Matapos maka pamili sina donita at yengyeng ay inilagay muna namin sa baggage counter ang mga pinamili namin at nag ikot ikot muna kami sa mall..
Kakaiba ang araw na yun dahil yun ang unang pagkakataon na magkakasama kaming tatlo ng anak ko at ni donita…
Habang unti unting gumaganda ang sitwasyun namin ni donita ay di ako mapalagay sa kaiisip tungkol kay beth.. Di maalis sa aking isipan ang napipintong problema kung kakaharapin…
“papa kain muna tayo ng hapunan gutom na ako..” ang turan ni yengyeng habang nakayapos ang kaliwang kamay sa aking braso at ang kanang kamay ay naka hawak kay donita…
“sige nak”.. Saan mo gustong kumain tayo? “.. Ang nakangiti kung tanung kay yengyeng…
” doon pa sa favorite kung kainan”.. Sabay nya turo sa pamilyar na kainan.. Pangatlong punta na namin ito dito, at sa pag kakataong ito ay mag kasama na kaming tatlo ni donita at yengyeng..
Naka titig lang si donita sa kainan tila may inaalala sa kanyang isipan sa mga oras na yun.. Nakita kung nakapako ang kanyang mga mata habang nakatayo at naka tingin lang sa pangalan ng kainan..
“pao.. Naaalala ko ito..”.. Ang turan ni donita na nakatingin sa akin..
“oo teng ito nga yun”.. Ang turan ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanya…
naramdaman ko nalang ang kaliwang kamay ni donita na ginagap ang kanang kamay ko.. Pinagsalikop nya ang palad nya sa palad ko…
Nakatingin lang ako at nakiramdam sa kanyang ginawa.. Matapos nyang mahawakan ako sa kamay ay magka hawak kamay kaming pumasok sa kainan at umupo sa lamisa kung saan nag hihintay na nakaupo ang aming anak…
“oorder muna ako teng..”.ang turan ko kay donita..
“ako nalang pa ang oorder.. Hehe”.. Ang nakangiting turan ni yengyeng sa amin ni donita…
“ok sige nak”.. Ang tugon ko na nakangiti habang inaabot ko sa kanya ang pirang pang bayad sa oorderin nyang pagkain naming tatlo…
Matapos nyang maabot ang pera ay pumunta na sya ng counter para omorder ng aming pagkain…
Magkasabay naming pinagmasdan ni donita ang aming anak na papalayo sa amin..
“parang kilan lang pao at tayo ni Cynthia ditong tatlo ang kumakain, ngayun tayung tatlo na nang anak natin..”.. Ang turan sa akin ni donita habang nakangiti na nakatingin sa akin…
“oo teng di ko makalimutan ang araw na yun.. Pati ang kainan na to…”… Ang turan ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanyang mata…
Nakatitig din sa aking mga mata si donita, kita ko ng mamula ang kanyang mata na animoy iiyak…
Hinawakan ko sya sa pisngi at akma akung magsasalita ay biglang pagdating ni yengyeng na hawakhawak ang isang tray na puno ng pagkain…
“ito na ang order po natin”… ang turan ni yengyeng na daladala ang isang tray ng pagkain..
Napabalikwas ako at tinulungan ang aming anak sa kanyang dala..
“saglit lang po pa meron pang isang tray pa.. Ang nakangiting turan ni yengyeng..
” ako na nak.. Tumabi kana lang dito kay mama mo.. Ang turan ko kay yengyeng at sabay ko punta sa counter at kuha ng isang tray pa na kanyang iniwan….
Matapos kung makuha at mailapag lahat sa aming lamisa ang pagkain ay masaya kaming kumaing tatlo ni yengyeng…
“anak ang dami mo namang inorder na pagkain baka di natin maubos ito..” ang naka ngiti kung turan kay yengyeng na panay ang subo at mahahalata na gutom na gutom..
“anak dahan dahan sa pagkain baka mabulunan ka..”.. Ang nakangiting turan naman ni donita..
“gutom na gutom po kasi ako ma sa kakaikot natin.. Mauubos po natin yan.. Kakain na po ako ng marami ngayun para tumaba ako sabi ni lola payatot po kasi ako eh..haha!!”.. ang nakatawang turan ni yengyeng..
“haha.. Maganda yan nak.. Ngunit wag mung biglain ang pagkain baka di ka matunawan nyan..”.. Ang turan ko kay yengyeng na nakatawa…
Nagtawanan kaming tatlo at masayang kumain ng hapunan habang nag kukuwentuhan…
Matapos kaming kumain ay naglakad lakad kami saglit at bandang huli ay nag pasya na kaming umuwi dahil nag yaya na si yengyeng na umuwi na kami dahil napagod na daw sya sa kakalakad..
Matapos na makuha namin ang lahat ng napamili ay dumulog na kami sa sasakyan at umuwi na..
“anak pwede ba akung maka tulog mamaya sa kwarto mo?”.. Ang tanung ni donita na nakangiti habang nakalingun sa likod kay yengyeng…
“ok lang po ma”.. Ang nakangiting turan ni yengyeng kay donita..
“salamat nak”.. Ang turan ni donita na nakangiti..sabay nya tingin sa akin…
Nakangiti rin akong napatingin sa kanya.. Dama ko ang tuwa sa kanyang puso.. Naka ramdam din ako ng tuwa dahil alam ko na gutom si donita sa oras na makasama nya ang anak namin,at naiintindihan ko sya at natutuwa ako na dahan dahang lumalapit ang loob ni yengyeng sa kanya.. Bilang ina ay napakalaking bagay ito na maging maayos ang relasyun nilang dalawa ng aming anak….
“pao.. Pwde muna tayung dumaan sa bahay?”.. Kukunin ko nalang ang ibang gamit ko na dadalhin dahil bukas din naman na ang alis natin para sa out of town.. Di nalang ako uuwi mamaya sa bahay at doon nalang ako sa kwarto ni yengyeng matutulog”…ang turan ni donita sa akin habang nakangiting naka tingin sa akin…
“sure teng”..dadaan tayo”.. Ang naka ngiti kung turan sa kanya…
Ilang sandali lang ay nasa harap na kami ng bahay ni donita…
Matapos kung maitabi at maparada sa harapan ng bahay nya ang sasakyan ay bumaba muna kaming tatlo at pumasok sa kanyang bahay…
Dumiritso si donita sa kanyang kwarto para mag ayus ng dadalhin nyang mga gamit kinabukasan sa out of town namin…
Nakatayo nanaman ako sa harapan ng wall frame kung saan nakalagay ang samut saring litrato na nakalagay doon.. Di ko pa din maintindihan ang mga litrato na yun..
“halikana pao”.. Ang narinig ko na turan ni donita mula sa aking likuran..
“ahh ok teng”.. Ang turan ko na napa lingun ako bigla sa kanya na dyan na pala naka tayo sa aking likuran…
Pagkabalik namin sa sasakyan ay Dumiritso na kaming umuwi sa bahay…
Habang nag da drive ako ay tahimik lang akong naka tingin sa daanan ngunit samut saring katanungan nanaman ang nag lalaro sa aking isipan kung anu ang mga nasa litrato na yun, kung anu ang koniksyun nun kay donita..
“ok ka lang pao?”.. Ang turan ni donita na bumasag sa aking katahimikan…
“ok lang ako teng..”.. I’m good.. “ang naka ngiti kung turan sa kanya..
Gusto ko man liwanagin at mag tanung sa kanya ngunit iniwasan ko nalang dahil baka masubrahan nanaman ako nang pag tatanung sa kanya at ikagalit nya nanaman at maging dahilan nanaman ng aming tampuhan na aking iniiwasan sapagkat unti unti ng nagiging maayus ang lahat sa amin ni donita at ayaw ko iyung masira…
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa bahay.. Gaya ng dati ay nakaabang nanaman si nanay sa terrace.. At pinagbuksan nya kami ng gate.. Matapos kung mapasok at maia…