alis na ako ha” … Ako nalang susundo kay yengyeng mamayang hapon at doon muna kami matutulog kina Cynthia pala nay mamaya dahil nag request si yengyeng na matulog doon..miss nya na daw makasama si jasmine,.. Uuwi nalang kami mamaya saglit para makakuha ng masusuot namin mamaya ni yengyeng.. “.. Ang turan ko kay nanay..

” oh sya sige anak”.. Di kana kumain ng tanghalian? “.. Ang pahabol na tanung ni nanay..

“hindi na nay.. Doon na ako kakain sa labas”… Ang sagot ko sabay ko paandar ng sasakyan at umalis na..

Dumiritso ako sa store ko na pinapagawa at pagtapos ay inayus ko na din ang opening na gaganapin sa linggo.. Matapos kung maasikaso lahat ay dumiritso ako sa isang port area na pwedeng magpahangin.. At doon ay pumarada ako at naglakad lakad na nakatanaw sa dagat..

Habang nakatayo ako sa tabing dagat ay huminga ako ng malalim at aking binalikan ang sinabi ni nanay na pag bakasyun ni donita ng isang buwan.. Nakaramdam ako ng excitement ngunit sa isang banda ay nakaramdam din ako nang pagkalungkot dahil isang buwan na makakasama ni donita ang anak namin.. Isang buwan na di ko makikita at makakasama ang anak ko..

Parang nalungkot ako sa mga isiping hindi ko makikita sa bahay ang anak ko..

“sabagay anak din ni donita si yengyeng may karapatan sya sa anak namin at isang buwan lang naman at babalik din si yengyeng sa bahay.. Ang bulong ko sa sarili ko sabay ko hugot ng hiningang malalim…

” 4:30 na pala ng hapon.. Susunduin ko na si yengyeng.. “ang bulong ko sa sarili ko nang tumingin ako sa aking relo at agad na akung bumalik sa sasakyan ko at dumiritso sa school ng aking anak..

Pag dating ko sa school ni yengyeng ay di nag tagal ay nandyan na si yengyeng at jas na magkasunod.. Malayo palang ay nakatawa ng kumakaway si yeng yeng at jasmine..

” hi papa”.. Ang malambing na turan sa akin ni yengyeng sabay halik sa aking pisngi..

“hello tito”.. Ang nakangiti ding turan ni jas..

“Dadaan muna tayo sa bahay para maka pag dala kami ng damit mamaya dahil doon tayo sa bahay nyu matutulog jas diba? “.. Ang nakatawa kung turan sa dalawang chikiting..

” yehey!!! “.. Ang masayang turan ng sabay ni yengyeng at jas na may kasama pang apir..

Pagkapasok sa sasakyan ay nag message ako saglit kay Cynthia na nakuha ko na ang mga bata at dadaan muna kami sa bahay para kumuha ng gamit para may susuotin kami ni yengyeng sa overnight namin sa bahay nya…

Pagkatapos kung mag message ay nag drive na ako pauwi…

“hi lola”… ang sabay na turan nina yengyeng at jas ng makita nila si nanay pag dating namin sa bahay..

“hello mga apo ko..”… Dalaga na at magaganda pa itong mga apo ko.. Halikayo at mayakap ko nga kayo.. Ang turan ni nanay na tuwang tuwa habang akap akap ang mga apo nya..

Nakatawa lang akung nakatingin sa kanila.. At sabay akung pumasok sa kwarto ko at nag lagay sa bag ng ilang paris ng damit na susuotin..

Pag labas ko ay nakahanda na ang gamit ni yengyeng at nakasuot na din ito ng damit na pang bahay…

Agad din kaming nag paalam kay nanay at dumiritso na kami sa bahay nila Cynthia…

Pag dating sa tapat ng gate nila Cynthia ay agad binuksan ni Cynthia ang gate… Pagkabukas ay agad kung pinasok ang sasakyan sa garahi at agad kaming pumasok sa bahay..

Hinagod ko ng tingin ang katawan ni Cynthia dahil sa suot nya na hapit na white t-shirt at pink cotto…