“kilan nga pala tayo mag a out of town teng?… Ang tanung ko ulit sa kanya…
” nasasayo pao kung kilan mo gusto”.. Dito lang naman ako.. “.. Ang turan ni donita..
” sige sa sabado na lang.. Two days from now para maka pag prepare tayo..”..ang turan ko sa kanya…
” ok sige”.. ang naka ngiting turan ni donita…
“Yesss!!!!..”.. Excited na ako pa!!! “.. Ang tuwang tuwang turan ni yengyeng…
” ako din po tito.. Excited na din hehe… “.. Ang naka ngiti ding turan ni jasmine…
” ikaw kuya sasama kayo ni ate?… “.. Ang tanung ni donita kay kuya Ralph…
” di na teng.. May meeting ako sa mga cliente ko sa Saturday.. Kayo na lang para maka pag bonding kayo ng anak mo at ni pao.. Just enjoy your vacation..”.. Ang nakangiting tugon ni kuya Ralph…
Naka ngiti kaming nag katinginan ni donita.. Nag salubong ang aming mga mata ngunit agad nya din binawi ang tingin at Tumingin kina yengyeng at jasmine… Mababakas sa kanyang mukha na biglang namula…
Masaya akung nakatingin parin kay donita.. Di ko inaalis ang tingin ko sa kanya.. Masaya ako dahil dama ko ang tuwa at excitement sa mukha nya…
Pagkatapos naming mag meryenda ay inayus ni donita ang lamisa tinulungan ko naman sya sa pag liligpit ng pinag kainan namin..
Ang mga bata ay tumitingin ng mga picture na naka patung sa divider at sa isang malaking wall picture frame… Maririnig sa kanila ang mga mumunting tawanan nila yengyeng at jasmine….
Si kuya Ralph naman ay nakaupo lang sa sofa at nakaharap parin sa kanyang cellphone..
Habang inililigpit namin ang pinagkainan ay pinagmamasdan ko si donita na nakatalikod sa lababo at inilalagay ang mga pinagkainan namin.. Sa tuwing inaabot nya sa akin ang mga daladala ko ay pasimple akung titingin sa kanya.. At minsan ay nag kakasalubong ang aming mata..
Nag kasya lang ako sa pangiti ngiti sa kanya dahil medyo naiilang ako sa kanya.. Matagal na panahon na di kami nag kasama at nag kita.. Dahil lang sa anak namin kaya naka dugtung parin kami sa isat isa.. Ngunit hindi ko alam kung hanggang kailan kami na sa ganung sitwasyun…
Gusto kung tanungin sa kanya kung napatawad na nya ako at kung may chance pa ba na mabuo ang aming pamilya dahil sa anak namin ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob para mag bukas sa kanya nito.. Natatakot ako na baka magalit sya at mag iba nanaman ang pakikitungo nya sa akin at maapiktuhan nanaman ang relasyon nila ng aming anak..
Pinili ko na magkasya nalang kami sa ganito.. Isang magkaibigan na lang.. Isinantabi ko nalang muna ang plano kung pag tatanung sa kanya mas minabuti ko nalang at nakuntento nalang ako sa ganitong sitwasyun muna namin para sa aming anak para mapalapit ang loob ng anak namin sa kanya.. Bahala na ang panahon ang mag lapit sa aming dalawa yun ang bulong ko sa sarili ko habang nakatingin ako sa kanya habang sya ay nakatalikod…
“pao.. Ok ka lang?”.. Ang turan sa akin ni donita..na pumukaw sa aking diwa.. habang naka tingin sya sa akin.. Nahuli nya pala akung nakatitig sa kanya..
“o-ok lang ako teng..”ang turan ko sa kanya.. Na may matipid na ngiti sa aking labi…
” ok “.. Ang matipid na turan ni donita sa akin… Sabay nya labas sa kusina at pumunta sa sala…
Humugot na lang ako ng malalim na hininga at sinundan na lang sya ng tingin habang naglalakad sya papuntang sala..
Nakita ko na naki salamuha sya kina yengyeng at jasmine… Natuwa naman akong makita na dahan dahan ay nag kakalapit na din si yengyeng at donita…
“pao”.. Are you ok?.. Ang tanung ni kuya Ralph na nakatingin sa akin mula sa sofa na naka pukaw sa aking diwa…
“ok lang po ako kuya”… Ang matipid kung tugon sa kanya..
“come to me pao”.. Doon tayo sa garden sa labas”.. Ang aya sa akin ni kuya Ralph…
“ok po kuya”… Ang turan ko at sumunod ako sa kanya sa garden sa labas ng bahay…
Pagdating namin sa garden ay nakatayo si kuya Ralph na nakatanaw sa labas ng kalsada.. Tumingin sya sa akin at nag salita…
“di mo maaayus ang lahat sa inyo ni tengteng kung patuloy ka lang na titingin sa kanya..”.. Ang turan ni kuya Ralph sa akin…
“wala pa po akung lakas ng loob sa ngayun kuya Ralph..”… Mabuti muna siguro na magkalapit muna sila ng anak namin.. Mas mahalaga yun kuya kisa sa sitwasyun naming dalawa.. Di na ako umaasa sa ngayun kuya Ralph kung napatawad na ba ako ni tengteng… ” ang turan ko sa kanya..
“hahayaan mo na lang ba na bumalik si tengteng sa America na di nasasagot ang mga katanungan mo?.. Gumawa ka ng paraan tanungin mo sya”…papano mo malalaman ang kasagutan kung di mo sya tatanungin?”… Ang turan ni kuya Ralph…
“iwan ko kuya.. Bahala na po”.. Ang matipid kung turan sa kanya..
“may pinagsamahan na kayo ni tengteng..” wag mong hayaang mawala ito.. Be prepared kung anu man ang maging kasagutan nya sayo “… Ang turan ni kuya Ralph sa akin…
Isang matipid lang na tango ang itinugun ko kay kuya Ralph… Samut saring katanungan ang nakahimlay sa aking isipan na nag hihintay ng kasagutan…
” papa, uwi na po tayo”.. ang turan sa akin ni yengyeng na nasa likuran na pala namin ni kuya Ralph…
Napalingun kami ng sabay ni kuya Ralph at nakita ko si yengyeng na nakatayo sa likuran ko at sa likod nya ay nakasunod na nag lalakad sina jasmine at donita…
“ok sige nak..” ang turan ko kay yengyeng..
Napatingin ako kay donita na tila lumungkot ulit ang mata… Ramdam ko ang pananamlay nya.. Alam ko na ayaw nyang pauwiin ang aming anak ngunit nag yaya na si yengyeng na umuwi…
“ahh teng uuwi na kami..”babalik na lang ulit kami dito… Ang turan ko kay donita..
“sige..”.. Ang matipid na turan ni donita ngunit bakas sa mukha nya at mata ang lungkot na nadarama…
Ramdam ko ang lungkot nya sa mga oras na yun alam ko na gusto nya pang makasama si yengyeng ngunit ang aming anak ang nagyaya ng umuwi..
Tumingin ako kay yengyeng at muli ko syang kinausap…
“nak.. Baka pwedeng tumagal muna tayo dito kunti”.. Ang turan ko sa kanya..
“ayaw ko na po pa.. Gusto ko na pong umuwi..” Ang turan ni yengyeng sa akin…
“ok sige nak”.. Ang turan ko.. Wala na talaga akung nagawa pa sa anak ko kundi sumunod nalang sa nais nya..
Tumingin ako kay donita at nag usap kami sa mata.. Tumango sya ng matipid at hinatid kami palabas ng gate..
“sya nga pala teng sasabay na lang din ako kina pao.. Magpapa drop na lang ako sa kanya.. Ang turan ni kuya Ralph kay donita..
” sige kuya”.. Ang matipid na tugon ni donita…
Matapos kaming makapasok sa sasakyan ay kumaway ako kay donita at nag drive na ako paalis.. Kumaway din si donita na tinatanaw kami habang papalayo ang sinasakyan namin…
Matapos kung i drop si kuya Ralph sa kanilang bahay ay di na kami bumaba pa ng sasakyan.. Kumaway na lang ako kay kuya Ralph bilang pag papaalam…
Dumiritso kami kina Cynthia para i drop din si jasmine…
Habang nasa daanan kami ay naka pako ang tingin ko sa kalsada.. Ngunit sa aking isipan ay di matanggal ang alala ni donita kaninang pag uwi namin na nakatayo sa harap ng gate at nakatanaw sa amin habang papalayo ang sinasakyan namin…
Nakadama ako ng lungkot at urge sa sarili na ma kasama sya namin ng aking anak..dama ko ang pighati nya.. Kita ko sa kanyang mata ito kahit di nya sabihin..
Samot saring isipin ang dumadaan sa aking isipan.. At di ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko sa aking pisngi.. Subrang lungkot ang nadarama ko sa sitwasyun namin ni donita na di kami magkasama ng aking anak… Kanya kanya kami ng bahay na inuuwian.. Maganda ang buhay namin bawat isa ay may kanya kanya kaming bahay, maganda ang istado ng aming buhay ngunit di kami mag kasamang pamilya.. Magkahiwalay kaming namumuhay ni donita at ng anak namin.. Napakalungkot ng buhay namin ni donita… Iyun ang bagay na nag palungkot sa akin…
Pinahid ko ng palad ko ang luha ko sa aking pisngi na umaagos sa matinding kalungkutan…
Ilang sandali lang ay nakarating kami sa bahay nila Cynthia…pag dating sa harap ng gate ay bumusina ako, nakita kung lumabas si Cynthia sa loob ng bahay, binuksan nya ang gate at Ipinasok ko sandali ang sasakyan at bumaba sina yengyeng at jasmine..
Patakbo silang dumiritso sa loob ng bahay matapos bumati kay Cynthia at naiwan kami ni Cynthia na nakatayo sa garahe…
“kamusta ang pag bisita nyu kay tengteng pao?”.. I expect na late na kayo uuwi ng gabi but its 7 pm palang.. Ang aga nyu namang umuwi? “.. Ang tanung ni Cynthia sa akin…
” ok naman cynth.. Napaaga kami dahil nag yaya na si yengyeng umuwi. I want to stay longer but she insisted to go home..”..ang malungkot kung turan kay Cynthia…
” ganun ba.. Sigurado akung nalungkot si tengteng sa pag uwi nyu agad… Ang turan ni Cynthia..
” oo nga.. Kita ko sa mga mata nya ang lungkot…lalo pa nung umuwi kami kanina.. Ang turan ko kay Cynthia…
” i see nakakalungkot nga, dama ko ang kalungkutan ni donita… Di mo din naman masisisi si yengyeng na malayo ang loob nya sa kanya dahil sa tagal na panahon na di sila magkasama palagi.. I think it will takes a time para makuha nya ang loob ni yengyeng na maging palagay sa kanya.. “.. Ang turan ni Cynthia…
” kaya nga.. Sa dahan dahan mapapalagay din ang loob ni yengyeng sa kanya.. Tutulungan ko syang lumapit ang loob ng anak namin sa kanya.. Ang turan ko kay Cynthia…
“halika pao pumasok muna tayo at para maka pag usap tayo saglit.. Ang yaya ni Cynthia sa akin at mag kasunod kaming pumasok ng bahay at naupo sa sofa..
” maganda yan pao”.. At least.. Dahan dahan nakaka bonding nya si yengyeng, continue lang palagi na makabonding nya ang anak nyu at di kalaunan ay mapapalapit din ang loob ng bata sa kanya”…. Ang turan ni Cynthia..
Matipid na ngiti lang ang itinugon ko kay Cynthia…
“saan naman kayo namasyal ng mga bata..?”…..