Naupo ako sa hapag kainan at sabay sabay kaming kumain…
“ang sarap ng ganitong kumpleto tayo ngayun na kumakain dito ng tanghalian.. Sana ganito palagi”.. Ang nakangiting turan ni nanay…
Nag katinginan kami ni donita, tahimik lang sya at ngumiti ng matipid at medyo namula ang mukha…
Tahimik din ako at pasimpling padaan daan ng tingin kay donita…
“ang tahimik nyu yata ah?”.. Ang nakangiting turan ni nanay, dahil lahat kami ay halos nakikiramdam lang.. Si yengyeng naman ay inosenting kumakain, wala itung pakialam sa palibot nya at tuloy tuloy lang ang pagkain nya..
“yeng kumain ka ng gulay..”.. Di ka nanaman kumakain ng gulay.. Ayan ka nanaman.. Bibilisan mo nanaman ang pagkain mo ha.. Kain ng gulay apo ko para medyo tumaba ka naman, ang payatot mo, kaunti ka kasi kumain tapos di ka pa kumakain ng gulay.. “.. Ang turan ni nanay kay yengyeng habang inaabot ang mangkok ng ulam..
Kinuha ko kay nanay ang mangkok ng ulam at nilagyan ko ng gulay ang pinggan ni yengyeng..
” tama na po pa.. Madami na po yan.. Di ko na po mauubos yan ikaw na po kakain nyan pag di ko maubos hehe”.. Ang turan ni yengyeng habang naka ngisi..
Nakangiti lang na nakatingin si donita kay yengyeng… Salitan ang tingin nya kay yengyeng at lilipat nya ang tingin sa akin…
“ganyan talaga yan yung mag ama mo teng.. Pag sa kainan yan lalo pag gulay, si pao yung taga salo ng tira ng anak nyu nayan.. Pihikan sa gulay, lagi nya pinapaubos kay papa nya yung tirang gulay.. Haha”… Gulay lang sa pansit yung kinakain at inuubos ni yengyeng, parihas silang mag ama.. Mahilig sa pansit.. “. Ang nakatawang turan ni nanay..
Naka ngiti si donita habang nakatingin kay nanay…
” mamaya po mag papansit po ako nay”.. Ang turan ni donita habang nakangiti..
“yesss.. Talaga ma?!.. Wow makakakain nanaman ako ng pansit..”!!!..ang tuwang tuwang turan ni yengyeng…
“kitam?.. Basta pansit talaga di pahuhuli yang anak nyu hahaha, mukhang pansit parihas sila ng papa nya…”.. Ang palahaw na halakhak ni nanay..
Sabaysabay din kaming nag tawanan lahat..
“sya nga pala teng mabuti pumasyal ka dito”..ang turan ni nanay habang nakatingin kay donita..
“opo nay yayayain ko sana si yengyeng na mamili ng gamit namin na dadalhin sa out of town namin”.. Ang nakangiting turan ni donita..
“gusto kong kasama natin si papa ma..” ang turan ni yengyeng kay donita…
“ahh.. Oo naman nak, isasama natin si papa mo..”.. Ang turan ni donita habang nakatingin sa akin..
“ahh ok.. Sige mamili kayo mamaya.. Mamayang hapon na kayo mamili sobrang init sa labas”..ang turan ni nanay..
“opo nay mamayang hapon na po magluluto muna ako ng meryendang pansit mamaya bago kami mamili..”.. Ang turan ni donita..
“ok.. Patulong ka kay inday mamaya sa pag luluto ng pansit teng”.. Ang turan ni nanay..
Isang ngiti ang tinugon ni donita kay nanay…
“sya nga pala nay”.. Saan kayo galing kanina? “.. Ang tanung ko kay nanay…
” doon sa store mo nak”.. Nag check ako doon at ok naman.. Kaya lang may isang impleyada doon na palagi daw absent ng absent, di ko alam kung may problema sya kaya ganun.. “.. I check mo nga yun anak kung may time ka”.. Ang turan sa akin ni nanay..
“ok nay, i checheck ko lang..”.. Ang turan ko sa kanya…
“may store po si pao?”.. Ang medyo namanghang tanung ni donita kay nanay…
“oo teng naka bili sya ng franchise ng convenience store kaya dito na ako na pako sa bahay nya, di na ako makauwi sa bahay nya sa cavite dahil sa tindahan nya na yan.. Naka attend pa nga si kuya mo Ralph at kuya mo Raul sa opening ng store bago ka umuwi..”.. Ang turan ni nanay kay donita..
“ahh ganun po ba?.. At may bahay din si pao sa cavite?”.. Ang gulat nya ulit na tanung habang naka tingin sa akin…
“oo hindi ba sinabi sayo ni pao?”.. Ang medyo nakakunot na noo ni nanay na nag tataka sa pag kamangha ni donita sa kanyang nasaksihan sa tinuran ni nanay…
“ahh di ko po nasabi kay tengteng nay..”..ang turan ko kay nanay…
“hayy nako, dapat kasi palagi kayung nag uusap, para kayung ngayun lang magkakilala eh may anak na nga kayo.. Ang turan ni nanay habang nakangiti..
Ngiti lang ang isinagot namin kay nanay at nagkatinginan kami ni donita, bakas sa mukha nya na medyo namula sya sa tinuran ni nanay…
Matapos naming kumain ay naupo ako sa terrace.. Si donita ay tumulong kay manang sa pag aayus ng hapag kainan..
Naalala ko ang sinabi ni nanay na konting problema sa store tungkol sa isang empleyada na absent ng absent…
“di na din ako naka punta ng store.. Mapuntahan nga pag may oras”.. Ang bulong ko sa sarili ko..
Habang samut sari ang aking iniisip ay nakita kung dumaan si donita sa aking harapan at umupo sa kabilang sofa na kaharap sa aking kinauupuan..
“ang dami mung tinatago paolo, dami mo pang hindi sinasabi sa akin ah”.. Ang turan ni donita sa akin habang nakatingin sa akin…
“ngayun nalaman mo na teng”… Pasensia ka na di ko nasabi sayo.. “.. Ang turan ko sa kanya..
” siguro dinadalhan mo ng babae ang bahay mo sa cavite kaya kumuha ka ng bahay doon no?! “.. Ang pabulong na turan nya sa akin..
Natawa ako sa tinuran ni donita..
” nag seselos ka ba teng? “.. Ang naka ngiti kung turan sa kanya…
Medyo namula sya at di makatingin sa akin…
” hindi ah.. Bakit ako mag seselos.. “di mo naman ako asawa..”.. Ang pabulong nya paring turan habang di sya tumitingin sa akin ng deritso..
“sa ngayun but soon asawa na..”.. Ang medyo mabilis at mahina kung turan sa kanya..
“anung sabi mo?!.. Ang tanung sa akin ni donita na nakakunot ang noo na naka titig sa akin…
” wala ang sabi ko maganda ka kaya lang mahina ang tinga.. “.. Haha.. Ang nakatawa kung turan sa kanya…
” hoyyy paolo wag mo akung pinag luluko ha.. May narinig ako di lang klaro..”.. Ang turan nya habang nakaturo nanaman ang hintuturo sa mukha ko…
” ikaw teng masyado kang selosa at brutal.. Tanung ka ng tanung, ako naman ang mag tatanung sayo ngayun..”.. Bakit inilihim mo sa akin ang pinagawa mung bagong bahay, ang bago mung sasakyan..”.. Anu ang rason mo para mag lihim sa akin teng?”.. Ang turan ko sa kanya na nakatitig ako sa mata nya…
Natigilan sya at tahimik syang nakatingin sa akin…
” may asawa ka na ba sa America? “kaya nag pagawa ka ng ganun kalaki at kagarang bahay at brand new na sasakyan?”.. Ang sunod sunod ko na tanung sa kanya…
Isang napakalakas na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi.. Malakas ito na nakapagdulot sa akin ng mainit na pakiramdam…
Seryuso ang kanyang mukha at napakatalim ang titig nya sa akin…
” magtanung ka ng maayus at wag mo akung husgahan agad sa mga tanung mo!!!”.. Ang turan ni donita habang nakatitig sa akin ng matalim..
Pagkatapos ay umalis sya sa aking harapan at pumasok sa loob ng bahay…
Di ako nakasagot habang nakalagay ang kaliwang palad ko sa aking pisngi…
Napailing nalang ako sa tinuran at reaksyun ni donita sa pagsampal nya sa akin… Di ko maintindihan ang huling tinuran nya at di ko maintindihan kung bakit sya nagalit sa aking tanung sa kanya at nasampal nya ako ng buong lakas…
“sorry teng at nasubrahan yata ang pagtatanung ko..”pero bakit di nya ako sinagot sa mga katanungan ko.. Ang bulong ko sa sarili ko…
Ilang saglit lang ay pumasok ako sa loob.. Nadatnan ko si donita na nag luluto ng pansit kasama si manang..
“wow ang sarap ng niluluto nyu ah” .. Ang turan ko habang kumukuha ako ng kape…
Di sumasagot si donita at di ito tumitingin sa akin… N…