Utang Na Loob (62)

Continuation…

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay lyn at pinagmasdan ko ulit ang kanyang mukha…nakadama ako ng saya dahil sa unang pag kakataon ay nahagkan ko ang anak namin ni beth…

Tumingin si lyn kay beth at mababakas sa mukha nya ang pag ka gulat dahil sa pag iyak ni beth habang nakaharap sa amin..

“bakit po nay?”.. Bakit po kayo umiyak? “.. Ang inosenting turan ni lyn kay beth…

” wala lang anak.. Naalala ko lang ang kalagayan ng iyung ama..”bakit ka pumunta dito anak diba pinupunasan mo si tatay?..” gising na ba sya nak?.. “.. Ang sunod sunod na tanung nito kay lyn habang pinupunasan nya ng kanyang palad ang luha nya na umaagos sa kanyang pisngi…

” tulog pa po si tatay nay eh.. Kaya lang po gutom na kasi ako kaya yayayain ko po sana kayung kumain…” Ang turan ni lyn…

“mauna ka na lang nak at kinakausap ko pa si sir pao.. Susunod na lang ako sa iyo.. Ang turan nya kay lyn…

” opo nay.. ” ang turan ni lyn… At tumingin sya ulit na naka ngiti sa akin…

Sinundan ko ng tingin si lyn habang papalayo sa amin ni beth…

Tumingin ako ulit kay beth na muli na namang tumulo ang luha na bumaybay sa kanyang pisngi…

Niyakap ko si beth at hinaplos ang kanyang likod.. Hinayaan ko muna syang umiyak… Sinubsub nya ang kanyang mukha sa aking dibdib.. At umiyak sya ng tudo habang yumakap na din sya sa akin…

Ilang sandali lang ay medyo na himasmasan na sya at kusa syang kumalas sa aking pag kakayakap…

“pasensia na pao… Nabasa ko ang t-shirt mo sa dibdib ng luha ko.. Ang turan ni beth ng medyo mahimasmasan na sya…

” ok lang beth.. “… Ang turan ko..

Tumitig si beth sa aking mga mata.. Nag sa lubong ang aming tingin..

” anak mo si lyn pao”.. Ang turan ni beth sa akin habang naka tingin sya sa akin…

“akala ko sabi mo sa akin ay safe ka nung time na yun nung nag niniig tayo.. Yun pala hindi ka pala safe ng oras na yun?”.. Ang turan ko kay beth habang naka titig ako sa kanya…

“hindi ko alam pao”.. Yun din ang pag kakaalam ko.. Gulung gulo ang isipan ko ng gabing iyon.. Galit na galit ako sa bf ko nung time na yun.. Dispirada ako.. Galit ako sa mundo at naka inum ako.. Ikaw lang ang unang pumasok sa isipan ko nung oras na yun kaya sa iyo ako pumunta para mag labas ng sama ng loob.. Di ko alam kung bakit ipinagkaloob ko ang sarili ko sayo, pero isa lang ang alam ko, gusto kita at ginusto ko ang nangyari sa atin.. Di ko pinag sisisihan kung nabuo ang isang gabing pinagsaluhan nating dalawa.. Kung nabuo si lyn.. Masaya ako dahil sa pamamagitan ni lyn nakikita kita sa tuwing nakikita ko si lyn.. Ang turan ni beth na mahahalata nanaman ang namumuong luha sa kanyang mga mata…

“alam ba ng mister mo na di nya anak si lyn?”.. Ang tanung ko sa kanya..

“di nya alam pao..” pag kauwi ko sa aming probinsya ay nakita ako ni Roger at nanligaw sya sa akin ngunit isang buwan na akung buntis noon.. Dahil sa takot ko sa magulang ko nung nalaman ko na buntis ako ay sinagot ko kaagad si Roger… Lingid sa kaalaman nya na buntis ako.. Nag asawa kami at tuwang tuwa sya nung malaman nya na buntis ako.. Ang pag kakaalam nya ay sya ang naka buntis sa akin, tuwang tuwa sya ng lumabas si lyn.. Mahal na mahal nya si lyn na parang tunay nyang anak.. Di ko na sinabi pa sa kanya ang katutuhanan dahil baka masaktan pa sya kung sasabihin ko sa kanya ang katutuhanan kaya hinayaan ko nalang na maging sikreto ang lahat dahil mahal na mahal nya naman si lyn at tunay na anak ang turing nya kay lyn.. Tuwang tuwa naman ako dahil naging mabait sya sa akin at kay lyn.. Mahal na mahal nya ako at sa kalaunan ay minahal ko na din sya ng buong puso… Ngunit di na nasundan si lyn di na kami nakabuo hanggang ngayun.. At ngayun humaharap ako sa hirap at pighati dahil nag kasakit si Roger..wala akung ibang hiling kundi na gumaling sya at maging masaya ulit kami at makasama pa namin sya ng matagal ni lyn kahit di marangya ang aming buhay… Ang salaysay ni beth na umagos na naman ang luha sa kanyang mata…

naka ramdam ako ng awa kay beth..gayun pa man ay nakaramdam din ako ng tuwa dahil sa isang banda ay minahal ni Roger ang anak namin ni beth kahit di nya anak ito.. Di ko din masisisi si beth kung itinago nya ang katutuhanan kay Roger…

Di ako nakapagsalita.. Niyakap ko si beth, nakadama ako ng awa sa kanya…

“pao”.. Huwag kang mag alala.. Di ako humihingi ng sustento kay lyn kahit alam mo na na anak mo sya.. At sanay wag mo kunin sa akin si lyn at wag mo nang sabihin kay Roger ang katutuhanan na namagitan sa ating dalawa… Isa lang ang hiling ko na sana ay ma operahan na si Roger at maka survive sya para bumalik sa normal ang aming pamumuhay.. “… Ang turan ni beth…

Tahimik lang ako at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya… Tinitigan ko sya sa mga mata..

” masaya ako dahil mahal ni roger ang anak natin.. Wag kang mag alala at magiging lihim ang lahat… May asawa na din ako at anak.. Di nya din alam ang tungkol sa atin.. Tutulung ako sa pinansyal sa pag papa opera kay Roger, gagawin ko ang lahat para maka survive sya para sa inyo ni lyn.. Dahil kapakanan ng anak ko ang nakasalalay kung gagaling si Roger”.. Ang turan ko kay beth…

“salamat pao..” wag kang mag alala pao.. Babayaran ko ng sweldo ko sa pag tatrabaho ko sa tindahan mo ang itutulong mo sa pag papa opera kay Roger… “.. Ang garalgal na turan ni Beth na nag babadya nanaman ng pag iyak..

” wag na beth..tulo…