Utang Na Loob (44)

Continuation…

Pag kakita ni donita kay yengyeng ay agad itong lumapit at buong higpit na inakap ang aming anak.. Naluha ako ng masilayan ang muling pag kikita ng aking mag ina… Makikita sa mukha ni donita ang pagkasabik sa aming anak na matagal na panahon nya na di nakasama..

“yengyeng anak ko”… Kamusta kana? “.. Namiss kita anak”… Ang maluhaluhang turan ni donita habang yakap yakap nya si yengyeng…

“ok lang po”.. Ang matipid na turan ni yengyeng..di makikita sa mukha nya ang pagkasabik sa kanyang ina…

“nak,.. Dalaga ka na ah..” at ang ganda mo pa nak”…. Namiss ka ni mama”… Ang turan ni donita habang naka tingin sya kay yengyeng at sinisipat ang mukha ni yengyeng at buong katawan..

Tahimik lang na may matipid na ngiti ang makikita sa mukha ni yengyeng…

“Nak sama ka sa akin ha, doon ka muna sa akin habang nasa bakasyun ako..”.. Ang turan ni donita…

Di kumikibo si yengyeng, tahimik lang sya na nakatingin kay donita…

“anak saan na ang mga gamit mo, mag ayus kana para maka pag dala ka nang gagamitin mo sa bahay”.. Ang patuloy na turan ni donita na nakatingin kay yengyeng..

“ayaw ko po”… Ang matipid na tugon ni yengyeng kay donita…

Namula ang mukha ni donita ng madinig ang turan ni yengyeng sa kanya.. Yumuko sya at hinawakan sa magkabilang balikat si yengyeng at tinitigan sa mata…

“nak.. Bakit ayaw mung sumama?”.. Di ka ba nasisiyahan na dumating ako? “.. Di mo ba ako namimiss?.. Nandito na ako anak…isang buwan lang tayung magsasama at sa bakasyun ko lang tapos ayaw mo pang sumama sa akin?… Ang salaysay ni donita habang nakatitig kay yengyeng…

“ayaw ko po!!! “… Ang turan ulit ni yengyeng at sabay agus ng kanyang luha sa kanyang mata at sabay kumawala sa pagkakahawak ni donita at sabay takbo pabalik ng kwarto nya at isinarado ang pinto ng pabagsak…

“anak!!! .. Sandali !!! ..”.. Ang turan ni donita ngunit tuloytuloy padin si yengyeng na pumasok sa kanyang kwarto..

Nagulat si donita sa reaksyun ni yengyeng.. Namula ang kanyang pisngi at ang kanyang mata.. Dahan dahang namumuo ang luha sa kanyang mga mata.. Tinangka nyang habulin ngunit pag hawak nya ng door knob ng kwarto ni yengyeng ay naka lock na ito…

“hayaan mo lang muna si yengyeng teng.. Nanibago lang sya sayo kaya ganyan sya.. Kakausapin ko lang sya” .. Ang turan ko kay donita habang tinatapik ko sya sa balikat, na umiiyak sa mga oras na yun…

“my gosh paolo bitawan mo ako!!!”… Anung ginawa mo kay yengyeng bakit ganyan na sya!!! .. Sarili nya akung ina ganyan sya sa akin?!!! “…ang galit na galit na turan nya sa akin at matalim na nakatitig sa akin…

Pagkasabi nya sa akin ay sabay nya talikod at mabilis na naglakad palabas ng bahay at dumiritso sa sasakyan…

Nabigla ako sa kanyang sinabi at di na nakapagsalita…

Tinangka ko syang habulin ngunit hinawakan ako ni kuya Ralph sa aking balikat…

“hayaan mo lang sya pao.. Pasensia ka na.. Kakausapin ko lang si donita.. Hayaan mo muna sya na bumaba ang galit nya para makapag isip sya saka mo sya kausapin.. Masyado syang nasaktan dahil sa ipinakita ni yengyeng..” ang turan ni kuya Ralph sa akin…

“sige po kuya Ralph.. Pasensia na po”… Ang tugon ko sa kanya…

“nanay.. Cynth.. Mauna na po kami.. Pasensia na po kay donita”.. Ang turan at paalam ni kuya Ralph sa nakatulala at nakatayo na sina nanay at Cynthia.. Pariho silang di nakaimik sa nasaksihan…

“ok sige Ralph..ingat kayo”.. Ang turan ni nanay habang kumaway sa papaalis na si kuya Ralph..

Tinapik ako ni kuya Ralph sa balikat at dumiritso na sya papunta ng gate at pumasok sa kanyang sasakyan at saka sila umalis…

Nakatanaw lang ako sa gate mula sa sala habang tinitingnan ang papaalis na sasakyan nila kuya Ralph..

Nakatulala ako sa nangyari at di ko naramdaman ang pag tulo ng aking luha sa mata sa nangyari.. Samut sari ang aking naramdaman sa mga oras na yun.. lungkot para kay donita dahil naiintindihan ko ang kanyang hinanakit dahil sa ipinakita sa kanya ni yengyeng at pagkabigla dahil sa galit na galit na titig nya sa akin na parang ako ang sinisisi nya dahil sa ipinakita sa kanya ni yengyeng…

Bumalik lang ako sa aking diwa ng maramdaman ko ang kamay na humawak sa aking balikat.. Paglingun ko ay si nanay ang aking nakita.. Namumula din ang kanyang mata…

“wala kang kasalanan pao.. Kausapin mo si donita pag mahinahun na sya…”.. Ang turan sa akin ni nanay…

“opo nay”.. Ang turan ko at napayakap ako kay nanay sa sobrang sama ng loob sa mga oras na yun sa bigat ng aking nararamdaman…

“kain na po tayo nay, pao”… Ang turan ni Cynthia na nakatayo sa harap ng lamisa..

“halika na anak.. Kumain na tayo”.. Ang turan ni nanay…

“mauna na po kayung kumain nay.. Mamaya na lang po ako ang turan ko sa kanya..

At sabay na akung pumasok sa aking kwarto at nagkulong…

Nakaupo ako sa aking kama at naka sapo ang mga kamay ko sa aking ulo na nakayuko.. Tumutulo ang aking luha… Bumabalik sa aking isipan ang mga nangyari kanina…

Humiga ako sa aking kama at nakatulugan ko ang sama ng loob…