Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.. Di sya sumasagot at nakatitig lang sya sa akin…
Medyo nakakaramdam ako ng pagkadismaya dahil sa di nya pag sagot at nakatitig lang sya sa akin…
Inihanda ko na ang aking sarili sa sasabihin nya kung itoy di na naman kaayaaya.. Nakita kung medyo namumula ang kanyang mga mata..
Kinuha ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik ang tingin ko sa kalsada…tahimik lang akung nag mamaniho at di nasasalita.. Nag hihintay ako sa mga sasabihin nya sa akin..
“pao.. Ako ang dapat humingi ng tawad sa iyo.. Dahil sa ginawa ko sayo dati.. Di kita pinatawad noon dahil masyadong nasaktan ako sa pagkawala ng aking mga magulang at kapatid kahit na ang may kasalanan pala ay si kuya alex.. Naging bingi ako at naging bulag sa katutuhanan dahil di ako makapaniwala na nagawa ni kuya alex yun dahil si tess ang katabi mo sa kama ng gabing pumunta sina papa at mama..”ang turan nya na umaagos na ang luha sa kanyang mga mata..
Tahimik lang ako na nakikinig sa kanya…
” kaya pala gustong gustong dalhin agad ni kuya alex sina mama at papa nung gabing iyun dahil may plano na pala sya dahil ang gusto ko ay huwag nang dalhin sina mama at papa at tayo nalang ang pupunta sa kanila kasama tayung tatlo ni kuya alex ngunit pinipilit sa akin ni kuya alex na dalhin nalang daw namin sina mama at papa papunta sa boarding house natin.. “… Iyun pala ay may nag hihintay na pala syang plano na di ko alam… Huhuhu”!!!!.. Ang iyak ni donita habang naka tingin sya sa kalsada at binabalik salaysay ang nangyari ng gabing iyun…
“di ako maka paniwala na gagawin yun ni kuya alex..”.. Ang turan ulit nya….
“hayaan mo na yun teng.. Nangyari na iyon at matagal na panahon na yun… Napatawad ko na din si kuya Alex sa kanyang ginawa..wala na sya kaya minarapat ko na patawarin na lang sya… Wala kang dapat ihingi ng tawad dahil nabiktima ka lang at ako sa pangyayari na ginawa ni kuya alex.. Ngunit tapos na yun at kilangan na nating kalimutan yun at ayusin na natin ang ating pamilya dahil may anak na tayo teng…ang turan ko na umaagos na din ang mata ko sa luha..
Dahil sa mga luha sa aking mata ay minabuti ko munang iparada at ihinto ang sasakyan namin dahil hindi ako maka pag fucos ng maniho sa mga oras na yun dahil bumalik sa aking alaala ang sakit ng pinag daanan namin ng mga oras nayun…
Pati si donita ay humagulgol na din ng iyak.. Nakahawak sya nang madiin sa aking mga kamay…
“tama na teng wag ka nang umiyak”.. Ang turan ko sa kanya at kinabig ko ng kanang braso ko ang ulo nya at isinubsub ko sa aking dibdib…
Yumakap na din sya sa akin at umiyak sa aking dibdib.. Animuy ibinuhus nya ang kanyang sama ng loob sa mga oras na yun.. Damang dama ko ang sakit na nadarama nya sa kanyang pag iyak sa aking dibdib.. Naawa ako kay donita at yakap ko lang sya sa mga oras na yun at hinayaan lang na mailabas nya ang kanyang pag iyak…
Matapos na syay mahimasmasan ay aking pinahid ng tissue ang kanyang luha.. Kinuha nya ang tissue sa akin at pinahid nya ang natirang luha sa kanyang mata at pisngi..
Parang lumiwanag ang mukha ni donita ng matapos syang makaiyak.. Nakita kung parang umalpas ang nakatagong hinanakit sa kanyang puso sa mga oras na yun..
“pao sorry kung iniwan ko kayo ng anak natin, dapat sana ay hindi nalang ako pumunta ng America, hindi ko akalain na malalayo ang loob ni yengyeng sa akin..” para sa atin ang ginawa ko kaya pumunta ako ng America.. Ang bahay na pinatayo ko at pati itong sasakyan ay para dapat sa atin yun ng anak natin… Ngunit di ko lubos akalain na naging maayus ang buhay mo na kasama ang anak natin at madami ka ding naipundar… Hikahos ang pamunuhay nyu dati pao kaya dati palang ay gusto ko na guminhawa ang buhay natin pag nag sama tayo”… Ang turan ni donita..
“nag sikap ako teng dahil sa anak natin akala ko ay di mo na ako mapapatawad kaya nag sumikap ako na maayus at makaangat ang buhay namin ni nanay dahil alam mo naman ang buhay namin dati.. Ang hirap na pinagdaanan namin sa buhay at ang anak natin ang dahilan kaya kahit nawala sa akin ang scholarship at nawala ka sa akin ay patuloy akung nagsumikap at sa ilang taun na pabalikbalik ko sa barko at sa tulong ni nanay na humahawak ng aking pira ay dahan dahan akong nakaka pundar at nakakaipon ng pira at ang huling pinakamalaking pinundar ko ay ang pag bili ko ng franchise ng convenience store na kakabukas pa lang.. “.. Ang turan ko kay donita…
” hanga nga ako sayo pao”.. Hanga ako sa pag susumikap mo at lalong hanga ako sa pag papalaki mo kay yengyeng.. Naiinggit ako dahil pinalaki mo sya ng maayus samantalang ako ay malayo sa kanya… “.. Ang turan ni donita na muling namumula ang mata na nakatingin sa akin..
” mahirap din ang naging buhay ko sa America,.. Pumasok ako bilang nurse sa isang hospital.. At ang tiya ko ang nag pasok sakin doon sa hospital na pinapasokan ko, sya ay kapatid ni mama, sila ng asawa nya ay may kumpanya, sila ang kumukuha ng vedio footage ng mga nag hihearing ng mga kaso at may kumpanya din ng mga volunteers na tumutulong sa mga mahihirap na mga bata sa ibat ibang remote places sa bansa… May kaya ang kanyang asawang Americano ngunit sa kasamaang palad itoy namatay dahil sa sakit na cancer, dahil sa katandaan na nito ay di na kinaya ng kanyang katawan ang sakit nito kayat itoy pumanaw atkay tita at sa kaisa isang anak nila napunta ang lahat ng asset ng asawa nya at ang kumpanya nila, ngunit ang masaklap ay ang nag iisang anak nila ng asawa nila ni tita ay may deperinsya sa pag iisip at sa kalaunan ay pumanaw din ito.. Dahil doon sa pangyayaring yun ay masyadong nasaktan si tita at napabayaan na nya ang kanyang kumpanya at ito ay di nya masyadong nakayang patakbuhin ang lahat ng kanyang negosyo na sya lang mag isa kaya ako ang kanyang tinawag na tumulong sa kanya dahil ako lang ang sulo na kamag anak nya doon.. Ako ang nag manage ng kumpanya ng aking tita at magkatulung kaming dalawa sa pag taguyod ng kanyang kumpanya at sa aking paghawak ay sinuwerte ang kumpanya at lalong lumaki…
Sa kalaunan dahil medyo may edad na si tita ay dahil panganay sya nila mama kaya sa akin na ipinagkaloob ni tita ang lahat ng kumpanya nya dahil wala syang anak at ako lang ang sulong pamilya nya… Parang anak ang turing sa akin ni tita at parang mama na din ang pag aalaga ko sa kanya… Ako din ang naka hands on sa volunteers company nya at ako ang mismong pumupunta kasama ng iba naming impleyado na namimigay ng tulong sa mga mahihirap na mga tao sa ibat ibang panig ng mundo.. ” ang salaysay ni donita…
” iyun ba yun teng ang nakita kung mga litrato na naka dikit sa malaking wall frame sa bahay mo? “.. Ang tanung ko sa kanya..
” oo pao yun ang mga taung natulungan ng companya ni tita.. Ayaw nya sana akung pasamahin sa field ngunit gus…