Utang Na Loob (45)

Continuation…

Matapos naming kumain ay iniligpit ni manang ang lamisa at tinulungan sya ni Cynthia… Ang mga bata ay dali daling pumasok sa kwarto ni yengyeng…

Nakaupo ako sa terrace habang umiinom ng kape ng madinig ko ang pag papaalam ni manang sa akin..

“pao.. Uuwi na ako ha..bukas naman ulit”.. Ang turan ni manang edna na aming kasambahay..

matagal na syang nag tatrabaho sa amin at parang pamilya na din ang turing namin sa kanya.. Kasabay namin sya sa pagkain sa lamisa at binibigyan namin sya ng mga regalo sa bawat okasyun at binibigyan ko sya ng pasalubong sa tuwing umuuwi ako,kaya maaasahan talaga sya pagdating sa bahay dahil pamilya ang turing namin sa kanya.. tuwing linggo ang kanyang off para may time naman sya na makasama ang kanyang pamilya…

“ahh manang.. Magdala po kayu ng ulam dyan para po may ulam kayo doon mamaya sa inyo.. Madami naman ata yung niluto na ulam sayang naman po kung masisira lang.. Kaya mag dala po kayo manang”.. Ang nakangiti kung turan sa kanya..

“nako salamat pao.. Napakabait mo talaga.. Di ka nag babago.. Nalulungkot lang ako kanina sa nangyari sana magkaayus na kayo ni teng at mabuo na kayo.. Kawawa naman si yengyeng.. Nalungkot ako sa nasaksihan ko kanina.. Alam ko na nakangiti ka ngayun pero makikita ko sa iyung mga mata ang lungkot.. Kilala kita pao kung tunay kang masaya, sa tagal ko nang naninilbihan sa inyo ay kilala ko na kayo ni nanay mo at anak mo… “ang salaysay ni manang edna na mababakas ang lungkot sa kanyang mga mata…

” salamat po manang.. Iyun din po ang hangad ko.. Umaasa pa din po ako.. Salamat po”.. Ang turan ko sa kanya..

Papasok na sana sya ng masalubong sya ni nanay…

“ahh inday… Pakisuyo nga ako paki ayus saglit ng guest room ,dito matutulog si Cynthia daw.. Lubos lubusin nya na daw ang pangangapit bahay.. Haha”.. At pagkatapos mo magdala ka na din ng ulam ha,madaming ulam na tira kaya magdala ka…. Ang nakatawang turan ni nanay…

“ahh ganun ba.. Haha.. Opo ate… Saglitan ko lang po.. Ang nakangiting tugon ni manang…

” wag na po manang.. Ako na po, ako lang naman palagi ang gumagamit ng guest room na yan pag palagi kaming nag o overnight dito pag walang kasama si tita dito at nasa barko si pao.. Kaya ako na ang bahala mag ayus ng kwarto manang.. Pangalawang bahay ko na tung bahay nila tita at pao kaya ako na lang po ang bahala.. Hahaha.. Kumuha na lang po kayo ng ulam para makauwi na po kayo manang”.. Ang nakatawang turan ni Cynthia na biglang sumulpot mula sa likuran…

“haha.. Oh.. Sya sige inday.. Si Cynthia nalang daw pala ang bahala… Sabagay kwarto nya yan sya naman palagi ang gumagamit nyan pag nandito sya palagi..ang nakangiting turan ni nanay..

” ok sige po ate.. Kukuha nalang po ako ng ulam para maka uwi na po ako”.. Ang tugon ni manang..

“tayo na po manang.. Tutulungan ko na po kayung magbalut para maka uwi na po kayo..”.. Ang turan ni Cynthia at sabay na silang pumunta ng kusina ni manang…

Naupo si nanay sa kabilang sofa sa terrace at nilagay ang kanyang tasa ng tsaa sa center table..

“anung plano mo ngayun anak?”.. Anung plano mo ngayung malayo ang loob ng apo ko sa kanyang ina”.. Ang tanung ni nanay na nakatingin sa akin habang humihigop ng mainit na tsaa..

“iwan ko nay.. Di ko alam kung anung gagawin ko.. Kung saan ako mag uumpisa kung sinong una kung kakausapin..”.. Bata pa si yengyeng, di ko alam kung maiintindihan nya ako kung ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit wala ang kanyang ina dito kung bakit tayo ang palaging kasama nya.. At di ko din alam kung makakausap ko ng maayus si donita dahil parang lalo syang nagalit sa akin dahil sa ginawa ni yengyeng sa kanya.. Di ko alam nay kung pano ko sila mapapaglapit na dalawa.. Sa kadahilanang ayaw ni yengyeng na sumama sa bahay ng kanyang ina.. “.. Ang salaysay ko na may hinanakit sa aking loob at di ko alam ang aking gagawin…

Tahimik lang na nakatingin sa akin si nanay at sabay sya sumandal sa sofa at humigop ulit ng kanyang tsaa..

” maliit pa si yengyeng dati kaya nasanay si donita na buong bakasyun nya na nasakanya si yengyeng.. Wala pang muwang si yengyeng noon kahit na minsan dinadala sya dito ni donita dahil hinahanap nga ako.. Sayang at wala ka dito nung time na yun at nasa barko ka.. Mabuti ngayun at nataun na dito ka, masaya ako dahil magkakaayus na kayo dahil dito ka ngayun at magkakasama kayung tatlo.. Di ko inaasahan na magiging ganun ang reaksyun ni yengyeng ng makita ang kanyang ina.. “… Ang salaysay ni nanay.. At humigop nanaman sya ng tsaa sa kanyang tasa..

Humugot ako ng malalim na hininga sabay ko higop ng aking kape..nakatanaw ako sa labas ngunit ang isip ko ay naglalakbay, samut saring isipin sa sitwasyun namin ni donita at ng anak naming si yengyeng…

Bumalik ang aking diwa sa pagpapaalam ni manang sa amin sa kanyang pag uwi sa kanila..

“pao.. Ate.. Cynth.. Uuwi na po ako.. Salamat po sa ulam ha.. Matutuwa po ang mga anak ko nito.. Ang nakangiting turan ni manang sa amin..

” ok sige inday.. Ingat.. Ang turan ni nanay..

Isang ngiti lang ang isinagot ko kay manang sa kanyang pagpapaalam.. Hinatid sya ni Cynthia sa gate at pagkatapos ay umupo na din si Cynthia katabi ni nanay sa sofa…

” ay tika muna at kukuha din ako ng kape hehe”.. ang turan ni Cynthia sabay nya tayo ulit at punta sa kusina para kumuha ng kape…

Mayamaya ay dumulog na din sya ulit sa amin sa terrace at sumabay sa amin ni nanay sa aming paguusap…

“napakabait ni manang tita.. Haha.. Dinagdagan ko po yung pinadala kung ulam ayaw pang tanggapin haha.. Pinilit ko nga..yun dinala nya din”.. Ang nakatawang turan ni Cynthia…

“haha.. Ganyan talaga yan si inday.. Mahiyain pero napakabait yan at maaasahan.. Ang turan ni nanay habang nakangiti kay Cynthia…

” kamusta ang mga bata Cynth? “.. Ang tanung ko kay Cynthia habang humihigop ako ng kape..

” nandoon sila sa kwarto nag cocomputer, alam mo naman yung dalawa na yan pao.. Haha.. Ang nakatawang turan ni Cynthia…

” di ko alam kung panu kakausapin si yengyeng napakabata pa nya.. May ugali pa naman yung anak ko na yan na parihas kay mama nya na pag ayaw eh ayaw talaga..”.. Di ko din masisisi yung bata kung bakit malayo sya sa ina nya dahil ngayun lang sila nagkitang dalawa..”.. Ang turan ko..

“kinakamusta ni donita si yengyeng ngunit di nya masyado itong kinakausap bihira lang nyang kausapin ang kanyang anak, may video call naman di naman nya kinakausap sa video call panu mapapalapit sa kanya ang anak nyu?”.. Ang salaysay ni nanay…

“talagang malayo ang loob ni yengyeng sa kanyang ina pag ganyan..”… Di ko ngayun alam kung panu ko silang paglalapitin dalawa.. Anu kayang sitwasyun ni teng sa America bakit di sya masyadong nag cocomunicate sa aming anak”.. Ang turan ko…

“kausapin mo si tengteng pao.. Pag usapan nyung dalawa.. At kausapin mo sya kung mayroon pa bang chance na mabuo ulit kayo.. Nag kaka edad na kayo pao lumalaki na si yengyeng.. Stable naman na kayung dalawa isa lang naman yung anak nyu.. Not unless na meron nang bagung pamilya si donita sa America “.. Liwanagin mo yan kay donita pao.. Kausapin mo sya…”..ang turan ni Cynthia…

“susubukan kung kausapin si donita cynth” .. Ang turan ko..