Utang Na Loob (48)

Continuation…

Bumitaw si donita sa pagkakayakap kay yengyeng at pinahid nya ng panyo ang kanyang mata.. Matapos itong pahidan ay itinupi nya ito at ibinigay kay yengyeng…

“anak halika na pasok na muna tayo”.. Ang turan ni donita kay yengyeng sabay nya kuha sa kamay nito at inaya paloob..

Humawak si yengyeng sa aking kamay at di sumunod kay donita… Napalingun si donita at napatingin kay yengyeng na bakas sa kanyang mukha ang pagtataka dahil sa hindi pag sunod sa kanya ni yengyeng…

Nakatingin lang si yengyeng sa kanya at lumingun si yengyeng sa akin.. Napatingin din ako kay yengyeng at nakita ko sa kanyang mata na namumula ito na parang nag babadyang iiyak…

“pumunta ba tayo dito papa para ibigay mo ako sa kanya?”… Ang tanung ni yengyeng na nakatingin sa akin na agad kong nakita ang mamumuong butil ng luha sa kanyang mga mata na sa ilang sandali ay nag babadyang tumulo…

Nakuha ko ang ibig sabihin ng aking anak at agad ko syang niyakap.. Bumitaw sya sa pagkakapit kay donita at sumubsob sa aking dibdib at doon na tuluyang umiyak..

“tahan na anak..”ang turan ko habang hinahaplos ang kanyang likod at pilit pinapakalma sya..

Tumingin ako kay donita at suminyas ako sa kanya na ako na ang bahalang mag paliwanag kay yengyeng… Tumango si donita ngunit bakas sa kanyang mukha ang lungkot sa inasal ulit ni yengyeng,..namumula nanaman ang kanyang mata at nag babadya ng napipintong pag iyak hindi dahil sa tuwa kung di dahil sa lungkot..

Matapos umiyak ni yengyeng at kumalma na sya ng bahagya ay saka ako lumuhod at kinausap ko sya..

“nak di tayo pumunta dito para ibigay kita kay mama mo.. Di ba sabi ko sayo di kita iiwan.. Pumunta tayo dito para bisitahin si mama mo para maka pag bonding tayo.. Uuwi din tayo mamaya.. Di kita ibibigay kahit kanino kahit kay mama mo..pangako yan anak..”..ang turan ko habang di ko na napigilan ang aking sarili at tumulo na ang aking luha sa pisngi at niyakap ulit ang aking anak…

Yumakap din si yengyeng at humagulgul ulit ng iyak… Kita kung tumalikod si donita at nakita kong gumalaw ang kanyang likod dahil sa pag hagulgul nya din ng iyak.. Pinuntahan sya ni kuya Ralph at syay niyakap…

Di ko maiwasang malungkot kay donita.. Napakailap ng aming anak sa kanya.. Dama ko ang sakit ng loob na nadarama nya sa mga oras na yun..

Nang maramdaman kung huminahun na si yengyeng ay agad kung hiniram ang panyo nya kanina.. At nang maibigay nya yun sa akin ay ipinahid ko iyun sa kanyang pisngi..

“tahan na anak.. Halikana at bumasok na tayo sa bahay ni mama..”.. Ang turan ko kay yengyeng.. Habang kinuha ko ang isang kamay nya at kinuha ko din ang isang kamay ni tengteng at pinag hawak ko silang dalawa..

Napalingun si donita at napatingin sa akin.. Matipid akung ngumiti at sininyasan sya na ok na at pumasok na kami sa loob…

Binigay ko ang panyo kay donita at tinanggap nya din at sabay nya pinahid sa kanyang pisngi habang naglakad kaming tatlo papasok sa kanyang bahay…

“halika kuya Ralph at jas.. Pasok kayo.. Ang turan ni donita na sumunod namang pumasok si kuya Ralph at hawak nya sa kamay si jasmine…

Ang sarap ng pakiramdam ng makita kung nakahawak kaming dalawa ni donita kay yengyeng napagitnaan namin sya habang nakasunod kami ni yengyeng sa kanya..

Nag palinga linga ako ng makapasok kami sa garahe ng kanyang bahay at nakita ko ang kabuuan ng garden sa harap ng kanyang bahay.. Naka bermuda ito at makikita sa mga gilid ang samut saring klasi ng bulaklak na nakatanim dito.. Makikita ang pag ka professional ng gumawa ng landscape ng mga tanim ni donita… Di ko maiwasang humanga dito at kahit sinung makakita ay mabibighani sa ganda at pag kakaayus ng landscape nito…

Pag dating namin sa sala ng kanyang bahay ay luminga linga ang aking tingin sa ayus ng kanyang sala.. Napakaganda nito at maganda sa mata at maaliwalas ang pag kakaayus ng mga sofa dito.. Nakaayus ang lahat at maaliwalas sa paningin.. Humanga nanaman ako sa desinyo nito wala kang ipupula sa desinyo ng interior design ng loob ng kanyang bahay…

Kahit si yengyeng at si jasmine ay walang tigil sa kakaikot ang tingin sa kabuuan ng bahay…

“umupo muna kayo nak,pao at kukuha lang ako nang maiinum nyu.. Wala kasi akung katulong dito.. Pumupunta lang si ate dito pag sabado para mag linis ng bahay..si ate na Katulong din ni kuya Ralph yung nag lilinis dito..” ang salaysay ni donita at iniwan na nya kami at pumunta sya sa kusina…

Habang kami ay nakaupo sa sofa ay tapatingin sa akin si kuya Ralph na nakangiti..

” isang family architect ang dumisinyo ng bahay ni tengteng pao.. Isa sya sa magagaling na designer ng bahay.. Di ako nag kamali ng pag pili sa kanya nung pinagawa ni donita itong bahay nya.. Kasama din ng family engineer namin ay nabuo ang magandang bahay na ito.. “.. Ang salaysay ni kuya Ralph habang naka ngiti sya sa akin…

Sa aking pag linga linga ay napako ang tingin ko sa mga litrato na nakapatong sa isang mamahaling divider cabinet sa isang side ng sala.. Kita ko ang mga picture ni yengyeng nung sya ay sanggol pa lamang.. Kita ko din ang picture namin ni donita nung nasa kolehiyo pa lang kami.. Makikita ang kalumaan ng litrato ngunit mababakas dito ang pag aalaga sa litrato..

Isang litrato ang kumuha sa aking atensyun na pumukaw sa aking damdamin na tumagos sa aking puso.. Ang litrato naming tatlo ni donita at yengyeng ng bago umalis sya papuntang amerika.. Para nanamang sasabog ang aking puso ng makita ito.. Bumalik ang aking alaala ng sakit nito ng iwan kami ng aking anak ni donita nung pumunta sya sa America… Ngunit sa isang banda ay naka dama din ako ng kurot sa puso dahil naramdaman ko na mahal kaming dalawa ni yengyeng ni donita.. Dahil sa mga litratong naka lagay doon..

Sa kabilang side ng wall ay may isang malaking wall picture na nakalagay ang mga maliliit na litrato.. Tumayo ako at lumapit doon at tumingin sa mga litrato na maayus na nakasalansan doon.. Di ko maintindihan ang mga nasa litrato.. Di ko kilala ang mga tao sa litrato.. Mga ibat ibang lahi ang mga naka lagay doon.. Ibat ibang lugar.. Ngunit makikita ang hirap sa mga mukha ng tao sa litrato.. Hirap ng buhay na kanilang nararanasan.. Ibat ibang litrato at mga kuha..sa bawat litrato ay nandoon si donita.. May mga ibang mga tao din doon, sa pakiwari ko ay mga kasamahan nya iyun.. Koleksyun ito na inayus at inilagay sa isang malaking wall picture frame…

Naguguluhan ako sa mga litrato kung anu ang mga iyun ngunit pinili ko na isan tabi lang muna iyun at patuloy la…